Chapter 28- Patawad
Chase
This is the last day na magiging kargo ko ang mga companies. Some of the companies, si Sky na ang maghahandle. I will have a day off at magkakaroon na ako ng time kay Summer.
Pinatawag ko ang buong managing staff para maging formal ang pagtatransfer ko kay Sky ng ibang trabaho. Nasa malaking meeting room kami. Nakaready na ang lahat ng dumating kami ni Sky.
"Good morning." Bati ko sa mga Senior staff ko bago ako umupo. Umupo si Sky sa kanan ko. Si Dolor naman sa may bandang likuran ko umupo.
"Shall we begin?" I asked.
Tumayo sa harapan ang unang magpepresent. Nakaproject sa screen ang data niya ng biglang mawala ito sa monitor. Natataranta ang nagpepresent kung ano ang nangyari.
"Chase." Biglang lumitaw sa screen si Sakura. Nasa likod niya si Violet na palakad-lakad. "Huwag nyong papatayin kung ayaw mong sa paging system nyo ako kumonect." Sabi nito.
"Sir?" Nag-aalalang tanong ng tauhan ko sa harapan.
"Ibagay mo kay Chase yang laptop." Utos ni Sakura.
Napatiim ako ng bagang at sinenyasan ang tauhan ko na ibigay sa akin ang laptop.
"What's this?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Kapal ng mukha mo talaga. Bakit mo ginawa kay Summer yun?" Galit na sabi ni Sakura in front of my staff.
"Anong ginawa? Anong sinasabi mo?" I asked back.
Napapikit si Sakura at nagsalita ng Japanese.
"Hindi ko macontact si Summer." Sabi ni Violet sa background.
"Nabasa mo ang sulat?" Tanong ni Sakura.
"Anong sulat?" I asked back.
"Putangina yang assistant mo. Kung hindi mo sisisantihan yan, ililibing ko ng buhay yan, bukas na bukas din." Tumaas na ang boses ni Sakura. "At alam mong hindi ako nagbibiro."
"Summer gave you a note. She asked your assistant to give it to you last week when you were in Bulacan." Nawala ang pagiging singkit ni Sakura sa galit.
"Dolor." Sigaw ko.
"Sir." Nanginginig na sagot nito.
"Anong sulat?"
"Sir, wala po akong natatandaan." Sagot ni Dolor.
"Impakta ka. Huwag mo akong subukan dahil hindi mo gugustuhin na makita mo ulit ako. Huwag mo akong gawing sinungaling." Sigaw ni Sakura.
"Dalawa, Dolor."
"Sir... wala po talaga." Nanginginig na sagot nito.
"Tumawag ka ng security, Sky." Utos ko.
"Sir... baka nakalimutan ko lang Sir. Eto po ba ma'am?" Itinaas ni Dolor ang isang pink na envelop na may pangalan ko sa likod.
"That's it. Hindi binigay sayo? Tangina mo ka, Dolor. Humanda ka sa akin. Magtago ka. Sinasabi ko sayo." Banta ni Sakura.
Mabilis kong binuksan ang envelop and there is a note inside. It says
Dear Chase,
I should probably tell you this in person but I am scared, to be honest. I was here last week to tell you but things happened and I got afraid. I enclosed is a copy of my ultrasound. You will become a Daddy soon. Please call me if you wanted us. I will understand if you will not call at all.
I will wait.
Summer
She's pregnant... Magiging daddy na ako?
"Kuya? Okay ka lang?" Tanong ni Sky sa akin at kinuha niya ang ultrasound. Napasinghap siya.
"Where is she?" Tanong ko kay Sakura.
"She left. She fucking left because she thought you don't care." Sagot ni Sakura.
"Summer? Hello, nasaan ka?" Tanong ni Violet.
"What? Hindi ka pwedeng magbiyahe. Anong terminal ka? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong ni Violet.
Nanlamig ang buong katawan ko.
"Summer! Anong terminal?" Naiinis na tanong ni Violet. She gave a signal to Sakura.
"Chase, papuntang Terminal 2 si Summer. Paalis siya. Hindi namin alam kung saan papunta. If you care..." Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Sakura. Tumakbo na ako palabas ng meeting room.
"Sky, take charge." Sigaw ko.
Nagmamadali akong bumaba sa basement at sumakay sa kotse. Kinakabahan ako na natatakot na nagagalit sa sarili ko. I tried to call Summer but she didn't pick up the phone.
"Come on, hon." Bulong ko habang nagmamaneho.
Traffic...
Sinusumpa ko ang traffic. Halos mabasag ang manibela sa kakahampas ko sa busina para lang tumabi ang mga lecheng jeep na wala sa ayos kung magmaneho.
I tried to call her over and over until she picks it up.
"Hello." I heard her voice.
"Nasaan ka?" I asked. Kinakabahan ako.
"Tinawagan ka ba nila Sakura? Okay lang ako."
"Nasaan ka? Summer...please...I'm sorry." Naluluha ako. Natatakot ako.
"Okay, lang. No harm done. Sige na... may ginagawa ako." Sabi nito.
"No... please." But she ended the call.
Halos isang oras ako sa traffic gayong ang lapit ko lang sa Pasay. Ayaw akong papasukin ng guard dahil wala naman akong dalang ticket hanggang sa pinakita ko ang ID ko sa RS Aviation.
I tried to call her again... But she didn't pick it up. Pumunta ako sa counter isa-isa. Pinakita ko ang ID ng RS Aviation at tinanong kung merong nagcheck in na Summer Miller.
On the LED screen, I saw flights that are departing... Flight to Japan, South Korea, Australia... Nandoon kaya si Summer?
And I remember the time when we were together and the time I wasted. If I need to go to every country just to find her...just to find them... I will do it. I will chase her.
God, I love her.
"Fucking hell." Sigaw ng babae na nauntog sa likod ko. Tumilapon ang cellphone niya sa sahig at mukhang nabasag.
"Chase?" Mukha ni Summer ang bumungad sa akin ng lumingon ako.
"Summer." I hugged her... I think too tight for her but I did anyway.
"Bakit nandito ka?" Tanong niya.
Hindi ako makasagot dahil umiiyak ako. Tumutulo ang luha ko at kinailangan kong itago ang mukha ko sa buhok niya. I am relieved that she is okay. That she hasn't check-in and left the country.
"I'm sorry," I said to her. Nakatayo kami sa gitna ng airport. "Hindi ko alam. Kanina ko lang nabasa ang letter mo. Hindi ko gagawin na iwan ka. Believe me. Summer."
She had tears in her eyes when I looked at her. She dried my tears before she dried hers.
"Calling all passengers of Flight AU777 bound for New Zealand, proceed to gate 5."
"That's my flight." She said.
"Summer. Susundan lang kita kahit saan ka magpunta. Hindi ka rin matatahimik dahil lagi akong tatawag sayo."
She smiles sadly. "You have your empire to run, Chase." She stepped back.
"I gave 60% of my workload to Sky. I promised you that I will re-arrange my schedule, didn't I? Hon... Please...Another chance."
"Calling all passengers of Flight AU777 bound for New Zealand, proceed to gate 5."
Summer stepped back once more.
"Summer." I hold her hand and begged her. I kneeled before her and begged her.
"Please. Don't leave." I said.
People are now looking at us.
"Chase... Tumayo ka nga." Hindi alam ni Summer kung paano ako bubuhatin at itatayo. "Tumayo ka. Nakakahiya ang daming tao dito."
"Don't leave," I begged.
"Oo na...Tumayo ka." Nanggigigil na sagot ni Summer. Galit na siya nang tumayo ako.
Ngayon ko napansin na she's gaining weight and her tummy is already visible.
"Calling the attention of passenger Summer Mildred Miller, please kindly look for any ground personnel of..."
"Uwi na tayo...Mild-red." Biro ko sa kanya.
Nanlalaki ang butas ng ilong ni Summer na tumalikod. Akala ko tutuloy sa flight nya kaya nagmamadali akong sinundan siya. Nakahinga lang ako ng malalim nang sinabi niyang hindi na siya tutuloy sa ground personnel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top