CHAPTER 23
Chapter 23: Scared
“WHAT’S this?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko na naman siya. Tsk. Bakit ba nandito na naman siya?
“Eh, ano pa ba iyan kung hindi bulaklak?” pambabara ko sa kaniya at nagsalubong ang makapal niyang kilay.
“What I mean is bakit ka niya binibigyan nito?” he asked again.
“Sa ’yo na lang kung gusto mo, stupíd,” supladang sambit ko at inirapan ko pa siya.
Ewan ko kung bakit nakaramdam agad ako nang inis dahil lang nakita ko na siya at parang gusto ko pa siyang sabunutan sa buhok niya.
Kaaalis lang ni Jessrill, hindi naman siya agad nagtagal pa at kahit na niyaya ko pa siya na pumasok ay tumanggi naman agad siya.
Naintindihan agad ako ni Jessrill, kaya alam kong hihinto na siya sa panliligaw niya. Gayunpaman ay mananatili naman kaming magkaibigan. Ayon din naman sa gusto niya. Napakabait niyang tao at hindi ko lang talaga kayang panindigan.
Naglakad na ako patungo sa front door namin at mariin akong napapikit nang pigilan ako ni Kuya Khai sa braso ko.
“Francine, wait,” sabi niya.
Nang humarap ako sa kaniya ay napatakip lang ako sa ilong ko. “You smell so bad, Kuya!” I shouted. Lumalim lang ang gatla sa kaniyang noo at nagtaka siya sa reaksyon ko. “Go away! And don’t touch me!”
Tumingin siya sa likuran ko at nang sundan ko iyon nang tingin ay sina mommy at daddy lang pala. It seems like kanina pa sila nanonood sa amin. Mabilis kong inalis ang palad kong nakatakpan sa ilong ko.
“Good morning po, Tito, Ninang,” bati niya sa parents ko at pasimple naman akong um-exit. Binati naman siya pabalik ng mga ito at saka ko sila iniwan doon.
Even my parents ay hindi galit sa kaniya. Ewan ko lang kung bakit.
Nang nasa room na ako ay humiga ulit ako sa bed ko. Tinatamad na akong pumasok sa school namin, kapag ganito ang pakiramdam ko. Inaantok na rin ako.
Napahikab pa ako at nang pumikit ako ay parang gumanda ang pakiramdam ko, hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa na nakatulog na nga uli ako.
Naalimpungatan lamang ako nang may humahaplos sa pisngi ko. Nang mapatingin ako sa mukha ng nabungaran ko ay agad ko itong itinulak.
Napabangon ako at pinukulan ko siya nang masamang tingin. “What are you doing here?” I asked him.
Sinalat niya ang noo ko pababa sa aking leeg. Pinagtulakan ko agad siya. Apektado pa rin ako sa paghawak niya.
“Get up, baby. May pasok ka mamayang hapon,” aniya at napatingin ako sa digital clock ko na nasa bedside table. Nagulat pa ako nang makita kong 12 p.m na pala.
“Ang haba naman nang tulog ko pero inaantok pa ako,” aniko at nang hihiga na sana uli ako ay hinawakan na naman niya ang siko ko, may pag-iingat naman iyon at inayos niya ang pagkakaupo ko.
“I bought something, Francine. You need to use this,” he said.
“Ano ba iyon? At bakit nandito ka pa sa room ko? Bawal ka rito, ha,” saad ko at dinuro ko pa siya. Dumikit iyon sa dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinigay niya ang paperbag na hawak niya.
“Gamitin mo ito, Francine,” marahan na utos niya at tiningnan ko na lang ang laman niyon.
Inilabas ko pa ito kasi curious ako kung ano siya at halos manginig ang kamay ko nang makita ko kung ano iyon. Marahas ko siyang binalingan at tinapon ko ang laman ng paperbag. Lumikha iyon nang malakas na ingay at parang may nabasag pa.
“I’m not pregnant!” sigaw ko at nagngingitngit sa inis ang dibdib ko.
Hinampas ko siya sa dibdib niya at hinuhuli niya ang mga braso ko. Pilit niya akong niyayakap pero nagpupumiglas ko.
Natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan na baka nga. . . Na baka nga buntis na ako pero hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa responsibilidad na maging isang ina agad, gayong hindi maayos ang relasyon namin ni Kuya Khai.
“Calm down, baby,” pag-aalo niya at marahan niyang kinabig ang katawan ko. Kinulong niya ako sa mga bisig niya.
“H-Hindi. . . Hindi ako dapat mabuntis! Hindi!” sigaw ko at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.
“Hush now, I’m sorry. Nagkamali ako. Nagkamali ako, Francine. Hindi na kita pipilitin pa, baby. Huwag ka nang umiyak.” Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa sentido ko at hinahagod na niya ang likuran ko.
Nang mapatingin ako sa bagay na tinapon ko kanina ay napahagulgol na lamang ako. Pero nang sumubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib niya ay parang umikot ang sikmura ko at tila hinahalukay ng kung ano. Naitulak ko siya at agad akong napatakip sa bibig ko.
Nagmamadali akong nagtungo sa banyo ko at katulad nang nangyari sa ’kin sa school ay naduduwal din ako.
“Francine.” Mas lalo akong naiyak dahil parang wala namang lumalabas sa bibig ko but nasusuka talaga ako.
Inipon niya sa kamay niya ang buhok ko at marahan niyang hinagod ang likuran ko. Umiiyak pa rin ako kasi masama ang pakiramdam ko.
Frustrated na frustrated na ako sa nararamdaman ko at hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nawala naman agad ang pagduduwal ko hanggang sa itayo niya ako. Hinang-hina agad ako. Lumapit kami sa sink at binuksan niya ang gripo. Itinapat niya roon ang kamay niya para sa tubig at inilapit sa bibig ko.
Nahulaan ko naman agad ang gusto niyang mangyari kaya nagmumog na ako. Nagawa ko ring manghilamos. Inakay na niya ulit ako sa bed ko at hinila niya ang kumot sa katawan ko.
I rested my arm against my head and took a deep breath. “I’m scared,” I uttered. I felt his eyes staring at me.
“I won’t leave you,” he said.
“Nasasabi mo lang iyan sa ’kin dahil hindi ka pa sigurado kung buntis ako,” mariin na utas ko.
“That’s why I want you to use the pregnancy test para sigurado tayo na buntis ka na.” Padabog akong bumangon. “Be carefully, please.”
“Can’t you see my situation?! I’m still young para mabuntis ako nang maaga! Nag-aaral pa ako!” sigaw ko at nang mahila ko ang maliit kong pillow ay hinampas ko iyon sa kaniya.
“Francine.” Nakaiinis, sa halip na umiwas siya ay tinatanggap pa rin niya ang mga palo ko kaya napagod lang ako. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang braso ko.
“Alam kong napipilitan ka lang. You love your girlfriend at takot ka lang sa parents ko kapag hindi mo ako pananagutan, tama ako ’di ba?” I asked him at bigla siyang napayuko.
Tama nga talaga ang hinala ko na kaya niya ito ginagawa ay dahil takot siya sa mommy at daddy ko. Kaya rin ba na hindi galit sa kaniya ang mga ito?
“Francine, stop—”
“Ginamit mo lang naman ako sa kagustuhan mong gumanti sa kaniya dahil may nagpadala sa ’yo ng picture nila na magkahalikan sila ng best friend niya, am I right?” There is no emotions written on my face.
“Don’t think of that, Francine,” he said.
“Get out. Ayokong makita ang pagmumukha mo,” mariin na saad ko pa at umawang ang labi niya sa gulat. “Leave me alone.”
Huminga siya nang malalim at saka siya tumayo pero may inayos pa siya kanina na tinapon ko.
“I will call your teacher that you can’t go to school right now, Francine,” I heard him uttering those words but I don’t give a dàmn. Bahala siya kung ano ang gusto niya.
Nang makarinig na ako na nagsara na ang pinto ay pumatak na naman ang mga luha ko, na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na napigilan pa ang mapahikbi.
Napahawak ako sa impis kong tiyan at nanginig lang ang katawan ko. Natatakot ako na baka nga buntis na ako. I know it’s a blessing ang magkaroon ng baby but huwag naman sana sa ganitong edad ko at magiging ama pa ang isang lalaki na mahirap namang abutin?
Na alam kong matutulad din siya sa akin. Matagal na akong sumuko sa pag-asang kami pa rin sa huli at kung hindi ko naman siya kayang bigyan ng kompletong pamilya ay mas mabuti na ang— Natigilan ako nang nanakit ang puson ko.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ulit ang aking mga luha. Ayokong mag-isip pa ng kung ano-ano at isasantabi ko muna itong problema ko.
I acted like na normal day ulit ang pangyayaring ito sa buhay ko. Kahit nanatiling tahimik ang mommy at daddy ko ay alam kong palihim lang nila ako inoobserbahan.
“Hon, are feeling better now?” my mom asked me one morning. Papasok na ulit ako sa school.
“Yes po, Mom,” sagot ko at binigyan ko siya nang matamis na ngiti. Humalik siya sa cheek ko.
“Everything is gonna be alright, hmm? Kung may problema ka ay huwag kang magdadalawang isip na lumapit sa amin ng daddy mo. Kakampi mo kami, anak.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nang mapatitig ako sa eyes ng mommy ko ay parang maiiyak naman siya.
“I love you, Mom, and Dad,” wika ko at nilingon ko pa si daddy na nasa likuran niya. Ngumiti rin ang dad ko.
“Why are you so emotional, Mom, Ate Francine?” pagsingit naman ni Cody at lumitaw sa gitna namin ni mommy si Pressy.
“I wanna join a group hug, guys,” Pressy uttered at pareho kaming natawa.
EVEN though I was scared to face the truth that I am pregnant, nagawa ko pa rin naman na iiwas ang sarili ko sa mga taong nadadaanan ko sa corridor. Takot ako pero ang hirap tanggapin ang katotohanan na iyon.
Mas nauna akong dumating sa school before Vira, na nakita kong magkasama sila ni Herodes na pumasok. Mabilis na bumati lang ang isa sa akin at kumaway. Humalik pa sa pisngi ko ang best friend ko bago siya umupo sa tabi ko.
I just realized na isa pa nga talaga akong estudyante na katulad nang karamihan ay maraming pangarap na nais pang abutin. But the thought of having a baby on my tummy it was like. . . excitement?
After na-dismissed ang klase namin ay pinatawag pa kami sa faculty ni Vira, kasama pa ang tatlo naming classmate. They greeted us dahil isa kami sa kasamang nag-top sa klase.
Hindi na rin iyon bago, since grade school ay kasama na talaga ako sa top student, and I remembered Kuya Khai. Nakapagtapos siya sa kolehiyo with his Latin honor. Tapos naalala ko na what if nga na may baby na kami? Siguro ay magiging matalino rin siya. Pinilig ko ang ulo ko at mabilis kong binura sa iisipan ko ang idea na iyon.
Habang patagal nang patagal ay lumalala lang yata ang sama nang pakiramdam ko. Nalaman ko rin na wala si Kuya Khai dahil nagkaroon siya ng business meeting sa ibang bansa.
I just thought na binalewala na rin niya ang nangyayari sa ’kin pero madalas ay tinatanong niya ang mommy ko kung okay lang ba ako. One time kasi ay narinig ko si mommy na kausap siya over the phone.
Nasurpresa lang din ako na pag-uwi ko galing school ay nakaabang na siya roon sa front door namin. Nakaupo siya at naghihintay. Mabilis pa siyang nagmano kay daddy at ewan ko ba noong mapatitig ako sa mukha niya ay parang gusto kong umiyak.
Ilang araw din kasi ako nag-monologue at umiwas sa kaniya kahit wala naman siya rito.
“Mauna na ako sa loob, anak, Khai,” paalam ni Daddy sa amin at tinapik pa niya sa balikat si Kuya Khai.
“Hi,” he greeted me. Dalawang letra lang ang narinig kong sinambit niya ay parang libo-libong letra na iyon.
Walang salitang namutawi sa bibig ko at basta na lamang akong lumapit sa kaniya. Pumulupot ang mga braso ko sa baywang niya at isinandal ko ang kaliwang pisngi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko rin ang paninigas ng katawan niya hanggang sa mahigpit niya akong niyakap pabalik.
Nagtaas-baba ang kamay niya sa ulo ko pababa sa likuran ko at idinikit niya ang labi niya sa sentido ko.
“I hate you,” iyon ang lumabas mula sa bibig ko and he let out a short laugh.
“I miss you too, baby.” Mariin akong pumikit dahil sa pagbilis nang tibok ng puso ko. “Mayroon akong dalang pasalubong na alam kong magugustuhan mo kasi maanghang iyon,” aniya.
Bigla akong natakam sa sinabi niya at parang nanunubig na rin ang baga ko. Nagulat na lang ako nang pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Nahiya ako sa reaksyon ko. Hindi naman ako naglalaway sa pagkain, ah.
Maingat niya akong hinila sa greenhouse namin at nandoon na rin ang paperbag na dala niya. Napangiti ako nang manuot sa ilong ko ang masarap na amoy ng pagkain na tinutukoy niya.
“It’s a street foods with shumai!” tuwang-tuwa sabi ko. Mabilis talagang magbago ang mood ko.
Ang alam ko ay busog naman ako, kasi marami pa nga akong kinain kanina na nagtaka pa sina Vira at Herodes. Dahil malakas na raw akong kumain. Maski nga ako ay walang idea kung bakit napaparami ang kain ko. Masuwerte lang ako kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko na huwag sumuka nang sumuka pero imposible iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top