Kabanata 49

Umuwi

"Dos, please eat..."

My senses opened and I felt pain all over my body. My head was throbbing, my legs hurt, my hands... feel so heavy. Gusto kong gumalaw pero parang bugbog na bugbog ang buong katawan ko.

Hindi ko pa man binubuksan ang mga mata pero nahihilo na ako sa sakit at amoy ng paligid. I feel dizzy, nauseous... in pain but numb at the same time, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

"It's okay, Al. I'll eat later. Hihintayin ko nalang na makabalik ang parents niya..." I heard a voice, tired... deep... and lifeless.

"You said that too. Kaninang umaga. At kahapon. At kahapon na kahapon. No... wait... you've been like this for a week now! And now, It's seven o'clock pm na 'oh? So ano? You won't eat na rin ga'non? You eat once a day na nga lang! You think she'll be happy pag nagising siya and she'll see you like this, huh? You know her, Dos. She won't be a bit happy about this. Eh sa ginagawa mo, you'll end up on the hospital bed too."

My brows furrowed.

Dos?

My heart throbbed painfully.

"Then that's good right? Baka kapag ako naman ang nagkasakit o nahospital, baka magising na siya kasi mag-aalala siya sa akin?" Sarcasm could be heard dripping from the tone used.

"What? Nababaliw ka na ba?! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo, Dos! Isusumbong kita kay mommy!" Pigil na pigil ang pag sigaw ng boses na 'yon pero dinig ko ang iritasyon doon.

"Be my guest, Al. I won't move an inch till she wakes up, sabihan mo na rin ang iba para hindi na sila mag aksaya ng panahon na dalawin ako araw-araw para lang kumbinsehin umuwi. I won't go home. I won't leave her. I won't let her out of my sight. You know me, nothing can persuade me."

My senses shut down again...

I felt like I was entering a dream. It was cold. Foggy. I smell smoke. My eyes keep on closing. Humina ang boses ng nag sasalita. It was muffled but... seconds after, muli iyon lumakas. It was the same voice!

"Victoria!" I heard him shout.

I pushed my door to open.

I coughed all the smoke away. Nahihilo ako mula sa pagkakabangga ng sasakyan sa isang malaking puno. Pumipintig ang ulo ko at dama ko ang pananakit ng mga tuhod ko. I was used to its pain but it was more painful now.

"Dos! Wait!" Dinig kong isang boses ng babae.

Nararamdaman ko ang sakit na nanggagaling sa takot at trauma ko pero dama ko rin ang sakit na dulot ng pagkakabangga ng kotse.

I feel so tired, gusto kong matulog... mag pahinga...

I pushed myself to crawl outside.

"No! Umalis kayo sa harapan ko!" I heard him shout, angrier...

Dos!

I could imagine his face. His brows furrowed. His jaw clenched. His eyes... dimmed with darkness. Sa boses niyang iyon ay alam kong galit na galit siya sa kung anong pumipigil sa kanya.

Nanikip ang puso ko at muli akong napaubo sa nalalanghap ko.

Ang dami kong gustong isipin. Gusto kong tignan si Mr. Gallego, gusto ko rin tignan si mommy, pero nang marinig ko ang boses ni Dos, gusto ko muna makalabas, I want to assure him I am okay, that I did it... I don't want him to worry.

I pushed myself more. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko kaya hinayaan ko ang mga kamay ko na hilahin ako mula sa loob. I held the door and pulled myself to fall on the floor. Bumilis ang pag hinga ko dahil sa pagod at pagkahilo pero hindi ako nakuntento hanggang sa lumagapak ako palabas.

"Victoria! Oh... God... no... no..."

Narinig ko ang mabibilis na yapak palapit sa akin.

"Dos! Don't touch her! She might have dislocated a bone or something! Ano ba?!"

Pinilit kong buksan ang mga mata ko nang tuluyan na akong mahiga sa semento. Mula sa aking pwesto ay natatanaw ko si Dos na pinipigilan ni Kuya Vernon makalapit sa akin. Naroroon din si Ate Vida, si Alice at Sky, Simon at Tulip, at... Clyde at Lia.

My heart hurt from seeing all the them.

"No! Please! Fuck!"

Tinulak niya ng malakas ang kapatid ko at marahas na umambang tatakbo palapit sa akin pero agad siyang hinarangan ni Simon. Humarap ito sa kanya at halos yakapin na nito ang katawan ni Dos para lang hindi makawala dahil agad itong nag pumigilas.

His movements were harsh, paniguradong nasasaktan niya si Simon at ang... sarili niya. He kept on pushing Simon away, pero buong katawan ni Simon ang nag bibigay ng pwersa para lang hindi siya makalagpas sa hawak niya.

"Sabing bitawan mo ako!" His voice thundered, making me flinched a little.

Marahas niyang natulak si Simon dahilan ng pagkatumba ng huli pero mabilis itong tumayo ulit at muling hinarang ang buong katawan niya para wag makalapit sa akin.

"You won't go near her till the ambulance arrive, Dos. Please!" Sigaw din ni Simon pero parang walang naririnig si Dos.

Pulang pula ang mukha niya. Nag aasik ang galit sa mga mata niya, tila nangungusap ng puno ng galit... lungkot at pagkamuhi. Hindi ko maaninag ang mga mata niya, madilim ang mga ito at nag tatagis ang kanyang bagang at alam kong kaunti nalang ay masasaktan na niya ng tuluyan si Simon.

"No! Fuck! Damn! A-ano ba?!" Nabasag ang kanyang boses sa dulo.

Napaawang ang labi ko nang marinig iyon.

Gusto ko siyang tawagin pero ni walang lakas ang bibig ko para matawag man lang siya.

Muli niyang tinulak si Simon at dahil mas malaki ang katawan niya ay muli itong natumba. Mabilis na dinaluhan ni Tulip si Simon. Umamba ulit si Dos pero dumalo na si Kuya Vernon at Sky para harangan siya.

"I called the ambulance already, Dos! Makisama ka naman!" Marahas na pag pipigil ni Clyde sa kanya.

Lumapit ito at tumayo sa gilid ni Dos para kausapin siya.

Si Sky na ngayon ang nakayakap sa katawan ni Dos mula sa harapan nito habang si Kuya Vernon ay naka hawak sa balikat niya mula sa likuran.

"Parating na rin ang mga pulis." Ani Lia.

"Please..." Dos' voice broke again.

Natahimik silang lahat.

Napasinghap si Alice.

My eyes blurred from my tears. Tila ngayon ko lang nararamdaman ang lahat kung kaya't lumabas ito sa mga mata ko. Ni hindi ko man naramdaman ang pag-init nito... basta nalang nanlabo sa pamamasa.

My body ached and my heart ached with it...

"Gusto ko lang siya lapitan... I-I won't cause her harm. I could n-never..." his voice was hoarse and painful.

Ang marinig na ganito siya sa harapan ng iba ay tila punyal na tumuturok sa puso ko. He was always proud, he was... always confident and... he has this strong facade that no one could ever break. Kaya ang makita siyang ganito, nanghihina, tila nagmamakaawa para mapag-bigyan ay... masakit.

"Hindi ko siya hahawakan..." his breathing was still heavy.

"Pangako..." puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

Napabuga siya ng hangin at napatingala. "Gusto ko lang siya t-tabihan... sige na..."

My tears fell...

Paulit-ulit sa utak ko ang ala-ala kong tumatakbo para mahabol ang sasakyan niya. I have always wondered the truth behind it, na kahit na sinabi na niya sa akin ang totoo... na pinaniniwalaan ko naman, masakit pa rin iyon tuwing naaalala ko.

Kung kaya... ang makita siyang nagkakaganito sa pag-aalala sa akin, ay parehong masakit... at matamis.

"Dos... pasensya ka na," ani Sky.

Mariing pumikit si Dos at nag-iwas ng tingin.

"Let him go... I think it's okay." Ani Alice mula sa likuran nilang lahat, halos hindi ko na siya makita mula sa pwesto ko.

Mabilis na tumalima si Sky. Bumitaw ito at ga'non din si Kuya Vernon. Hindi nag aksaya ng panahon si Dos, kumaripas siya ng takbo.

He let himself go... he let himself show everyone how worried he was. Damang-dama, at kitang-kita ang pag-aalala sa bawat pag-takbo niya para lang mapaliit ang distansya naming dalawa.

He immediately kneeled beside me. Sinundan siya ng mga mata ko. Mula sa kanyang mga kamay na nakayukom... papunta sa kanyang dibdib na marahas ang pag taas-baba dulot ng kanyang pag-hinga... paakyat sa mga mata niyang madilim.

"I-I am okay..." agap kong sinabi, pinilit ang natitirang lakas ko para lang masigurado na alam niya 'yon.

I saw his eyes widened a bit, pero mabilis din napalitan ng ibang emosyon ang gulat doon.

"H-hey... baby..." wala ng bakas ng galit ang boses niya ngayon, tanging takot at pag-aalala nalamang ang naroroon.

Nanlambot ang tingin niya. Pinasadahan niya ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong itsura ko o anong lagay ko pero base sa rumehistrong gulat sa mga mata niya ay... mukhang hindi maganda.

Mas lalong nag-kunot ang kanyang noo. Marahas siyang pumikit at yumuko. Bumagsak ang balikat niya at nakita ko ang pag yugyog 'non. He looked begging in front of me, walang sinasabi pero nagmamakaawa para sa kung ano.

"Y-you got me real scared..." basag na basag ang kanyang boses.

Hindi ko na makilala ang tono niya. I have never seen him this broken. Napunit ang puso ko sa nakalahad na Dos sa harapan ko.

"D-Dos..." I pushed myself harder.

"Nahuli na naman ako... tulad ng dati, nahuli pa rin ako."

I couldn't take his voice. Mas masakit pa iyon marinig para sa akin kaysa sa lahat ng nararamdaman kong pisikal na sakit ngayon.

Gusto kong umiling pero hindi ko magalaw ang leeg ko.

"I a-am sorry... again..." I heard his cry slipped from his lips.

To see him crying like this made me want to hold him.

"I-I'm... o...kay..." I said almost a whisper.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Lahat ng tumatakbo sa isip ko mula kanina ay gusto kong ikwento at ibahagi sa kanya. That's what he is for me, that's... how I value and see him. Na sa kahit sa anong parte ng buhay ko, masaya man o malungkot, siya ang unang taong gusto kong pag sabihan.

I was given a second chance in this life and I valued it because of my family, but when he came... he made me love it. He made me want to live it. He... made me look forward for many tomorrows, basta kasama siya.

Gusto ko ito sabihin sa kanya. Nasabi ko na noon pero gusto kong ulit-ulitin. Gusto ko malaman niya 'yon. I want it etched on our bodies, I want it always known and I want our love heard by each other. At sisiguraduhin kong masasabi ko ang lahat ng ito sa kanya.

I promise that I will tell him everything, I will pour to him the love I have found in this life. Again and again. While I am breathing. Everyday of my life. I want to lay it to him... that I have found my desire to live this life because I found him too.

Alam kong maraming rason para mabuhay, ang pangalawang pagkakataon kong ito... ay hindi nabigo na ipakita sa akin iyon. At gusto kong malaman niya na isa siya sa mga pinakamatibay at malaking rason kung bakit ko pinipiling magpatuloy... kung bakit mas masaya akong mabuhay ngayon.

Kung tignan niya ang sarili niya ay parang napakadilim niya. Pero hindi niya alam, siya ang nag sisilbing liwanag ko.

I am blinded by his light, I am lost in his love.

But then... I am seen by him. He found me.

Sasabihin ko sa kanya ang lahat ng 'to pag maayos na ako at kaya ko na. Ito ang unang una kong gagawin. At sigurado akong magagawa ko ito dahil alam kong malalagpasan ko 'to.

I have escaped death before, I know I'll be okay.

Because love saved me. I have my miracle right in front of me.

"P-please... don't leave me. I need you right here with me. I... I couldn't live... if..." he gasped for air as he continuously cried beside me.

"I love you..." his breathing got even heavier.

"Mahal na mahal kita..." aniya.

Pinilit niya ang sarili niyang mag-angat ng tingin sa akin. Kahit napipikit, pinilit kong manatiling nakatingin sa kanya para salubungin siya.

"Mahal... ng sobra." Pag-uulit niya.

My tears fell and a small smile crept on my lips.

I heard the sound coming from the ambulance and I blacked out.

"Oh? Don't tell me? Hindi ka pa rin kakain? Aba, it's morning na, Dos!" I heard...

Alice?

"Thank you sa mga dinala mong damit."

Dos?

"Don't change the subject! Ito na nga oh, Agatha came with me, siya muna mag babantay here. Plus Vic's mom is just outside, kausap lang ang mga nurses, pwede tayong kumain, sasabayan kita!" Daing ni Alice sa pag kumumbinse kay Dos.

"I'll eat later." Pagod nitong sabi.

"Tanga ka ba? Tingin mo makakapag bantay ka sa lagay mong 'yan? Eh baka isang tulak ko lang sa'yo, tumba ka riyan 'eh! Ako na nga rito! Kumain ka na roon!" Singhal ni Agatha.

"Gath. Mamaya na." Tipid niyang sabi.

"Naku po! Wala talagang pumapasok sa utak niya! Alice wala na, nabaliw na 'yang kapatid mo! Hayaan mo na nga siya! Pader na ata kinakausap natin." Inis nitong sabi.

My eyes fluttered open and I almost gasped for air when my eyes saw a familiar ceiling. Alam na alam ko ito, matagal akong nanatili noon sa hospital para makalimutan ko ang puting kisame na ito.

"Call the doctor, Gath!" Dinig kong natatarantang sigaw ni Dos.

Naramdaman ko ang pag balot ng mainit na balat sa aking kamay. Gumalaw ang mga mata ko para hanapin iyon at nakita ang isang pamilyar na kamay— mahigpit pero maingat na nakahawak sa akin doon.

His large strong hand held my frail hand.

"Baby? H-hey..." he called out.

"Can you please look at me? Can you see me?" Garalgal ang kanyang boses.

Gumalaw ulit ang tingin ko paakyat sa mukha niya. Hinanap nito ang mga mata niya at agad rumehistro ang ginhawa sa kanya nang mag tama ang mga paningin namin.

My eyes studied him. He looked... different. Wala sa ayos ang kanyang buhok. He grew stubbles. Pagod ang mga mata niya. Namumutla ang labi. Mukhang bagsak na bagsak siya.

My heart hurt as I digest his presence in front of me.

"K-kilala mo ba a-ako?"

Huh?

Nag salubong ang kilay ko. Bakit naman niya iyon natanong?

"I-I love you..." nagawa kong sabihin sa maliit at mahinang boses.

Wala akong masabi sa kawalan ko ng lakas, pero gusto ko ipayapa ang mga pangamba niya. The only thing I can think of is... that three letter word. I hope it will be enough for now.

Shock registered on his face. Pero bago pa siya makapag salita ulit ay bumukas na ulit ang pintuan.

Wala siyang nagawa kung hindi ang bitawan ako dahil pumalibot sa akin ang dalawang doktor at tatlong nurse. Naging abala ako sa mga katanungan na sinasagot ko sa pamamagitan ng pag tango at pag-iling. Tinignan din ang sensory ko, kung nakakaramdam ba ako at laking pasasalamat ko na oo.

I got worried thinking how I pushed myself to move just to get out from the car. Naisip ko baka pinahamak ko pa ang sarili ko, baka may mali akong ginawa o ano... pero mukhang ayos naman.

Mabigat lang ang katawan ko dahil daw in-shock pa ako at malakas ang impact ng pagka-bangga. Isang linggo rin daw akong hindi magising, my body knew how to cope up from the stress that took a toll on me... it really took its time to rest.

Panay ang silip ko kay Dos na nakaupo lang sa gilid, nag mamasid, nakikinig at maya't maya matutulala— tila malalim ang iniisip.

Dumating din si mama at daddy agad. Nasa private room katabi ng akin pa rin ang kapatid kong si Vera, hindi pa raw nagigising. Iyak ng iyak si mama habang si daddy naman ay nakahawak lang sa kamay ko. Nakatungo at tila ngayon lang naginhawaan.

Nag tanong ako tungkol kay Mr. Gallego at kay mommy pero bukas na raw namin iyon pag-uusapan. Ang mga Montgomery daw ang nag asikaso ng lahat patungkol doon. Dad insisted dahil kaya naman daw niya ang pamilya namin pero Dos insisted more, hindi raw mabali, he wouldn't budge. Mabilis daw ang mga aksyon niya kaya ang alam ko... kahapon lang ay nakulong na si Mr. Gallego.

Iyon lang ang alam ko. Nakulong na si Mr. Gallego at... wala na talaga ang mommy ko. I cried again, but this time... sa bisig ni mama at ni daddy. Hindi nila ako iniwan. I mourned for my mother, hindi ko pinigilan ang sarili ko. Umiyak ako ng walang kapaguran hanggang sa makatulog ako.

Naka-ilang gising ako noong umaga. I would break down just by remembering my mother's death. Hindi pa nag si-sink in sa aking ang lahat pero ang alam ko lang ay masakit na masakit ang puso ko sa katotohanang 'yon. Agad akong dadaluhan ni mama o kaya ni daddy pagka naiiyak na ako.

Their embrace didn't take the pain away, masyadong masakit. Pero... pinaramdam 'non sa akin na ayos lang na masaktan.

They have always been like that. They never forced me to move on or to be okay. They helped me gradually. Making sure that I will feel safe while in the process of healing.

At alam kong ga'non din ngayon. Somehow, that feeling feels more necessary than the end process. Yes, I want to be okay now, kung pwede lang may switch on ang pagiging okay ay ginawa ko na pero mas panatag ako sa proseso ko.

It will eventually take time, I know. And I want to give it to my mother. She deserves to be mourned properly. I want to give my time to her. I will eventually do that. I will accept but for now... I will hurt, and... it's okay.

Mga bandang hapon ay kinuhanan ako ng maraming tests para ma-check ang vitals ko. Pagkatapos 'non ay nakatulog ako agad dahil sa pagod. Alam ko agad na matagal akong tulog dahil pag gising ko ay madilim na ang kwarto.

Napatingin ako sa digital clock sa may ibabaw ng mini refrigerator sa dulong gilid ng kwarto at nakitang ten o'clock pm na.

Napalinga ako sa paligid at nakitang nakaupo si Dos sa may sofa, gising siya... at malalim ulit ang iniisip. Nakaligo na siya. Nakapag palit. Medyo maayos na ang buhok niya ng kaunti pero hindi pa siya nag she-shave ng balbas niya.

Napilit na rin siyang kumain kanina habang gising ako at kinukuhanan ako ng tests. Dahil doon, may kaunting kulay na ang mukha niya. Pero maliban doon, tahimik pa rin siya. He didn't get near me nor never did he try to talk to me habang gising ako kanina.

I wonder... anong iniisip niya kaya?

I smiled a little.

"Dos..." mas klaro na ang boses ko ngayon.

Agad siyang napaahon nang marinig ang boses ko. Gusto kong matawa pero... napaka seryoso niya para magawa ko iyon. Nanatili nalang ang tipid kong ngiti habang pinapanood siyang mag lakad palapit sa akin.

Tumayo siya sa gilid ko at mabibigat ang tingin na pinagmasdan ako.

He crouched and placed his right knuckles on the side of the bed so that he could support his weight while he takes a good look of me.

Ngayon lang ako naging maayos, ngayon... lang ako ulit nakaramdam ng sobra maliban sa pananakit ng katawan ko at ang paulit-ulit kong pagkahilo mula kaninang umaga.

Kaya ngayon... mas nararamdaman ko siya. And his presence fluttered my heart. Nakatapat ang mukha niya sa akin at ngayon ko lang naluguran ang paghuhurumentado ng puso ko. Parang sa dami ng nangyayari ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na damhin siya.

"May masakit ba sa'yo? Are you okay? Should I call the doctors?" Kalmado na siya ngayon pero nakatas pa rin ang pag-aalala sa boses niya.

Umiling ako at tinapik ang tabi ko.

"Please push me a little, tabihan mo ako..."

Muli na naman rumehistro ang gulat sa kanya.

Hindi mo tuloy mapigilan mag taka. Panay ang gulat niya ngayon, hah?

"Baka masaktan ka, tatayo nalang ako rito—"

I frowned.

"Please... namiss kita, gusto kita makatabi, gusto ko magkalapit tayo... gusto ko magkadikit..." malungkot kong sabi.

Para siyang alipin sa mga salita ko dahil mabilis siyang tumalima sa mga sinabi ko. Very careful, like I am a fragile glass, he picked me up a little to move me just enough for him to have space. Sapat lang na espasyo ang binigay niya sa sarili niya, kahit na natabi niya ako ay mas malaki pa rin ang akin.

Para akong batang excited dahil pinagbigyan ako. I looked at him expectantly, watching him as he sat beside me. He looked very serious, halatang pinipilit magpaka-normal pero bakas ang lalim ng iniisip.

He settled beside me. Carefully. Inangat niya ang braso niya at nilagay iyon sa likuran ng aking ulo para mahiga ako sa balikat niya.

Guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig ang pintig ng puso niya. Namayani ang katahimikan sa paligid. Tanging ang tunog lang mula sa monitor sa aking gilid ang naririnig at ang lamig ng kwarto ang bumalot sa amin.

"I probably smell bad, kaya siguro ayaw mo ako tabihan?" Sinubukan ko mag biro dahil napaka seryoso niya.

Inangat ko ng kaunti ang mukha ko para matignan siya. I saw him looking elsewhere, malalim pa rin ang iniisip.

"You never smelled bad," nagawa niya pa rin sumagot gamit ang malalim niyang boses.

Napanguso ako dahil hindi man lang niya ako tinignan.

Napaiwas ako ng tingin at napabuntonghininga.

"Dos? May problema ba? Hindi mo ako binigyan ng tingin simula kanina pa." I want to push my worries away, pero nakatakas pa rin iyon sa tono ko.

I felt him shifted a bit.

Now, I got his attention? Dapat ba mag sungit muna ako bago niya ibigay iyon? Hindi iyon normal. Kaya may problema nga?

Lumubog ang puso ko, hindi ko maabot.

I escaped death twice already, ayoko ng mag aksaya ng panahon sa paligoy-ligoy na mga bagay.

"Baby..." halos hangin nalamang niyang tawag sa akin.

Hindi ko siya binalingan ng tingin at nanatili akong nakasimangot. Pinatigas ko ang puso ko. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari kapag maayos na ako. I was dreaming for us being together, inseparable, lalo na pagkatapos ng mga nangyari. Pero ngayon ano? Umiiwas siya.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?" Dismayado kong tanong.

I heard him sigh.

He pulled me closer. Mas lumubog ang unan sa may ulo namin dahil sa pagkakadiin ko sa kanya. Maingat pa rin siya pero mas nilapit na niya ako ngayon sa katawan niya.

I felt cold from my hospital gown but with his embrace, nag-init ang buong katawan ko. Sa wakas, naramdaman ko rin ang inaasam kong init sa puso ko. Hindi ko matukoy kanina kung ano iyong hinahanap-hanap ko pero ngayon ay nasagot na iyon.

I miss the warmth I always feel whenever he's around.

"I am sorry..." he hoarsely said.

Ang init ng kanyang pag-hinga ay dumaloy mula sa aking tainga hanggang marating ang likuran ng aking leeg.

Mapait akong napangiti. Hinayaan kong malusaw ako sa bisig niya.

Naramdaman ko ang sunod na pag lapat ng kanyang labi sa gilid ng aking noo.

Nahigit ko ang aking hininga at sinundan iyon ng pag pikit ko.

He pulled me closer then... if closer is even possible with our non existing distance.

Bumaba ang mukha niya hanggang tumapat ang ilong niya sa aking pisngi. Pinalandas niya iyon doon, damang-dama ko ang init ng kanyang hininga sa bawat hagod ng ilong niya sa aking pisngi.

Lumalim ang pag-hinga ko sa kiliti na nararamdaman ko.

"Ano ba kasi yung iniisip mo? You can't tell me?" Nanghihina ko ng tanong.

I wanted to sound firm and remain stoic but... I have beyond melted on his embrace.

Dinantay ko na ang kamay ko sa kanyang katawan, mas kumakapit sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nasa bisig na niya ako ulit. Parang panaginip na magkasama kami ngayon sa ilalim ng gabi, magkatabi... at pwedeng mapag-isa, parang walang nangyaring problema, at ayos lang ang lahat.

But I guess... being with him equates to that.

Dahil ang makasama siya, may problema man o wala, alam kong magiging maayos lang ang lahat.

Inabot ng kaliwang kamay niya ang kaliwang kamay ko. He played with my fingers, one by one... spending almost a minute per finger...

I watched him do that, resting my mind and heart while he took his time touching me there. Mag sisimula siya sa tuktok ng daliri ko at papasadahan ito ng haplos pababa. Paulit-ulit iyon, tila hele sa gaan.

Hindi ko akalain na makakahanap ako ng kapayapaan kahit sa ganitong kasimpleng bagay.

Nakikiliti ang puso ko sa panonood sa malaki niyang kamay na hawak-hawak ako. There's something about it that makes my heart feel so high.

But then he stopped on my ring finger. Tulad ng sa mga nauna, nag simula muna siya sa tuktok 'non... pababa, pero ngayon mas mabagal, mas maingat at... mas dama.

Parang puso niya na ang humahaplos doon, hindi lang ang kamay niya.

Nang marating niya ang pinaka dulo 'non ay tumigil siya sa pag-haplos.

"Iniisip ko kung paano kita aayain magpakasal. Iniisip ko kung paano kita mapapapayag kahit na ganito pa ang sitwasyon..." anito, naiwan ang lakas ng loob sa kung saan.

My breathing almost stopped.

"I want to marry you now... I want you to be my wife... I want... you to go home to me after here. Hindi ko ata kaya na magkahiwalay pa tayo... gusto kong sa akin ka na umuwi..." garalgal ang boses at hinang-hina niyang pag-amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top