CHAPTER 12

Chapter 12: Jezrill Carpeso

MATULIN lumipas ang mga araw, and going strong pa rin ang relationship nina Kuya Khai at Calystharia. Of course, updated pa rin naman ako. Isa pa friends kami sa social media account namin.

Ang feelings ko, mas lumalim lang nang lumalim pero ngayon, alam ko na kung kailan ako didistansya sa kaniya. I know my limits.

Ayoko na rin namang magpaka-martyr pa sa pagmamahal ko kay Kuya Khai. Masakit nga talaga kapag one-sided love lang.

Since tapos na rin siya sa college niya ay si daddy na ang naghahatid sa akin sa school at pinapasundo na lamang ako sa family driver namin. Minsan naman ay si dad ang sumusundo sa ’kin at sabay na kaming umuwi.

I tried my best to forget him, even though ayoko but I failed to do that. Siya pa rin talaga, and every time I force myself to like someone ay mas nasasaktan ako. Kasi siya ang palagi kong naaalala.

Si Kuya Khai ay parang isa siyang curse at ayaw na niyang kumawala pa sa buong sistema ko, kahit ano pa ang gawin ko.

“Hon, dumaan ka sa boutique ko later, ha? May ipakikita akong design sa ’yo, and I want you to choose the best gown na magugustuhan mo. One week kong ginuhit ang mga ’yon just for you. Para may pagpipilian ka rin and bet mo,” my mom said. Naghahanda na ang parents ko para sa debut ko next month at si mommy rin mismo ang magiging on-hands doon.

Ayoko na sanang mag-debut but I realized, hindi lang minsan sa buhay ko ang malaking event na nangyayari ’yon. For my mom and dad too, first born nila ako and I know, isa sa pinangarap nila ang magkaroon ako ng debut dahil first time lang din iyon nangyayari sa buhay nila. Kahit nandiyan naman ang baby sister kong si Pressy.

I don’t want to disappoint my parents, especially my mother. This is one of her dreams. Kaya naghanda rin siya for a week para lang makapag-isip ng design at maipakita na niya sa akin. I don’t want to waste my mom’s effort. Kasiyahan na iyon ng aking ina.

“Sure, Mom,” nakangiting sagot ko.

“Isama mo si Vira, hon.” Ngumiti ulit ako sa aking ina.

Now, nasa huling taon na ako ng senior high school and yes, magkasama pa rin kami ni Vira at pati na si Herodes. Naging guy best friend na rin namin siya. Sumuko na siya sa panliligaw sa akin dahil hindi ko naman siya sinasagot.

I approached my mom and kissed her cheek. “Papasok na po ako, Mom. Magpapahatid na lamang po ako kay Kuya Jude,” sabi ko.

“Ang daddy mo ay matagal talaga. I’ll see you later, honey,” she said at humalik din siya sa pisngi ko.

Dark green ang skirt namin and white blouse, tapos mayroon kaming tie and coat. Iyon ang suot kong uniform. Ang waivy hair ko ay naka-tie ang kalahati nito sa tuktok ng ulo ko.

Naabutan ko naman sa labas si Kuya Jude at mukhang inaayos niya ang kotse namin.

Nilapitan ko siya para magtanong kung okay lang ba ito. “Kuya Jude, may problema po ba sa kotse natin?”

“Iyong makina lang po ang inaayos ko, Ma’am. Ayaw niyang magbukas kanina,” sagot niya at nakabukas na ang hood sa front nito.

“Iyong ibang sasakyan na lang po ni dad ang gamitin natin, Kuya Jude,” suggestion ko.

“Gagamitin po ng mommy mo ang isa, sa daddy mo naman ay ang sasakyan niya at ang isa ay gagamitin ni Manang Ley dahil mag-g-grocery po sila mamaya,” paliwanag ni Kuya Jude at sasagot pa lamang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

“Ate Francine! Sabay ka na po sa amin ni Kuya Khai!” Si Seth ang tumawag sa akin at ilang beses pa siyang kumaway-kaway.

Napatingin ako sa kuya niya. Nakatingin din naman siya sa direksyon ko. Si Kuya Khai, wala pa rin siyang pinagbago. Ganoon pa rin ang ugali niya. Tahimik at palaging seryoso. Mabait naman siya at gentleman.

25 years old na rin siya and ready na mag-settle down but until now ay madalas pa rin siyang umuuwi sa bahay nila. Guwapo pa rin si kuya. Wala nga talagang nagbago sa kaniya. Malakas pa rin ang sèx appeal niya.

“Thanks, Seth. But I’ll wait na lang kay Dad,” sabi ko. Ayokong sumabay sa kanila. Bihira na lang din kaming magkita ng kuya niya.

Si Seth ay grade 7 na siya at binata na nga. Kaunti na lang ay aabutan na niya ang height ni Kuya Khai.

“Oh, same school naman po tayo, Ate. Nasa gate two lang po kayo,” sabi pa niya.

“Mas mabuting sumabay ka na lang po sa kanila, Ma’am. Baka ma-late kayo sa klase,” sabi ni Kuya Jude na parang wala na akong magiging choice pa. Tumingin ako sa front door namin, umaasa na lalabas pa roon si dad pero asa pa naman ako.

I took a deep breath at naglakad na ako palapit sa kotse niya. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso dahil nakatutok ang atensyon niya sa ’kin.

Binuksan niya agad ang pinto sa passenger’s seat. Si Seth kasi ay mabilis nang nakasakay sa backseat. Doon sana ang gusto kong upuan. Kung doon pa ako sasakay ay nakahihiya naman sa kuya niya. Magmumukha siyang personal driver namin ni Seth.

“Fastened your seatbelt, Francine,” mahinang saad niya at mabilis kong ikinabit iyon saka niya marahan na isinara ang pinto.

Nasa lap ko na ang backpack dahil maikli masyado ang skirt na suot ko at kitang-kita ang legs ko.

“Ate, may escort ka na po ba para sa debut mo next month?” tanong ni Seth nang ’saktong pasakay na rin si Kuya Khai. Kumunot pa ang noo niya dahil sa tanong ng nakababata niyang kapatid. Ngayon ay klarong-klaro na nga ang similarity nilang magkapatid.

“Why are you asking her about that, Seth?” he asked.

“I volunteered myself, Kuya. Bagay naman po kami ni Ate Francine, right? Kasing tangkad ko na siya,” sagot ni Seth na ikinangiti ko at nilingon ko rin siya sa backseat.

“You’re too young for her, Seth,” he told his little brother.

“Alangan naman pong ikaw, Kuya? You’re too old for her. Mas hindi kayo bagay,” Seth fired back.

“Huwag na nga kayong magsagutan pa riyan. Wala sa inyo ang pipiliin ko. Mayroon na akong escort,” sabat ko sa kanilang magkapatid at parehong nagsalubong ang kilay nila.

“Sino?” sabay na tanong pa niya.

“Classmate ko lang,” sagot ko.

“Sino si Herodes?” tanong na naman nila nang sabay.

“Hindi, basta makikilala ninyo pa rin siya,” sagot ko na lamang kahit ang totoo niyan at wala pa akong escort.

Ewan ko lang kay mommy kung pati siya ay nakapili na rin. Since siya naman ang nag-aasikaso ng lahat.

Nanahimik na rin silang dalawa at hindi na sila nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa school. Bababa na rin sana ako nang pinigilan ako ni Kuya Khai.

“Ihahatid kita hanggang gate two. Malayo pa iyon, Francine,” sambit niya.

“Kahit dito na lang po ako bababa, Kuya. Pareho lang naman po,” sabi ko na ikinailing naman niya.

“Baba na, Ate Francine! Ihahatid kita hanggang gate two!” sigaw naman ni Seth sa labas at bubuksan na sana niya ang pinto sa side ko ay ni-lock agad ito ng kuya niya. Nakababa pa rin naman ang bintana.

“Seth, pasok na,” mariin na utos niya sa kapatid.

“Dito na raw po kasi bababa si Ate Francine, Kuya. Buksan mo na,” giit pa rin ni Seth.

“Pumasok ka na, Seth. Hindi na kita bibilhan ng kotse,” pananakot pa niya at dahan-dahan na niyang isinara ang bintana.

Kakamot-kamot sa ulo niya si Seth nang nagtungo na siya sa gate at napangiti ako sa reaksyon niya. Pinausad na uli ni Kuya Khai ang kotse niya.

“Ang cute po ni Seth, ’no?” aniko.

“Hindi naman siya tuta para maging cute,” malamig na sabi niya at napayos naman ako nang upo. Parang ang init ng ulo niya, ha.

“Ah, para sa akin ay cute pa rin siya,” giit ko. Hindi ko na siya hinayaan pa na magbukas ng pinto dahil sinabihan ko na agad siya. “Salamat po. Ingat ka,” paalam ko at nagmamadali na akong umalis.

Binagalan ko lang ang paglalakad ko nang nasa campus na ako at masyado ko namang iniisip ang nangyari kanina.

Mayroon na namang sumigaw. “Miss, watch out!” sigaw nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang bola ay patungo sa side ko ang hagis nito.

Dahil sa takot ko ay ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Naghihintay na lamang ako na tatama ito sa ’kin.

Pero may humila sa kamay ko at naramdaman ko rin ang malakas na puwersang paghatak niya sa aking katawan kung kaya’t tumama ako sa matigas niyang katawan.

Ang noo ko ay nakadikit sa dibdib niya at nalalanghap ko ang mabango niyang perfume. Bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa naisip ko na niyayakap ako ng lalaki para lang hindi ako matamaan ng bola.

Mayamaya lang ay hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ako.

“Are you okay, Miss?” tanong niya at nasa timbre ng boses niya ang concern. Nag-angat ako ng mukha at halos matulala ako nang makita ko ang hitsura niya. Napaka. . . Napakaguwapo niya. “Hindi ka ba nasaktan?” he asked again. Kahit ang boses niya ay napakaganda. “Miss?”

I cleared my throat. Kanina pa ako tinatanong ng lalaki pero nakatulala lang ako sa harapan niya. Nakahihiya na ako masyado.

“I’m okay, thank you,” sambit ko at dumistansya na ako para mabitawan na rin niya ako.

“Are you sure? Puwede kitang dalhin sa infirmary,” sabi niya pero umiling ako.

“No need. Hindi naman ako nasaktan. Thank you for the concern,” I told him.

Nagsilapitan na ang mga soccer player. “Coach!”

“Wala sa linya ang bola ninyo at muntik na kayong makapanakit,” seryosong sabi ng lalaki at nagtaka naman ako kung bakit coach ang tawag sa kaniya ng schoolmates ko.

“Pasensiya na po, Coach. Sorry din sa ’yo, Miss,” sabay-sabay na paghingi nila sa akin nang paumanhin. Ngumiti lamang ako.

“Ayos lang. Hindi ninyo naman sinasadya. Sadyang may mga pagkakataon din talaga ay magkakamali tayo,” wika ko.

Nahiya ang iba sa ’kin, halata rin kasi ang pagpula ng mga tainga at leeg nila.

“Sige na. Mag-practice na uli kayo. Be careful next time,” utos pa ng lalaki at patakbo na silang bumalik sa court. “Sorry about that, Miss.” Hinarap ko naman ang lalaki.

“It’s okay,” sabi ko. “Uhm, bagong coach ka ba rito?” Hindi na ako nahiyang magtanong pa.

He looks friendly naman and mabait. He was wearing his white t-shirt and jogging pants. Black sneakers din. Hindi halatang isa na siyang coach. Parang isa pa rin siyang estudyante at ang age niya, siguro ay hindi rin naglalaro ang edad namin. Ang tangos talaga ng ilong niya at napaka-perfect ng jawline niya.

“I’m just a temporary coach. Dito rin akong nagtapos ng junior to my senior high school. Ngayong second year college na ako at kasama pa rin ako sa soccer team ay mahirap pa ring tanggihan ang principal,” paliwanag niya at wala naman akong nakikita na nagmamayabang lang siya.

“Hindi pa yata kita naabutan kung ganoon. Nasa huling grade na rin kasi ako,” sabi ko naman at napangiti siya sabay lahad ng kamay niya. Napatitig pa ako roon.

“I’m Jessrill Carpeso, fourth year college and law student. 22 years old.”

Namangha ako sa sinabi niya na law student niya. Siguro super genius niya rin.

“I’m Francine A. Laverus,” pagpakilala ko naman sa sarili ko at tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Kaya lang wala akong naramdaman na kahit na ano’ng sparks. “Nice meeting you, Jessrill,” nakangiting sambit ko at sumilay rin ang ngiti siya sa mga labi. Natulala ako nang makita ko ang magkabila niyang dimple.

“Francine, hey!” Nabawi ko ang kamay ko dahil narinig ko ang boses ni Vira.

“Mauna na ako, ha? May klase pa kami,” paalam ko kay Jessrill at tumango lamang siya. Nilapitan ko na si Vira at nagtatakang tumingin pa siya sa likuran ko.

“Sino ’yon, beh?” tanong niya sa akin.

“Wala, coach lang iyon. Tara na.” Hinatak ko na rin siya para hindi na siya magtanong pa ng kung ano-ano.

“Wala lang daw, pero coach naman. He looks familiar,” sabi pa niya.

“Just let’s go, Vira! We’re gonna be late sa class natin!” sigaw ko at hinatak ko pa siya para kumilos na talaga siya. Ang kulit niya rin masyado, eh.

***

My mom is too busy to entertain her clients. Napakarami naman kasi nila. Kahit may mga staff siya ay parito at paroon lang siya para makausap niya ang mga ito.

I stood up from my chair at iniwan ko muna roon si Vira. Tumitingin na rin kasi siya sa latest design ng mommy ko. Bibigyan siya ng gown para sa isusuot niya sa debut ko. She loves my mom’s masterpiece. Naging suki na nga siya ng mommy ko at nabigyan na siya ng discount.

“Mom, may I help you?” I asked my mother as soon as I approached her. Dahilan na napatingin sa ’kin ang magandang client niya, na if I’m not mistaken ay ka-age lang ng mommy ko.

“Is she your daughter?” she asked my mom.

“Yes, my first daughter. Francine,” tila proud na sabi pa ni mommy.

“Good afternoon po,” I greeted her.

“Good afternoon too, hija,” magiliw na bati rin ng ginang. Base pa lang sa suot niyang mamahalin ay siguro rich din siya. “Mrs. Laverus, wala ka bang latest design para sa mga mag-d-debut?” she asked at napatingin pa sa ’kin si mommy.

“There is, Madam. But as of the moment ay hindi pa siya available ipakita sa mga client ko. My daughter, debut niya rin kasi next month and I prepared that designs just for her. You know, mother wanted a best for their daughter especially their first ever debut. Hindi pa kasi nakapipili ng gown niya ang anak ko,” magalang na sambit ni mommy at napatango-tango ang ginang.

“I understand. Maski ako ay iyon din ang gagawin ko. Hija.” She looked at me. I smiled at her naman. “You’re very lucky to have your mother na dress designer and stylist. I envy your mom’s talent. Dahil kung ano ang gusto niyang gown ipasuot sa anak niya ay isang pitik niya lang ay magagawa na niya,” sambit niya na may ngiti sa labi. Mom chuckled softly.

“Yes, Madam. I am very much lucky to have her as my mother and also my dad,” I politely said. Inangkla ko pa ang kamay ko sa braso ni mommy.

“Mrs. Laverus, may malambing, mabait at maganda kang anak. May anak akong law student. I just hope na makilala mo siya one time. Bagay kayo, hija.” Si mom ay sinakyan ang biro nito. Ako naman ay tanging pagngiti lang ang ginawa ko.

Law student, isang lalaki ang naaalala ko. Si Jessrill Carpeso. Baka heartthrob nga iyon sa school nila. Ngiti pa lamang niya at dimples. Nah, marami na ang mabibighani sa kaniya. Guwapo na nga at mabait pa.

Aside from Kuya Khai, na-meet ko rin ang almost kagaya ng personality niya. Maliban sa pagiging aloof niya and being serious.

But if ako ang tatanungin kung sino ang mas guwapo ay siguro mas pipiliin ko pa rin si Kuya Khai. Magaan din kausap si Jessrill.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top