Chapter 22- May Bumabalik
Chase
"Oh, Chase. Wala ka bang pasok?" Tanong ni Camilla sa akin pagkalabas niya ng kitchen.
"Si Summer?" Tanong ko sa kanya.
Nilapag niya ang mga take out trays na dala niya sa bar.
"May sakit eh. Sinamahan ni Violet at Allie na umuwi sa condo niya. Nagpapahatid na lang ng pagkain." Sagot ni Cami. Tinapik niya pa ang mga nakabalot sa harap namin.
"Ako na lang ang maghahatid." I volunteered.
"Sure ka? Mukhang papasok ka na sa office." Tanong ni Cami.
Tumango ako at kinuha ang mga nakabalot na food.
Naabutan ko pa si Allison at Violet sa condo ni Summer. Himalang nakangiti si Violet ng makita ako.
"Pasok." She said.
"Summer, nandito si Chase." Sigaw niya.
Nilapag ko sa table ni Summer ang mga pagkain niya. Namumutla itong lumabas ng kwarto.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Alis na kami." Paalam ni Allison. Sumunod sa kanya si Violet na lumabas.
"Tawagan mo ako, sis." Sabi nito bago isarado ang pintuan.
"Summer." Pinigilan ko ang balikat niya at iniharap sa akin.
"Ano ba? Nagugulom ako." Masungit na sagot nito.
"Bakit ba ang init lagi ng ulo mo?"
"Gutom ako, Chase." Kumawala siya sa pagkakahawak ko at binuksan ang mga pagkain.
"Kailangan nating mag-usap."
"About what?" Tanong nito habang ngumunguya ng garlic bread.
"Sa mga nangyari sa atin." Umupo ako sa tabi niya at pinanood siyang kumain.
"Hmmm?" Nagtatanong na tumingin si Summer sa akin.
"Ano ba gusto mong mangyari, Chase? More than a month na yun. Magto-two months na nga eh."
"Hindi naman kita pipikutin." Dagdag pa ni Summer.
"That's not what I meant."
"Then what? What do you want?" She asked.
"Christ... I don't know. I miss the time that we are together. Lagi kong naiisip na bumalik na lang kung saan wala akong iniisip na problema." I said in resignation.
"Summer... punong-puno ang schedule ko. And I hate that you are being dragged because of my problem. But I can't just let go of the times we shared."
Tumigil sa pagkain si Summer.
"Alam kong wala kang time sa relationship, Chase. Hindi naman kita pinipilit."
Bumuntong hininga ako ng magsimulang magring ang cellphone ko. I look at the screen and it's my assistant that is calling.
"Baka importante yan, Chase." Ngumuso si Summer sa cellphone ko. I put it on silent mode.
"Let me clear my schedule first. Then we will date."
Natawa siya. "Baka nasa 60s na ako kapag naclear mo ang sched mo."
Re-arrange your priorities. Iyon ang sabi ni mommy.
"Chase, you really don't have to be obligated just because we sexed."
"I am not doing this because of obligation. But you have to help me... please Summer."
Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin ng tumawag na naman si Dolor.
"Ano ba?" Sigaw ko sa kanya ng sagutin ko ang phone.
"Sir...nasaan na kayo. Your meeting will start in 15 minutes." Sabi nito.
"Maghintay kayo." Pinatay ko ang cellphone ko.
Nakatitig lang sa akin si Summer.
"Sige na. Baka kailangan ka sa office mo."
"Call me..."
Tumawa siya. "Ayaw kong kausap ang assistant mong tanga."
Napapikit ako. "Sorry about that."
Tumango si Summer at sumubo ulit ng tinapay.
"Call me on my phone. I will return your call if you can't reach me."
Tumango ulit si Summer. I kissed her forehead and inhale her scent.
Patayo na ako ng magring ang doorbell niya. Tumayo si Summer at inihatid na ako sa pintuan. I kissed her forehead once more before she opens the door. And fucking hell, Marco is standing with flowers in his hand.
"May sakit ka daw?" Tanong nito kay Summer, ignoring me.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Matabang na tanong ni Summer.
Hindi ako tuminag sa likod ni Summer. Inabot ni Marco ang mga bulaklak kay Summer.
"Aanhin ko 'to?" Masungit na tanong niya.
"I want you back." Deretsong sagot nito.
Hindi nakakibo si Summer. Iniurong ko siya ng bahagyan at sinarado ng malakas ang pintuan sa mukha ni Marco. Bastos ang tarantado. Nandito ko eh.
Napatingin sa akin si Summer. Hawak niya pa ang mga bulaklak. Naiisis akong kinuha iyon at itinapon sa labas ng pintuan. Tinamaan si Marco sa mukha.
"Umalis ka na. Nakakabastos ka pre. Wala ka ng babalikan." Sabi ko sa kanya bago ko sinarado na naman ang pintuan. Hinarap ko si Summer na nakatingin lang sa akin.
"Ano yun?" Turo ko sa nakasaradong pinto. "Di ba nag-uusap pa lang tayo kanina?"
"Pinaalis mo eh. Ano pa ang ipapaliwanag ko?" Naiinis na sagot nito.
Nagkakatok sa pintuan si Marco.
"Huwag mong buksan." Naiinis na pigil ko.
"Di ba paalis ka na din? Bakit ayaw nyo akong tigilan. Gusto kong kumain." Nanggigigil na sagot niya.
"Summer. Open this door. We need to talk." Sigaw ni Marco.
Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Tumatawag na naman si Dolor.
Binuksan ni Summer ang pintuan.
"Ano bang kailangan mo?" Sigaw niya kay Marco.
"We need to talk. I want you back."
"Ayaw nga kitang kausapin. Ayaw ko ng bumalik sayo. Umalis ka na."
"Summer... Kaya kong tanggapin kung ano man ang mga nangyari sayo..." Sabi nito.
"Ano ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Inutil ka ba?" Sigaw ni Summer.
Biglang nagdilim ang mukha ni Marco at umamba na sasampalin si Summer kaya inunahan ko na ng suntok. Napaupo ito sa sahig.
Saktong padating si Ralph nang makita kami at awatin.
"Ikaw, umalis ka na." Galit na pinaalis ni Ralph si Marco.
Inayos ko ang nagusot kong damit.
"At ikaw?" Nakahalukipkip na tanong ni Ralph. Akala mo si Gab na kung kumilos.
"Aalis na ako. Yung mga bilin ko sayo." Sabi ko kay Summer bago naglalakad palayo sa magpinsan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top