Chapter 16- Chinito
Chase
"Ex mo yun?" Tanong ni Brook kay Summer.
Ngumiti lang si Summer pero hindi sumagot.
"Nakita namin yung kumag na yun sa Paris." Pinalipit ni Violet ang tissue hanggang sa magkapira-piraso.
Siya pala ang nakita nila. Tinaasan ako ng isang kilay Ni Ralph.
"Wala akong tiwala sa singkit na yun eh." Sabi ni Violet saka tumingin sa akin.
"Excuse me, hindi ikaw. Baka sabihan mo naman ako ng judgemental kami." Sabi niya.
"So, weakness ni Summer ang singkit." Commented ni Mia saka siya tumingin sa akin.
"Nandito ako...Kung mag-usap kayo parang wala ako ah." Sita ni Summer sa kanila.
"Come to think of it, lahat ng ex mo puro singkit." Sabi ni Sakura.
Really?!
"Itago ko nga si Kiro, baka crush mo rin." Biro ni Sakura. Nagtawanan silang mga babae.
Hindi kaya? Si Kiro kaya ang pinag-uusapan nila sa train ni Violet?
Natapos ang gabi na hindi kami nakapag-usap ni Summer.
Kinabukasan, nagising ako sa katok ng katulong ko sa kwarto.
"Sir, may naghahanap sa inyo. Ayaw umalis eh." Sabi ng katalong ng pagbuksan ko siya ng pintuan ng kwarto.
"Sino ba yun?"
"Violet daw pangalan niya." Sagot ng katulong ko.
Napabuntong hininga na lang ako at sinarado ang pintuan.
Naabutan ko si Violet na nakaupo sa sala at naiinip.
"Tagal mong bumaba."
"Akala ko aalis ka din kasi. Bakit ba nandito ka?"
Tiningnan ako ng masama ni Violet.
"Bakit mo kami sinusundan sa Europe?" Biglang tanong nito.
Napamaang ako. Paano niyang nalaman?
Isa-isang binaba ni Violet ang mga picture sa harapan ko.
"Bordeaux...Burgundy... Paris... Milan... Venice... Santorini..." Lahat iyon kuha sa itaas. Nakabilog ako sa mga picture.
Nakataas ang isang kilay ni Violet habang nagtatap ang isang daliri niya sa table.
"Ano ang balak mo, Chase?" Dagdag na tanong niya. Napabuntong hininga ako at sumandal.
"I want to say this is not your fucking business, but..." Pigil ko kay Violet ng magsasalita ito.
"...she is your sister."
Pinagpatuloy ni Violet ang pagtatap sa table. The sound that she's making is annoying.
"Kung ano man ang ikinakukupad mo, Chase... bilis bilisan mong kumilos. Nakita ko si Marco sa resto kanina." Sabi nito.
"Bakit parang ang bait mo bigla?" Natanong ko sa kanya.
"I am just choosing the less evil one between you and Marco." Sarcastic nasagot ni Violet. "Make up your mind, Chase." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan.
"Huwag kang pagong. Buti pa ang tatay mo mabilis." Sabi nito.
Pinigilan kong tumawa. Napahinto si Violet at tumingin sa akin.
"Or...maybe not." Napanganga siya ng hindi ako kumibo.
"Nasa dugo nyo talaga." Umirap pa ito bago lumabas ng bahay.
Sinundan ko siya palabas, pero parang deretso lagi ang daan sa kanya kung magmaneho.
Dinig na dinig ko ang boses ni Violet ng nasa labas ako ng The Lakeside. Nakaclose pa ito kaya nandito pa ang maiingay na kaibigan ni Summer. Nagkakantahan sila sa loob.
At kung ikaw ay nakatawa...
Si Summer ba ay nakikita?
Nalilimutan niya na masungit ka
Kapag kausap na ikaw
Sana naman iyong pakinggan
At ng ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking kapatid, na pangit
Oh Chinito...
"Tumahimik ka nga Violet." Sigaw ni Summer.
I chuckled. So iyon pala yung kanta na yun...
"Sinasabi ko sayo, tigilan mo yang kanta na yan."
Nadinig kong tumawa si Violet.
"Cute naman ah." Painosenteng sagot ni Violet.
I decided na pumasok sa loob to see what's going on.
"Oh Chini..." Natigil si Violet ng makita akong pumasok.
"Why?" Painosenteng tanong ko nang matingin sila sa akin.
Si Summer bigla na lang namula. Tisay na tisay sa suot na itim na tube. Kitang kita ko tuloy ang mga freckles niya sa balikat.
Naupo ako sa isang stool sa bar niya. Bigla na lang siyang nailang.
"Sige lang, pagpatuloy nyo lang ang kinakanta nyo." I said to Violet. Alam mo yung isang yun, kapag may kalokohang gagawin, bigla na lang nagnining-ning ang mga mata.
At kung ikaw ay nakatawa...
Pag-uulit nito.
"Autumn!" Ginamit na ni Summer ang tunay na pangalan ng kapatid. Naasar na ito.
Nagtatawan sila na nasa table. Humarap ako kay Summer.
"Can we talk?" Mahina sabi ko sa kanya.
She's chewing her lips and looking at the table behind me. Ano kaya ang ginagawa ni Violet para lalong mamula si Summer?
Napatingin kami sa pintuan nang pumasok si Ralph na namumula at dumeretso sa office nila. Padabog na sinarado ang pintuan. Nagkatingin kami ni Summer. Pareho kaming nagtataka.
"Tara pre. Kailangan yata ng maboteng usapan ni Amboy." London clap my shoulder.
"Later," I murmured to Summer. Sumunod ako kay London na pumasok sa office ni Ralph.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top