Chapter 26- Puro na si Dolor
Chase
"Uy, nagpakita ka rin. Musta?" Tanong ni Ralph,kasama si London. Nasa The Lakeside sila pero parang tahimik.
"Si Summer?" Tanong ko kay Ralph.
"Napapadalas ang paghahanap mo ah." He clapped my shoulder and guide me towards their office.
"Ikaw nga umamin ka. Nililigawan mo ba si Summer?" Tanong ni Ralph.
Sumipol si London at umupo sa isang upuan. Nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at naghihintay ng isasagot ko.
"Hindi pa ako nagsisimula." I replied.
"Totoo? Eh balita ko binabakuran mo na eh. Sinapak mo daw si Marco." Sabat niLondon.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Inaayos ko pa ang schedule ko. Ayaw kong maging unfair ako sa kanya."
"Para ka kasing may sampong pamilya kung magtrabaho ka eh." Sagot ni London.
"Namo ka. Hindi ka nakakatulong." Sabi ko kay London.
"Nasa Balesin sila." Ralph informed me.
"Sino kasama?" I asked.
"Sila-silang mga babae. Umuwi si Xykie." Sagot ni Ralph.
"Ako nga lang ang naiwan at naglilihi si Cami. Hindi na siya masyadong nagpapagabi." Dagdag pa nito.
"I am giving some of my work to Sky so I have time. Pinuputakti pa din ako ni Tita Christine at ni Arabella tungkol sa mana." I said to them.
"Kaya mo bang pagsabay-sabayin, Chase? Kung hindi mo maasikaso si Summer..." Sabini Ralph. Nandoon ang warning sa mga sinabi niya.
"I am doing my best, believe me, Ralph." I replied.
"Ready ka ba sa mga insult ni Summer?" Nang-aasar na tanong ni London.
"Balita ko lalong nanliit ang ampon ng Tita mo sa mga sinabi niya ah."
Natatawa akong nailing. "Parang ganun din naman si Sky."
"Malala yung kapatid mong yun kung manlait." Sagot ni London.
I tried to call Summer that night but I don't think there is any signal at Balesin. Hindi kami nag-abot at kinailangan kong bumalik din sa Makati para sapaghahand-over ng ibang trabaho kay Sky. Kailangan ko pa siyang turuan sa mgagagawin niya.
Meetings after meetings ang nangyari na naman sa akin. Nakatambak ang mgapipirmahan sa table ko at ang kayang irevise na document, pinarevise ko at si Sky na ang ibang signatory.
Galing ako sa Bulacan ng maabutan ko si Sky na pinapagalitan si Dolor.
"Ano ba ang gusto mong mangyari ha, Dolor?" Sigaw ni Sky na nakapamewang pa.
"Wala po ma'am." Sagot ni Dolor na nakayuko.
"Pinabigay ko sa assistant ko ang invitation para kay Kuya pero hindi mo binigay. Ako, huwag mo akong niloloko. May gusto ka ba sa Kuya ko? Daig mo pa ang nagseselos na syota kung bumakod ka."
"Sky..." Tawag ko sa kapatid ko.
Bumuntong hininga si Sky at humarap sa akin. "Kuya. Obviously, hindi mo nareceive ang invitation ni Ate Dakota."
"Invitation for what?" Tanong ko naman. Walang binibigay si Dolor.
"Meron siyang party. She came back from Canada and will be staying here for good."Sagot ni Sky at inabot ang isang envelope.
"Yang magaling mong assistant hindi binigay sayo ang invitation. Naghihintay ng RSVP si Ate Dakota and she called me to confirm your attendance." Tiningnan ng matalim ni Sky si Dolor.
Ilang beses ko bang kailangang pagsabihan si Dolor bago magtanda? Pinasunod kosa office si Sky dahil baka umiyak na si Dolor kapag nadinig niyang magsalitaang kapatid ko.
"Palitan mo na yang si Dolor. Sinasabi ko sayo...may gusto sayo yan." Naiinis naumupo si Sky sa harapan ng table ko.
"She's like...40!"
"Matanda lang siya ng ilang taon sayo. Mukha lang talagang matanda. At parang natanaw ko si Sakura kanina somewhere palabas ng building."
"Ano naman ang gagawin ni Sakura dito?"
"Hindi ko sure. Sabi ko parang natanaw ko lang siya." Naiinis pa ding sagot niSky.
I dialed Dolor's number.
"Sir?"
"May naghanap ba sa akin kaninang wala ako?" Tanong ko.
"Wala Sir." Sagot ni Dolor. Binaba ko ang phone at tiningnan si Sky. She rolled her eyes.
"Anyway, please tell Dakota I can't make it. Alam mo namang mahigpit pa ang schedule ko."
"I know." She said. "Pero hindi ko pa rin gusto na tinatago ng assistant mo ang mga personal letters para sayo." Sabi ni Sky.
"Magpapahanap ako sa HR ng kapalit ng lecheng assistant mo na iyan."
Tumayo si Sky at nagpaalam na babalik na sa office niya. Hindi pa siya nakuntento at pinagalitan ulit si Dolor paglabas niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top