Chapter 14- Back to Pinas

Chase

Tulog pa si Summer sa tabi ko nang magising ako.

"Summer." 

"Hmmm.." Antok na antok na sagot niya. 

"Wake-up. Pupunta tayong Cordonia, di ba?" 

"Katutulog ko lang, Chase. Let me sleep." 

I chuckled then kiss her shoulder.

"Sa eroplano ka na matulog." I said. 

Nag-inat si Summer at nalaglag ang kumot na nakatabing sa katawan niya. She slowly opens her eyes. 

"Good morning." I kissed her lips.

"Ang sakit ng katawan ko." Sabi niya. 

I shrugged my shoulder. I know... 

"Kailangan na ulit-ulitin para masanay ang katawan mo." I said. 

Namumulang tumawa si Summer.

"Oh God, wala nga pala dito ang mga gamit ko." Napabangon sila bigla at nangiwi ng bahagya. 

I am trying not to smile but failed. 

"You look proud of yourself, Marcelo." She said with a stern look. 

"Yup. I can proudly say na nabeat ko ang record ni daddy." Biro ko. 

Nahihiya si Summer na itinago ang mukha sa kumot.


Nakarating din kami sa Cordonia ng hapon din yun. At mukhang nagulat pati si Jack nang makita ako. Habang pinagkakaguluhan ni Summer ang bagong Princess, hinila ako saglit ni Xykie palabas ng kwarto.

"Bakit kayo magkasama ni Summer?" Nakahalukipkip pa ito ng magtanong. 

"Nagkita kami ACCIDENTALLY sa Santorini." Pinakadiin ko ang accidentally. 

Tinaasan ako ng kilay ni Xykie. "Hindi ako naniniwala sa coincidence." She said. 

"Eh di huwag kang maniwala." Sarcastic na sagot ko.

Naningkit ang mga mata ni Xykie sa akin. 

"Kung paglalaruan mo lang si Summer..." 

"Huwag kang advance mag-isip." Naiinis na sagot ko. Xykie pressed her lips together. 

"May kalalagyan ka." She said coldly.

Hindi ako kumibo at iniwan ako ni Xykie na nakatayo sa may pintuan. Naiinis akong pumunta sa kwarto na binigay sa akin.

Maaga kaming umalis ni Summer sa palace pabalik ng France para sa flight namin pa-Manila. 

"Okay ka lang, Chase?" Tanong ni Summer. 

I breathe deeply. "Okay lang. Tinatamad lang akong bumalik." I kissed her head. Sumandal siya sa akin.


Kung nagulat man si daddy ng makita kaming magkasama ni Summer ng sunduin nya kami sa MIAA, hindi niya pinahalata. Dahil na din siguro sa pagod, wala kaming kibuan ni Summer nang dumating kami sa Country Club. Nagpahatid siya sa driver papunta sa Grace Hotel.

"Hindi ko alam na kasama mo si Summer." Pasimple pero nandoon ang tanong ni daddy. 

"Nakita ko siya sa Santorini," I replied. 

"Really?!" Parang sinabi na din ni daddy na, sino ang niloko mo?!

Tumukhim si daddy bago magsalita. 

"Naka-ilang tawag si Christine sa bahay." Sabi niya. 

"I'll face her tomorrow, dad," I replied. 

"Let me know kung kailangan mo ng tulong." Sabi ni daddy.


Kinabukasan, Tita Christine didn't waste her time. Pumunta siya sa office ko kahit nasa kalagitnaan ako ng meeting with my staff. 

"Chase." 

Napatingin sa kanya lahat ng nasa meeting room.

"Continue." Sabi ko sa junior staff na nagpepresent ng profit and loss ng company. 

Naiilang na nagpatuloy ang staff ko sa sinasabi niya.

Naiinis na lumapit si Tita Christine at binunot ang plug ng projector. Natahimik ang buong meeting room. Some of the old staff knew her. Dahil nga siya ang akala nilang tagapagmana.

"Call security," I said to my assistant. 

"The hell you will. Isang buwan na kitang hinihintay. Huwag mo akong pagtaguan." Sabi nito. 

"Kung ano man ang gusto kong gawin sayo, wala ka ng pakialam doon. Huwag nyong sagarin ang pasensya ko. Alam mo ba ang salitang delikadesa?" Unti-unti ng tumataas ang boses ko. Nagyuko na ng mga ulo ang nasa meeting room.

"I want an increase." Sigaw ni Tita Christine. "This is my inheritance. This company is mine." 

"Sa pagkaka-alam ko, wala ang pangalan mo sa testamento." I shouted. "Call the police... Now." I shouted to my assistant. 

Nanginginig na tumawag sa 911 ang assistant kong si Dolor.

"I will not leave and you will need to drag me para mapaalis ako." Sabi ni Tita. 

"Then, maghintay ka ng kakaladkad sayo." Sagot ko.

Ilang minuto pa, dumating ang mga police at malumanay na pinakiusapan si Tita na umalis. Pero nagmatigas ito kaya sapilitan siyang nilabas ng mga ito. 

"This is harassment." Sigaw ni Tita. 

"Magsasampa ako ng kaso sa kanya. Susunod ang HR manager ko together with my lawyer sa presinto." 

"You can't do this." sigaw ni Tita habang palabas.

Hinintay kong maisarado ang pintuan bago ako magsalita ulit. 

"Sino ang gustong sumunod na umalis kay Tita Christine? If you can't give your loyalty to me, you better get out of my company." I said in a cold voice.

Tahimik ang buong meeting room pati na si Dolor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top