Chapter 10- Stalker

Chase

Hindi ko alam na adrenaline junkie din si Summer. Muntik ko ng isuka ang kinain kong dinner ng makita ko siyang nasa starting line at hindi si Violet.

Tinatawagan na ako ng office. Nakatambak na ang papers na kailangan kong pirmahan pero ang feedback ko, indefinite ang leave ko. Muntik ng himatayin ang HR namin dahil sa mga cheque na kailangan ng pirma ko.

Nasa likod ako ng magkapatid at naglalakad sa street ng Paris ng lumingon si Summer at maaninag ako.

"Fuck." Yumuko ako at lumiko ng simulan nya akong sundan.

Nagtago ako sa isang sulok para tingnan ang ginagawa nila ni Violet. Nag-uusap sila at inakay si Summer ni Violet papunta sa gawi ko. Mabilis akong nakiblend sa mga tao.

"Uwi na tayo." Yaya ni Summer sa kapatid.
Halos nasa likod ko na sila. Yumuko ako at kumanan.

"Whoooaaaa..." Nadinig kong sabi nila. Lumakad ako palayo. 

"Hey..." Sabi ng lalaki. "Summer?"

Napahinto ako. Nilingon ko sila at nakita kong pabalik na sila sa street ng hotel nila. Sinundan sila ng lalaki.

"Sinasabi ko na nga ba!" Naiinis akong sinundan sila pabalik ng hotel. Katapat din naman ng hotel nila ang hotel ko.

"NO." Sabay sabi ng magkapatid sa lalaki. Tumalikod sila at nagmamadaling lumakad.

Nilagpasan ko ang lalaki na kausap nila kanina. Sino kaya ito? Hinanap ko kung may cctv sa lugar. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at ang pinakamalapit na establishment.

That night, tinawagan ko si Ralph. 

"Uy, ano ng balita sayo?" Tanong nito. 

"Okay lang. Kailangan ko ng tulong." Napapikit ako. Ayaw ko sanang malaman ni Ralph ang ginagawa ko but Summer and Violet might be in danger. 

"Ano yun?" 

"Kaninang bandang 11:45 pm, Paris time. May humarang kay Summer at Violet nalalaki sa tapat ng Sofitel. Pwede bang pakipahanap mo kay Gab. Sinundan kasi sila kanina."

"Sinusundan mo sila Summer?" Tanong ni Ralph. Narinig ko ang landline niya sa office na naka-loud speaker. 

"Stalker ang tawag diyan, Chase." Natatawag comment nito.

Naputol ang sana'y sasabihin ko nang madinig ko ang boses ni Gab sa speakerphone. 

"Kuya, pakicheck mo nga sila Summer. Nasa Paris daw..." Sinabi ni Ralph ang mga details na sinabi ko sa kanya. 

"At paano mo naman nalaman yan, Ralph?" Tanong ni Gab. 

"Sinabi ni Chase. Eto nga nasa phone pa." 

"At paano nalaman ni Chase?" Tanong ulit ni Gab.

Napapikit ako. Nagmamalasakit lang ako. Ralph chuckled. 

"Dami mo namang tanong... Tingnan mo na lang ang dalawang sakit sa ulong mga pinsan mo. Alam mo namang lapitin ng gulo yung dalawa." Sagot ni Ralph. 

"Okay sige. Sabihin mo kay Chase, huwag siyang sunod ng sunod." Sabi nito bago nawala sa line.

"Narinig mo? Huwag kang stalker." Sabi ni Ralph. 

"Gago... nakita ko lang sila. Akala ko ba nasa Cordonia yung dalawa?" Pagkakaila ko. 

"Alam mo Chase... Kung hindi lang kayo parang aso't-pusa ni Summer, iisipin kong may gusto ka sa kanya." 

"Alam mo Ralph, tigilan mo ang kakasama kay London. Bye." Pinatay ko ang phone bago pa makareply si Ralph.

Kailangan ko ng umuwi. Nagpabook ako ng ticket sa assistant ko pauwi ng Pilipinas at sinend niya agad sa akin ang itinerary kasabay ng schedule ko next week.

I am all set and ready to go. Natanaw ko sila Summer na sumakay ng taxi. Pinasundan ko ang taxi nila Summer at gaya ng dati, tinitigan ako ng driver bago sumunod.

Nagpahatid sila sa train station sa Paris. I groaned when I heard they purchased tickets going to Milan. My flight will leave in 5 hours.

I call my secretary and asked her to cancel my flight and reschedule my meetings. After ng napakahabang "But Sir... Please reconsider, Sir..." I purchased a ticket going to Milan. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin after nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top