Kabanata 9

With you

"Saan kayo pupunta?"

Bumaling si Nica ng tingin sa akin at hinawi ang buhok niya papunta sa kaliwang balikat niya. 

"Saan tayo pupunta?" Nakangisi niyang pagtatama sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Hah?" Bumaba ang aking tingin para mag-isip.

Don't tell me...

"Sa Loft! May after party dahil nanalo ang team nina Claveria!" Excited at buong kagalakan niyang sabi.

Tama nga ang naisip ko. Galing kami sa gym, nanood kami ng laban para malaman kung may makakapasok bang mga freshmen sa team ngayon, mukhang meron naman iilan na kukuning trainees ang team nina Claveria. Claveria's team won but there are freshmen who really showed great potential.

Napasinghap ako at maagap na umiling. "Hindi na ako sasama, gusto ko makauwi agad para makapag pahinga at mag handa dahil mag sisimula na sa pag pa-plano para sa play next week."

"Next week pa 'yon, pwede ka pa mag pahinga." Singit ni Arlie na kadarating lang mula sa banyo.

Bahagyang nanikip ang puso ko. Parang kay tagal simula nang kausapin ako ni Arlie, panay si Nica ang kausap niya ngayon at paminsan-minsan lang ako binabati. Pero... naiintindihan ko naman, baka akala niya gumagawa akong kwento dahil imposible naman talaga na maging kaibigan ko si Dos. Napakatayog niya...

His smile suddenly flashed quickly in my mind.

Oh, Vic... don't go there.

"Kailangan mo sumama, Vic. Hindi kami papayagan kung hindi ka kasama."

I can hear something from Arlie's voice, pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. Mataman ko siyang tinignan, umaasang mabasa ko ang nasa isipan niya pero mabilis siyang nag iwas ng tingin.

"Hmm... pwede ka naman sa coffee shop malapit sa Loft?" Alok ni Nica na parang naguguluhan.

Napaawang ang labi ko at mabilis na tumango. Biglang napanatag ang puso ko. Oo nga naman, pwede 'yon. Mas gusto ko rin iyon, pagkatapos ng nangyari, parang hindi ko pa kaya makita si Dos. Kanina sa game, halos hindi ko hayaan dumaan ang tingin ko sa kanya habang nag lalaro. Parang liliparin ako tuwing maririnig ang numero sa likod ng jersey niya, gusto ko tumingin at manood pero binabalot pa ako ng hiya.

Kahit na alam kong hindi naman niya ako makikita, my eyes still wouldn't dare. Parang nakakasilaw siya, my wounded and scarred heart wouldn't dare to look at such light.

"Okay... sasamahan ko na kayo, pero doon lang ako sa coffee shop sa malapit. Hintayin ko kayo matapos, okay?" I assured them, trying to make things normal.

Napabuntonghininga si Arlie at tipid na ngumiti. "Let's go, pahatid na tayo sa driver ko. Mag papadala rin ako ng mga damit para sa atin Nica,"

Tumango-tango si Nica, lumingkis siya sa braso ko at hinayaan namin mauna si Arlie habang tinatawagan ang driver ng pamilya nila.

Napatingin ako sa suot ko. I am wearing a white cropped turtle neck long sleeves under a brown-white argyle sweater vest and bootcut jeans. Hmm... should I change too?

"Nag away ba kayo?"

Napanguso ako at umiling. "Sa pagkaka-alala ko, hindi naman..." hindi ko siguradong sagot.

"Oh! Maybe she's on her period? Badtrip?" Ani Nica sabay hagikgik.

Napailing nalamang ako, hindi sigurado sa mga sasabihin.

"We'll call you pag uuwi na." Ani Arlie, nag iiwas pa rin ng tingin.

Mabagal akong tumango habang pinagmamasdan pa rin siya. Should I talk to her first? What should I ask? I even don't know what to confirm? Kung galit ba siya sa akin? Dahil saan? May ginawa ba ako? Akala niya ba nag sisinungaling ako na mag kaibigan kami ni Dos?

Pinilit kong ngumiti at napailing-iling nalang. A part of me knew why she's acting this way, pero sana mali ako. I hope it's just a phase.

Mamaya sa coffee shop, I'll think of a way to fix our friendship, so no awkwardness...

Sa pagkakakilala ko kay Arlie, hindi siya pwedeng binibigla.

"Okay, I'll see you later, ako nalang ang pupunta sa inyo--"

"No!" Maagap na pigil ni Arlie.

Natigilan ako sa biglaang pag kontra niya. Bakas din ang gulat sa mga mata ni Nica.

"Kami nalang ang pupunta sayo..." mahina niyang bawi at muling napaiwas ng tingin.

"Oh... okay..." ngumiti ako para masigurado niya na wala siya dapat ika-iwas.

Kung ano man ang iniisip niya, tatanungin ko siya mamaya tungkol doon. Basta, ang mahalaga, mag enjoy muna sila. I want them to enjoy this night, regardless if they will see the Montgomery. Ga'non naman talaga dapat diba? We don't depend our happiness to other people.

"Sige... mag kita nalang tayo mamaya." Matamis akong ngumiti at binaling ang tingin kay Nica na litong-lito habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Arlie. "Mag ingat kayo ha, yung bilin ko lagi, 'wag kakalimutan. When offered a drink--"

"--accept the drink but don't drink it." Pag tutuloy ni Nica nang sasabihin ko.

Ngumiti ako at tumango-tango.

"Have fun with your coffee, okay? See you later, Vic!" Pilit na ngumiti si Nica at ipinagpapasalamat ko iyon.

Pinanood ko silang tumalikod at tumungo na sa daan papunta sa Loft. Nang masigurado ko na hindi na sila lilingon, ako'y napa buntong hininga at tinungo na ang daan para makapasok sa coffee shop. Agad akong nag hanap ng lugar at matamis akong napangiti nang makakita ng corner table para sa dalawang tao. Medyo may kataasan ang lamesa kung kaya't mataas din ang mga upuan.

Tinungo ko ang lugar na iyon at pinatong ang ID ko para ma-reserve ito. Alam ko masamang mag reserve pero... I want this seat. Sorry to those who want it too... if may uupo man habang wala ako, I'll give it without a fight.

I have acknowledged that in this world, giving will make me survive. If I give and not take something that is not mine, maybe... it could compensate for my sins... or my mom's... or my dad's.

Tinungo ko na ang counter at ngumiti sa babaeng kumukuha ng orders.

"What can I get you, mam?"

"One Dirty Horchata please" ngiti ko.

Nakita ko lamang ang drink na ito sa feed ko, I like anything with Cinnamon so I guess I will love this.

Tumango ito at mabilis na tinugunan ang order ko. Binigyan nya ako ng buzzer at sukli. Kinuha ko ito at tumalikod na para bumalik sa upuan na napili ko nang maka ilang hakbang ako.

Isang bulto ang namataan ko roon. The person was seated, nakaapak ang kanang paa sa sahig habang naka patong ang kaliwa sa apakan ng mataas na upuan.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkadismaya... dahil alam kong kailangan kong lumipat... may iba naman dyan, hindi lang ang napili ko pero mayroon iba dyan, mas payapa at mas hindi ako mahihirapan...

... ngunit... nang maaninag ko ng maayos kung sino iyon... sunod naman na kumalabog ang puso ko.

Napalunok ako at hindi mawari ang mararamdaman.

How?

Anong ginagawa niya rito?

Totoo ba 'to?

He's here?

But why?

Do I even want to see him?

Kahit na nahihiya at ayaw lumapit, naging traydor ang katawan ko at lumakad papunta sa kanya. He's wearing a black long sleeves, very opposite of mine—white, and denim jeans.

He looks very fresh... like someone who just got out from the shower.

Lagi naman.

Oh please Vic, get a hold of yourself.

"Hi..." napapaos kong bati nang makalapit.

A genuine smile crept on his lips and raised my ID.

"Your ID and me have a very peculiar connection, huh?" Pabiro niyang sabi.

Kay tagal ko ata hindi narinig ang boses niya kahit na kagabi lamang iyon. I felt that again... yung pakiramdam na ligtas ako. Wala naman banta sa buhay ko pero parang sinasagip ako nito. Saan? Ano ang panganib? Baka sarili ko?

Siya! Siya ang panganib!

Nalilinlang niya ako. He seems like someone who will bring me safe, pero... siya naman mismo ang panganib.

Bahagya akong natawa at nailing nalamang. "Nice game kanina, Dos."

He raised his eyebrows. "You noticed? Kala ko kasi hindi..."

Kumunot ang noo ko. "Oo naman, nanuod ako, medyo malayo lang ang upuan namin pero nakikita ko pa rin naman..." bumagal ang pag sagot ko nang hindi ko na rin maintindihan kung anong pinapaliwanag ko.

Mas lalo siyang napangiti. "I know, kaya lang hindi ka tumitingin sa akin kaya akala ko wala kang pakielam sa laro ko." Tumikhim siya. "Surprised that you even noticed it." May kung anong himig ang nag laro sa labi nya.

"No! Of course not, sadyang—"

Natigil ako sa sasabihin nang mapansin na mataman ang tingin nya. Like... he's waiting for what I will say.

"Hmm... basta, nanood ako." Pinal kong sabi.

Bahagya siyang napanguso sa sinabi ko. Parang nasuntok ang puso ko dahil doon. 

Mahihilo ata ako, kailangan ko ng hahawakan.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan." Bulong niya.

I raised my eyebrow and rolled my eyes. Bakit kaya ganito? Lumalakas ang loob ko sa harapan niya. Sandali ko pa lamang naman siya kilala pero parang naipakita ko na sa kanya ang iba't ibang emosyon ko. 

Not everything... pero most of my extremities, yes.

Lumapit ako sa kaharap na upuan niya at tinulungan ang sarili ko makaupo. Hindi tulad niya, inangat ko talaga ang sarili ko at umupo ng buo, naka-angat ang mga paa mula sa sahig.

I crossed my legs and tried to be comfortable.

Kita ko na muntik na siyang tumayo kaya binilisan ko ang kilos ko. Baka mahimatay ako pag nakalapit siya sa akin.

"To drink coffee?" Pag tatanong niya.

Pilosopo.

Bahagya ako ulit natawa na mas kina-ngiti niya.

"Ikaw ang tinatanong ko, bakit ka nag tatanong?"

"Ikaw anong ginagawa mo rito?" Balik niyang tanong.

This man... knows how to play. 

Pero wala akong oras para makipag laro, at isa pa... what is he doing here... really? Baka hinahanap na siya roon. Kailangan naroroon siya.

"Coffee." Tipid kong sagot.

Let's get this over with, Vic.

Tumango siya at naitikom ang bibig. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang ID ko at kita ang pag lalaro niya nito.

"Then I am here too, to drink coffee..." diretso niyang sabi.

"Oh... okay—"

"With you." Maagap niyang dugtong.

I almost lost my breath when I heard him. Marahas na napaangat ang tingin ko sa kanya habang parang mabibingi ako sa tibok na nanggagaling sa loob ng dibdib ko.

Wala pa naman akong nainom na kape...

Am I palpitating already?

"Can I stay with you? Here?" Puno ng sinseridad niyang tanong.

But...

Sina Arlie... hinahanap siya... 

"With me? Bakit naman?" Gulat kong tanong.

"Because I want to..." mahina niyang sabi. "I want to spend more time with you, to make sure you're okay... that you're safe..." putol-putol niyang sabi habang bumababa ang tingin sa leeg kong natatabunan ng turtle neck ko. 

Wala sa sariling napahawak ako roon. My hands grazed on it and his eyes followed it. Napalunok ako. 

Kaya naman pala... he's concerned. 

Something touched my hear after realizing that. 

Someone cares... someone knew...

"I'm okay..." halos bulong kong sabi.

"Did you have dinner already? Gusto mo bang kumain muna?" 

Umiling ako. "Hindi ako gutom."

Please go...

Hindi ko na alam itong nararamdaman ko, ayoko i-entertain ito, parang matutusok at sasaksakin ng punyal ang puso ko.

Nag hanap ako ng sasabihin habang pilit na binubuka ang labi ko para maitulak siya paalis.

"I want to it though..." bulong niya.

"Dirty Horchata for Ms. Victoria!"

Napatingin ako sa lalaking nag-tawag para sa order.

"Oh, I'll get it for you, ako rin mag o-order na."

"Dos!" Nabitin ang sasabihin ko nang kunin niya ang coaster mula sa akin. 

He rushed smoothly to the counter and proceeded with his liking. Napa buntong hininga ako at napailing. Hindi pwede ito, mas lalaki ang problema kung ganito. I can't keep someone close, it will hurt him... my family... and probably me...

Lalo na kung siya.

Hinayaan kong manatili ang mga mata ko sa likuran niya. I followed his every move. 

Ang mga mata niya ay hindi maabala tuwing may ginagawa siya o may tinitignan, ang tindig niya ay parang pinapakilala siya sa iba, ang bawat kibot ng labi niya ay makukuha ang atensyon ng kahit sino man at ang bawat hakbang niya ay parang marka na pagmamay-ari niya ang inaapakan.

"I ordered pesto for you," aniya nang ilapag ang orders niya.

Napanguso ako nang napatingin sa naka hain sa harapan ko.

Great...

Pumunta ako rito para uminom ng Dirty Horchata pero mukhang lalabas ako ng nakapag dinner na.

"Thank you, Dos pero... kahit hindi na sana."

"I'll pretend that I only heard your thank you and not what's after pero"

Inayos niya ang pagkain sa harapan ko. Pinipisil ang puso ko habang pinapanood siyang gawin iyon. Sinundan lamang siya ng mga mata ko habang ginagawa ang lahat ng 'yon, hanggang sa makuha niyang maibalik ang tray sa counter.

"Hindi ka ba hahanapin ng mga pinsan mo?"

Muli siyang umupo sa harapan ko at inabot sa akin ang kubyertos.

Ngumisi siya. "I brought my car today,"

"Hah?" lito kong tanong sa binanggit niya.

Anong koneksyon 'non sa mga pinsan niya.

"If you want to escape for a while, sabihin mo lang."

"Dos..."

"Ayoko ng makitang umiiyak ka ulit ng ga'non, Vic. You have no idea how hard it was to sleep after seeing you like that."

Napahawak ako sa puso ko. Bumaba ang tingin ko sa pagkain.

"Kaya wag mo muna ako pag sungitan," 

Napaawang ang labi ko at napaangat ulit ng tingin. "Hindi kita sinusungitan."

Ngumisi siya. "Then look at me."

His eyes pierced through me. "Wag yung parang hirap na hirap kang tignan ako."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top