CHAPTER 18
Chapter 18: His responsibility
ILANG beses kong tinawagan sina mommy at daddy dahil magpapaalam ako sa kanila na aalis mamayang gabi. May pa-birthday party ang isa naming classmate at invited kami pareho ni Vira. May kasama naman ang mga kapatid ko sa house namin dahil may servant kami.
Hindi naman ako aalis kapag walang magbabantay sa kanila and nakahihiya rin kung hindi ako makararating. Hinanda ko na nga rin ang gift ko for her. A bracelet.
“Naalala ko na hindi nga sila nagbubukas ng phone nila,” sambit ko sa sarili at nagpasya na lamang akong magpalit ng damit.
Baby blue off-shoulder crop top blouse and mini-skirt ang suot ko. Strap high heels ang isinuot kong panyapak. Naglagay rin ako ng make-up sa face ko. Napangiti ako dahil naiba na naman ang hitsura ko.
Parang nasa collage na rin ang ayos ko.
Kinuha ko na ang slingbag ko and I checked it pa kung nandito na ang phone and wallet ko, isa iyon sa pinakaimportante. Saka ang iba kong gagamitin para hindi ako magmukhang haggard.
Bago ako lumabas ay tiningnan ko muna sa mga room nila si Pressy at Cody. Mahimbing na rin ang tulog nila.
Ingat na ingat pa ako habang palabas na. Noong nasa gate na ako ay marahan pa ang pagbukas ko.
Sa labas na ako maghihintay kay Vira dahil hindi ko puwedeng gamitin ang car ni daddy. Nang isinara ko na ulit ang gate namin ay inilabas ko naman ang phone ko pero nagulat ako nang tumunog ang pamilyar na kotse at kasabay nito ang pag-ilaw na nakatutok sa akin.
Napapikit ako dahil sa ilaw na nagmumula sa kotse na iyon at narinig ko ang pag-andar nito. Parang napako ako mula sa kinatatayuan ko nang huminto iyon sa aking tapat.
Bayolenteng napalunok ako nang bumaba mula roon si Kuya Khai. Himigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko.
“Where are you going, Francine?” malamig na tanong niya. Bumilis ang pintig ng puso ko. Bigla ay nilamig ako sa boses niya. Walang kasing lamig.
“Uhm.” Parang gusto ko ulit pumasok sa bahay namin sa takot.
“Where are you going again, Francine?” he asked once again.
“May. . .” Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin.
“Francine,” he called my name. I took a deep breath. Bakit ba kinakabahan ako nang ganito?
Parang may ginawa ako at nahuli niya ako. Pero bakit nga ba ako matatakot sa kaniya?
“May birthday party kasi ang classmate namin, Kuya. Susunduin ako rito ni Vira,” paliwanag ko.
“Where it is, Francine?”
“Kuya, bakit ba ang dami mong tanong?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon.
“Just answer my question,” he uttered.
“Sa bar, okay?” sagot ko at nagsimula na akong maglakad. Hindi na bale kung abutin ko pa ang guard house. Doon na lang ako maghihintay kay Vira. But Kuya Khai sumunod pa rin siya at mabilis niyang hinuli ang pulso ko. “K-Kuya.”
“I’ll come with you, Francine,” sabi niya at mabilis kong binawi ang kamay ko pero ayaw niya akong bitawan.
“But why?” I asked him in confused.
“Remember that I need to watch over you and your siblings, Francine. Dahil wala rito ang parents mo. Do you think hahayaan kitang lumabas nang ganitong kaaga at sa bar ka pa pupunta?” salubong ang kilay na tanong niya.
“God, Kuya. Hindi na ako bata pa para bantayan mo! I’m fine, and I can handle myself alone!” sigaw ko at hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
“I know hindi ka na bata pero babae ka at kailangan ka pa ring protektahan,” kalmadong saad niya at umikot lang ang mga mata ko.
“Fine! Sumama ka!” tugon ko at sumuko na nga ako.
Nang inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya ay hindi ako umimik. Nagdadabog pa nga ako at literal na hindi ko siya pinansin sa biyahe. I texted my best friend na kasama ko siya at dumiretso na rin si Vira sa bar.
“Are you mad at me, Francine?” Gusto ko siyang irapan dahil sa tanong niya. Binalingan ko siya.
“Dapat bang maging happy ako dahil sumama ka sa akin, Kuya? Ako lang kaya ang invited,” prankang sagot ko pero nagkibit-balikat lamang siya. Ni hindi man lang siya na-offend sa sinabi ko. Parang wala na siyang pakiramdam, ha. Kung sabagay, isa siyang manhid. Pagdating namin sa bar ay binuksan ko agad ang pinto at umibis mula rito. “Go home, Kuya. I’m fine na here.”
Kahit alam kong hindi naman siya makikinig ay sinubukan ko pa rin siyang pagtabuyan but as if susunod siya. Kung alam niyang nasa labas pa ako nang ganitong oras at nasa isang clubhouse pa.
“Nope. Just go with your friends and I will stay far away from your place. Come on, Francine. Let’s get inside,” he uttered at naramdaman ko ang kamay niyang nasa likuran ko. Sumalubong sa amin ang malakas na tugtugan ng DJ at ang maraming customers na nagsasaya sa loob. Hinanap agad ng mga mata ko ang kasamahan ko. “There is Vira.”
Nilingon ko ang itinuro niya at si Vira na nga iyon kasama ang classmates namin. Nagtungo na ako roon at hindi ko na nilingon pa si Kuya Khai.
“Francine, dumating ka.” It’s the birthday girl. Sandy.
“Yes, happy birthday again, Sandy.” Inilabas ko ang maliit na box na dala ko at ibinigay ko iyon sa kaniya. “Here’s my gift.”
Nakangiting tinanggap naman niya iyon. “Thanks, Francine! Come, maupo ka na sa tabi ni Vira.” Iyon na nga ang ginawa ko at binigyan agad ako ng best friend ko ng drinks.
Nang sumimsim ako ng apple juice at pasimple kong hinanap si Kuya Khai. Hindi ko agad siya nakita at naramdaman ko naman ang pagsiko ni Vira.
Nang balingan ko siya ay nakanguso siya pero mayroon siyang itinuturo. Napalingon ako sa itaas at nandoon nga ang taong hinahanap ko. Mabilis akong nag-iwas nang tingin dahil nakatutok dito sa amin ang atensyon niya. Pati siya ay may iniinom na. Ang bilis niya ring pumuwesto roon, ah.
“May bodyguard ka, beh,” Vira commented. I shrugged my shoulders.
“Hayaan mo siya,” sabi ko lamang at kahit ramdam ko ang dalawang pares ng mga mata niya ay pilit ko nang binabalewa iyon.
Nag-focus na lang ako sa birthday party ni Sandy. Libre ang drinks dahil binayaran na ng daddy niya. Marami rin siyang invited at ang iba ay mga cousin niya.
“Gosh, Francine. Hindi na juice ang iniinom mo!” sigaw sa akin ni Vira at inagaw niya ang wineglass saka niya iyon inamoy.
Sa tagal namin dito ay halos hindi ko na rin namalayan pa ang oras at kaya naman pala umiiba na ang lasa nang iniinom ko pero hindi ko man lang binigyan ng pansin.
Kaya rin pala parang kanina pa umiikot ang paningin ko at matapang na nga rin ang drinks ko.
“Let her be, Vira. Nasa legal age na si Francine and hayaan mo siyang makatikim ng alcohol for the first time. Bihira lang naman tayo sa mga ganitong event.” Napatango ako nang wala sa oras
“Her instant bodyguard. Baka mapagalitan tayo,” ani Vira at nagtatakang tiningnan siya ni Sandy.
Kumuha ako ng table napkin at pinunasan ko ang gilid ng labi ko. “Beh, are you alright?” I nodded.
“Restroom lang ako,” paalam ko at saka ako tumayo.
“Samahan na kita!” Vira presented but I shook my head.
“Ako na lang. Okay lang ako, Vira. Hindi naman ako nahihilo,” Sabi ko at nag-aalanganan pa siya. Kung hindi lang siya hinila ni Sandy paupo at binigyan pa ng drinks ay magpupumilit siyang samahan ako sa restroom.
“Eh, Francine.” Kinindatan ko lang siya saka ako naglakad paalis doon.
Nang nasa restroom na ako ay nanghilamos na muna ako. Dahil ngayon ko lang higit na naramdaman ang pang-iinit. Na parang mainit ang paligid kahit may aircon naman.
Maski ang damit ko ay mainit na sa balat ko ang tela nito. Huminga ako nang malalim at napatingin ako sa sarili ko through the mirror in front of me.
Namumula ang magkabilang pisngi ko. Hinawakan ko iyon at maski ang mga mata ko ay namumungay na rin.
“God, Francine. You’re drunk na yata,” I uttered and took a deep breath again. Binuksan ko ang slingbag ko para ilabas sana ang face powder ko and my lipstick pero nabitawan ko lang iyon.
Nang lumuhod naman ako para pulutin iyon sa sahig ay roon na ako nakaramdam nang pagka-dizzy.
“Tsk.” Napalingon naman ako sa right side ko nang may tumabi sa akin at isa-isa niyang kinuha ang mga gamit kong nakakalat na sa sahig.
Nang matapos niyang maayos iyon ay saka niya ako inalalayan na makatayo at umikot agad ang braso niya sa baywang ko.
“W-What are you doing here, Kuya? Restroom ito ng mga babae,” kunot-noong sambit ko.
“You crossed the line, don’t you Francine? Ano na lang ang sasabihin ko sa parents mo na pinabayaan kita at uminom ka nh alcohol?” he asked. I sighed.
“I’m not your responsibility, Kuya,” I told him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top