Chapter 23- More than One

Summer

One week na naman kaming walang communication ni Chase. My anxiety is eating me dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya na buntis ako. Plus... kailangan ko ng magpacheck up.

So, sumama sa akin si Violet para lumuwas.

"Excited ako." Sabi niya habang nagmamaneho. Mabagal siyang magmaneho ngayon.
Bumuntong hininga ako. 

"Gusto mong daanan si Chase? Sis, kailangan mo talagang sabihin sa kanya." 

"I know. It's just that... he is so busy." I said. 

"Kailangan mo pa din sabihin." Violet insisted.

Sa clinic, sumama si Violet sa loob ng ultrasound. 

"Let's see..." Sabi ng doctora pagkatapos ipasok sa akin ang mahiwagang wand na may condom. 

"Ano ang mga nararamdaman mong symptoms?" Tanong ng doctora sa akin. 

"Lagi akong gutom at inaantok." I replied. 

"Colorful din ang vocabulary nya sa mga insults." Dagdag pa ni Violet. 

Nangiti ang doktora. "Okay Summer. Look at this. This is the heartbeat." Tinuro ni doctora sa monitor ang maliit na bagay na tumitibok.

"Ohhh...wow... Summer." Napahawak si Violet sa kamay ko. 

"At eto pa." Ginalaw ng doctora ang wand. There's another heartbeat. 

"Whhhaaaa...kambal..." Nagtititili si Violet sa tabi ko. 

"At eto pa."

"What?" Sabay kaming napatanong ni Violet. 

Inusog-isog ni doctora ang wand para tumapat sa angle na kita ang tatlo. My God! Oo nga...tatlo sila.

"Akin na lang ang isa, Summer." Sabi ni Violet.
Pareho kaming naluluha habang tinitingnan namin ang heart beat nila.

"May lahi ba kayo ng kambal?" Tanong ni doctor. Tinanggal na niya ang wand at binigyan ako ng wet tissue.
"My mom has a fraternal twin

" I replied. 

"Sa mga babae napupunta ang DNA ng multiple pregnancies. Babae kasi ang naglalabas ng itlog." Explain ni doc. Pero lutang na ang utak ko. Tango na lang ako ng tango.

"Iwas stress ha. Kung may work ka, baka pwedeng magleave or work from home ka muna. Madali kang mapapagod dahil tatlo sila." Sabi nya pa.

Yung malaman kong buntis ako, sobrang kabado na ako. Eto pa kayang tatlo? Anong drama na naman ang gagawin ni daddy nito? Diyos ko, Lord.

"Summer... iwasan mo munang makipag-sex sa partner mo hanggang maging stable ang babies until first trimester lang naman." Payo ni doc. 

Tumawa si Violet. "Baka maging walo pa yang anak mo." Biro nya.

Binigyan ako ng sang katutak na vitamins ni doctora at mga dos and don'ts.

Nag-ayang kumain si Violet sa mall pagkagaling namin sa doctor. Umorder ako ng garlic bread at mushroom soup. 

"Napapaglihan mo yan noh? Ganyan din pinaluto mo kay Cami." Pansin niya. 

"Siguro." I replied. 

"My God, Summer. Ilang beses ba kayo nagmahalan at bakit tatlo?" Tanong niya. "Pero, don't answer. Ayaw ko ng details." She added.

"Iwasan mo nang tumambay sa bar. Baka makita mo si Arabella, mapaglihan mo pa." Sabi ni Violet. 

"Oh my God... huwag naman sana." Naitakip ko sa mukha ko ang dalawang kamay ko.

"Puntahan natin si Chase." Yaya ni Violet. 

"Huwag na. Sobrang busy nya eh. Baka makagulo pa ako." 

"Eh...50% nyan, siya ang may gawa. Dapat malaman niya, Summer." 

"Oo nga. Sa tingin mo ngayon ang tamang time?" 

"May evidence tayo..." Nilabas ni Violet ang ultra sound printout ng triplets.

Napilit ako ni Violet na puntahan si Chase sa office nila. 

"Tawagan muna kaya natin." Bulong ko kay Violet ng nakasakay na kami sa lift. 

"Nandito na tayo." Sabi niya. Bumukas ang elevator sa floor ng office ni Chase. Nakangiti ang receprionist na sumalubong sa amin.

"Hi... Can we see Chase?" Tanong ni V sa receptionist. 

"May appointment kayo?" Tanong nito. 

"Wala. Pakisabi nandito si Violet at Summer." Sabi ni Violet. Nawala ang ngiti ng receptionist.
Tumawag ito sa intercom.

"Ms. Dolor, may naghahanap kay Sir Chase. Violet at Summer ang name nila." Sabi nito.
Nakinig ito sa sinasabi ni Dolor at binaba ang phone. 

"Sorry, ma'am. Nasa meeting daw si Sir Chase." Sabi niya.
Naningkit ang mata ni Violet.

"Ate Summer? Ate Violet?" Napalingon kami sa likod namin. Nakatayo doon si Sky. 

"Oh my God, Sky. Nasan si Chase?" Tanong ni V. 

"Nasa office nya." Sagot nito. 

Tumingin kami ni Violet sa receptionist. 

"Ma'am, iyon po kasi ang sabi ni Ms. Dolor sa akin." Sagot nito.

"Samahan ko na kayo."Sabi ni Sky sa amin.

"Can you put their name on visitor's list? Bakit ba lagi nyong tinatago si Kuya kapag may naghahanap sa kanya?" Pinagalitan ni Sky ang receptionist at inilagay ang pangalan namin ni Violet sa system nila.

Now what?

Pagdating namin sa tapat ng office ni Chase. 

"Dolor, nasaan si Kuya?" 

"May kausap lang ma'am saglit." Sagot nito. 

"Pakisabi, nandito si Summer at Violet. Ngayon na." Utos ni Sky.

Tumawag naman si Dolor sa number ni Chase. Ikaw pala si Dolor... 

"Sir, nandito po si Sharon at..."

"Ano ba? Summer ang pangalan ko. Ano ang mahirap sa pangalan ko ha? Sharon ka nang Sharon. Kahit noong tumawag ako sa phone. May galit ka sa pangalan ko?" Hindi ko alam bakit bigla akong tinamaan ng inis.

Natatawa si Violet sa tabi ko at hindi man lang akong inawat. Namumula ako sa galit nan lumabas si Chase sa office niya.

"Summer?" Nagtataka ito ng makita ako. 

Napabuga ako ng hangin. 

"Sir...bigla na lang siyang nagalit." Sumbong ni Dolor. 

"Paanong hindi ako magagalit sayo. Sharon ka nang Sharon. Hindi mo ba alam ang english ng tag-araw? Malilintikan ka na sa akin." Nangigigil ako kay Dolor. Gusto kong batuhin ng stapler.

"Pwede ba Dolor, ayusin mo ang trabaho mo." Sita naman sa kanya ni Chase.

"Chase? Can we continue?" Kilala ko ang boses na yun. Lumabas si Arabella sa office ni Chase. 

"Ano ang ginagawa ng babaeng mangga dito?" Tanong ko. 

Tumatawa si Violet at Sky sa likod ko. 

"Eh bakit ba? May meeting kami?" Mataray na sagot nito. 

"Hindi pa Halloween, dumidisplay ka na." Naiinis na sagot ko. "Di ba sabi ko sayo, huwag kang magbrown. Mukha kang kamoteng kahoy na maugat."

Napapikit si Chase at nagpipigil ng tawa. Si Violet naman, nilakasan pa ang pagtawa niya.

"Uuwi na nga kami. Nakakabwisit...mula sa receptionist mo hanggang dito sa bingi mong assistant." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.
"Teka...wait. Summer." Hinabol ako ni Chase. "Pulang-pula ka sa galit." Sabi niya.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. 

"Chase." Tawag ni Arabella. 

"Shut up. Babalik ako sa office. Pumasok ka at samahan mo ang lawyer ko." Utos ni Chase kay Ara. 

May kasama naman pala silang iba. 

"Tapusin ko lang ang meeting ko. Can you wait?" Tanong niya. 

"May meeting kayo Sir, after nito." Sabat ni Dolor. Napapikit si Chase.

"Uuwi na lang kami. I won't call you or be here anymore. Kung gusto mo akong makausap, ikaw ang gumawa ng paraan." I said tohim. "V..." Tawag ko kay Violet. "Salamat, Sky." I smiled at her. 

"Sige ate, ingat kayo." sagot ni Sky.

"Balikan mo na yung babaeng mangga." Tinitigan ko ng matalim si Dolor bago kami umalis ni Violet.

Nakakstress ang mga tao sa paligid ni Chase.

-------------
A/N
Chase... mainam ka... Tatlo!
👏🏼 👏🏼 👏🏼

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top