Chapter 13: Francine’s Debut
JANUARY 7, today is my 18th birthday. The long wait is over, matagal din itong pinaghandaan ng mommy ko. Isinara pa niya ang boutique niya, para maging on-hands siya sa lahat.
Pink and white ang theme ng debut ko. Ang gown ko naman ay pink na off-shoulder. Maganda nga ang design ni mommy at ang tela niya ay binili pa niya sa ibang bansa. May kamahalan din ito at mabigat din ang fabric niya.
Ang waivy hair ko ay maganda ang pagkakabungkos nito at may iilan na hibla rin ang buhok kong nakakulot.
Napahikab ako dahil talagang inaantok ako. Ilang oras din nila akong inayusan at talagang sobrang tagal. Ang event ay sa mansion lang namin ginanap. Kaya kapag gugustuhin kong umalis to take a rest ay makaaalis agad ako.
“Ang tagal naman,” reklamo ko at napatingin ako sa phone ko na nasa bed ko. Tatayo pa sana ako para makuha iyon nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
I looked at the intruder and si Kuya Khai lang naman ang pumasok. He was wearing his white suit, sa pocket square niya ay may pink rose ang nakalagay roon.
He’s my escort at nalaman niya rin na nagsinungaling lang ako tungkol sa pagkakaroon ko ng escort na wala sa kanila ni Seth ang pinipili ko. But my mom asked him if puwede siyang maging escort ko. Akala ko nga ay mananahimik siya, he told to my mom na mayroon na raw akong napili but in the end ay gumawa pa rin ako ng alibi. Kuya Khai agreed to be my escort kaya nandito siya ngayon.
Nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at diretso ang paglalakad niya sa akin.
“Naiinip ka na?” tanong niya at nang tuluyan na siyang nakalapit ay inilahad niya agad ang kamay niya.
“I’m not naiinip. Inaantok na kaya ako,” sabi ko at umikot pa ang mga mata ko. Tinanggap ko na ang kamay niya at inalalayan niya akong makatayo.
Napaigtad pa ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa likod ko, bumaba pa iyon sa baywang ko. Off-shoulder nga ang gown ko pero naging backless pa rin ito. Maski ang neckline ay sobrang baba at nakikita ang kaunting cleavage ko.
“Masyado pang maaga para antukin ka, Francine,” sabi niya at tumingin ako sa Gucci watch ko. I bit my lower lip. Seven twenty-five p.m pa lamang. “Who is your escort, Francine?”
“I’m telling the truth, Kuya. Busy kasi siya, eh,” sabi ko at umiling siya. “Swear!”
“Si Herodes lang ang alam kong kaibigan mong lalaki. Pipilitin mo pa talaga ang alibi mo?” nakataas ang kilay na tanong niya. Itinuro ko ang phone ko sa bed.
“Kunin mo, Kuya. Ipakikita ko sa ’yo ang message ni Jessrill,” sambit ko at nangunot ang noo niya.
“Who? Jessrill? Jessrill Caspero?” My eyes widened.
“Kilala mo si Jessrill?” gulat na tanong ko naman.
“He’s a friend of Uncle Thyzer. Ang bunsong kapatid ni dad. I know Jessrill. Law student din siya like my uncle. How did you meet him, Francine?” Kaloka naman ito. Kilala pala niya si Jessrill, kahit na ang totoo ay tatlong beses lang ulit kami nagkita ni Jessrill.
“Secret,” sagot ko lang at umiling naman siya. Bahagya naman siyang dumistansya. Sinenyasan pa niya ako para kumapit na ako sa braso niya.
Pumulupot na ang kamay ko sa kaliwang braso niya at itinaas pa niya ang gown ko para makapaglakad ako nang maayos.
“Your gown is so revealing, Francine.” Naramdaman ko naman ang pagsulyap niya sa ’kin kaya nilingon ko siya.
“Because this is off-shoulder style and also backless, the neckline is naturally low, Kuya,” paliwanag ko naman.
“What else can I do with your gown? It’s beautiful and suits you well,” he said.
“Am I pretty too?” I asked him.
“You’re not just pretty. You’re very beautiful.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa narinig. “You’re not a kid anymore. Because you are now a young lady and I know, you will have a lot of suitors. Tell them pass me first if they want to court you, alright?” Kumunot ang noo ko.
“Is it okay for me to have a boyfriend?” I asked him.
“Manliligaw pa lang, Francine. Don’t answer him yet. Kikilalanin ko pa siya,” seryosong sabi niya at nagkibit-balikat lamang ako.
“Ewan ko sa ’yo, Kuya,” nakaismid na sabi ko at pinagkukurot ko ang braso niya.
“How are you, Francine?” he asked out of nowhere.
“Why are you asking me that, Kuya?” I asked him in confused.
“I’m asking you dahil sa nakalipas na taon, hindi na ako masyadong updated sa ’yo dahil busy na ako masyado sa trabaho ko at ikaw rin sa pag-aaral mo,” sabi niya.
“I’m doing fine, Kuya,” tanging sagot ko lang.
Habang naglalakad na kami ni Kuya Khai, we heard the soft music at napakagandang pakinggan ito. My birthday party is really starting. We had a ball room sa mansion namin at doon nga ginanap ang event.
Until I saw our visitors, they were in their fancy outfits at pumalakpak pa silang lahat. The decor is so beautiful and they really put it together. The MC has also announced the arrival of the two of us with Kuya Khai. Even though the camera shot hurt the eyes I still faced it and smiled sweetly at them.
Nang higit na lumapit ang mga photographers sa amin ay agad na bumitaw si Kuya Khai. He moved to the other side and I felt his hand around my waist again. Ginawa niya iyon para hindi sila makalapit. Hinawakan na rin niya ang kanang kamay ko para alalayan ako.
“Kuya. . .” mahinang sambit ko at yumuko pa siya para makabulong ako sa kaniya.
“What is it?” he asked.
“Hindi po ba magseselos ang girlfriend mo? Kaya ayokong maging escort ka. Puwede naman si dad at nandiyan si Herodes,” sabi ko at nagsalubong na naman ang kilay niya.
Hindi na siya sumagot pa at pareho na kaming naglakad sa may gitna. Nandoon kasi ang upuan ko dahil magsisimula na nga talaga ang debut ko.
“Happy birthday, baby. I wish you all the best. So, I can always see your beautiful smile, baby,” may lambing na sabi pa niya. My heart skipped a beat. He wants me to be happy but he doesn’t know that I’ve been hurt before at nalungkot nang sobra.
Dahan-dahan na lumapit ang mukha niya at alam kong hahalikan niya lang ako sa pisngi. Pero hindi, naramdaman ko ang mainit niyang labi na dumampi sa gilid ng mga labi ko. Hindi iyon masyadong makikita ng mga bisita namin. Iniwan niya ako roon na halos matulala na ako.
Nagsimula ang ceremony para sa debut ko at iyon na lang ang binigyan ko nang atensyon hanggang sa 18th roses.
“Look at yourself, hon. When you were just small, I could hold you with just one arm. Now you are a young lady, my daughter. You are so beautiful just like your mom. Francine, always remember that no matter what happens daddy is always here. I will always support you in the decision you choose. I love you very much, hon.” Tumulo pa ang mga luha ng daddy ko at hinaplos niya ang pisngi ko. Hinawakan ko iyon.
“I love you too, Dad. Love na love ko po kayo ni mommy,” nakangiting sabi ko.
Kasama sa 18th roses ko ang grandfathers ko, si Tito Rykiel, ang mga kapatid niya, sina Herodes at Seth. Of course pati na ang kapatid kong si Cody and last, si Kuya Khai. Kung siya ang escort ko ay siya pa rin ang pang-18th roses.
“Mas guwapo po pala ang uncle mo, Kuya,” agad na sabi ko dahil kanina pa niya ako tinititigan. Pinasadahan niya nang tingin ang buong mukha ko na parang hahanapan niya ako ng pimples kung mayroon man.
Ang dalawang braso ko ay nakapulupot sa leeg niya at nakahawak din siya sa baywang ko. Dahil sa posisyon namin ay malamang magdidikit ang aming katawan. Kaya hindi na naman ako mapakali. Ang sistema kong nagwawala na naman.
“At sino roon?” nakataas ang kilay na tanong niya. Hinanap ko naman sa table nila ang mga tito niya na kaedad niya lamang.
“Hayon po. Si Kuya Thyzer,” sagot ko at kumunot ang noo niya.
“Lahat na lang ay guwapo sa paningin mo,” he murmured.
“Yeah, he’s guwapo naman talaga but of course. . . Mas guwapo ka,” sabi ko and thanks sa pagtama ng spotlight dahil nakita ko ang pagpula ng pisngi niya pero mabilis lang iyon kasi naglaho na agad.
“Ang galing mong mambola, eh ’no?” Tumango ako at ngumisi. “Francine. . .”
“Hmm?” tugon ko naman, kasi parang may gusto siyang sabihin.
“Huwag kang magbago. Stay who you are, baby,” he uttered at nagbigay ’yon sa ’kin ng malaking question mark sa ulo ko.
I want to ask him, why? Pero natapos na ang kanta at saka niya ako binitawan. Hinigpitan ko pa ang paghawak ko noon sa kamay niya pero bumitaw pa rin ako sa kagustuhan niyang pakawalan ko na rin siya.
“I love you, Kuya Khai. . . Always remember that,” I said bago siya tumalikod.
Hindi lang ako sigurado kung narinig ba niya ako o hindi. Pero wala naman na akong pakialam pa kung hindi niya narinig or what. Basta ngayong 18th birthday ko ay nasabi ko sa kaniya ang matagal ko nang nararamdaman towards him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top