Kabanata 46
Mr. Gallego
Nag-angat ako ng tingin sa lugar na kahit kailan ay ayoko ng balikan. Kung titignan ay napakaganda ng bahay na 'to, other than it's owned by a politician, it is indeed one of the most beautiful houses here in Argao.
Pero sa kabila 'non ay hindi ko na iyon makita. Habang natatanaw ko ang bahay na minsan kong tinuring na tahanan, I can't seem to find the feeling of home inside me. All I could feel is... sadness, anger, loss, and misery.
Instead of seeing a modern huge maintained two-storey house, all I could see is a house hovered by dark clouds... empty and without love. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako na wala akong maalala habang lumalaki ako rito...
I wonder how my young self felt going home to this house.
Ang lungkot na nararamdaman ko ngayong nakatanaw pa lang ako... marahil ay dahil iyon sa... ga'non ang naramdaman ko noong nakatira ako rito.
I suddenly remembered why I am here right now...
Love.
I am only here... in the place where all love was lost... to fight for my love. I will fight because I will never allow anyone to hurt all the love I have found.
I closed my eyes to gather all the courage I could get.
"Kamusta po ang lagay ni Vera?" Nanginginig kong tanong kay mama.
Nadatnan namin silang nasa may labas ng Intensive Care Unit, dito raw ni-diretso si Vera pagkatapos ng operasyon niya.
Mama looked so exhausted, mugto ang mga mata at wala sa ayos ang laging pirmi niyang buhok. Si daddy naman ay halatang galing sa iyak pero matigas na ang ekspresyon ngayon.
I know this expression...
Ganitong ganito rin siya noong sinasamahan niya ako sa mga therapy ko, tuwing mag be-break down ako dahil hindi ko magawang tumayo, mawawala siya sandali... babalik na ganito na ang mata.
Nilapitan ni Dos at Uno si daddy, I heard them talking about moving Vera to their VIP care. Hindi ko maintindihan kung bakit may ga'non pero sa pagkakapaliwanag ni Dos kanina ay para iyon sa mga miyembro ng pamilya nila. Under that care, may mga piling doktor daw ang naka tutok sa mga pasyente.
"She's..."
Mama looked at me with a broken heart and immediately wrapped her arms around me.
My heart broke even more as I hear her cry. Niyakap ko siya pabalik at hinayaan siyang umiyak sa bisig ko. Niyakap ko siya tulad ng pag yakap niya sa akin noong panahon na tanging yakap lang ang nakakapag salba sa akin sa bawat araw. Niyakap ko siya na para bang ako naman ang malakas sa aming dalawa.
Naramdaman ko ang pag yakap ni Ate Vida sa gilid ko. She hugged us both as she silently cried her heart out.
"She's c-critical..." her voice broke and I painfully closed my soaked eyes.
Naramdaman ko ang tindi ng sakit sa puso ko. Images of her smiling and laughing flashed through my eyes.
"She'll be fine, mama. Malakas si Vera. She'll get through this." I mustered all my strength assure her.
"We have to be strong, kasi hindi niya magugustuhan kung makita niya tayong ganito. Remember? Ayaw niya tayong umiiyak. If we cry, she cries..." Pag kumbinse ni Ate Vida kahit na ang sarili mismo ay miserableng umiiyak.
Nakarinig ako ng mga yapak at bago pa ako mag angat ng tingin ay lumuhod na si daddy sa harapan ni mama.
Trying so hard to maintain a straight face, inabot niya ang kanang kamay ni mama na nasa balikat ko.
He softly caressed it.
Ngayong nakikita ko ng malapitan si daddy, I can see a mixture of many emotions.
Napaawang ang labi ko, parang gusto ko siya yakapin. Naninikip ang dibdib ko sa nababasa ko sa mga mata niya.
Pain, anger, sadness, torment, worry and love. All at once. And I know... the only thing that's still keeping him from getting through it... is mama.
"Sasama lang ako sandali sa mga Montgomery. Ipapalipat si bunso sa VIP care nila. Babalik ako, hmm? Ayos lang ba iyon sa'yo, mahal?"
Dad's voice was so soft as she catered mama's unspoken worries. Marahan ang mga titig niya, malumanay ang pananalita at maingat na pag haplos sa kamay ang ibinigay niya para kay mama.
Tumango si mama. "S-si Vernon?"
"Inaasikaso ang imbestigasyon... 'wag mo na iyon isipin, kami na ang bahala roon. Hintayin mo lang ako rito..."
Dad wiped mama's tears from her cheeks, pero mas lalo lang ata naiyak si mama dahil doon.
Sa buong buhay ko, sa panahon na kasama ko sila, hindi ko pa siya nakitang ganito kahina, I always see her strong and able to carry, pero ngayon... parang gumuguho ang mundo niya sa bawat iyak niya.
Mapait akong napangiti.
Nag-angat ako ng tingin at hinanap ko ang lalaking alam kong makakapag-panatag ng puso ko. Nadatnan ko siyang malambot na ang titig sa akin. Pagod ang mga mata, puno ng pag-aalala.
Gusto ko siyang puntahan, lapitan at yakapin pero nakayakap sa akin si Ate Vida at Mama, alam kong kailangan nila ako ngayon at hindi ko rin sila magagawang bitawan para paunlakan ang pansariling kagustuhan.
Habang pinapatahan ni daddy si mama, nanatili lamang ako nakatingin kay Dos. Ga'non din siya sa akin. Hindi kami bumitaw, parang nangungusap lang kami gamit ang mga mata namin, parang... pinapatahan niya ako sa bawat hagod ng mapagmahal niyang titig.
My heart weeped while in his gaze. I found comfort amidst our literal distance.
"Uno..."
I heard someone called. Dumako roon ang tingin ko at nakita ang isang babaeng nurse, naka salamin, mahaba ang buhok, maliit ang mukha, maganda ang hubog ng labi, nangungusap ang mga mata at puno ng pag-aalala.
"Baby..." marahang bati ni Uno sa kanya habang tinatakbo ang distansya nilang dalawa.
They both quickly crossed their distance, meeting at the middle.
Mabilis siyang hinaklit ni Uno palapit sa kanya at niyakap. The girl wrapped her hands around his waist and hugged him tight too.
"Ready na ang kwarto para sa bata. Nag pa-assign ako roon para matutukan ko siya." Narinig kong imporma niya kay Uno.
Gumaan ang loob ko sa narinig.
"Thank you..." Uno thanked breathily.
Mabilis niyang nilingon si Dos habang nasa bisig pa rin ang asawa niya.
"Let's go."
Tumango si Dos at humakbang palapit sa amin.
"May aasikasuhin lang kami, babalik din. Ililipat ang kapatid mo pagkatapos. Will you be fine here? You want to wait in her room? Naka-ayos na," sa akin nakatuon ang atensyon niya.
I shook my head. Dad stood up.
"Hihintayin namin si Vera, sabay-sabay na kaming aakyat. Let's just see each other there. Thank you..."
He nodded. Kita ko ang pag pipigil sa kanya, may gustong gawin pero tila hindi maaari sa sitwasyon ngayon.
His eyes lingered for a few more seconds towards me before nodding and making a way for daddy to walk first. Magkahawak kamay si Uno at ang kanyang asawa, naunang nag lakad, sumunod si daddy pagkatapos at ang pang huli ay si Dos.
Naging mabilis ang pag lipat kay Vera sa VIP room na nilaan para sa kanya. Malaki ito, kompleto rin, parang ICU at nasa pinaka taas na palapag ng hospital.
Naiwan ako ngayon sa kwarto, si mama at daddy ay kinakausap ang mga doktor na hahawak sa kapatid ko, si Dos ay kumuha ng damit para samahan daw kami mag bantay mamaya, si Kuya Vernon ay hindi pa bumabalik at si Ate Vida naman ay bumili ng pagkain para sa aming lahat.
Lumapit ako sa may gilid niya.
My baby sister's frail body...
Tahimik ang buong kwarto, tanging ang pag tunog lamang ng monitor sa kanyang gilid ang maririnig.
I smiled painfully and slightly caressed the side of her right cheek.
"You're very strong, baby..." I whispered. "I know you can do this, please wake up."
Kritikal pa rin ang kondisyon niya, ang pwesto niya ang tinamaan ng sasakyan na nakabangga kaya napuruhan siya. Ang driver naman ay ang tinamaan na pwesto ng nadamay na truck, kaya hindi nakaligtas.
It was a huge accident. Nakatakas ang bumangga sa kanila, namatay ang driver ng sasakyan namin at driver ng truck. Si Kuya Vernon ngayon ang nag aasikaso sa lahat.
I heard my phone beeped.
Inangat ko ito at halos mabagsak ko ito nang makita na may mensahe galing sa unknown number na inakala kong scam kaninang umaga...
Ilang mensahe pa ang natanggap ko uli... marami... sunod-sunod, tila naka programang matanggap ko ngayong oras na ito.
Napaupo ako sa hospital bed ng kapatid ko bilang suporta sa panghihina ng tuhod ko.
Tinanong kita hindi ba? Kung sino ang uunahin ko. Ayan tuloy... hindi ka kasi sumagot. Namili nalang tuloy ako.
Sino kaya ang isusunod ko? Ang nanay-nanayan mo kaya riyan? Tutal... inagawan din naman ako ng ama mo!
Akala mo siguro nag bibiro ako?
Uubusin ko ang buong pamilya ng tarantado mong ama.
Pero sige...
Bilang naging ama-amahan mo rin naman ako. I will give you a chance to save them.
Remember? I always gave you a chance before? A chance to prove to me that you're worthy of my name and support.
At bibigyan kita uli ng pagkakataon ngayon. But now... it will be for a chance to prove to your son of a bitch of a father that you're worthy of his name and support.
Save his family. Come back here in our sweet mansion, Victoria. I'll give you till tomorrow.
If I don't see you ALONE in front of our mansion, pag sisisihan mo. At 'wag mo ng subukan pang mag sumbong, kilala mo ako, pag ako niloko mo, pagkatapos ng pamilya mo ay isusunod ko ang pamilya ng boyfriend mo.
But better yet, bakit hindi nalang si Dos Montgomery mismo? Tutal ay kinalaban naman na niya ako. Ipapakita ko sa kanya kung bakit hindi ako dapat binabangga.
He ruined me? He tarnished my name? I'll fucking kill that man!
I'll take that man down, Victoria. You know me. Show yourself or else... you'll fucking remember why you ran away.
Napasinghap ako at tuluyan ko ng naibagsak ang cellphone ko. Napahawak ako sa naninikip kong puso at naramdaman ang pag kirot ng tuhod ko.
Extreme fear enveloped my whole being, hanggang sa pinaka maliit na parte ng katawan ko, sa bawat ugat at selula... ay nanalaytay ang takot.
My dream flashed through my brain, iyong pag takbo ko... bawat suntok at sampal... tila nararamdaman ko uli. Kung tutuusin ay kahit kailan hindi ko pa siya nakita ulit sa bagong buhay ko, I don't know if my memory of him is accurate, I don't know his face or if the voice I hear are real...
But...
I am so damn afraid of him.
Kahit hindi ko siya kilala, alam kong siya ang bangungot ko. Siya ang pahina ng buhay ko na kahit hindi ko balikan ay hahabulin ako sa hanggang hangga.
At takot ako dahil alam kong kayang kaya niya totohanin lahat ng mga banta niya. The unbelievable anger and hatred in his eyes... are enough proof of what he can do.
Nanunuot ang galit niya sa akin... iyan ang kahit kailan hindi siya pumalya iparamdam at ipakita.
And now... he's running after me again. Hurting even the people I found to love.
My eyes darted to my sister. I leaned over and held her hand. My eyes blurred with my tears. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang payapang nakapikit, her curtain bangs... are in place and her slow breathing calmed my nerves.
I am used to seeing her bubbly and now that she's unconscious, it hurts.
"I am s-sorry..." I painfully closed my eyes and felt all the tears fall.
She's our princess...
Nabiyak ang puso ko nang matantong kasalanan ko kung bakit siya naririto. Ang inosenteng bata ay nadamay dahil lang sa akin. She's supposed to be enjoying the day with our grandparents and then back at home... dapat ay masaya siya at nag-lalaro pero ito siya ngayon... nakaratay.
Simula noong nagising ako, ay halos kasabay ko siyang lumaki. I can really say... we both grew together. And I promised myself that I will protect her childhood, na hindi tulad ng akin... sisiguraduhin kong masaya, puno ng pagmamahal at ligtas ang kanya.
I did everything to shower her the love I didn't have back then.
Pero sa isang iglap... nasira ang lahat ng iyon. She might never forget this accident. It might remain in her that she experienced this. I know that of all people. The fear of remembering... even if you don't want to, not even an amnesia can make you forget...
"T-this is too much for y-you... baby." Masakit na hikbi ang pinakawalan ko.
Umiling ako habang pinapakiramdaman ang bawat latay sa puso ko.
"I-I am sorry. I am so... so... sorry. Please... forgive me."
With trembling lips, I reached for her soft right cheek and kissed her there.
Nanikip ng husto ang puso ko.
"I will make this right... I will do everything... to make him pay for what he did to you. I vow to protect you and our family. I will never let him hurt any one of you again. I promise..."
Naramdaman ko ang pag tagis ng panga ko. I gritted my teeth, feeling the anger seething through me. I may be afraid... but I am angry too. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa kapatid ko. I will not let him hurt my family again.
Hindi ako papayag na may sisirain na naman siyang buhay. Sapat na ang akin. Matatapos ang lahat sa akin.
I consider my past life as an ended life already. Patay na ako sa buhay kong iyon. And I vow that he will end there too, hindi ako makakapayag na makapasok siya sa buhay kong ito.
I spent my time with Vera, nakahawak lamang sa kanya, pinapanood siya at kinakausap siya... baka sakaling marinig niya ako. I didn't leave her side, pinaramdam ko sa kanya na naririto lang ako.
Dumating din si mama at daddy pagkatapos ng ilang minuto, sila naman ang tumabi kay Vera. Umupo ako sa may sofa roon at pinanood lamang sila na kausapin at alagaan ang kapatid ko. Tinapalan ko ang takot sa dibdib ko at pinilit ang ngiti sa bawat tanong nila sa akin kung ayos lang ako.
Nang makarating naman si Ate Vida ay kumain kami sabay-sabay, abala pa raw si Kuya Vernon dahil napakaraming kailangan asikasuhin, marami rin inutos sa kanya si daddy kaya hindi ko rin alam anong oras na siya makakabisita kay Vera.
"Five..."
Napalingon ako kay Dos.
"Huh?"
Nasa may roof top kami ng hospital, sa lilim ng gabi. Kalmado ang ihip ng hangin pero malamig pa rin ang paligid.
"Your heavy sighs. Limang beses na."
He leaned on the cement wall and watched me. Nakakunot ang noo niya, habang mataman na nakatingin sa akin, sinusubukan basahin ang mga mata ko.
Humalukipkip siya, making his biceps more evident. The veins in his forearms became more prominent with his position. Naka simpleng grey na t-shirt nalamang siya at sweatpants.
The wind made his shirt hug his torso. I envied the wind and his shirt for being able to be that close with him.
Parang kailangan ko ata ngayon na mas mapalapit sa kanya... lagi kong gusto pero mas nararamdaman ko iyon ngayon.
"I am sorry..." I almost whispered.
"What are you thinking—"
Hindi ko na siya pinatapos.
Humakbang ako palapit sa kanya at tinawid ang natitirang distansya namin. Marahan akong pumikit nang maikot ko ang dalawang kamay ko sa kanyang baywang at mag dikit ang katawan namin.
My cheek pressed on his chest. His warm body embraced me despite him getting caught off guard. I squeezed myself more towards him, not letting the air beat me to being close with him.
He feels hard but comfortable, like a home in any place there is.
I can hear my heartbeat inside me, sumasabay ang kanya roon. Like they are in sync... harmonized and always waiting for each other's turn.
"Are you worried?"
Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. He slightly massaged my head while his other hand caressed my back. Nanatili siyang nakahilig kaya nasa kanya ang lahat ng bigat ng posisyon namin.
He's carrying my weight with his body leaning against the wall.
Tumango ako. "I am worried..." about many things, Dos. Including you.
Bakit hindi nalang si Dos Montgomery mismo?
He ruined me? He tarnished my name? I'll fucking kill that man!
I'll take that man down, Victoria. You know me.
Marahas kong pinikit ang aking mga mata nang maalala ang mensahe mula sa asawa ni mommy. I shivered slightly, feeling the harshness from his words.
"Are you okay?" He worriedly whispered.
I nodded.
I will never ever let him touch you. I would die first before he gets the chance to hurt you, Dos.
"Dos..." mapait akong napangiti. "Mahal kita."
Naramdaman ko ang pag tulo ng mga luha ko. I didn't whimper, I didn't make a sound and I didn't tremble. Basta lamang tumulo ang mga luha ko, kasabay ng bawat hampas ng aking puso.
Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya ngayon, lahat ng nararamdaman ko, kung gaano siya ka-importante sa akin, kung ano siya para sa akin at gusto kong matandaan niya na mahal ko siya, at... siya ang simbolo ng bago kong buhay at ang buhay na gugustuhin kong magkaroon ako sa susunod.
"Hey..." Bahagya niya akong tinulak para makita ang mukha ko pero umiling ako.
I forced our hug to remain hidden from him.
"I might have saved an entire nation before to be given a love like yours." I breathed.
Kung ako ay maswerte na siya ang mahal ko, pakiramdam ko ay minalas naman siya na ako pa ang minahal niya.
He tried pushing me again, looking for my eyes but I hugged him tighter.
"Kung ibabalik ako sa panahon na tumatakas ako mula sa Argao, I will still choose to go to my next life, hindi ang habulin ka sa buhay na 'yon. Dahil alam kong sa susunod kong buhay, ikaw pa rin. I will look for you in every life there is, Dos..."
"... at hindi ako titigil hanggang hindi nahahanap ang buhay na pwede kitang mahalin ng malaya, ligtas at walang sagabal."
Sumuko siya sa pag subok na hanapin ang mga mata ko.
He groaned. "Baby... I love everything you are saying but... let me see you. I am worried... I am worried for my baby..." malambing niyang sabi.
Niyakap niya ako pabalik, buong-buo, mahigpit at pinaparating doon na ligtas ako, na basta nandyan siya ay walang makakapanakit sa akin.
His hug is my home, his kiss is my salvation and his love is my hope for every tomorrow.
"Pero alam mo? If there is no other choice for me to be able to love you... but to go back and experience that life again..."
I bit my lower lip as it started to tremble.
Bumaba ang puso ko at masakit na tumibok.
"I will choose to experience it again, died a thousand more deaths, just to spend more time with you, just so I could love you more..."
"Baby..." he whispered with so much worry and frustration.
"Because this life will never be enough to love you."
I felt him kiss me on my forehead.
"We have a lifetime together and I will make sure to meet you in all of our lifetimes. You have all the time to love me, baby..."
He sighed.
"...and you don't have to find me because I vow to find you sooner, so that we could start loving each other earlier. Hmm?"
As usual, my Montgomery, always assures me.
Sana nga... sana nga, Dos.
Because as much as I believe that my mother's husband can act on his threats, I am also scared on what I can do... for Dos and my family.
"Thank you..."
I tilted my head to reach for his jaw, I kissed him there.
"For loving me."
Natanto ko sa buhay na 'to na— no... I will say my thoughts to him.
"Natanto ko na sa buhay na 'to, the love my family has given me made me whole. Binuo nila ako ulit Dos. Pero ang pagmamahal mo ang nagpatibay sa akin. I realized that the love they poured me made me want to live this life again... but you... your love... made me love it again."
I finally pushed myself a little to see him.
I didn't bother wiping my tears, I faced him and savored his expressions. Ang dami kong nakikita roon pero pinili kong namnamin ang pagmamahal sa mga mata niya.
No one can argue that he is gorgeously handsome especially when he's serious or even when he's angry, but one must see his face full of love...
"Did something happen? I love you, baby... I am sky rocket happy with your words and love... but you're really making me worry..."
How could he be so gentle despite his strict demeanor?
I chuckled a bit. Umiling ako. Sumimangot siya uli, hindi naniniwala.
"Oh... I love you!"
I reached for him and tiptoed to kiss him quick on the lips.
I was about to lean back when he stopped me by holding my back and pressing us together again.
"You said that I made you love this life again?" Pag kompirma niya.
Tumango ako. Hindi pa ata naniniwala sa akin?
A mocking smirk made its way on his lips. Parang nanunuya ito, pero hindi para sa akin kung hindi para sa mundo. It was like he's teasing the whole world and his whole life...
"For me... from the moment I lost you till the day I found you again... I knew and I vowed that I will only do this life if I have you."
He crouched to meet my lips and kissed me deeply, not like my feather kiss a few seconds ago, but... with passion, devotion, love and promises that only he can tell.
"Kung wala ka sa akin, wala rin saysay ang buhay ko rito..." bulong niya.
He lovingly kissed me once more, twirling his tongue with mine. I gasped and moaned, holding on to his shirt, as if I was holding on with my dear life.
I felt him taste my lips by grazing his tongue on my lower lip.
"You are this life for me, baby." Puno ng pagmamahal niyang sabi.
He wiped my tears away before holding me from my nape and bending for a kiss again.
"I love you," he kissed my lower lip and I felt him smile from there.
"Mahal... na... mahal..." mabagal at sigurado niyang sabi.
I closed my eyes and met his lips.
Minulat ko ang aking mga mata, nararamdaman ang ibayong lakas ng pintig ng puso ko. But this time, hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa lakas ng loob.
I only have a few hours before my family looks for me.
Sigurado ako na maya-maya ay mapapansin na nilang nawawala ako, pagkatapos ay hahanapin nila ako at hindi sila titigil hanggang hindi ako nahahanap. I can't put my family into that place again, iyong... takot at walang magawa, lalo na ngayon.
Pero bago iyon, kailangan kong tapusin 'to.
I have people waiting for me, kailangan ko makabalik.
I heard the gates opened and five armed men welcomed me.
Imbes na matakot ay humakbang ako papasok.
"Si Mr. Gallego?" Tanong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top