CHAPTER 1
Chapter 1: Pinky Promise
FRANCINE’s POV
BINUKSAN ko ang bintana nang magising ako isang umaga. Maganda ang naging tulog ko last night dahil iyon kay Kuya Khai. I went to their house kasi kahapon para lang magpaturo ako sa isang subject ko sa kaniya and viola, marami akong natutuhan. He’s a good tutor and I love him. I chuckled softly dahil lang sa naisip ko. 15 years old lang ako but siya? Turning 22 na rin siya.
Mayroon akong sariling balkonahe at katapat din nito iyong kay Kuya Khai. Neighbor na nila kasi kami. Lumipat kami ng parents ko ten years ago. Dahil iyon ang request ko. Gusto ko na palagi kong nakikita araw-araw ang crush ko.
Imagine, limang taong gulang pa lamang ako nang pinilit ko siya na mag-pinky promise kami na hihintayin niya ako tapos paglaki ko ay siya ang magiging groom ko at ako naman ang magiging bride niya.
10 years ago. . .
Naglalaro ako ng doll ko ngayon nang sumigaw si daddy. Nasa living room kami. Iniwan ako saglit ni mommy ko dahil mag-m-make raw siya ng snack namin.
“Francine, baby!” tawag ni daddy ko. Niyakap ko ang pink doll ko at tumayo ako, then I went outside. Nandoon kasi sa labas si daddy.
Mabagal ang steps ko kasi maliliit pa ang legs ko. Hindi naman kasi ako like daddy ko na long legs. But I like it kapag always niya akong binubuhat.
Wala pa akong baby brother nor baby sister. Mag-isa muna ako kasi five pa lang daw ako. Pero always kong sinasabi sa mommy at daddy ko na bigyan na nila ako nang ka-play ko. Which is my baby sibling. Ang doll ko lang kasi ang nilalaro ko and sometimes kitchen stuff toys ko.
“Daddy? Why ka po tawag nang tawag sa akin?” tanong ko kay daddy ko at salubong pa nga ang kilay ko like serious ako. But to be honest, curious din.
“Look who have here, honey. Come here, baby,” malambing na sabi ni daddy ko. Ginagalaw ko ang pink dress ko habang naglakad palapit kay daddy.
Ang tamis ng ngiti ng daddy ko at nahahawa ako. Kaya naman binilisan ko na ang paglalakad ko but napatingin ako sa isang matangkad na guy na nasa left side ni daddy.
I stilled at naging big ang eyes ko because I’m shocked!
“Kuya Khai?!” sambit ko sa pangalan ng anak ni Ninang J ko. Napatili ako at tumakbo palapit sa kaniya. “Kuya! You’re here po sa house namin?!” Nagtaas ako ng maliliit kong mga braso dahil I want him to carry me kasi big na pala siya—I mean, super matangkad na pala siya.
“God, excited talaga siya, right Alkairro?” my daddy asked.
“Yes po, Ninong,” naka-smile na sagot ni Kuya Khai and he carry me naman. I stared at his handsome face and mas naging pogi nga siya like my daddy. “How are you, Francine?” he asked me, natural na malambing ang voice niya kapag ako ang kinakausap niya. But to others, I know naman na silent lang siya and serious.
“I’m perfectly fine po,” I answered and kissed his cheek. Tapos gumanti siya. Ni-kiss niya rin ako sa cheek ko and itinuro ko ang nasa right. Natatawang hinalikan niya rin iyon.
Kuya Khai was wearing his white t-shirt and gray blazer. Black pants and a pair of white sneakers. Clean-cut ang hairstyle niya na bumabagay naman sa kaniya. Tapos maputi siya, uhm. . . mestiza, right?
“Glad to know that, Francine. Heavy ka na pala, oh,” he said at mahigpit kong niyakap ang neck niya.
“Silly you, Kuya! I’m still five and you are so handsome like daddy ko!” I said, happily. Napatawa sila ni daddy at mahina niyang kinurot ang pisngi ko. “Mag-isa ka lang po, Kuya Khai? Si Ninang J ko po?” tanong ko.
“Hindi ko kasama si mommy. Busy siya sa photoshoot niya, Francine,” sagot naman niya and I nodded. I miss my ninang.
“Pasok muna tayo, Francine, Alkairro. Doon na kayo magkuwentuhan sa loob, lovebirds.” I giggled when I heard that from my father. Kuya Khai let out a short laugh.
“You heard that po, Kuya? We’re lovebirds,” I joked and his smile widden.
Kinuha na ako ni daddy at kinarga. Nag-flying kiss pa ako kay kuya and kunwari ay may heart ang lumipad sa kaniya tapos sinalo niya. Nag-init ang cheeks ko at nagtago ako sa dibdib ni daddy ko. I heard him chuckled naman and kissed my temple.
“You’re so sweet, honey,” Daddy Storm uttered.
Nasa living room na kami at nakaupo ako sa lap ni daddy. Katabi ni Mommy Z ko si Kuya Khai. Masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa amin habang kumakain kami ng snack.
Nagluto si mommy ng pizza, tapos may pineapple juice rin kami, and sandwich din. Focus ako sa presense ni kuya kaya si daddy ang nagpapakain sa akin.
“Ang bilis niyang tumangkad, babe, ’no? Binata na kasi,” comment ni Mommy Z.
“Yeah. Mayroon nang maiiwan sa pagkabata niya,” sagot naman ni daddy ko kaya sumimangot ako. Kasi alam ko kung ano ang meaning niyon o ang ibig niyang sabihin.
“Daddy naman, eh,” nakangusong sabi ko at tiningala ko pa siya. Nakasandal na ako sa dibdib niya. He kissed my pouty lips, and I smiled at him. I really love my father, sila ni mommy ko. I glanced at Kuya Khai and mabilis akong nagtago sa chest ni daddy kasi nakatingin pala siya sa ’kin.
“Akala mo naman ay shy siya, babe. Nasulyapan lang siya ng crush niya, ay,” sabi ni mommy at tinakpan ko na ang eyes ko.
“Don’t bully my daughter, babe,” daddy said. Tumawa lang si mommy. Binu-bully niya ako, kasi visitor namin ngayon si Kuya Khai.
“Thank you sa fresh flower, Alkairro,” mommy said at tiningnan ko na sila. Binigyan kasi siya ng flower.
“No worries po, Ninang. Sinadya ko rin po na pumunta rito kasi matagal-tagal ko na ring hindi nakita si Francine,” paliwanag niya tapos mabilis na sumulyap ulit sa side namin ni daddy. Particular na sa akin.
“Yehey! Kilig naman ang unica namin!”
“Mommy, eh!”
Tapos naiwan lang kami ni Kuya Khai at lumapit na ako sa kaniya. Inalalayan naman niya akong makaupo sa tabi niya at pinagmamasdan ko ang face niya. He’s super handsome talaga.
Si Kuya Khai ay wala siyang daddy, kasi wala namang hubby ang ninang ko. But everyone thought na ate niya lang si Ninang J. Kasi ayaw nilang maniwala, mommy and daddy rin naman ang tawag niya sa grandparents niya.
“I wonder po, Kuya if kamukha mo si daddy mo,” aniko at pinisil pa niya ang pisngi ko.
“Si daddy ko?” I nodded.
“Hindi mo ba hinahanap si daddy mo?” tanong ko ulit at napahalakhak na naman siya.
“Si daddy mo. Baby ka pa nga talaga, Francine,” he said at sumandal ako sa kaniya.
“Kuya. . .” Ipinakita ko sa kaniya ang little finger ko at nagtatakang tiningnan naman niya iyon.
“Yes po?” tugon niya na ikinangiti ko.
“Can you wait for me, kuya? Gusto ko po na wait mo ako na lumaki tapos gusto ko rin na ako ang magiging bride mo. Kuya Khai, I want to marry you po when I grow up,” I said.
“Oh, you like that? Tapos mag-pinky promise tayo?” I nodded. “Mga ilang taon naman akong maghihintay, Francine?” he asked and hinawakan niya ang chin ko.
“Kapag nag-18 po ako. I want you to be my last dance rin po, and then my escort.”
“Eighteenth,” he uttered. “So, 25 na ako at that time and 12 years kitang hihintayin. Alam mo, Francine. Baby ka pa. Magbabago pa ang gusto mo sa isang lalaki. Baka makakita ka lang ng ka-edad mo ay siya ang gusto mong pakasalan kapag dalaga ka na,” mahabang sabi niya.
“But I like you po, kuya,” giit ko at sumeryoso pa ang facial expression ko. He just kissed my temple.
“Okay po. Wala namang masama kung susubukan kong mag-pinky promise,” sabi pa niya at ginaya na rin niya ako. Nag-pinky-promise kaming dalawa. “I promise na hihintayin ko sa paglaki niya si Francine at magiging groom niya raw ako.”
“And bigyan mo ako ng something, kuya. Iyong. . .ano po—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinanggal niya ang isang butones ng blazer saka niya iyon ibinigay sa ’kin.
“Then akin na ito,” sabi niya at hinubad niya ang pink bracelet ko. Binili iyon ni mommy ko but I don’t mind kung kukunin iyon ni kuya.
“Thank you po.”
The present. . .
Doon nagsimula ang pangako namin sa isa’t isa ni Kuya Khai. Alam ko kung para sa kaniya ay isang biro lamang iyon o pinagbigyan niya lang ang munting request ng isang five years old na bata.
But the truth is seseryosohin ko talaga iyon and gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya. I knew he loves me, but as a little sister. As of now ay tatanggapin ko muna iyon. We’re very close naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top