6
Trisha's POV
Habang nakatitig sa dalawang tao na palayo sa akin ay may biglang nahagip ang gilid ng aking mata, para bang tao na dumaan sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang bilis nang pagtakbo nito at mas lalo pa akong kinilabutan dahil nakatitig ito sa akin. Ewan ko kung napaparanoid lang ba ako pero alam kong totoo iyon.
Tumayo ako at dahan dahang naglakad patungo sa likod ng building namin kung saan ay may mga puno at halaman. Habang palapit nang palapit ay pabilis naman nang pabilis ang tibok ng aking puso parang tinatambol.
Kinakabahan ako baka kasi ang taong 'yon ay ang killer at biglang bubulaga na lang sa harap ko at sasaksakin ako gamit ang matutulis na kutsilyo. Dahil sa sariling iniisip ay mas lalo lang akonh kinilabutan, pa'no nga kung katapusan ko na?
Malapit na ako sa pinakalikod kaya huminga muna ako ng malalim saka sumilip pero wala naman tao doon at ang tanging ingay na naririnig ko ay ang mga dahon at ibon. Nakahinga ako ng maluwag saka umikot pero agad akong napatili ng may tao sa harap ko.
"Ano ba ang ingay mo!" naririnding saad nito. Kaya umayos ako ng tayo at inayos ang uniporme.
"Ba't ka ba tumitili?" tanong niya pero tinitigan ko lang siya. Siya 'yong lalaki na laging nagsasabi sa akin na mag-ingat daw ako. Siya si mr. Weirdo.
"Ba't ba para kang kabute bigla bigla na lang susulpot?!" naiinis ko namang tanong. Lahat ba ng estudyante rito ay may lahing kabute, bigla biglang na lang susulpot.
"Dahil dito ako natambay kapag vacant time namin." Binuklat niya ang librong hawak at umupo sa damuhan. Tinignan ko naman siya kaya naman nagtataka itong tumingin sa 'kin.
"It's there a problem, miss Moretz?" Nanglaki ang aking dalawang mats, pa'no niya nalaman apelyido ko. Hindi ko naman siya kaklase eh. Don't tell me siya ang—
Arghh, Trisha huwag kang OA. Pero paano niya ba kasi nalaman ang apelyido ko?
"Nakita ko sa I.D mo," biglang sabi niya kaya nagtaka ako at tinignan ang I.D ko. Ahh oo nga noh may I.D pala ako. Siya kaya anong pangalan? Nacurios lang ako kasi lagi siyang nasulpot kung na saan ako, gusto ko lang siya makilala.
"I'm Miles Smith." Nangunot ang noo ko na kinangisi niya.
"I think gusto mong malaman ang name ko." Bumuka ang bibig ko pero walang salita na lumabas. Mind reader!?
"Ok." Nagkibit balikat ako at naglakad na palayo sa kanoya. Parang napakamisteryo ng taong 'yon. Pero taena lahat ata ng bagay sa paaralan na ito ay isang malaking misteryo na kailangan kong alamin. Alam kong curiosity kills the cat, atleast siyam ang buhay ko.
Umupo ulit ako sa bench na kinauupuan namin kanina ni Jarell saka tumingin sa mga building. Iilan lang ang mga palakad lakad na students sa corridor dahil oras pa ng klase. Napatingin ako sa aking relo at napabuntong hininga 6:00 PM na may one hour pa bago mag 7:00 PM. Bakit kaya may pumapatay dito sa university na ito? Anong problema ng killer? Bakit hindi niya na lang sabihin sa dean kung anong problema, bakit kailangan idaan niya sa pagpatay ng studyante na ang gusto lang ay mag-aral at makapagtapos?
"Ang lalim ng iniisip mo, ha?"
"Ay butiki," bulalas ko ng may biglang magsalita sa tabi ko. Ano bang problema nila hilig nilang gulatin ako nakaiilan na sila ngayong araw.
Nangunot ang noo ko at medyo tumaas ang isang kilay. Sino tong babae na ito? Maganda, maputi, matangos.
"I'm Crizell Villamor," pakilala niya saka biglang kinuha ang kamay ko at nakipagshake hands. Bigla ko namang hinila ang kamay ko. FC siya.
"Hahahaha." Biglang tawa niya, she's crazy. Tumigil na siya sa kakatawa at nginitian ako.
"Sorry but I don't talk to strangers." Tatayo na sana ako ng hilahin niya ang aking kamay, hinila ko ito at sinamaan siya ng tingin.
"Gusto lang kitang maging kaibigan." Umayos ako ng upo at tinitigan siya.
"Friend?"
"Yes, wala kasi akong kaibigan dito sana pumayag ka para may kausap naman ako rito sa school na ito. Transferee lang kasi ako." Kaya pala parang wala manlang siyang takot na gumala gala rito sa university dahil bago palang siya, pero kung tutuusin bago lang din naman ako rito pero may kaunti na kaagad akong nalaman.
Dahil mabait naman ako papayag na ako na makipagkaibigan sa kaniya.
"Sure." Nginitian ko siya.
"Bestfriend na kita?" Kitang kita sa kaniyang mata ang tuwa at galak. Ano first time lang magkaroon ng kaibigan? Bigla namang may tumulong luha sa kaniyang mata.
"Hey, why are you crying?"
"I'm just happy kasi for the first time may bestfriend na ako dahil simula ng mag-aral ako walang gustong makipagkaibigan sa akin." Bigla kong nabawi ang sinabi ko sa aking isip na 'Ano first time lang magkaroon ng kaibigan?' totoo pala.
"Bakit naman?" Pinunasan niya ang kaniyang luha saka ngumiti ng pilit. Sa ganda niyang iyan walang gustong makipagkaibigan sa kaniya?
"Hindi ko alam eh." Sa hindi maintindihan rason bigla ko siyang niyakap na kinagulat niya pero yumakap din naman kaagad siya sa akin.
--------------------
VOTE and COMMENT!💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top