Chapter 11- Huli Ka

Summer

Santorini

"Ang ganda dito..." Nakaupo kami ni Violet sa isang hagdanan at nakatanaw sa dagat. 

"Kung mag-aasawa ka, saan mo gustong tumira?" Tanong ko kay Violet. For sure naman sa Cordonia sila titira ni Lucas, provided na magising na sa katotohanan ang isang yun.

"Kahit saan naman ako." She answered.

"Sa bagay. Kung nasaan si mahal, nandoon ka." Bumuntong hininga ako. 

"Ang lalim ng buntong-hininga mo." Puna ni Violet.

"Paano maging matapang, Autumn?" Paano kumawala sa pagiging ako?

"Minsan, naiinggit ako sa lakas ng loob mo. Ang dami kong gustong gawin pero natatakot ako." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman madaling gawin sa umpisa. Kapag hindi mo ginawa yung mga gusto mo, magsisisi ka lang sa bandang huli. Simulan mo na ang mga nasa bucket list mo Summer. Hindi yung sight seeing ka lang sa mga lugar na gusto mong marating."

Natahimik kaming dalawa ni Violet. Bumalik ang isip ko sa Toulouse at kung paano ako isinayaw ni Chase.

Nilabas ko ang maliit na drone ko at nagpicture kami ni Violet. Ang dami naming picture sa unexpected trip namin na ito.

"May tao sa likod natin." I said then we giggled. Pagkazoom-in ko, napasinghap ako.

"Si Lucas?" Lumingon ako and yes indeed, nakatayo siya ilang metro sa likod namin.

"Si Lucas nga." Bulong ko kay Violet.

"Dahan-dahan na lang tayong bumaba ng hagdanan. Huwag ka ng lumingon." Bulong ni Violet sa akin na gusto kong tumawa. I gave her my hand, but Lucas called her ng nakatayo na kami.

"Violet." Napapikit si Violet. "Can we talk?" He asked. Siniko ko si Violet.

"Nasa paligid lang ako. Kausapin mo na." I whispered.

"Nasa paligid lang ako damoho ka. Kapag si Violet umiyak, ipapahunting kita. Nadinig mo ako?" Banta ko kay Lucas.

Bumaba ako ng hagdanan at iniwan ko sila sa moment nilang dalawa. So, explain, explain si lolo mo kay Violet kung bakit siya tanga lately. Tapos ang lola mo naman, nag-iinarte. I rolled my eyes at sumigaw.

"He loves you, you dumb ass."

Habang nakikinig sa mga endless romantic achuchuchu ng dalawa, nagmessagesi Xykie at pinadala ang picture ng anak ni Ate Jack. Shit na mainam, ang ganda ng bata.

Sinilip ko sila kung ano ang ginagawa nila. Ay sus, bati na sila. At dito nagtatapos ang paglalaboy namin ni Violet.

"Yo guys, mainit na dito." I said. Nilapitan ko silang dalawa para magpaalam ng maayos. Ibibigay ko na sa kanila ang moment na kailangan nilang dalawa. Hindi naman ako evil sister, alam kong masaya si Violet na kasama niya si Lucas. It's time to go home na din naman.

"Iwan ko na kayo. Ingat kayo ha? Sabihan mo ako kapag pauwi ka ng Pinas kung hindi man tayo magkita sa Cordonia." I said. I hugged Violet and whispered. "Use protection."

Tumatawa akong iniwan sila na nakanganga si Violet. Pero kung kasing ganda naman ng anak ni Ate Jack ang magiging pamangkin ko, the hell with that protection. Nasa dugo nila Lucas ang green na mata.

Mag-isa akong bumaba sa mga hagdanan. Maganda nga ang Santorini pero ang daming hagdanan. Naaliw ako sa mga picture na pinadala ni Xykie kaya hindi ko napansin ang tao sa harapan ko. Nabunggo ko sila at nahulog ang phone ko.

"Fucking hell!!!" I exclaimed. Tiningnan ko ang cellphone na tumalbog-talbog sa hagdanan pababa.

Pag-angat ko ng mukha ko, ready na akong sigawan ang tangang hindi umiwas sa akin.

"Chase?"

Mukha siyang nagulat. As in, nanlaki ang singkit nyang mga mata.

"Summer?" 

"Ano ang ginagawa mo dito?" I asked. At parang naulit ang tagpo sa Toulouse.
Chase motioned the sea in front of us with his hand.

"Ikaw lang mag-isa? Umuwi ka na ba ng Pinas?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakalimutan ko na ang cellphone na nalaglag.

"Ako lang." He replied. Nag-iwas si Chase ng tingin at pinulot ang cellphone ko at iniabot sa akin. "Gusto mo bang kumain?" He asked.

Bakit siya nandito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top