CHAPTER 2

Chapter 2: Lipgloss

“GOOD morning, Francine.” Napatalon pa ang balikat ko sa gulat dahil out of nowhere ay narinig ko ang boses ni Kuya Khai. Pero nasa kabilang balkonahe pala siya at mukhang kanina pa niya ako pinapanood. Nakapatong din kasi ang mga braso niya sa railing ng balkonahe niya.

Paano ba naman kasi, busy ako sa pag-m-monologue ko sa past memories at sa pinky promise namin when I was five years old.

Napangiti ako dahil umagang-umaga ay bumungad sa akin ang guwapo niyang mukha at ang killer smile niya. Fresh na siya kasi suot na niya ang puting uniporme niya. Ready na yata siyang pumasok sa university nila.

Graduating student na kasi siya at palagi niya akong hinahatid sa school ko, hindi dahil madadaanan niya ang pinapasukan kong school. Nasa isang way rin naman iyon, kaya lang nasa dulo pa siya. Nagsimulang ihatid-sundo niya ako noong tumunton ako sa junior high school and ngayon nga ay grade 9 na rin ako.

Si daddy kasi ay hinahatid niya si mommy pero kahit nagpipilit naman na ihatid ako ni dad ay sumisingit palagi ang mommy ko na sumabay na lamang daw ako kay Kuya Khai. Hanggang sa nakasanayan na rin namin iyon. Favor na rin kasi iyon for me. Hehe.

As I know naman na sinasadya rin iyon nina mommy at ninang ko. Botong-boto si Ninang J sa akin at isa siya sa nakaaalam na crush ko ang panganay niyang anak.

“Good morning po, kuya,” I greeted him back at ngumiti rin sa kaniya ng matamis.

Pinasadahan pa niya ako nang tingin. Pink na pajama lang ang suot ko sa baba, tapos white sando naman. Sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Lumagpas na ito sa aking balikat. As usual ang heartbeat ko ay mabilis na naman siya. Nasa harapan ko lang kasi nakatayo ang dahilan nito kung bakit nagiging abnormal ang heart ko.

“Kagigising mo lang?” tanong niya at tumango ako. Nangalumbaba ako sa railing at tinitigan ko ang handsome face niya. Kung puwede ko lang pagmasdan siya buong araw at buong magdamag pa ay ginawa ko na rin sana. Hindi ko na inalintana pa ang mainit na sikat nang araw na tumatama na sa balat ko. Mahangin naman kasi sa taas. “Eh, ’di amoy laway ka pa niyan?” biro niya na tinawanan ko naman.

Kapag ibang tao naman ang kaharap ni kuya ay hindi niya inilalabas ang side niya. Maliban na lang sa mga best friend niya na uncle niya. Kasi kapatid at pinsan iyon ng dad niya.

Inamoy ko pa ang neckline ng sando ko at umiling. “Amoy fresh pa rin po ako. Hindi po ako naglalaway na matulog,” aniko at ngumiti lamang siya.

“'Ligo ka na, Francine? May pasok tayo ngayon. Baka ma-late ka sa klase mo,” pagpapaalalang saad niya and I nodded again. 7:30 a.m ang first class namin, sa kaniya ay 8:30 pa na kung minsan naman ay 9 a.m.

“Maaga pa lang po, kuya. Masyado ka lang excited na pumasok. Early bird lang po?” pagbibiro ko pa at pareho na kaming natawa. Magaan ang loob namin sa isa’t isa.

Kapatid nga ang turing sa ’yo, Francine. Huwag ka, self.

“Sige na pumasok ka na sa kuwarto mo and get ready,” he said and nag-thumps up ako, saka ako nag-flying kiss sa kaniya. Napailing lamang sila sa ginawa ko at tuluyan na akong pumasok sa kuwarto ko para makaligo na rin ako.

Oh, ’di ba? Everyday maganda ang mood ko. Dahil nakita ko na ang inspiration ko. Si crush!

***

Dark blue ang skirt ko at white naman ang blouse. Pumasok kanina sa room ko si mommy para lang patuyuin ang buhok ko. Ang balak niya kanina ay gigisingin ako. Akala niya raw kasi ay tulog pa rin ako until now.

Totoo namang tulog mantika ako pero nagigising naman ako nang umaga kapag maganda rin ang tulog ko.

“Hayan. Maganda ka na, honey,” sabi pa ng mommy ko at humalik sa ibabaw ng ulo ko. Nilagyan niya rin ako ng hair lip. I stood up at lumapit ako sa bed ko para kunin ang backpack kong nakapatong na roon.

Napaka-feminine ng room ko. Pink and white ang structure nito. Ang mga gamit ko ay ganoon din. I love pink kasi. Malaki din ang space ng room ko na pinasadya iyon ni dad.

Nasa bandang left ang kama at katabi nito ang study table ko. May mini bookshelf ako at nasa likod ito ng puting sofa, nasa right side naman iyon kung saan diretso ka lang ay balkonahe ko na. Ang mga naka-display sa wall ay picture namin and sketching ko. Mayroon din akong sariling walk-in closet na connection sa bathroom ko.

Nasa dining area na sina dad, Cody and Priscilla. Yup, mayroon na akong baby siblings. Si Cody ay seven years ang tanda ko sa kaniya. 8 years old pa lamang siya and our little Priscilla ay five years old naman siya.

“Hi, guys. Good morning,” masayang bati ko at una kong nilapitan si Priscilla, Pressy for short. Hinalikan ko ang matambok niyang pisngi. Busy na siya sa food niya.

“Good mowning po, ate,” bati niya pabalik at bulol pa siya kung magsalita.

Itinuro naman agad ni Cody ang cheek niya kaya iyon ang hinalikan ko. “Good morning, young man.” He greeted me back with his smile. Tapos si dad naman ay humalik din ako sa pisngi niya.

“Umupo ka na, honey. Maghihintay na naman sa iyo sa labas nang matagal ang kuya mo,” he said and he referring to Kuya Khai. Tinabihan naman ako ni mommy kaya nasa gitna nina dad at Cody si Pressy. Masagana talaga siyang kumain kaya natutuwa ako sa kaniya. Favorite kong kurutin ang cheeks niya.

“If he wants po ay sige mauna na siya. Nandiyan ka pa naman, dad. Ihatid ninyo po ako sa school,” I said and shrugged my shoulders. My mom just chuckled.

Fried rice, bacon, hotdog, beef tapa and sandwich ang nakahanda sa table namin. Coffee for us, and milk para sa mga kapatid ko. Mayroon din kaming orange juice.

My parents are both busy. Si dad ay isa siyang psychologist doctor. Nagmana ako sa kaniya, kasi I’m into science. Chos. Kahit na namana ko rin kay mommy ang pagiging talented niya bilang isang fashion designer ay mas bet kong sumunod din sa mga yakap ng aking ama. Ang mommy ko naman ay mayroon din siyang sariling boutique.

Grade 2 na si Cody Stephen. Si Pressy ay daycare pa lamang. Malapit lang ang school niya sa boutique ni mommy and half-day lang ang klase nila.

Marami na naman akong nakain. Si mommy ang nagluluto and masarap siyang magluto, kung minsan ay si dad naman. After the breakfast ay nagpaalam na ako sa kanila.

Sa isang subdivision kami nakatira at secure na secure ang buong lugar. Ang gate nga namin ay hanggang baywang lang ang taas nito. Nasa labas na rin ang dark blue na mustang ni Kuya Khai.

Tumunog agad ito nang makita ako at umibis siya mula sa sasakyan niya. Kumaway ako at nagmamadali pa akong makalapit sa kaniya. Muntik na akong ma-out balance.

“Silly you. Be careful,” paalalang sabi niya when I approached him. Nag-peace sign lang ako sa kaniya at binuksan na niya ang pinto ng mustang niya.

Before ako sumakay ay nahagip pa ng mga mata ko si Ninang J. “Good morning, Ninang!” I greeted her with my energetic voice.

“Drive safely, Khai! Ingatan mo rin si Francine!” sigaw pabalik ni ninang. Akala ko nga ay hindi na siya magsasalita pa.

Hinawakan na ni Kuya Khai ang likuran ko para pasakayin na rin ako, that’s why iyon na nga ang ginawa ko. Maingat pa niyang isinara ang door at umikot siya sa driver’s seat.

Sinigurado pa niya na maayos nang nakakabit ang seatbelt ko. Sinuri pa mga niya kung mahigpit na ito. He’s always like this. Napaka-gentleman niya rin kasi.

Isang mabuting lalaki at may busilak na kalooban si Kuya. Zairyx Alkairro D. Barjo ang full name niya at nagkaroon na rin siya ng complete family. Nasundan pa siya ng baby boy at babae naman ang bunso nila.

His father is guwapo, kamukhang-kamukha niya at mas bata iyon sa ninang ko. But bagay naman silang dalawa. Both handsome and beautiful.

“What’s that, Francine?” Kuya Khai asked me and when I looked at him ay sa lips ko pala nakatutok ang tingin niya.

“Ano po?” tanong ko naman. Itinuro niya ang lips niya at ginaya ko naman. Nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin ay napatango naman ako. Binuksan ko ang backpack ko at inilabas ko ang lipgloss.

Natural na mapula ang mga labi ko at nilagyan ko lang iyon ng lipgloss para shiny siya kung titingnan.

“Gumamit ka niyan?” tanong pa niya sa akin.

“Lipgloss lang po ito, kuya. Maganda po, ’di ba?” Nilagyan ko pa iyon pero mabilis niyang naagaw.

“You can’t use this, Francine. You still young. Alam ba ’yan ng mommy mo na gumagamit ka niyan?” Tumango ako.

“Maraming binili si mom at maganda naman siya. Pero huwag mong sabihin kay dad, kuya. Magagalit iyon at kukunin niya ang mga binili ng mommy,” sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya.

Binulsa niya ang lipgloss ko at bumunot siya ng puting panyo mula sa pants niya. Napaatras pa ako dahil diretso niyang pinunasan ang lips ko.

“Don’t use that, Francine,” sabi niya lamang and I pouted. Natawa siya sa reaksyon ko.

“Why po? Marami po ang gumagamit niyan. Especially girls, kuya,” I reasoned out.

“Kahit na.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top