CHAPTER 15

Chapter 15: Courting

BUSY na si Kuya Thyzer sa kapipindot sa keyboard ng phone niya at hindi man lang nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo. Hinayaan ko na lamang siya at tumingin na ako kina Jessrill kasama ang team niya.

Mayroon siyang inagaw na balloon na hawak ng mga babae at patakbo siyang lumapit sa amin.

“Vira, Francine, gusto niyo ng balloon?” tanong niya sa amin. Tumango agad ako.

“May banner din kami!” sabi ko at inilabas ko iyon mula sa maliit kong sling bag. Nakatupi rin kasi ito pero goods na rin.

“Wow. Pinaghahandaan ninyo talaga iyan,” namamanghang sabi niya at pinahawak ko iyon kay Vira. Nandoon ang pangalan ni Jessrill and “Go, win the game!”

“Of course, hindi lang ang mga ito ang dala namin, Jessrill,” aniko at ipinakita ko sa kaniya ang bulaklak and cookies na dala namin ni Vira.

“Puwede ba ’yon? Support kami sa game mo, Jess,” ani naman ng best friend ko.

“Thank you, maiwan ko na kayo riyan,” paalam pa niya dahil talagang magsisimula na rin ang games nila.

Tahimik lang si Kuya Thyzer pero nanonood na siya. Sigawan agad ang maririnig sa field, na maski ako ay nakisigaw na rin at nakatayo na para sumabay. Nag-enjoy ako to be honest, lalo na noong nakikita namin na panalo na ang team ni Jessrill.

Hindi nga kami nagkamali at sila ang nakakuha ng malaking puntos. Napahiyaw sila sa labis na kasiyahan.

Hindi agad nakalapit sa amin si Jessrill pero mayamaya ay lumapit na rin siya. Nakipag-apir lang siya sa amin.

“Congratulatuons, Jessrill!” I greeted him.

“Thanks, Francine,” he said.

“Ang lakas ng lucky charm mo, ’no?” ani naman ni Vira. “Congrats, Jess!”

Nakibati rin naman si Kuya Thyzer sa best friend niya at nagpaalam ito na magpapalit lang ng damit.

Dinala kami ni Kuya Thyzer sa waiting area at binilhan niya kami ng drinks. Nauuhaw na rin kasi ako, sa kasisigaw namin kanina ay parang namamaos ang boses ko.

“After this, Francine. Saan na kayo pupunta ni Vira?” Kuya Thyzer asked me. Natigilan naman si Vira sa tanong niya.

“We’re 18, I heard na may celebration ang team ni Francine. Chance na po ito ni Francine to get engage with Jessrill!” masayang bulalas ni Vira at nagsalubong ang kilay ni Kuya Thyzer.

“Yeah, that’s right. Sa bar iyon magaganap. Maraming lalaki roon, Vira and you know na hindi magandang idea na kasama kayo dahil baka kung ano pa ang mangyari,” paalala pa niya at ako naman ay nagkibit-balikat.

“Pupunta po kami to celebrate with Jessrill. Siguro, iinom po ng kaunting wine,” sabi ko.

So, that’s what happened and Jessrill invited us. I don’t feel any fear because Kuya Thyzer is with us. It’s like I’m with kuya Khai again. Because he is also overprotective.

It’s my first time to go to this kind of place. At a bar where I can see a lot of people inside, dancing and whatever else you can see. Ang harot pa ng music na pinapatugtog ng DJ, pero enjoy na enjoy naman sila.

Vira and I also went home earlier to change clothes. Pink spaghetti strap is what I chose to wear. I finally put on some makeup mommy bought and of course I let her know. Mommy didn’t say no when I said I was going to the bar with Vira. I’m also at the right age, so that’s okay.

“No hard drink for Francine, please,” paalala agad ni Kuya Thyzer. Tumango naman si Jessrill.

“Don’t worry, Thy. Hindi ko naman nakalilimutan ’yan. Hindi ko ipapahamak sina Francine at Vira. Kaya nga nagpa-reserved din ako ng table,” sabi ni Jessrill at sabay na ibinigay niya sa amin ang juice.

“Thanks,” I said at sumimsim na ako sa straw ng iniinom kong juice.

“Sumayaw rin tayo, beh,” pag-aaya ni Vira. I nodded.

“Later,” sagot ko lang.

“You can do anything, Francine. Just don’t drink some alcohol,” paalala na naman ni Kuya Thyzer.

“Noted po ’yan, Kuya,” sabi ko. Hindi ko naman susubukan na uminom ng wine para panatag na ang loob niya. Umaalis lang si Jessrill dahil kailangan pa rin niyang samahan ang mga ka-team niya.

Nang yayain na nga nila pati si Kuya Thyzer ay pinaalalahanan na naman kami at doon naman ako hinila ni Vira. Nakihalo kami sa mga sumasayaw sa dance floor.

“Vira, sure ka ba na hindi ka pagagalitan ng parents mo?” I asked Vira na nagsisimula na siyang sumayaw. Sinabayan ko siya sa marahan na galaw.

Kahit first time namin pareho ay parang ang tagal na namin dito. Higit na ako, na hindi man lang nahihiya na sumayaw. Kung sabagay paikot-ikot ang spotlight.

“Hay naku, beh. Mag-enjoy na lamang tayo. Mamaya na natin iyan problemahin,” sabi niya at tinapik ang balikat ko. Tinawanan ko na lamang siya at sumunod sa sinabi niya na mag-enjoy na lamang kami.

Pero sa tuwing may lumalapit sa amin na mga lalaki ay kusa kong hinihila si Vira para lang makalayo kami. Unfortunately, makukulit sila hanggang sa ilang mga lalaki na rin ang nakapalibot sa amin. Nakararamdam man ako nang pagkailang ay pinili kong maging mahinahon.

Isa-isa lang silang nakaalis dahil sa pagtulak sa kanila nina Jessrill at Kuya Thyzer.

“Are you okay, Francine?” nag-aalalang tanong nito. Tumango naman ako. Napagod ako sa kasasayaw ko kaya inaya ko siyang bumalik sa place namin kanina.

Mabilis din namang sumunod si Vira at binagsak pa niya ang katawan niya sa couch.

“I feel like pagod na, pero enjoy naman,” Vira commented.

Naglapag naman ang kasamahan ni Jessrill ng barbecue, iyon daw ang pulutan nila. Pinagsalin pa niya ako ng juice.

“Magsabi lang kayong dalawa kapag gusto na nitong umuwi. Alam kong may curfew kayo,” ani Jessrill. Napahalakhak lang si Vira.

“To be honest, hindi ako nagpaalam na bar ang pupuntahan ko. Ang paalam ko lang ay pupunta sa house ni Francine. Kaya baka lumagpas din ang curfew na ibibigay sa akin ng kuya ko ay tatawag na iyon sa bahay niyo, beh,” mahabang saad naman ni Vira. But hindi naman siya mukhang nababahala, na tila wala pa rin siyang pakialam kung malaman ng mga ito na sa bar talaga ang punta niya.

Napailing ako sa inasal niya. “Eh, ’di lagot ka,” sabi ko lang.

Nagtagal pa kami ng dalawang oras. Nagkukwentuhan lang naman kami at si Jessrill ang kadaldal ko. Napaka-approachable niyang tao at magaan siyang kausap. Sa presensya niya lang ay talagang panatag na ako. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na nandoon ang kaba at pagkailang dahil natatakot ka rin naman na mayroon silang gawin sa ’yo na masama.

“Let’s go home, Francine.” Out of nowhere ay narinig ko ang boses ni Kuya Khai. Napabaling ako sa bandang kanan ko at nagulat ako nang makita ko siya at siya nga ang nagsasalita.

“Khai,” sambit ni Kuya Thyzer sa pangalan ng pamangkin niya.

“Thank you for the information, Tito. Iuuwi ko na po si Francine. Vira, nasa labas na rin ang kuya mo.” Nagkatinginan naman kami ni Vira at bigla siyang namutla.

Si Jessrill naman ay palipat-lipat ang tingin niya sa amin, until he stood up from his seat.

“Ako na ang maghahatid kay Francine pauwi. I invited them,” Jessrill said.

When I looked at Kuya Khai, he was so serious and it’s hard to read the emotion in his eyes. Sa paraan lang nang pagtitig niya sa ’yo ay kinakabahan ka na at natatakot nang magsalita pa. It seems like you have no choice but to just agree with what he wants.

When I’m not yet able to speak, he makes me stand. I glanced at Jessrill, salubong na ang kilay niya.

“Uhm, Francine. Puwede ka namang sumabay sa amin ng kuya ko. Ihahatid ka na lang namin,” Vira said. I nodded but umiling naman si Kuya Khai.

“Mapapalayo lamang kayo, Vira. I’m going home with Francine. We are in the same subdivision at magkapit-bahay din naman kami. Tito, umuwi na rin po kayo ng kaibigan mo,” he said calmly. I just smiled at Jessrill. Dumistansya ako kay kuya at nilapitan ko si Jessrill.

He was shocked when I kissed his cheek. “Thanks for the treat, Jessrill. Congrats, again, huh?” He just smiled.

“Thank you, Francine. I will also keep the banner you made. Mag-iingat na lang kayo ni Vira,” he said.

Halos sabay naman kaming lumabas. Nagbeso-beso lang kami ni Vira at bumati ako sa kuya niya na ngumiti lang din.

Bago namin tinungo ni Kuya Khai ang car niya ay hinubad pa niya ang coat niya. Ipinatong niya iyon sa balikat ko kung kaya’t nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Hinawakan ko na lamang iyon para hindi siya malaglag. Nasa likod ko na ang kamay niya at iginiya na niya ako palapit sa sasakyan niyang nasa parking space. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at sumakay na lang din ako.

Tahimik lang kami sa sasakyan at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hindi rin umaandar ang pagiging talkative ko. Kinakabahan pa rin ako sa presensiya niya dahil kakaiba rin ang aura niya.

“Is Jessrill courting you, Francine?” mayamaya ay tanong niya. Finally he has break the silence between us.

“It seems like it is, Kuya. I want to give Jessrill a chance,” I said and that’s all I thought about telling him.

“Kilala mo na ba talaga si Jessrill? Did you tell him that all those who will try to court you will pass through me first?” he asked me. I shook my head.

“Jessrill is kind and he is a gentleman. Na isa pa he’s your uncle’s friend, Kuya. There’s nothing wrong with him courting me, right?”

“But Jessrill is older than you,” he said as I silenced. Kaya nga hindi niya ako napapansin dahil bata rin ang turing niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top