Simula
Dos Montgomery
"Anong oras ka papasundo?"
Ibinaba ko ang kanang paa ko at tinulungan ang sariling makababa sa sasakyan ng pamilya ko. I then turned around to face my brother and shrugged.
"Hindi ko sigurado, Kuya. Baka kasi may meeting mamaya for our dance club pagkatapos ko mag-enroll, pero mag te-text nalang po ako sayo at kay Kuya Ramon para ma-inform kayo agad." Tugon ko kay Kuya Luis.
Tumango siya bago ako inunahan hablutin ang bag at hydroflask ko bago ang bag niya. Sunod siyang bumaba sa kabilang parte ng sasakyan at umikot para mapuntahan ako sa kinatatayuan ko.
Nag salubong ang dalawang kilay ko at walang nagawa nang iabot niya ang shoulder bag at hydroflask ko.
He then tapped my head. "Stop trying to be so independent." Aniya at binigyan ako ng mainit na ngiti.
Parang may kumirot sa puso ko at tipid na ngumiti. Sinabit ko ang shoulder bag ko at bahagyang hinawi ang mahaba at wavy kong buhok. It slightly bounced and fell just right behind my back.
"See you later, Kuya. Ingat ka po."
"You too! Goodluck sa ballet club! Kumain ka na kasama ang mga kaibigan mo kung agad ka matatapos." Masigla niyang sabi bago ako una tumalikod para maglakad na papunta sa building ng mga Business Courses.
Pagkapasok ko pa lang sa hallway ay dinig na dinig ko na ang masasayang usapan ng mga tao. Nag taas ang kilay ko dahil parang hindi normal ito. I mean, there's always something to talk about pero parang kakaiba ang aura nilang lahat ngayon, parang may magaganap ngayon na hindi ko alam.
Claveria maybe?
Napailing nalang ako at tinungo ang cafeteria para hanapin ang mga kaibigan ko.
Nang marating ko ang cafeteria ay ga'non pa rin ang sitwasyon. Everyone is talking, wala man lang mapirmi sa kinauupuan, lahat ay masiglang nag ke-kwentuhan.
Hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan at bahagya akong ngumiti bago sila pinuntahan. Umupo ako sa tabi ni Arlie pero parang sobrang seryoso ng pinag-uusapan nila ni Nica kung kaya't saglit lang nila akong tinignan bago pinagpatuloy ang kanina pa nila pinagkakaguluhan.
Pinatong ko ang bag ko sa gilid ng kinauupoan ko at ang lalagyan ng tubig sa ibabaw ng lamesa. Sunod kong kinuha ang ginawang sandwich ni mommy para sa akin. Hindi ko na nakuhang mag breakfast dahil late na ako nagising.
I opened it and took a bite as I listen to my friends.
"Nag research ako kahapon tungkol sa mga magiging transferees. Mula sila talaga sa Maynila at naroroon ang mga businesses na meron sila." Ani Arlie.
I raised an eyebrow.
"Yes! At sobrang mayayaman daw!" Pagsang-ayon ni Nica.
"At dito raw sa Cebu ay unti-unti na raw sila nakikilala dahil sa napakarami nilang mga lupain!" Masayang-masaya na balita pa ni Arlie.
Oh... I think I know what they're talking about already.
"Ahuh! At balita ko... mula kay papa... na mukhang papasok na rin sila sa politika rito." Dagdag ni Nica habang bumubulong, tila bawal marinig ng iba 'yon at kami lang ang pwede makaalam.
"Who? The transferees?" Tanong ko bago kumagat muli sa sandwich.
Sabay nila akong tinignan at sinamaan ng tingin na para bang nakaka-disappoint ang sinabi ko.
I shrugged and grabbed my color Alpine Hydroflask.
"What? Kailangan ba alam ko?" Tanong ko bago uminom ng tubig.
"Una sa lahat, hindi ang mga transferees ang tatakbo sa politics, syempre ang parents nila. Pangalawa, oo kailangan alam mo. Syempre! We should know something about them, mag-eenroll sila rito eh!" Arlie said with a matter of fact.
"Bakit? Pumasa na ba sila?" Balik ko.
Laglag panga nila akong tinignan.
"Bakit? Totoo naman. Yun ang unang tanong bago sila maging tranferee. Pumasa na ba sila?" Pag-uulit ko.
"Well..." Nica trailed.
"Ngayon ang exam nila, pati na rin ang tryouts nila." Aniya.
"See? Tignan muna natin kung papasa sila. Maybe by then, I'll be interested." Tugon ko bago muli kumagat sa sandwich.
Napanguso si Arlie at sumimsim sa sarilng inumin.
"Sige na nga... we won't push it na... curious lang naman kami kasi sobrang gwapo ng mga lalaki dun sa mag pipinsan," kinuha niya ang cellphone niya at binuksan iyon. "Gusto mo ba makita?"
Tinignan niya ako with matching beautiful eyes.
Napabuntonghininga ako, "Makikita rin naman natin sila. Sabi niyo nga ngayon sila mag e-exam at try outs. We will see them for sure."
"Hmm... oh sige na nga. Kami nalang ni Nica titingin?"
Tinignan ko si Nica, akala ko ay tututol siya pero mabilis siyang dumungaw sa cellphone ni Arlie at nag browse na sila sa mga litrato na naka-post sa Facebook.
Napailing nalang ako at tinuloy ang pagkain ko habang nagmamasid sa paligid.
Dito sa university na pinapasukan ko, complicated ang mga tao. The hierarchy and power are very obvious. May mga taong nakakaangat talaga, mga taong hindi pwede maabot at sa kabilang dulo ay ang mga taong nasa laylayan, which saddens me.
I hate it.
Here, you have to have the attitude to stand on yourself. Para tingin pa lang, alam nilang hindi ka pwede hamakin.
Maswerte ako na kahit papaano ay parte ako ng mga taong hindi pwede hawakan. Lucky enough to be with a family who gave me silver spoon.
Pero sa kabila non ay sinusubukan ko maging independent, to not rely on my family's name. I try to be my own self. Kaya siguro sa pag laki ko ay natuto akong hindi pansinin ang mga bagay na hindi kailangan ng atensyon ko.
I just really want to be... unbothered.
I'll take what my emotional and mental health can only manage.
The rest... have to go.
"Tapos na po ba?" Tanong ko sa Information and Technology section ng enrollment area.
Tumango ang babae at may ngiting inabot ang ID ko.
Hindi naman kailangan ng bagong ID dahil dito na ako nag aaral simula bata pa ako, at every graduation lang kailangan ng bagong ID, naisipan ko lang talaga pagawa, I just feel like having something new this year.
Kakatapos lang namin kani-kanina mag enroll at dumiretso sila agad sa mga mag-eexam na transferee. Hinayaan ko na sila dahil mukhang mas excited pa sila sa mga 'yon, parang sila ang mag eexam sa sobrang ngiti at excitement na meron sila.
Kinuha ko ang ID ko at wala sa sariling napangiti na maayos ang kinalabasan 'non. Mabuti nalang at medyo nag ayos ako ng kaunti ngayong araw.
I am wearing a beige wide pants, one shoulder strap top in color black and my high cut black converse.
Kita sa ID ko ang kaunting blush at light pink lip gloss na nilagay ko.
I am very paticular with how I look, I like dressing up for myself, it makes me feel good.
"Salamat po." Saad ko bago tumalikod para umalis.
Mula sa shoulder bag ay kinuha ko ang cellphone ko roon at tinignan ang mensahe mula kay Arlie.
Arlie: Saan ka? Kakatapos lang namin i-check ang mga transferees na nag exam today, sorry natagalan!! Nakapag pa-ID ka na ba?
Mabilis ako nag tipa ng reply habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang ID ko.
Me: It's okay! Yup, kakatapos ko lang mag pa-ID. Saan ko kayo pupuntahan?
Binulsa ko muna ang cellphone at nagpatuloy sa mga lockers para kunin ang tumbler ko na nilagay ko muna roon.
Habang papunta roon ay natigilan ako dahil sa tuloy-tuloy na pag tunog ng cellphone ko at pagka-alis ng sintas ng sapatos ko. Hindi ko alam anong uunahin kaya tumigil muna ako sa pag lalakad.
I grabbed my phone from my pocket and saw Nica's name.
Sinagot ko iyon at dinig na dinig ko ang tunog ng mga rubber shoes na nag tatakbuhan kasabay ng hiyaw mg mga tao.
Gym.
"Nasa gym kayo?" Tanong ko.
"Oo! Punta ka rito! Nood lang tayo saglit, kalaban sa try outs ng mga transferee ang team nina Claveria!" Sigaw niya kaya bahagya kong nalayo ang cellphone mula sa tenga.
Tumango ako na para bang nakikita niya.
"Oh... okay, daan ako riyan mamaya. Kunin ko lang tumbler ko, pero alis din ako agad, may meeting pa ako sa ballet club."
"Okay! Nandito rin naman ang mga ka-club members ng ballet club, see you!"
Oh... nandoon din sila? Looks like hindi agad mag sisimula ang meeting. Everyone is looking forward to see those transferees' huh?
Binaba ko ang tawag at akmang yuyuko na ako nang mahulog ang ID ko.
"Hay." Napabuntonghininga ako at hinayaan na muna iyon.
I held on my phone's back pearl handle while trying to tie my shoes.
Nang maitali ko na 'yon ay sunod kong inabot ang ID ko pero may nauna sa akin.
Kinuha niya iyon at mabilis na nakabalik sa pagtayo. Mula sa baba, kita ko ang rubber shoes na suot ng taong nasa harapan ko. Wearing an adidas shoes, umangat ang tingin ko papunta sa kanyang jersey shorts, hanggang sa jersey top niya bago ako tumayo para makita ang mukha ng taong nasa harapan ko.
"Uhm... thank you..." pagpapasalamat ko nang makita siya sa kabuo-an.
Hindi siya familiar sa akin kaya bahagyang bumagal at humina ang boses ko.
Mas di hamak na matangkad siya sa akin, probably because of basketball. Very expressive ang mga mata niya, malalim ito at nasa dark brown ang kulay. Saktong-sakto lang ang kapal ng kilay niya. Nakakainggit, parang hindi kailangan paayusan. Ang ganda rin ng hulma ng ilong niya, and his jawline... serves the whole look he has.
Parang every part of his face contributes to how good looking he is.
Hindi ko naman ikakaila 'yon.
He is... good looking.
May pagka-moreno rin ang kanyang balat. Bagay na bagay sa itim na itim niyang buhok. Just like mine... very black.
His fit is just right, bumaba ang mga mata ko sa kanyang balikat papunta sa kanyang mga kamay na umabot sa akin ng ID. Lean but not bulky. Enough muscles on the right places.
"No problem, here..." aniya habang nakalahad sa akin ang ID.
Akmang kukunin ko na iyon nang may sumigaw kaya natigilan kaming pareho.
"Dos!"
Sabay kaming napabaling ng tingin sa taong yon na tumatakbo sa likuran niya. Tumalikod siya sa akin kaya nakita ko ang pangalan na nasa likod ng jersey niya.
Dos Montgomery.
Montgomery? Parang narinig ko na iyon.
"Simon! Sorry, I forgot to check on Alice kaya binalikan ko sila saglit. Pero papunta na akong gym. Mag sisimula na ba?" Aniya sa malalim na boses.
Hindi ko alam pero parang nangilabot ang likuran ko nang marinig ulit ang boses niya. It sounds so... scary and intimidating.
Huminga ako ng malalim at bahagyang hinawi ang buhok ko bago mag masid-masid sa paligid. Wala na halos tao sa hallway, marahil ay nasa gym na halos ang mga ito. Late afternoon na rin, tapos na ang mga nag e-enroll at mostly ilan ilan nalang ang humahabol pa.
Medyo nakukuha na rin ng utak ko ang nangyayari...
Sila ba ang transferees?
I doubt na hindi ko sila makikilala kung taga rito talaga sila. Especially if they play basketball. Hindi sila papalagpasin ng mga estudyante rito. Lalo na itong lalaki sa harapan ko. Siya yung mukhang mapapalingon ka ng ilang beses para masilayan mo ulit yung mukha niya. Napaka updated na rin sa technology ngayon, may facebook, twitter, tiktok at reels na, for sure... siya ang tipong pagkakaguluhan doon.
"Malapit na, kaya tara na! Hinahanap ka na. Ano ba 'yan?" Ani ng taong tinawag niyang Simon nang makalapit ito sa amin.
Aalma sana ako nang hablutin ng lalaking 'yon ang ID ko mula kay Dos Montgomery pero napakabilis niya, nakuha niya iyon at nagawa ng tignan.
"Oh... hi... Ms..." umangat ang tingin niya sa akin at kaya pinantayan ko ang titig niya pero nang maramdaman ko ang titig ng katabi niya ay napaiwas ako ng tingin.
The way he stare is quite uncomfortable.
"Uh... thank you... ulit..." saad ko kay Dos Montgomery bago kunin ang ID kahit na hindi pa inaabot sa akin.
Tipid lamang siyang ngumiti sa akin habang ngitin- ngiti naman ang lalaking nag nga-ngalang Simon.
"Sige, una na ako." Hindi ko alam pero nagawa ko 'yon sabihin ng diretso at mabilis.
Hinawakan kong mahigpit ang shoulder bag, cellphone at ID ko at nilagpasan silang dalawa.I walked without looking back.
"Miss!"
Natigil ako sa pag hakbang nang marinig ang boses 'nong lalaking nag nga-ngalang Simon.
I turned around and saw Dos Montgomery pushing him away from him, habang si Simon ay pilit siyang inaakbayan habang tumatawa.
"Hindi raw nakita ng pinsan ko ang pangalan mo! Should I tell him?" Tanong nito.
Dumako ang tingin ko kay Dos Montgomery at kita ko ang kunot noo niyang kilay na para bang papatayin niya ang pinsan niya sa sinabi nito.
Sinalubong niya ang mga tingin ko, muntik na ako mapaatras kahit na ilang hakbang na ang layo ko sa kanila.
"I didn't say that. I am not asking either." Ani Dos Montgomery.
I didn't say that. I am not asking either.
Isang beses pang umulit sa tenga ko ang sinabi niya.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman. Quite uncomfortable again.
"Okay." Simple kong sagot at tumalikod na ulit.
"Nice meeting you! See you around!" Sigaw muli ni Simon.
I felt... a sudden rush.
Sudden rush I never felt before.
Feels like I had to run away.
--
Isa sa mga pinaghandaan ko sa mga plano ko para sa ating pamilya ay ang "paano ba ako mas magiging malapit sa inyo, despite of my lack of consistency in facebook", kasi I love talking to you guys, yung mga tao sa wattpad na nag ppost sa wall ko, alam yan, I reply to almost post there, but yup... the problem is hindi talaga ako ma facebook. At alam ko halos nasa facebook lahat. But I had troubles sticking up there, then last December narealize ko "anong socmed ba ang pinaka active ako?" The answer is IG, everyday ako roon, I enjoy posting IG stories and such, so naisip ko bakit hindi nalang doon. Though medyo shy pa ako pero I made one for us. Tho everything is there already, wattpad, my love for painting, ipopost ko rin ang random stuff na naeenjoy ko, food, kahit ano, and I will be personally handling it, even sa messages. I also love vlogging pero... wala pa akong lakas ng loob para roon. Malayong malayo pa. Thats why I share most sa IG, so... shyness aside, here it is...
I hope to see you all there! I love you all. I miss you!
IG: @pat.kinaiya
"Kinaiya" It is all the traits or characteristics that make you who you are.
https://www.instagram.com/pat.kinaiya/?fbclid=IwAR2mijh2uj9SROMqvzPD1Y1ic8wHhoue9ERG-zDed48oWyXEzsMshTyGzhA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top