Chapter 17- Gigil nyo kami
Summer
"Summer." Sigaw ni Violet sa may pintuan.
Dere-deretso itong nahiga sa kama ko.
"Ano ang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Nag-iikot sa kama si Violet.
"Sakit ng puson ko. May period ako." Sabi nito.
I rolled my eyes at nagpatuloy sa pag-aayos ng luggage. Kasama daw ako sa Cordonia...ulit... para sa bridal shower ni Xykie.
"Wala ka bang period? Di ba, sabay lang tayo?"
"Nagkaroon na ako." I said. Nakunot ang noo ko.
"Saglit nga lang eh. Parang 2 days nga lang yata. Parang nagkaroon ako today, kinabukasan wala na."
"Swerte mo naman. Magbebeach tayo eh tapos meron ako." Pinaghahampas ni Violet ang mga unan ko.
Swerte ba yun? Kayo nga may love life, eh. Kami ni Chase...ang labo. Hindi pa kami nakakapag-usap buhat ng umuwi kami galing Cordonia. Ayaw ko namang maunang i-message siya. Mas may time pa nga siya kay Ralph kaysa kausapin ako.
Pasimple kong hinanap si Chase sa group of family and friends namin. Wala siya... Hanggang sa makasettle na kami sa eroplano, wala si Chase. Akala ko makakapag-usap pa naman kami.
That Stag Party night, hindi ako sumama sa kanila na mamboso sa mga boys...Para ano pa, wala naman akong bobosohan doon. Nagpaiwan kami ni Sakura sa palace.
"Bakit nagpaiwan ka? Hindi mo babantayan si Kiro?" Tanong ko kay Sakura habang namimili siya ng swimsuit sa mga dala namin.
"Hindi. He gave me his word. I don't have to compete with anybody para maprove ko na I have a place in him." Sagot niya. Napatitig ako kay Sakura. Ganoon siya kakampante kay Kiro. Sobrang secure niya.
"Kumusta kayo ni Chase?" Tanong niya. Nakatitig siya sa akin mula sa reflection ng salamin.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi pa kami nakakapag-usap buhat ng umuwi kami galing Cordonia. That was weeks ago." I said.
Tumango si Sakura. "Masyadong busy ang isa na yun. May court hearing pa dahil sa inheritance niya."
Binitawan ni Sakura ang swimsuit at tumabi sa akin.
"Bakit kayo nagbreak ni Marco?" Pag-iiba ng topic nito.
"He asked me to change...a lot," I replied. "I was not ready to step out of my shell before. Alam mo yun, good girl, good daughter ako dati. Lately lang ako naging comfortable sa mga gusto kong gawin."
"But Marco wanted what from you?" Curious natanong ni Sakura.
"He wanted me to live with him. As in maglive in daw kami." Sagot ko.
Tumango-tango si Sakura.
"Ayun, nakipaghiwalay ako. But that was more than two years na. Ewan ko bakit bumabalik siya."
"Bakit kaya hindi ikaw ang mag-message?"
"Kay Marco?" Tanong ko bigla kay Sakura.
"Kay Chase." She replied. I rolled my eyes.
"What will I say?"
"Na...kailangan nyong mag-usap." She shrugged her shoulder.
"Teka, ako ang tatawag." Sabi ni Sakura at nilabas ang phone. Mabibigo ka lang sa isip-isip ko.
Niloud speaker ni Sakura ang phone niya.
"Hello." Sagot ng babae.
Nagkatinginan kami ni Sakura.
"Hello, can I speak with Chase? Cellphone nya 'to diba?"
"Yes. Sir Chase is currently in the meeting room. Who is on the line?"
"Pakisabi si Summer." Sagot ni Sakura.
"Sharon?" Tanong namanng may hawak ng phone ni Chase.
"Summer...As is Sum-mer."
"Oo nga...Sharon." Pamimilit ng babae sa kabilang line.
"Summer... Sierra...Unicorn...Mama..."
"Kala ko ba Sharon? Bakit Sierra na ngayon?" Mataray na tanong ni Ate.
Natatawa akong nagtakip ng unan sa mukha.
"Ang tanga mo namang kausap. Magmemessage na nga lang ako." Pinatay ni Sakura ang cellphone nya at mukhang affected kay ate.
"Nastress ka kay ate?" Natatawang tanong ko.
"May tao pala talagang tanga?" Naiinis na tanong niya.
"Hayaan mo na. Baka busy talaga... wala tayo sa priority list." I said.
"Naku...ayusin nya yang priority list nya. Madaming hindi nagkakatuluyan dahil sa priority list na yan."
Iniwan ako ni Sakura ng makita nyang napapadalas na ang paghigab ko. Nakatulog ako ng maaga at nagising sa mga ingay sa labas.
"Khal please huminahon ka." Dinig kong sinabi ni Kuya King, tapos ang malakas na pagsarado ng pintuan.
"Zoey..." I heard Kuya Rome.
Nangingiti akong pinakinggan sila sa labas hanggang sa makatulog ulit ako.
"Summer." Niyugyog ako ni Violet, madilim pa sa labas.
"Bangon ka na. Aalis na tayo." Sabi nito.
Para akong may hang-over ng sumakay ako sa van kasama ang mga girls at si Morris.
"Kaantok mo!" Ate Cailee commented.
"Nagising ako sa mga nagmamakaawang mga nilalang kagabi." I replied.
Natawa si Sakura at Camilla. Umasim ang mukha ng iba.
Kinuwento nila ang mga nangyari kagabi. Maluha-luha ako kakatawa lalo na ng sinabi nilang namutla lahat ng makita sila.
"They are indeed in deep water." Sabat ni Morris.
"Morris, can you arrange those very hot men for us during our massage?" Tanong ni Violet. Si Xykie at Sakura naman, nakatutok sa laptop nila. Kulang na lang lumipad ang laptop ni Xykie at bumaon ang enter key.
"Very well, Lady Violet. I can perfectly arrange an act of perfect revenge for your... drunk men." Nakataas ang noo si Morris na parangproud na proud sa gagawin.
"They can't track us now." Sabi ni Xykie at itinabi nila ni Sakura ang laptop.
"Good." Sagot ni Ate Jack.
"Now, do you have their credit card?" Tanong ni Ate Cailee.
Uh-oh...
Inilabas nila isa-isa ang credit cards ng mga partner nila.
"May gagamitin ka bang card, Summer?" Tanong ni Ate Allison.
"I have my own," I replied.
"No..." Sabay sabay na sagot nila maliban kay Cami at Sakura. Tapos inabutan nila ako ng tig-isang card galing sa mga asawa nila. Hala... makulong pa ako nyan lalo na kapag kinuha ko ang kay Kuya William.
"Uubusin ko ang sweldo niya sa buong season." Nanggigigil si Ate Allison. Ay wow...ang laki nun.
"Bulagin ko na lang kaya ulit si Jon?" Tumingin si Ate Beth kay Ate Khal.
"Kahit pilayin mo pa. Isama mo pa si King." Sagot ni Ate Khal.
Nakakatakot sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top