Kabanata 5
Song: Ikaw lang by Nobita
Listen to this Inspirados, will surely take you to another place while reading this chapter! Enjoy!
Fireworks
"Nahimasmasan ka na ba?" Nakangisi kong tanong sa lalaking kaharap ko.
Napahawak siya sa kanyang sentido. "Fuck." Mahina niyang mura. "I am sorry."
Ang ngisi ko ay naging ngiti at napailing nalamang.
"'Wag mag lalasing kung hindi kaya."
"Hindi naman ako basta-basta na nalalasing. Someone distracted me that's why I lost control." Bulong niya.
"Hah?" Tanong ko nang hindi makuha ang sinabi.
Umiling siya at muling sumimsim sa kapeng iniinom niya.
Bahagya akong napatingin sa paligid pero mabilis din binalik ang tingin sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mailang dahil sa dami ng mga matang nag kukunwaring hindi nakatingin sa kanya pero ang totoo, they fail miserably, halatang hinuhubaran na nila siya sa pagkakatingin pa lang.
And this man... is not even aware of it.
"Kinain at ininom mo ba yung binigay ko kaninang umaga sayo?"
Mula sa pagkakatingin sa kanya ay napaiwas ako ng tingin.
A warm hand caressed my heart with his question.
Hindi talaga ako sanay na matanong ng ganito.
Tumango ako. "Hmm, oo. Salamat."
"Did you like it?"
Hindi ko alam pero parang kabado ang puso ko sa tuwing ganto ang tono niya sa akin. His tone can turn from sounding innocent to someone who's very demanding.
Tonong magpapa-alipin ang kahit sinong makakarinig.
Tumango ako muli. "Yup... actually paborito ko ang cinammon bun."
Napatingin siya sa kawalan at tumango-tango, parang may iniisip.
Gusto ko itanong pero medyo nahihiya ako.
"Yung drink? May ibang prefer ka ba?"
Hmm...
Napaisip ako sandali. "Nothing specific. Mas gusto ko lang ang ice blended kaysa sa iced. Anything will do as to flavor."
Muli siyang tumingin sa kawalan at tumango-tango muli. Hindi ko mapigilan ang matawa sa isipan ko. Masyado niya itong sineseryoso.
"Coffee based or nope?"
"Kahit ano, but I am careful with coffee kahit mahilig ako sa kape. For my own health too."
I watched him drift away to his thoughts while he's sipping his drink.
"Okay. Got it."
"Ikaw? You like coffee as well?" Balik kong tanong.
"I prefer home made ones. Hindi naman ako particular sa ganyan pero gusto ko yung ginagawa ni mommy every morning. Sinamahan ko lang ang mga pinsan ko at kapatid ko kaya nakabili ako kanina."
Oh... home made. Okay...
Hindi ako masyado nag titimpla ng kape sa bahay, hindi rin kasi ako madalas lumalabas ng kwarto ko. Maybe I should try?
"Mag di-dinner ka niyan?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Of course, Dos. Kakain ako. Tigilan mo na 'yan." Ito na naman siya.
"Just reminding you." Kibit-balikat niya.
"Baka ikaw niyan ang hindi? You look so wasted to even eat after. Panigurado matutulog ka na niyan." Komento ko.
He licked his lower lip and smirked. "Concern?"
Napabuga ako ng hangin at napailing nalamang. "Ewan ko sayo. Bahala ka."
He chuckled.
Here we go again...
Lumingon ako sa paligid at nakita ang simpleng pag baling ng tingin ng mga babae sa gawi namin. Pati ang mga barista ay hindi mapigilan tumingin sa kanya.
Oh Dos!
Pati ba naman tawa niya? Makakapag lingon ng mga tao rito? Gusto ko nalamang mag tago sa kanilang lahat. Baka isipin pa nila na may yaya siyang kasama.
"Just joking, Vic. Oo, kakain ako. Hindi rin kami papayagan ni mommy na hindi kumain kauwi. And besides, I am demanding you to eat properly, so... magiging role model ako para fair."
I scoffed for the nth time. This man!
"Fine. Whatever that will make you happy."
He smirked and shrugged again.
"So..." he trailed.
Pinanood ko siyang sumimsim muli sa kanyang kape. Nagkakabuhay na ang mga mata niya pero hindi makakailang kahit anong ayos niya, kahit mukhang antok na antok na siya, umaapaw pa rin ang kagwapuhan niya.
"... you're also a Business Administration student, kaklase mo si Clyde hindi ba?"
"Hmm... oo, kaklase ko siya."
"Did he talk to you?"
Hindi na kailangan mag-isip, umiling ako. "Wala rin naman tyansang makapag-usap dahil lumalabas ako agad pagkatapos ng klase."
"Yeah." Tumango-tango ito at masinsinan akong tinignan. "That's good."
Nanliit ako sa klase ng tingin niya sa akin. Nanunuri at malalim.
"'Wag mo siyang kakausapin. He's a playboy. He's good with girls. Mukha lang iyon matino pero hindi. Mambobola 'yon. Gagamitin niya pa ang talino niya para mukha siyang kapani-paniwala. Akala ng marami, he's looks and brains, pero ang hindi nila alam, babaero 'yun." Aniya.
Muntik ng mahulog ang panga ko sa lahat ng sinabi niya. Sinubukan kong alalahanin lahat ng nangyari kanina sa klase at parang mabait naman ang pinsan niya, parang genuine naman ito, panay ang ngiti at totoong matalino nga, halata sa mga tanong niya sa aming professors kahit na hindi pa naman nag sisimula ang klase.
Madali rin nitong nakasundo ang mga lalaki sa klase namin. Madali siyang makisama at marunong mag dala ng usapan. Hindi naman siya mukhang nag hahanap ng babae sa klase namin kanina, naka focus ito sa orientation at talagang nakikinig at nag tatanong.
His cousin seems very passionate with studying.
"Bakit ikaw, hindi?"
Mabilis siyang napahawak sa dibdib niya at umaktong para bang nasaktan sa sinabi ko.
"Damn. That hurts, Vic. I am not a playboy, I just have a reputation because my sister likes to prey on me." Paliwanag niya.
"If there's a smoke, there's a fire." Katwiran ko.
"Not really. Minsan may mga taong gumagawa lang talaga ng kwento." Depensa niya.
Hmm. Okay. Hindi ako kokontra roon. Honestly, I agree. Ayoko lang mag patalo dahil sa tingin ko talaga ay playboy siya. Pero totoong, hindi purkit may usok ay may apoy na. Minsan, man made ang usok. Mas mahirap itong puksain dahil mahirap makita sino ang may gawa.
"At isa pa, pinsan mo si Clyde hindi ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Yes, and we're close. Kaya nga alam ko kung paano siya. Concern lang ako sayo, you look... innocent for your own good."
"I am not naive!"
Hindi ko napigilan ang mapataas ng kaunti ang boses ko.
"I did not say you are!" Balik niya.
Kumunot ang noo ko. "Parang ga'non na rin 'yon! Parang sinabi mo na hindi ako marunong kumilatis ng tao." Pigil inis kong sabi.
Tumataas talaga ang init sa ulo ko.
I am usually calm, hindi ako kailanman madaling pumitik sa mga tao, but with Dos Montgomery, every emotion is on the brim, na parang sobra-sobra parati. Hihingalin ako sa bawat interaksyon namin.
He is like a flame, I am the moth...
"I just think you're too innocent! That's all." Pilit pa rin niya.
"Hindi nga sabi! Kung inosente ako, edi ano yung naramdaman kong tumatama sa gitna ng hita ko kanina? Alam ko kaya 'yon! Oh?"
Tuloy-tuloy ang bibig ko sa pag sasalita, I can't seem to stop, hinahabol ko na rin ang pag hinga ko dahil sa daming gustong ipaliwanag sa kanya.
But then I stopped.
I stopped when I saw him slowly leaning back on his chair while a smirk made its way on his lips.
Tumaas ang kanang kilay niya sa akin habang ako naman ay unti-unting nilulukob ng kahihiyan.
I wanted to be eaten alive by something, just so I could hide from him.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang ma-realize ang nasabi sa kanya.
I was proving a point!
"What is it you're talking about?" Mapanuya niyang tanong.
I pursed my lips as he licked his lower lip.
"Ah..." napalinga-linga ako sa paligid, sinisiguradong walang nakarinig ng sinabi ko.
"Wala 'yon... just... something..."
"Hmm... something?" Napahawak siya sa kanyang panga habang nakatingin sa akin.
He's enjoying this! Halatang halata sa itsura niya na nagugustuhan niya ang pagkapahiya ko!
"... continue, Vic. I would love to hear your detailed explanation." Tukso pa nito.
This man!
His eyes are sharp like blades but with soft interiors where you'll feel safe inside. Hindi matanggal ang ngisi sa kanyang labi at hindi maitago ang pagkamangha mula sa kanya.
This man is ethereal! He should be hidden, masyadong makasalanan ang itsura niya, presensya niya, salita at galaw niya. Dapat siyang ipagbawal.
"Whatever, Dos. Babalik na ako, baka hinahanap na rin ako ng mga kaibigan ko."
I started gathering my things and I saw him grabbed his car keys.
"You'll really leave me?" Ngising-asong tanong niya nang makatayo na sa gilid ko para sabay kami mag lakad palabas.
"I won't let you." Aniya bago nauna mag lakad para buksan ang pintuan para sa akin.
I raised an eyebrow and shook my head. Gusto ko talagang matawa dahil sa mga nakakagulat niyang aksyon at sa mga salitang lumalabas sa kanya.
"Thank you." Nauna akong lumabas at sumunod siya sa aking likuran.
"Wait!" Maagap niyang sabi.
Natigilan ako at nang nilingon siya ay halos hindi ako huminga ng ilang segundo.
Bumaba siya at lumuhod sa harapan ko. Tinukod niya ang kanyang kaliwang tuhod habang ang isa ay nag silbing suporta sa kanyang katawan.
Kinuha niya ang puting sintas na nawala sa pagkakatali.
"Baka madapa ka," aniya habang inaayos ang sintas non.
Bahagyang hinipan ng hangin ang mahaba kong buhok at parang doon pa lang ako nakahinga ulit.
Pinanood ko siyang tapusin iyon at hinintay siyang makatayo.
Walang humpay ang pagpaparamdam ng nagwawala kong puso.
I understand...
Hindi lang talaga ako sanay, hindi ako sanay na may nag bibigay atensyon sa akin. Kahit sa mga manliligaw ko, they will shower me with gifts but not like this, sa pamilya naman... my mom and brother are very busy with balancing the atmosphere at home, na ang maliliit na bagay tulad ng pagbibigay pansin o pag aalala ay nakakaligtaan na.
Basta alam ko lang na mahal nila ako.
Pero iba pala kapag may totoong nag bigay ng gantong atensyon sayo.
Kahit na alam kong, he's just naturally a gentleman, base sa aking mga napansin ay natural ito sa kanya, hindi ko mapigilan na matuwa.
I am grateful.
Bahagya niyang tinapik ang paa ko, hudyat na tapos na siya.
"Uhm... thank you." Mabilis kong sabi at tumalikod na ulit. "Tara na..." aya ko sa kanya nang hindi siya nililingon.
Natigilan ako sa pag lalakad nang narinig ko ang pag putok ng fireworks. Nag-angat ako ng tingin at napaawang ang aking labi nang makita ang malalaki at magagandang iba't ibang ilaw dahil sa fireworks.
So beautiful.
Kumalma ang puso ko sa nakikita. It felt like I was lucky to be here, to actually see this. Madilim ang gabi, tinutulungan ng mga iba't ibang ilaw mula sa fireworks ang buwan para mag bigay liwanag. Dinagdagan pa ng lamig ng simoy ng hangin, nakakakalma.
"Beautiful, isn't it?"
Bahagya akong napalingon kay Dos. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. Wala sa sariling napangiti rin ako at tumango. Nagpamulsa siya at binaling ang tingin sa harapan.
I watched him while he's looking at the fireworks.
He looks like a painting with his background.
Kung titignan siya, para siyang fireworks. His aura is unexplainably dark, maybe because of his mysteriousness, but that's his charm.
He illuminates the darkness.
You wouldn't know till you have a glimpse of him...
Napawi ang ngiti sa aking labi.
Natigilan sa sariling iniisip. Parang mabibingi sa naririnig na mga paputok. Napahawak ako sa aking dibdib. Natutop ko ang aking labi.
What?
What was I thinking?
Napaiwas ako ng tingin at sinabayan siya panuorin ang fireworks.
Maybe I adore him?
Maybe just that.
Of course. 'Yon lang naman talaga.
"Vic,"
"Hmm?" Hindi pa rin lumilingon sa kanya.
"Mag simula ulit tayo."
Doon, nakuha niya ang atensyon ko. "Anong ibig mo sabihin?"
Hinarap niya ako ng maayos. Bahagya akong tumingala para ibigay sa kanya ang buong atensyon ko. His eyes shows different emotions I can't name. Hindi ko sila mapangalanan sa bilis dumaan at pag laho ng mga ito.
Parang hihigupin ako ng tingin niya.
Bahagya siyang nag punas ng pawis.
Ang lamig, pinapawisan? What is he thinking about?
"Hi. I am Dos Montgomery." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.
Kaunting napaawang ang labi ko.
"Hah? Para saan to?"
"Well, parang hindi tayo pormal na nagkakilala. I even had to bribe Simon for him to give your name. Hindi ko kasi nakita noong inabot ko ang ID mo."
I pursed my lips to hide a smile. "Oh... hmm..." tinanggap ko ang kamay niya. "Victoria." Mainit ang kamay niya, it felt hard but comfortable at the same time. "Victoria Cassandra Gallego."
May naiisip ang aking isip sa pag lapat ng kamay ko sa kanya pero pilit ko 'yon ikukubli, walang planong sabihin, kahit kanino, kahit sa sarili ko.
Kita ko ang pag lunok niya habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.
"Uhm... yung kamay ko." Pag bawi ko.
His smile turned into a smirk. "Akala ko hindi mo na babawiin."
I scoffed and rolled my eyes at him. "Ikaw nga diyan ang ayaw mag balik!"
"Oo, hindi ko naman talaga ibabalik."
So smooth.
Masyado siyang magaling sa mga binibitawan na mga salita. Halatang sanay na sanay na mag sabi ng mabubulaklak na salita. His type are dangerous. It could hurt and definitely someone I should place a distance from.
Napahawak ako sa kamay ko at pinakiramdaman ang bakas ng kamay niya roon.
"Tell me about the bribe..." panimula ko bago nag lakad muli.
Sumunod naman siya at sabay kaming nag lakad, side by side we went back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top