Kabanata 48
Decision
"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa hospital!" Marahas na sigaw ng asawa ni mommy.
Nanatili akong nakatingin sa harapan, pilit na tinutuon ang atensyon ko sa tamang pag mamaneho para makarating sa gusto kong puntahan dahil hindi madali...
My hands were starting to tremble, tila naaalala nito ang takot ko para sa taong 'to. Pilit kong nilalabanan iyon, ayaw kong mag patalo! Hindi dapat! Pero... hindi ko makakaila na naririto pa rin ang takot ko sa kanya, it was embedded inside me, ang tagal-tagal nitong nakatira sa loob ko at hindi pa iyon tuluyan nawawala.
From all my forgotten memories, my fear of him is one thing that haunted me... continuously... everyday. No amount of my forgotten memories erased that.
And I hate it!
"Anong plano ko 'hah?!"
He tried getting hold of the steering wheel which made me gasp!
Tinulak ko siya dahil gumewang kami pagilid! Ibinalik ko sa daan ang sasakyan nang magulat siya sa pagkakatulak ko sa kanya. Mas humigpit ang hawak ko sa manibela.
"You!" Dinig na dinig ko ang galit sa boses niya.
Muli niyang sinubukan kunin sa akin ang manibela pero muli ko lamang siyang tinulak.
Umiling-iling ako.
I won't give in...
Kahit natatakot ako, hindi ako dapat magpatalo! Kailangan ko magawa ang plano ko. Kailangan ko tong tapusin! Kapag hindi ko 'to nagawa, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!
I owe this to all the people who gave me a second chance in this life. I can't disappoint them. I can't... disappoint myself.
Nakakunot ang noo ko habang inaapakan ang gas para mas bumilis ang takbo ng sasakyan.
"Gusto mo bang mamatay ang mommy mo hah?!"
"Patay na siya!" I screamed at the top of my lungs!
Naputol ang kanyang sasabihin sa marahas kong pag sigaw. Mas nanginig ang kamay ko. Bumigat lalo ang pag hinga ko at muling bumagsak ang bagong batalyon ng luha mula sa aking mga mata.
Basag na basag ang puso ko.
My heart hurt so much! All I wanted was to take my mother away from here... pero ito ako at nandito! Kailangan gawin ang mga ito! All because this man will not stop if I won't stop him!
"S-sinungaling! Dadalhin ko siya sa hospital! Iikot mo ang sasakyan! Walanghiya ka! Papatayin mo ang mommy mo!"
Nanlalabo ang mga mata ko, halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sakit ng aking hikbi. Umabot ang mga luha ko sa aking labi, I tasted my tears and my lips trembled with so much anger.
My face crumbled with disgust! I was beyond furious!
Hindi ako makapaniwala! That someone could be this...
Para siyang isang demonyo!
"Tignan mo siya! Bakit hindi mo siya tignan! Bakit hindi mo nakikita ang ginawa mo?! Tapos na! You killed her! And she chose to die! In that hell hole! With you! Hanggang sa huli! Ikaw ang pinili niya! You killed her! You killed my mother!"
My voice broke with every sentence I said. Hindi ko mahanap ang kapayapaan sa puso ko kahit na ibinubuhos ko ang galit ko sa taong ito. Kahit ano walang sasapat. Galit na galit ako. He could die in front of me and it will still not be enough!
Hindi ko makita ang sarili ko na nagpapatawad! Gusto ko siyang patayin! Pagkatapos ng lahat! Gustong gusto ko! Pero ang kamatayan ay masyadong mabilis na pag hatol sa kanya! He doesn't deserve to die! He deserves to suffer after all he has done to my mother!
"Hindi ko siya pinatay! Sinungaling ka! All that I did was to keep her with me! Dahil akin siya! Akin! Sa akin lang siya! She chose this path! Siya ang nanloko sa akin! Sinira niya at ng ama mo ang buhay at pamilya ko! Kayo ang gumawa nito! Kayo ang may kasalanan! Hindi ako!"
Napasapo siya sa kanyang ulo at dumaing. Paulit-ulit siyang umiiling. Galit na galit!
"Akin lang siya! Hindi ako makakapayag na iwan niya ako! Hindi! Hindi!"
Pinag hahampas niya ang ulo niya gamit ang kanyang kamao!
Nanlaki ang mga mata ko!
"Mahal na mahal ko siya! Kahit pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin! Mahal na mahal ko pa rin siya! Akin siya! Akin lang siya! Papatayin ko ang ama mo! Papatayin ko ang lahat ng humahadlang! Papatayin din kita!"
Para siyang baliw na nag sasalita. Nakasapo siya sa kanyang mukha at naka tungo, hanggang bigla nalang sasabunutan ang kanyang buhok at maya't mayang pinaghahampas ang ulo!
"Mahal? Pag mamahal ba iyan?! Sinaktan mo siya! Kinulong! Nakikita mo ba ang itsura niya! I couldn't even recognize her! Tapos sasabihin mong mahal mo ang mommy ko?!"
"Dahil iiwan niya ako!" Marahas niyang sigaw.
Mabilis niyang inangat ang kamay at tinutok sa akin ang baril.
Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ang dulo 'non sa gilid ng aking noo.
Parang napatid ang aking hininga. Ilang segundo akong nag pigil at nakahinga lang ako ng kaunti nang hindi niya iyon pinutok.
"Nang umalis ka... alam kong gustong gusto niyang sumama sa'yo! Pero hindi niya maiiwan ang mga anak namin! At nang umalis ang mga anak namin at iwan din ako, alam kong iiwan niya na ako! Kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para mapanatili siya sa tabi ko!"
What...
"Paraan?! Ito ba ang paraan mo?! Umabot sa ganito? Bakit hindi mo siya tignan! Tignan mo kung anong ginawa mo sa kanya! Kung ito ang pagmamahal mo, kung ito talaga ang sinasabi mong pagmamahal, then your love killed her!"
I wanted to close and shut my eyes from the stinging pain of my tears but I couldn't! Afraid that if I close my eyes, we'll all die with me driving... or if I close my eyes... he'll pull the trigger.
Hindi pa...
Hindi pa ito ang tamang oras.
"No! Kasalanan ito lahat ng ama mo! Sinira niya ang pamilya ko! If I am a bad person! He's worse than me! Inagaw niya ang akin! Nanira siya ng pamilya! Tapos sa tingin niya ay may karapatan siyang maging masaya ngayon?! Hindi ko siya hahayaan! Hindi ko kayo ibibigay sa kanya! Hindi ko siya hahayaan maging masaya! At papatayin ko siya! At iyang lintek mong nobyo! Papatayin ko rin! Akala niya hindi ko malalaman ang mga ginagawa niya para pabagsakin ako?! Kahit durugin niya pa ako, lintek lang ang walang ganti! Ang mga Madrigal at Montgomery! Papatayin ko silang lahat!"
Sumigaw siya ng sumigaw, nag tatagis ang galit at kaunti nalang ay alam kong ipuputok na niya ang baril sa akin!
I gripped on the steering wheel tightly.
Hindi ako makakapayag... hindi ang daddy ko, hindi ang pamilya ko, hindi si Dos, wala... wala siyang pwedeng saktan!
"Akin lang siya..." he whispered.
"Akin lang..." he whispered again.
Naramdaman kong unti-unting bumaba ang baril mula sa pagkakatutok sa akin.
"Akin lang... mahal..."
"Mahal na mahal ko siya. Mahal. Mahal. Mahal ko siya. Akin. Siya. Akin lang siya." He chanted those non stop.
Nakatungo siya uli, bumubulong at nakahawak lamang sa kanyang ulo.
"Akin. Akin lang siya. Mahal na mahal ko siya. Akin ka lang, mahal."
His breathing was heavy but his voice was soft now, chanting and whispering to himself.
Napalinga ako sa paligid. The road became more familiar. Maraming puno sa paligid, diretso at tahimik lamang ang daan, alam kong sa dulo nito ay ang mansyon na ng mga Montgomery.
Mapait akong napangiti. Naririto na kami...
Kaunti nalang.
"Tama ka." Mahina kong panimula.
Dahan-dahan kong pinabagal ang sasakyan. Slowly releasing my foot from the accelerator.
Huminga ako ng malalim para maibsan ang takot sa puso ko. Alam kong wala ako sa tamang hwisyo para mag isip ng tama at makapag desisyon pero alam ko rin na kailangan ko itong gawin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon kong 'to, pero kung magkamali man ako ay wala akong pag sisisihan.
"Tama ka na kasalanan nila... for that... I was sorry towards you for a very long time..." halos ibulong ko sa hangin ang sinasabi ko.
Nag patuloy lamang siya sa pag bulong sa kanyang sarili. Paulit-ulit niyang sinasabi na mahal niya ang mommy ko.
Mas lalong pumait ang ngiti ko.
"For a certain extent, tama ka, may kasalanan sila kung bakit ka nagkaganito. Because hurt people hurt people. But I also believe that... we all have our rational mind to make rational decisions. At doon tayo papasok, iyon ang mag didikta kung tayo rin ba ay magkakasala o hindi. Kung gusto mong malaman anong kaibahan ng pagkakamali niyo ng ama ko. Sasabihin ko sa'yo..."
I felt him stopped. Tumahimik din siya bigla.
Nakaramdam ako ng takot sa pananahimik niyang iyon pero hindi ako pwedeng tumigil dahil lang doon lalo na ngayon na malapit na ako. Kaunti nalang ay matatapos ko na ito.
Pagod na pagod na ako...
Pakiramdam ko, itong mapait kong kahapon ay masyado ng matagal, gusto ko ng makahinga at tuluyang makaalis sa pagkakagapos nito sa akin, at ito lang ang paraan para magawa ko iyon.
"Ang pagkakaiba niyo ay... alam niya na nagkamali siya. My father repented, apologized and made up for his sins, he continued to do so... and I know he will not stop atoning for his sins... because that's the kind of man he is."
As I utter those words, unti-unting pumapasok sa akin ang mga masasayang ala-ala ko kasama ang daddy ko. The very first day I laid my eyes on him, the trust he earned from me, my sleepless nights that will turn to him hugging me till I fall asleep, the days he will run to my rescue just to keep me calm no matter how busy he was... the life he gave and continues to open for me... just so he could provide me what he promised.
He was a sinner but he accepted that wholeheartedly and he willingly surrendered to atone for his sins.
Because of him, I learned to forgive my wounds. Because of him and his family... our family... I learned to forgive and love.
For that, this life was not a lost life.
"You know what, Mr. Gallego? I never dreamt of leaving your home. Maybe... I wished for the pain to stop, for the... beatings to stop." I almost choke from my words.
I tried to rest my restless heart.
Umiling ako. "Pero hindi ang umalis sa puder niyo. Dahil bata pa lang ako ay tinanggap ko na... kami ang nagkamali sa inyo. I understood you. Because I knew... you were hurt. That beyond your beatings... was a man... hurt and lost. I understood... and wished... that one day, all that you do will be enough... and when that time comes..."
Napasinghap ako sa sakit at sa mga luhang patuloy na nagpapalabo sa paningin ko.
"... I wished and hoped... you will also love me." I said breathily.
"My mom loved you, Mr. Gallego. Ako na po ang nag sasabi sa inyo. She chose to remain by your side because she chose you. She could have left you... there were too many chances... but she didn't. She didn't even try. Alam ko na alam mo 'yan sa loob mo. Dahil kung iiwan ka niya talaga, kung talagang hindi ka niya mahal, ni isa sa amin ay walang makakapigil sa kanya. Maybe... she wanted to leave... I will give you that... but not to leave you because she didn't love you, but because it was already too much for her. But did she? She didn't. She continued to be your wife. At her best. Taking care of you. Supporting you. She never once mentioned my father in front of me, that's how much she tried to respect her decision of choosing you. Paano ko alam? I am her daughter... I know that much..."
For the longest time, it was hard for me to understand why she chose this path. Hindi ko lubusan maisip kung bakit ni minsan ay hindi ko nakitaan ang mommy ko ng pag subok man lang tumakas o umalis, kahit maisip niya lang... hindi ko siya nakitaan 'non. Lalo na kung gagawin niya iyon, nobody will take that against her.
Pero iniisip kong baka hindi ko lang makita, baka tinatago niya pero ngayon... parang naiintindihan ko na.
Instead, she cared for him. She accepted his wrath. She tried wiping his anger away. She supported him with his endeavors, without even a slight of hesitation. She hoped silently, while hurting, like me, that one day... something will change.
Hindi pag takas ang kanyang nasa isip kung hindi pag-asa na baka mag bago pa ang lahat.
Lahat ng iyon ay pinili niya... ng may ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko man tuluyan maiintindihan. Pero isa lang ang sigurado ko.
Pagkatapos niyang magkasala, pinili niya ulit mahalin ang asawa niya.
"I finally understood her. Pagkatapos ko siyang makita kanina... I knew... I couldn't do anything for her anymore. She chose you and that was her decision she wanted me to accept too. So..."
I loosened my grip from the steering wheel.
"I will accept it. This is to honor her. Tanggap ko na ito ang pinipili niya. Pero hindi pa rin kita mapapatawad..."
I stopped what I was about to say when my eyes settled on the road faraway from us.
A small smile crept from my lips.
Remnants of my memories flashed again.
On this very road... my dream materialized in front of me.
"Manong! P-para po!" Nagmamadali kong sabi sa pang hihina.
Agad tumigil ang tricycle at muli kong kinuha ang lakas ko para lumabas at takbuhin ang distansya ko mula sa daan.
Sinalubong ko ang sasakyan mula sa gilid pero tanging ang likuran lamang nito ang nahawakan ko. Kinatok ko ito at hinabol pero hindi tumigil ang sasakyan hanggang sa mabilis ito nawala sa hawak ko.
"D-Dos!" Mula sa masakit kong pagkakasakal kanina ay nagawa kong isigaw ang pangalan niya.
Kahit hirap ay hindi ako tumigil tumakbo. Hinabol ko ang sasakyan kahit nakikita ko kung gaano ito kabilis makalayo sa akin.
"D-Dos! Please! Stop." Ibinuhos ko ang natitirang lakas ko sa pag sigaw ng pangalan niya. "Dos!"
Baka hindi niya ako nakita!
Baka hindi niya ako narinig!
Saan siya pupunta?
Baka hanapin niya ako!
Mula sa mabilis kong pagtakbo ay unti-unting bumagal ang paa ko. Kasabay ng pag ihip ng hangin ay pagkabigo ng puso ko.
Patuloy pa rin ang luha ko sa pag-agos, ang mga paa ko ay napako sa kinatatayuan, nararamdaman ko na ang pagkapagod, pinapanood ko lang ang sasakyan niya na makalayo at mawala sa paningin ko.
Hahanapin niya ba ako?
Nakita niya ba ako? Hindi ba? Hindi nga ba?
Hindi ko na magawang maniwala na... papunta siya sa akin.
It's like fooling myself...
I only have myself.
Dito mismo sa daan na 'to ay nabigo ako. Tumakbo ako noon dito na walang kahit anong bitbit, ni pag-asa sa kahit sino ay wala. Kahit sino man ay wala akong handang kapitan noon, ang tanging alam ko lang ay nabigo ako ng lahat ng mga pinagkakatiwalaan ko.
I vowed to myself that I will never give that kind of trust again. Iyong tiwala na para bang pati buhay mo ay iaalay mo para lang magkatotoo at magkaroon ng pag-asa ang tiwalang iyon. Pero... mukhang nabasag ang pangako kong iyon sa aking sarili dahil napakarami ng mga taong gustong sirain iyon.
I only have myself before...
But now...
"Hija, halika na, dadalhin kita sa hospital!" Sigaw noong tricycle driver.
Going to the hospital is like choosing to go back to where I was.
Umiling ako pero nag lakad ako kahit mabagal papunta sa tricycle.
I won't stand for long, kaunti nalang at nararamdaman kong bibigay na ang mga paa ko.
Hindi na ako pwedeng manatili rito.
I can't.
I am sorry.
I am sorry I am giving up.
Ayoko na.
I don't want to fight for myself anymore. Hindi rito. Hindi na ako para rito.
I want to leave and forget everyone. Ni wala akong taong gustong puntahan at takbuhan. Baka kung piliin ko ngayon na umalis mag-isa, baka mas may pag-asa akong mabuhay.
Not depending on anyone... will make me survive. I cannot wait for anyone anymore.
Kahit si Dos pa...
This ends with me.
Alone.
Nakarinig ako ng tumatawag sa akin at nahagip ng paningin ko ang ilang guard.
Shit.
"M-manong sa may bayan po,"
Agad pinaandar ang tricycle at tinungo ang bayan. Nag dadasal ako habang papunta roon. Kahit makaligtas lang ako hanggang makarating sa susunod na probinsya, mula roon ay ba-byahe ako ulit hanggang sa makalayo, pero bago 'yon kailangan ko makalabas ng probinsyang 'to.
Kinuha ko ang kwintas ko na bigay ni mommy, totoong ginto ito at naka hugis sa isang babaeng nag ba-ballet.
"Manong, pasensya na po kayo, ito lang po ako ang meron ako. Tatanawin ko po na utang na loob ito sa inyo. Salamat..." Garalgal ang aking boses sa pagpapasalamat.
Napakalaking bagay na hindi niya ako inuwi sa amin.
Kulang pa 'to sa hindi niya pag sauli sa akin.
"Ineng, ano bang nangyayari? Ayaw mo ba pumunta sa pulis?"
Umiling lang ako at lumabas na. Nag si-tinginan ang mga tao sa akin doon, masyadong matao, at alam kong makikilala ako ng ilan.
Kahit alam kong suntok sa buwan ay tinakbo ko ang daan papunta sa terminal ng mga bus.
Mas binilisan ko ang takbo ko, kinaladkad ko ang nanghihina kong mga paa para takbuhin ang mahabang daan papunta sa terminal.
Please... help.
Umamba na akong tatawid nang nakarinig ako ng pag sigaw.
Bago pa ako makapihit para hanapin ang sigaw ay naramdaman ko nalamang na may tumama sa akin at hindi ko na nagawang alamin kung ano ito.
Kusang pumikit ang mga mata ko, tinatanggap ang nag babadyang katapusan.
Maybe this is how it shall end.
It will end with me alone.
No one to trust. No one to run to.
I am taking it all in. I accept it. I am tired.
I want to rest now.
Lumawak ang ngiti ko nang mas maaninag ang nasa harapan ko. Kahit malayo pa ang mga ito ay nasisigurado kong tama ang nakikita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahil ang puso ko na ang nag sasabi na iba na ngayon...
Finally...
Maybe it really ended before...
But maybe... I wasn't really alone before...
Maybe... I had no one to trust and no one to run to because if I did back then, I wouldn't be here, I wouldn't have this life.
There are still good people...
There is still hope in this life.
I took it all in again. The girl running alone has now found her people. Kung noon ay mag isa akong lumalaban para sa buhay ko, ngayon ay napakarami naman gustong samahan ako.
I grew up unloved, now... I am overflowed that I have enough love to give others.
Kung noon ay wala akong matakbuhan, ngayon ay hindi ko na kailangan mag isip pa dahil hindi pa man ako humihingi ng tulong ay nariyan na sila.
The girl running away towards an empty road has people not just waiting for her, but... going towards her.
I don't have to shout for help because they will always be reaching for me.
I imagine myself wrapped with my own blood before. Pero laging natatapos doon ang ala-ala ko, hindi madugtungan dahil naniniwala akong natapos iyon ng mag-isa ako.
Pero ngayon? Kaya ko ng madugtungan iyon, I can imagine being saved by someone, bringing me to a safe place where my new life started.
Now, I can see the new beginnings for myself. I am not stuck from my memories anymore, finally...
I am free.
Just a few meters away from me, limang pamilyar na mga sasakyan ang sumasalubong sa akin.
Sa gitna 'non ay ang Raptor ni Dos.
You're going to get me this time, baby?
"Pucha! Hindi maaari! Ginagago niyo ako! Ang usapan natin ay mag-isa ka lang! Hindi ako makakapayag na mangyari ito! Hindi ako makakapayag na makuha nila sa akin ang mahal ko! Mamamatay muna ako bago iyon!"
Before I can even grasp what was about to happen, mabilis niyang kinuha ulit sa akin ang manibela pero hindi ako pumayag, nakipag agawan ako at pinilit ang gusto kong mangyari.
May plano pa rin ako! At mas malakas na ang loob ko ngayon! Hindi ako matatalo! Hindi ako pwedeng mabigo ngayon!
I grabbed the steering wheel tightly. Pinaikot ko ito sa direksyon na gusto ko, tulad ng plano ko! I only have one shot and if this doesn't work... I will apologize endlessly to the people who I will disappoint.
I plan to live after this... please make this work.
Just one shot...
One shot... Victoria.
But if I won't...
God, please take care of the people you brought in my life.
Narinig ko ang pag putok ng baril! Pero hindi iyon nanggaling sa loob ng sasakyan! Mula ito sa labas! Naramdaman ko ang pag bagsak ng gulong sa gawi ko! Pero mas pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa malaking puno kahit na hirap na hirap ang gulong ko.
My plan has to work!
"Ayaw mong magkahiwalay-hiwalay tayo diba?"
Isang ngisi ang nagawa kong ipakita.
"Then we'll do this all together..." I whispered.
"Bastarda!"
He tried controlling the steering wheel again but I just smiled.
I pressed on the accelerator, flooring it.
Kusang pumikit ang mga mata ko, tinatanggap ang parating na salpukan.
I genuinely smiled.
Maybe this is how it shall end.
It will end with me not alone.
With people I trust running towards me.
I am sorry. I hope not to disappoint. But... if I will, please forgive me.
Para ito sa inyong lahat, I have people to fight for now, thank you.
I have lived my life now.
I am taking it all in.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top