CHAPTER 25
Chapter 25: The parents’ Plan
NAPAPAHIKAB ako sa biyahe pa lamang namin at talagang inaantok ako. Nakailang beses na rin siyang sumusulyap sa gawi ko.
Ang talukap ng mga mata ko ay susuko na rin any moment. Ganito rin ako kanina sa classroom namin. Kung hindi lang ako kinukulbit ni Vira ay baka tuluyan na akong nakatulog kasi nag-d-discuss pa ang teacher namin.
Napansin ko na ganito rin madalas ang mommy ko noong pinagbubuntis pa lamang niya ang baby siblings ko. Antukin din talaga siya.
“Bati na ba tayo, Francine?” Nabigla naman ako sa tanong ng kasama ko.
I glanced at him. “Ano’ng bati na tayo?” curious kong tanong. Focus na rin siya sa pagda-drive niya. Malamlam ang mga mata niya at ilang beses pang umalon ang adams apple niya.
“Hindi ba iniiwasan mo ako at galit ka rin sa ’kin?” muling tanong niya. Napahawi ako sa buhok ko at napahikab na lamang ulit ako.
Totoo naman na iniiwasan ko siya at galit din ako sa kaniya. Sa ginawa ba namin ay sino ang hindi magagalit, ’no?
“Guilty ako sa nangyari sa atin kasi may girlfriend ka na. Lumalabas na parang kabit mo ako,” seryosong sabi ko at nasundan ng mga mata ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel ng sasakyan niya. “Ano ba talaga ang status mo ngayon, Kuya? It was true na break na kayo ni Calystharia? At ako ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay, ’di ba tama ako?”
Hindi siya agad nakaimik sa tanong kong iyon, kaya totoo nga na ako pa rin ang dahilan ng break-up nila. Mas lalo akong ma-gi-guilty nito. Babae rin ako at alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan ka sa lalaking mahal mo.
What more na kaya kung makagawa pa ng isang kasalanan ang boyfriend mo at malalaman mo pang nakabuntis siya? Sa naisip ko na ganoon ang mangyayari ay hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala kay Calystharia. Gusto ko tuloy siyang makausap in person.
“I can’t stay with her kung alam kong. . . I cheated on her and she’s very angry to what I did. I love her, Francine.” Sumikip lang ang dibdib ko sa narinig.
“Nagsisisi ka na ba?” mahinang tanong ko at napahawak na lamang ako sa seatbelt ko. Diretso lang ang tingin ko at ang backpack ko ay nasa dashboard. Inilagay niya iyon doon.
“No,” mariin na sagot niya. I remained silent dahil wala naman akong masasabi pa.
When we reached the store, he immediately stop his car at the parking space, bumaba rin agad siya. Wala naman akong balak na umalis sa kotse niya. Umikot nga lang siya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
“Dito na lang ako,” I told him pero kinalas niya lang ang seatbelt ko. “Sabi nang dito na lang ako. Tinatamad akong maglakad, eh,” reklamo ko but hindi niya ako pinapakinggan.
“Maraming nagkakaroon ng aksidente kahit nasa loob ka pa ng sasakyan at naka-park lang dito, Francine. I can’t afford to leave you here alone. You’re pregnant. Mas mabuting isama na lamang kita sa loob.” Napanguso na lamang ako.
Good God, naka-uniform pa nga ako tapos sasabihin niya talaga na buntis ako.
“Ano ba kasi ang bibilhin mo rito at isinama mo pa ako, ha?” malamig na tanong ko at nagdadabog na bumaba pa ako sa sasakyan niya.
“Be careful naman,” aniya.
Nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa baywang ko ay pasimple kong tinanggal iyon. Ang dami pa namang tao at baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Naka-uniform pa nga ako at siya itong mukha ng professional. Ibinalik niya lang iyon.
“Huwag ka nga riyan humawak. Ang daming tao, oh!” aniko na pabulong lang ang pagsambit ko. Itinuro pa iyon ng nguso ko.
He took a deep breath and he removed his arm against my waist pero naramdaman ko pa rin iyon sa likuran ko.
Maraming customer sa store kaya naman kapag may madaraanan kami ay pupuwesto siya sa likuran ko at ibabalik lang niya ang braso niya sa baywang ko. Hindi ko na siya sinuway pa. Ang OA niya lang. Kainis siya.
“This is what I want to buy,” he said at kinuha ko iyon mula sa kaniya. It’s a book.
“This is for pregnancy?” kunot-noong tanong ko at pinasadahan ko pa ang section na pinasukan namin. Hanggang sa mapako ang aking tingin sa isang bagay na iyon. Naglakad ako patungo roon at sumunod naman siya.
Hinaplos ko ang tela na color blue. “Ang ganda nito,” bulalas ko at idinikit ko sa pisngi ko ang malambot na tela. Masarap sa pakiramdam na parang makatutulog ka agad. Napangiti ako. “Ang lambot niya,” sabi ko pa at hinarap ko siya.
Idinikit ko rin iyon sa kaniyang pisngi at hindi ako nahirapan na abutin siya kasi nga humilig siya palapit sa ’kin.
“Tela lang naman iyan, eh,” he commented.
“Yup. Gusto kong magburda,” wika ko nang mapatingin ako sa kagamitan ng pagbuburda. May mga ganito rin naman si mommy sa house namin. Kompleto pa. Excited akong makitang suot-suot niya ang kung ano man ang buburdahin ko.
“Bilhin na natin ’yan,” aniya at kinuha niya ang materials.
Napatitig naman ako sa baby bottle na kulay asul din. Super liit niya. Sa naiisip ko na someday, magagamit nito ang baby ko ay parang na-e-excite na ako.
“Cute,” I uttered.
“Kunin na natin iyan?” Tumango ako sa tanong niya at ibinigay iyon sa kaniya. “May gusto ka pa bang bilhin?”
“Wala na. Iyan na muna sa ngayon,” sagot ko at saka kami pumunta sa counter para magbayad ng bills namin.
Matagal pang tumitig ang babae sa ’kin. Kasi baka iniisip niya na buntis ako. Student pa nga pero magiging young mother na. Iba nga talaga ang masasabi niya.
“Kuya ko siya.” Tinuro ko pa si Kuya Khai. “Wife niya po ang buntis. ’Di ba po, Kuya Khai?” Umawang ang bibig ng babae nang ma-gets ko nga ang tingin na ibinibigay niya sa amin. Hindi naman ako stupíd para hindi ko agad maintindihan iyon.
“Hmm?” tugon niya at napakurap-kurap pa siya. “What?”
I chuckled at hindi na ako nagsalita pa. After that ay umuwi na rin kami. Kahit kasama ko naman siya na magsasabi tungkol sa pagbubuntis ko ay pinagpawisan pa rin ang mga palad ko at nanginig na agad ang mga binti ko.
***
NAKAGAT ko ang daliri ko at napatingin na lamang ako sa labas. “Don’t do that,” suway ni Kuya Khai at tinanggal niya ang kamay ko saka niya ako inalalayan na makababa. “Nanlalamig ang kamay mo,” aniya at dinala niya iyon sa pisngi niya para yata painitin.
Mabilis kong binawi. “Sino ang hindi kakabahaban? Malalaman ng pareho nating parents iyong pinaggagawa nating dalawa,” aniko at pinanliitan ko pa siya ng mga mata.
“Matagal na nilang alam iyon, Francine. Hinihintay na lang nila kung may mabubuo ba ta—” Mabilis kong tinakpan ang magkabilang tainga ko para hindi ko na siya marinig pa. Kasi alam kong namumula na naman ang cheeks ko.
Natatawang humalik lang siya sa pisngi ko at inakay na niya ako papasok sa house namin. Mabagal pa ang paglalakad namin kasi nag-aalalangan din ako na harapin ang parents ko ngayon. Kulang na lang ay buhatin niya ako para lang makarating na kami agad. Dala-dala pa nga niya ang paperbag na naglalaman ng tela at materials para sa pagburda.
Alam ko naman kung paano magburda. Kasi nga ay mana rin ako kay mommy.
Parang nabuhusan tuloy ako ng malamig na tubig pagpasok namin, kasi nandoon na rin ang parents niya at mga kapatid. Na mukhang nagkasayahan pa sila. Kumakain na rin sila ng meryenda nila.
“Good afternoon po,” bati ni Kuya Khai para makuha ang atensyon nila lahat.
“Nandiyan na pala sila,” narinig kong sabi ni Ninang J at hindi ko na magawang lumapit pa sa kanila para humalik sa pisngi nila.
“May sasabihin daw kayong dalawa kaya maupo na kayo,” ani daddy. Malaki ang living room namin kaya marami at malaki rin ang sofa namin. Umupo kami sa tapat nila at nang mapatingin ako kay Seth ay nahawa lang ako sa ngiti niya. Parang ang saya ng isang ito, ah.
Tiningnan ko naman si Kuya Khai at inilabas niya ang pregnancy test ko. Nakasuksok iyon sa coat niya. I bit my lower lip nang ilapag niya iyon sa center table at dahil si daddy ang mas malapit ay siya ang unang kumuha niyon.
Salubong ang kilay ng aking ama habang sinusuri niya iyon. He reached out that thing over my mom, and her eyes widened in shocked.
Inabot naman iyon ni Ninang J at humarap siya kay Tito Rykiel. “Hon, this is pregnancy test,” she said.
“Does it mean Francine is pregnant? And the father is our son?” gulat na tanong ng daddy ni Kuya Khai.
Napayuko na lamang ako dahil wala na silang sinabi pa. Ilang minutong naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Wala ni isa ang gustong magsalita, na kahit ang mga bata ay nanatiling nakatikom lang ang kanilang bibig at tahimik na pinapanood lang kami.
Si daddy na ang pumutol sa katahimikan na iyon. “So, what’s your plan?” he asked.
Kakagatin ko na sana ang daliri ko nang pinigilan ako ni Kuya Khai. Hinawakan niya iyon.
“Alam niyo, mga anak? Hindi kami manghihimasok sa inyo. Kung ano man ang plano niyong dalawa ay rerespetuhin namin iyon at tatanggapin namin,” sabi naman ni Tito Rykiel. Napakaseryoso rin ng boses niya.
“Pero dahil bata pa si Francine at nag-aaral pa siya ay kami na muna ang mag-iisip ng paraan,” ani naman ng ninang ko.
“Matagal na naming pinag-usapan ito. Wala lang ang presensiya niyong dalawa. Kami na muna na matatanda ang nag-usap-usap. Marami kaming plano para sa inyo, pero hindi namin kayo pareho pipilitin sa isang bagay na baka pagsisisihan niyo in the end,” mahabang sambit ni Daddy. Talagang pinag-usapan na nga nila ito nang mabuti.
“Puwede kayong magsamang dalawa sa iisang bubong pero sa bahay lang natin, Francine. O sa bahay ng ninang mo. Hindi kami pabor sa live-in kahit na magkakaanak na kayo,” seryosong sabi ni mommy. Ngayon lang siya nagkaganito, mas bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.
“We are protecting your reputation and also, para wala tayong maapakan na isang tao. Aware naman kayo sa realidad, right?” ani naman ni Ninang J. “Na isa pa, there is a young and innocent woman ang nasaktan sa ginawa niyo.” Si Calystharia.
“What do you think, son? Are you agree with the settlement?” his father asked him.
“Walang arrange marriage ang magaganap. Unless na ginusto niyong dalawa,” wika pa ni dad.
“It’s okay for me, Dad, Tito. Baka hindi ko rin po mabantayan talaga si Francine dahil sa trabaho ko. Kapag naging busy ako ay hindi naman po ako mababahala na maiiwan siya sa bahay dahil nandito naman po kayo na titingin sa kaniya at mag-aalaga. Pag-iisipan ko pa ho nang maayos ang plano namin. Kung mayroon na ay saka ko sasabihin,” mahabang saad ni Kuya Khai.
“Salamat naman at naintindihan mo, anak,” ani Ninang J at ngumiti ito sa ’kin. “Congratulations, hija. Huwag kang matakot sa pagbubuntis mo. Nandito naman kami ng mommy mo para alagaan at turuan pa sa mga gagawin mo bilang isang ina.”
Mabilis na nangilid ang mga luha ko at bigla-bigla ay nagiging emotional na ako.
“Thank you po, Ninang.” I looked at my mother.
She stood up and approached me. She sat down beside me at nag-uunahan na agad ang pagpatak ng mga luha ko.
“Congratulations, honey. Don’t be guilty, Francine. Blessings ang apo namin at mamahalin din namin siya. Hindi mo kasalanan ang lahat, okay? Basta proud kami sa iyo, anak ko.” Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya kaya humilig ako sa dibdib niya.
“T-Thank you, Mommy, and I’m so sorry po,” I said.
“Don’t be, hon. We’re very happy. Mahal na mahal kita at hinding-hindi kami magagalit ng daddy mo,” sabi pa niya at saka rin lumapit sa amin si daddy. Na pareho kaming niyakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top