Chapter 8- Bordeaux
Chase
Hindi ako mapakali na mag-isa si Summer kaya bumili din ako ng ticket papunta Bordeaux at sumakay sa train na sinasakyan niya.
"I just want to make sure she's fine." I said it to myself.
Nasa canteen ako sa loob ng train ng dumaan si Summer kasama si Violet. Tinago ko ang mukha ko sa menu ng dumaan sila. Umupo sila sa upuan sa likuran ko. At dahil mataas ang pagitan ng mga upuan, hindi nila ako mapapansin. Mabuti naman at magkasama silang dalawa.
"Ano ng balita sa Pinas?" Tanong ni Violet.
"You mean kay Ralph? Ayun, dead na dead kay Mia." Sagot ni Summer.
"Kuya pa rin ba?" Tanong ni Violet.
Nagtawanan silang dalawa.
"Hindi na. Nakatakas na sa lugar nga mga KUYA na pinagdalhan sa kanya." Sagot ni Summer.
Umorder sila at tahimik naman akong nakinig sa usapan nila habang umiinom ng kape.
"Summer, may mga guys na nakatingin sa table natin." Pasimpleng sabi ni Violet. Hinanap ko ang sinasabi ni Violet at yes indeed, meron ngang nakatingin sa kanila.
"Ayaw ko sa mga puti." Sagot ni Summer.
Naibaba ko bigla ang tasa ng kape na iniinom ko.
Tumawa si Violet. "Oo nga pala, iba ang trip mo."
"Shhh..." Pagbabawal ni Summer.
"Natatandaan mo yung notebook na sinusulatan mo ng kung ano-ano dati?" Tanong ni Violet.
Tumawa si Summer. "Oo...nagpakita sa akin lately."
"Di ba ang nakalagay doon ay..."
"Shhh...huwag kang maingay. Baka may makarinig sayo dito."
"Walang pinoy dito." Sagot ni Violet. "Type mo pa ba siya?"
Hindi kumibo si Summer. Tumawa si Violet.
"My God... after all these years..." Sabi ni Violet.
Sino ang pinag-uusapan nila?
Hindi na naman kumibo si Summer.
"Infairness, cute naman kasi talaga si Kuya..." Sabi ni Violet. I heard Summer giggled. "Ano na ang nacross out mo sa bucket list mo?" Tanong ulit ni Violet.
May lumapit sa akin para refillan ang coffee. Ganun din kay Summer at Violet sa kabilang table.
"Violet, gusto kong i-try mag- car racing." Sabi ni Summer.
"Boom..." Sabi ni Violet sabay hampas sa table. "Papaschedule tayo kay Philip. Akong bahala doon." Sabi nito. "Mabalik tayo sa crush mo..."
"Huwag na nating balikan." Mabilis na sagot ni Summer. "Alam nating hindi ako type nun."
Violet snorted. "Ano ang type nya yung mga OJT, ganern?"
OJT? Sobrang bata naman ng mga yun. Parang si Ralph lang.
"Ay Summer... parang may bagay na kanta sa kanya." Tumatawa na agad si Violet sa naiisip.
"At kung ikaw ay nakatawa..." Simula ng kanta niya.
"Sasapakin kita... Mag-aaway na naman tayo." Summer warned her na ikinatawa lalo nito.
"Okay...hindi na." Sagot ni Violet.
Nagkwentuhan pa silang dalawa na kala mo ngayon lang ulit nagkita. Naka limang tasa yata ako ng kape ng tumayo silang dalawa. Nagtago ulit ako sa menu. Huminto si Violet sa tapat ng table ko.
"Tingnan mo siya, kulang na lang makipagpalit ng mukha sa menu." Sabi nito na ikinatawa ni Summer. I rolled my eyes. Ibinaba ko ang menu nang makalagpas na sila.
Nenerbyosin na ako sa dami ng kape na nainom ko. Patayo na ako nang hinabol ako ng waiter. Sinisingil ako sa bayad sa refill na kape. Puta, kala ko free refill.
Patuloy pa rin sila sa kwentuhan nang bumaba sila ng train. I established my distance to them. Tamang nakikita ko lang silang dalawa pero hindi nila namamalayan na nasa likod lang ako.
Pinasundan ko sa taxi driver ang taxi na sinakyan nila. Tiningnan pa ako ng driver ng matagal bago sumunod. Mukha ba akong kidnapper?
And when I am sure na okay naman ang tutuluyan nila, lumipat ako sa hotel malapit sa kanila at nagrequest ng room na tanaw koang entrance ng Hotel nila Summer.
God, kailan ba ako nagkaroon ng pakialam sa kanya? Is it because of that wine? Or her perfume na parang naamoy ko pa hanggang ngayon? Or dahil sa kanta ni Norah Jones? Or maybe because of that dance under the stars?
———————
A/N
Eh di kayo na ang sweet...
😂😂😂 bitter bigla
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top