CHAPTER 24

Chapter 24: Pregnant

ILANG beses ko nang pinag-isipan na gamitin ang pregnancy test na ito. Paano naman kasi pagkatapos kung kumain ng street foods kahapon ay naisuka ko lang iyon at naging witness na naman si Kuya Khai. Hindi naman na katulad pa nang dati na pinipilit niya akong gamitin na ito.

Ngayon ay kusang loob kong susubukan. Nasa school na kasi ako at break time namin. Inilagay ko talaga ito kanina sa backpack ko. Dalawa ang binili niya but isa lang din ang dinala ko.

“Vira, sa comfort room lang ako,” paalam ko kay Vira. Na abalang nakikipagtalo kay Herodes. May kung ano nga silang pinag-aagawan, eh. Hindi na rin ako magtataka kung magiging sila na. Malapit din naman sila sa isa’t isa.

“Napapansin ko lang na madalas kang mag-CR, beh. Ayos ka lang ba talaga?” worried na tanong ni Vira. Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

“I’m good, Vira,” I answered at pasimple kong ipinasok ang pregnancy test sa pocket ng skirt ko. Kumaway lang ako sa kanila ni Herodes bago ako tumalikod.

Pagkapasok ko sa corridor ay ni-lock ko pa ang pinto at inilabas ko rin ang cell phone ko. I took a deep breath.

I typed a message that I will used the pregnancy test. Yes, gusto ko siyang i-inform dahil siya lang naman ang malalapitan ko sa ganitong pagkakataon. Mabilis siyang nag-reply agad pero hindi ko na muna binasa.

Ilang minuto muna akong naghintay na lumabas ang resulta nito at hindi na nga ako mapakali sa kaba. I checked my phone again.

“Call me if the result is positive,” ito ang reply niya.

I sighed again at inipon ko na ang lakas nang loob ko para makita ang result. According sa nabasa kong instruction ay two lines lang daw ang kailangan na makita sa PT at kapag iyon ang lumabas ay positive na buntis ako.

Kaya naman nang makita ko ang dalawang linya na iyon ay pakiramdam ko mabibingi ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko at mariin akong napapikit. Nangingilid na agad ang mga luha ko.

Goodness, I’m pregnant. There’s a little angel inside my tummy.

Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko, na kung katulad lang ba ako nang araw na iyon na takot na takot ako sa katotohanan pero wala akong nararamdaman na ganoon.

Instead nakaramdam lang ako nang saya at excitement. But nandoon pa rin naman ang kaba kasi malaking responsibilidad ito at matatawag na agad ako na batang ina. Isinuksok ko ulit ang pregnancy test sa bulsa ng skirt ko bago ako lumabas. 

The baby is a blessings, and I know may plano si God na kung bakit ibinigay niya nang maaga sa akin ang batang ito.

“Baby? Anak ko?” Natigilan ako nang bigkasin ko iyon. “A-Anak namin ni Kuya Khai.” Natulala na lamang ako.

Bumalik ako sa kinaroroonan nina Vira at Herodes. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang kasama nila.

“Oh, heto na pala si Francine. Beh! Hinahanap ka ni Kuya Khai!” sigaw ni Vira at bumagal tuloy ang paglalakad ko patungo sa puwesto nila.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Kuya Khai at siya na ang naunang lumapit sa ’kin. Sinapo pa niya ang kaliwang pisngi ko bago niya ako niyakap.

Nakarinig tuloy ako nang pagsinghap na nanggagaling kay Vira. Magugulat talaga siya dahil sa makikita niyang eksena namin. Na hindi naman basta-basta yumayakap ang isang ito.

“Gusto kong makita, Francine. Nasaan na?” mahinang tanong niya.

“N-Nasa pocket ko,” sagot ko at ako na ang kumuha. Isang kamay ko lang ang ginamit ko kasi nga nakahawak ako sa baywang niya.

Lumihis pataas ang uniform ko kaya hinawakan niya iyon para hindi lumihis lalo. Nasa open field kami at katapat lang nito ang building namin. Mayroon pa ring makakakita sa ginagawa namin. Nang mailabas ko na ang bagay na iyon ay mabilis niya ring kinuha at saka siya bahagyang kumalas.

Pinagmamasdan ko lang ang magiging reaction niya at titig na titig na siya sa pregnancy test.

“Two lines,” sambit niya pero mahinang-mahina lang ang tinig niya.

Sa pagkurap niya ay nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata niya na mabilis niyang pinunasan iyon. Ngunit may pumatak pa rin at mabilis namula ang tungki ng ilong niya. Nanginginig ang mga kamay niya bago niya ako tiningnan.

Napapikit na lamang ako nang humalik siya sa noo ko at sumiksik siya sa leeg ko.

“We’re having a baby, Francine,” he said na halos pumiyok na ang boses niya. Base on his reaction, he accepted the baby.

“Ay, ano ’yan? Bakit kayo nagyayakapan sa harapan namin? PDA ’yan!” sigaw ni Vira at lumapit sa amin.

“Puwede ba, Vira! Hayaan mo na nga sila!”

“You forgot that Kuya Khai is already taken!” Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya dahil wala pa akong alam kung ano na ang relasyon nila ng girlfriend niya.

“Wala na kami ni Calystharia,” sabi niya at binalingan ko ulit siya. Sa halip na maging masaya ako ay guilt lang ang gumuhit sa dibdib ko.

“Ha, why?!” gulat na bulalas ni Vira at napatingin siya sa kamay ni Kuya Khai. “What’s that?”

Tiningnan niya ako na parang nanghihingi siya nang permission na ipakita iyon sa best friend ko. Tumango lang ako at ibinigay niya iyon kay Vira.

Nanlaki ang mga mata ito at marahas na binalingan niya ako pero itinutok ko lang sa ibang direksyon ang aking tingin.

“I’m pregnant,” I uttered at napaigtad na lang ako nang malakas na tumili siya. Kunot-noong tiningnan ko si Vira.

“Des, mommy na si Francine,” pabulong na sabi niya at kinuha naman ni Herodes ang bagay na hawak ni Vira.

“Francine? Paano naman nangyari ito? Kayo ni Alkhairro?” Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa narinig at napahinga na lang ako nang malalim.

I don’t know what to say, but they respected me sa pananahimik ko. Lumapit lang si Vira para yakapin ako.

“Congrats, ha? Ninang ako, beh. Kuwentuhan mo rin ako tungkol sa nangyari sa inyo.” I nodded.

I glanced at Kuya Khai. “May klase pa kami mamayang hapon. Puwede ka nang umalis, Kuya.”

“Wala ka bang gustong kainin?” Umiling ako.

“Tapos na kaming nag-lunch,” sagot ko.

“Ako na ang susundo sa ’yo mamaya,” aniya at hinawakan niya ang kamay ko. My heart skips a beat when he kissed my hand. “Sabay nating sabihin sa kanila.”

Kinuha niya ulit ang pregnancy test bago siya nagpaalam sa amin. Sinundan na lamang namin nang tingin ang papalayong likuran niya.

“I almost pass out, Francine.” Tipid lang akong ngumiti.

“Ninong din ako, ha Francine?” ani naman ni Herodes. Napanguso ako.

“Alam niyo ba na nang bilhan niya ako ng PT ay umiyak ako? At sinabi ko na hindi naman ako buntis at hindi rin dapat,” aniko.

“Francine, blessings ang mga baby. Huwag mong sabihin iyan. Isa pa na nakikita naman namin na masaya si Kuya Khai sa nalaman niyang buntis ka. Nagmamadali pa nga siya nang dumating siya kanina at ikaw agad ang hinanap niya,” wika ni Vira.

“Ang bilis niya ngang makarating. Nag-message lang ako sa kaniya na gagamitin ko na iyon,” aniko.

“Grabe, paano niyo iyon ginawa, ha?” Sinundot pa niya ang tagiliran ko at mabilis siyang sinuway ni Herodes.

Hindi lang ako sa parents ko masuwerte, pati na rin sa mga kaibigan ko.

“Thank you, ha? Hindi niyo agad ako ni-judge,” naluluhang sabi ko at pinunasan ni Herodes ang mga luha ko.

“Kaya nga umatras ako agad. Kasi naman wala akong kalaban-laban sa kaniya,” Herodes said.

Inakay na rin nila ako patungo sa building namin at ingat na ingat pa sila. Habang wala pa kaming teacher sa classroom ay tumingin na agad si Vira sa online shopping.

Napasapo ako sa noo ko. “Vira, hindi pa natin alam ang gender ni baby at bakit nag-add to cart ka na agad?” nagtatakang tanong ko.

“Hindi pa naman ito literal o-order-in, beh. Pinipili ko lang ang magugustuhan ko,” sagot niya at mukhang ayaw niyang magpaawat. Napailing na lamang ako. Wala sa sariling napahawak ako sa impis kong tiyan.

I’m sorry, baby. Kung nakapagsalita ako ng bad sa ’yo. Ginulat mo kasi si mommy at hindi pa ako ready but now you’re here ay tatanggapin ko na lang na nine months from now ay makikita at mahahawakan na kita.

***

Nakaangkla ang kamay ni Vira sa braso ko at nasa tabi ko rin si Herodes. Naglalakad na kami palabas ng school namin, kasi uwian na namin. Ganito naman kami madalas, sabay-sabay. Si Des ay siya pa ang nagdala ng backpack ko kasi inutusan siya ni Vira.

Ang akala ko ay maghihintay pa kami sa waiting area, katulad nga nang ginagawa namin kapag wala pa ang aming sundo. Ngunit natanaw ko na rin ang pamilyar na kotse ni Kuya Khai at umibis siya mula roon.

“Hayan na ang baby daddy mo, beh,” parang kinikilig na sabi ni Vira at nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

“Baby daddy?” I asked her in confused. Natatawang pinisil niya nang marahan ang pisngi ko.

“Yes, because siya ang daddy ng baby mong nasa tummy mo,” bulong niya malapit sa tainga ko. Ayaw niya rin na may makarinig sa kaniya at parang isang secret itong pregnancy ko but I know malalaman din naman iyon ng lahat.

“Ang dami talagang alam iyang si Vira, Francine. Sige na, nandiyan na nga ang sundo mo.” Sabay na bigay niya ulit ng backpack ko. Nagpaalam na rin naman sila at kaniya-kaniya na kaming lumapit sa kotseng naghihintay sa amin.

Sinalubong naman ako ni Kuya Khai at agad niyang kinuha ang bag ko. Nasa baywang ko na agad ang kanang kamay niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Tinawagan mo ang daddy ko na ikaw na ang susundo sa akin?” I asked him nang makaupo na rin siya sa driver’s seat. Kinakabit ko na rin ang seatbelt ko. He nodded.

“Bago tayo umuwi ay dumaan muna tayo sa store. May bibilhin lang ako,” aniya.

“Okay,” tipid na sagot ko lang at pinaandar na niya ang car niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top