Chapter 7- Sisters
Summer
"Hindi mo na ako dapat hinatid." I said to Chase. Nasa train station na kami. Sinundo niya ako sa hotel ko kanina.
God, that slow dance in the middle of that empty street made me wide awake the whole night... I crossed out my Dancing under the stars sa bucket list ko. Napakaspecial naman ng dance na iyon.
"Ingat ka. I know I shouldn't be the one telling you this, but do not drink too much wine, nakakalasing." Sabi ni Chase. Bahagya akong natawa.
"I'll remember that," I replied.
"Kita tayo sa Pilipinas, Summer." He said.
Kumaway ako kay Chase at hinila palayo ang maliit kong luggage. He is still standing there when I looked around.
Naguguluhan akong hinanap ang coach ko. Halos lutang ako habang hinahanap ang number ng cabin kaya umaandar na ang train ng mahanap ko ito. And I was shocked when I saw Violet went out from the toilet. Pareho kaming nahinto sa kinakatayuan namin.
"Violet? Ikaw lang mag-isa?"
"Ako lang. Ano naman ineexpect mo?" Matabang na tanong niya. Ang it broke my heart. I know I said too much when we were at Cordonia.
"Bakit nandito ka?" Tanong niya.
"This is my cabin," I said.
Tuluyan na akong pumasok sa loob at nilagay ko ang luggage ko sa itaas ng double deck.
"Kumusta na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Merong canteen akong nadaanan. Sabay na tayong kumain."
"Wala akong gana Summer." Humiga si Violet sa kama at nagtakip ng unan sa mukha. Umupo ako sa gilid ng kama niya.
"Sorry for what I said."
Hindi siya kumibo.
"Nag-aalala lang ako sayo. I was thinking of the worst things when I heard na may nangyaring hindi maganda. Plus, Kuya Gab and Kiro are going to you. I guess I haven't really moved on sa last accident mo..."
I almost got into an accident too at that time kakamadaling makapunta sa hospital. I was driving too fast and the police were following me. I told them that my sister is in the hospital...My license was almost got confiscated...
"And I thought I lost you." I broke down in tears. Kung makikita lang ni Violet ang mga tube na nakalagay sa kanya noong nakita ko siya sa hospital bed. Kulay violet na siya tapos sinasabi ng mga nurse na ligtas siya. Muntik ko ng sapakin ang nurse...
"I never really intended to hurt you, Autumn. You are my sister. My only sister."
Umupo si Violet at sumandal sa pader.
"I never really thought that you have grown up. For us, you are still our baby. Ang spoiled naming baby." Pagpapatuloy ko.
"Matanda ka lang ng 2 years sa akin." Katwiran niya.
Tumingin ako sa bintana ng cabin. "But still our baby. Then one day..." I exhale. "...you pack your bags and went to your unknown destination while I was stuck at my life plan. You were happy going from places to places while I was busy building my life. I never thought that I built a wall too. I am still your older sister that you can rely on. I'm sorry Autumn."
"Okay." Mahinang sagot ni Violet.
"I'm sorry." Pagpapatuloy ko.
Umiling siya. "I'm sorry too. For the worries, I've cost you." Nagsimula din tumulo ang mga luha ni Violet.
After naming mag-usap ng maayos ni Autumn, napagpasyahan niya na sumama sa akin sa Bordeaux para sa wine tasting.
"Nakakalasing ba?" Tanong ni Violet.
And my mind immediately went to Chase... Natawa ako ng bahagya.
"Oo...Sobrang nakakalasing." Sagot ko.
"Deal." Sagot niya.
Nagshare kami ng isang kwarto ni Violet pagdating namin sa Bordeaux. Nakahiga kami sa tig-isa naming kama at nakatitig sa kisame. Hindi namin pinag-usapan ang nangyari sa kanya. Too much for her to recall, too much for me to hear.
"Nagmahal ka na ba, Summer?" Tanong ni Violet sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kisame at nakadipa ang mga kamay.
"Yung tipong minamahal mo siya sa malayo?"
Napabalik ako ng tingin sa kisame. Wala namang special sa kisame sa totoo lang.
"Mahirap magmahal ng one-sided lang, Violet." I replied to her.
Napabuntong hininga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top