Kabanata 41

Hi Inspirados!

Did someone make you smile last valentines? I hope there is! It doesn't have to be romantically! ❤️

Desperate

"Are you still cold?"

Inabot niya ang dalawang kamay ko at pinag dikit ang mga iyon. He held them with both of his hands and blew on them for warmth. Mas lalo akong naging emosyonal dahil doon!

Hindi pa nakakahuma sa lahat ng nararamdaman at ito na naman siya.

Pinanood ko lamang siya na painitin ang mga kamay ko habang inaayos ang jacket niya na nasa balikat ko.

Ngayon ay naka sweater na siya, kailangan ko pa siya pilitin na mag suot 'non kanina. Kompleto naman siya sa gamit sa sasakyan niya pero kailangan ko siya bilhan ng mas makapal na sweater, maninipis ang mga sa kanya, parang ginawa ang mga iyon para humapit sa katawan niya!

"You want to get inside? Ang lamig pa rin ng kamay mo..." he worriedly asked.

Marahan akong umiling, hindi magawang mag salita, natatakot na kumawala ang mga emosyon sa akin.

Nasa dulo kami ng subdivision ngayon, kung saan halos wala pang bahay na nakatayo. The sunrise will be seen from here, I am anticipating it, hoping it will help to lessen the heaviness.

Sunrises signify new beginnings and hope, I want that so much.

We parked there and like the usual, nasa likuran kami ng Raptor, mas prepared siya ngayon dahil may sapin na siya para mas komportable ang upo namin.

Nag drive thru lamang kami ng breakfast sa isang fast food chain, napakasimple lang nito kumpara sa lahat ng pakulo niya pero sobrang... saya at panatag ng puso ko.

Pancakes, burgers, french fries, iced coffee, sundae, may rice meal din siyang inorder, dalawa lamang kaming kakain at napakarami nito.

This is how I want to spend my days.

To think, this is my second life already, and... I vow to make the most out of it. That includes having days like these.

"H-hindi ba masakit ang likuran mo? Leeg? B-bakit ka kasi natulog doon... mag-uusap naman tayo... hindi ka ba nilamok? Stiff neck?" Garalgal pa rin ang aking boses.

Nakayuko ako, tinitignan ang kakaunting distansya ng mga tuhod namin. They were not touching but an inch away from each other.

I want him closer, pero baka mag laho ang mga nasa isipan ko na gusto sabihin kung magkakalapit pa kami.

"I am okay..." hinanap niya ang mga mata ko.

He crouched a bit to search for my eyes but I looked away, afraid my emotions will slip. 'Yon lang ang naiisip ko ngayon, ang wag bumigay dahil nahihiya ako.

Nahihiya ako na ganito ako ngayon. I can't even handle my emotions, I am afraid I will be too much for him to handle. Baka maisip niya na ang hirap ko pakisamahan. Pero sa kabilang banda, ayoko rin makita niya ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng nangyayari. I still want to show him that I can handle this myself.

Argh.

Ang hirap.

Ang hirap manindigan at kumapit sa mga paniniwala ko gayong gustong gusto ko tumakbo sa kanya!

"Baby... come on... please look at me?" Napaka lambing at parang haplos ang kanyang tinig.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil nanginig iyon. Suminghot ano ng kaunti, nararamdaman ang pag kirot ng puso ko.

"Hey... are you crying?" Nag aalala niyang tanong.

Umiwas pa rin ako ng tingin at napabuga ng hangin! Fuck! Bakit ang hirap 'wag umiyak ngayon! Kaya ko naman mag pigil dati!

Hinanap niya ang mga mata ko ulit at pilit hinawakan ang baba ko para igiya ang mukha ko paharap sa kanya pero pinilit ko pa rin 'yon iiwas. Sa pag iwas ng mukha ko ay ang pag tulo ng mga luha ko, sigurado akong may nahulog sa kanyang palad na nakahawak pa rin sa baba ko.

"I am sorry, baby... please..." my heart hurts for his pleadings.

"Hindi ko gusto na umiyak ka dahil natulog ako roon. Hindi ko lang talaga matiis. I want to see you early in the morning because you have a birthday celebration in the afternoon and that will surely last till evening. Sa gabi naman ay gusto kong puntahan ka pero sana ay ayos na tayo 'non dahil gusto ko icelebrate ang araw na 'to ng masaya, I want to be part of your day, kaya gusto ko maayos tayo ngayong umaga."

Mas naiyak lamang ako sa eksplenasyon niya! He is so good at this! Parang kaya niya sabihin at i-alay lahat ng kailangan ko marinig para lang gumaan ang loob ko! Kaya niyang gawin ang lahat para lang mapanatag ako!

Kayang kaya niya akong kunin ng paulit ulit sa mga salita palamang niya.

Pinalis niya ang mga luha ko at tinulungan ko naman siya, hindi pa rin siya tinitignan.

"Please talk to me... kahit sigawan mo pa ako, ayos lang, wag lang ganito. I don't like you going silent on me, baby." Hirap na hirap niyang sabi.

"W-wala ngang masakit sa'yo? Bakit kasi hindi mo sagutin!" Miserable kong tanong!

Bakit kasi hindi niya sagutin iyon?!

Rinig ko ang pag singhap niya. "I am okay, walang masakit. I am fine. I promise. I slept okay." He assured me.

Umihip ang malamig na hangin, naramdaman ko iyon sa mga luhang natuyo sa pisngi ko.

Imbes na manlamig ang puso ko ay nag init lamang iyon sa dalang init ng bawat salita at hawak ni Dos.

"Can we talk now about why you were mad at me yesterday?" Maingat niyang tanong.

Both of his thumb grazed back and forth on my jaw. Holding my face while trying to make me look at him. Ramdam ko ang init ng kanyang pag hinga, gusto ko siyang tignan pero baka umiyak nalang ako at wala ng masabi.

Tumango ako.

Suminghot ako muli at bahagyang naiyak pero pinalis ko agad ang mga luha ko.

I was whimpering silently to stop myself from crying. I heard him sigh and felt his forehead on mine.

"I am sorry..." puno ng sinseridad niyang sabi.

"I am really really sorry for making you cry like this. Please forgive me? Can we make up? Let's talk and fix this. I believe in us, we can fix this, baby."

He must be the best in the business world! Napaka galing niya sa persuasion! Hindi siya mahihirapan mag close ng kahit anong business deal!

"I met Arlie and Nica yesterday..." halos hangin nalamang ang boses ko.

Saglit siyang natigilan, hinihintay na mag patuloy ako.

"They talked about you making their families' lives miserable, and... you not forgiving them despite them asking f-for forgiveness. Totoo ba iyon? B-bakit mo nilihim? Kailan pa Dos? Anong ginawa mo? Paano mo nagawa? Why did you not tell me?" My voice broke at the end of my last sentence.

Masakit na hikbi ang pinakawalan ko, hindi ko na alam kung ano pang pinanggagalingan ng mga luha ko, masakit ba ang loob ko? Dahil ba nag aalala ako sa kanya? Hindi ba ako sangayon sa ginawa niya? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko ay parang malulunod ako sa lahat ng nararamdaman ko.

Hindi siya nag salita kaya nakuha kong ibaling ang tingin ko sa kanya. It was the first time I looked at him since we got there, and my heart hurt more as I see how he was having a hard time dealing with this situation— dealing with me!

"I-I am sorry, baby..."

Pumikit siya ng mariin, tila ni-poproseso ang lahat ng nangyayari. Inabot ko ang braso niya at marahan na kumapit doon dahil sa pag susumamo!

"Bakit mo tinago? Sa pamilya ba ni mommy may ginawa ka rin? Ang sabi nila ay pati sa politika wala na silang paglalagyan? Damay damay iyon, Dos. Kung sila ay wala na, pati ang dati kong ama ay ga'non din? I want to know..."

"Please answer me... pagod na akong... mag-isip pa..."

Sumasakit na ang ulo ko sa pag iyak ay pag iisip. I want to shut down so hard!

"I didn't want you to worry." Panimula niya, pagod ang tinig.

He opened his eyes which were now bloodshot. Kahit pareho kaming nahihirapan ay ngayon, lakas loob na namin tinignan ang isa't isa, kumukuha ng lakas mula roon.

Sisipunin ako sa sobrang pag iyak pero hindi ako kumalas sa pag titigan namin.

"Hindi ko sinabi kasi simula noong nakita kita, gusto nalang kita protektahan. From my investigations till the day you finally told me everything, mas pinanghinaan ako ng loob na sabihin pa sayo ang mga ginagawa ko. Gusto ko sila pag bayarin sa lahat ng ginawa nila. You have so much on your plate, you're hurting even without your memories with them, kung pwede ko lang pawiin ang lahat ay gagawin ko rin pero ang tanging magagawa ko ay sirain ang lahat ng sumira sa'yo..."

My eyes remained on him, listening well so that I would understand. I want to understand so my pain would lessen!

I want to understand para hindi na ako magalit pa!

"I told you, I am not as forgiving as you, baby. I will not stop till they drop on their knees." Ang tinig niya ang may pag-sisisi pero nasisigurado kong hindi dahil sa mga nagawa niya kung hindi dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"Tama, wala na silang pangalan. Wala akong ginawang hindi legal, inilabas ko lamang ang mga baho nila. Sila ang mismong gumawa ng kasalanan, nilabas ko lang. I didn't know it was that deep and damaging dahil wala naman akong pakielam noon. They were involve in different illegal activities, prostitution, drugs, corruption, name it. I tipped someone with all the information I have and let the people decide if they want leaders like those monsters. Wala akong ginawang hindi nila sinimulan." Pag papaliwanag niya.

Napasinghap ako, hindi ako gulat sa impormasyon pero hindi ko inakalang iyon ang magiging dahilan ng pag bagsak nila. Tila dumaan sa ala-ala ko ang magagarbo, masasaya, matatag at matagumpay na imahe ng mga pamilya na kinalakihan ko noon. Those families were successful, they have Argao on their palm.

He inhaled and slightly kissed my cheek, it was as if he was easing my heart and the pain I am feeling with it.

"About your mother's family... yes. I have ruined him too. Hindi ko mapigilan. Galit na galit ako. I made sure his name will be at the top of the news—"

"How is mommy?" Maagap kong tanong.

I can't help but worry for her! Kung sira na ang pangalan ng asawa niya, paano na siya? Is she okay? Mahal siya ng asawa niya pero ngayong magulo at sira na ang mga pinaghirapan, baka anong mangyari.

"I am sure she's okay, I saw her last time... kasama siya ng asawa niyang dumadalo sa hearings. She looks healthy, if that is what you're worried about..."

Parang may natanggal na nakadagan sa puso ko. Kahit naman nagpapatuloy ako sa buhay ko, sa lilim ng puso ko ay nag aalala ako kay mommy. Alam kong ngayong wala na ako roon ay hindi na siya sasaktan ng asawa niya. He loved her, that's why he has been hurting me because he was hurting from the pain of being cheated on. I know that.

Sa kabila man 'non, gusto ko pa rin siya makita. Some days, I am worried that she might not be in a good situation, some days I worry that if I try to see her, baka naman masira ang magandang sitwasyon na meron siya.

At kahit pa ga'non ang mga naiisip, pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko siya pag kaya ko na at ang marinig na maayos siya ay nagpanatag sa akin.

Hinaplos ni Dos ang pisngi ko kahit na sumisiklab ang galit sa mga mata niya.

"Hindi pa tapos ang laban, that... animal... fights dirty, nag huhugas kamay, sinasabing ang dalawang kaibigan niya lamang ang may kasalanan at nadawit lang siya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang mapapayag ang pamilya ng mga kaibigan mo na suportahan ang alibi niyang 'yon. Marahil ay iniisip nila na kung makaligtas sa pagbagsak si Gallego ay maliligtas din sila. That's why I was asking Sky for help. He grew up in Argao and I trust him. We're digging for more evidence that could pin him."

Bumibigat ang bawat pag hinga ko sa lahat ng impormasyon. Gusto kong kumawala sa hawak niya at huminga muna pero alam kong sa kanya ko nakukuha ang natitirang lakas ko ngayon.

I need air but I need him too. Without his hold, I might have lost it kanina pa lang.

He slightly reach for my lips and subtly gave me a feathery kiss.

Hindi ko maintindhan noong una kung bakit niya ginawa 'yon sa gitna ng seryosong usapan pero nang maramdaman ang paggaan ng loob ko ay natanto kong para sa akin 'yon.

The negativity of the situation breaks me and he knows his kiss could soothe me.

"You should have told me, Dos..."

"But I didn't want to cause you more pain—"

"Ano itong nararamdaman ko kung gayon? If that is to protect me then why am I still hurting now? Makita ko pa lang sila ay nangangatog na ako sa takot, itago mo man 'to, hindi natin maiiwasan na hindi ko na sila makikita, paano ako makakapag handa kung wala akong kaalam-alam sa nangyayari?" Agap ko, mas kalmado na ngayon.

I reached for his fingers to slightly play with them.

Nakakatawang isipin na kahit na gaano kasakit itong pinag uusapan namin, being with each other helps me alot.

Kung hindi kaya si Dos itong kaharap ko ngayon, will I still feel the same contentment and comfortability?

Naisara niya ang kanyang bibig at napalunok.

"Kasi Dos... balik-baliktarin man natin ang mundo, sirain mo man sila ng sirain, mapaghiganti mo nga ako, I will still hurt because this is my problem. Kasali ako dito. This problem is mine to begin with."

A tear fell from his eye. Mabilis kong pinalis iyon at malungkot siyang tinignan.

"Dapat nga ay hindi ka nadadamay dito. Hindi mo ba naisip na malalaking tao ang kinakalaban mo? Yes, you are a Montgomery, you are very powerful, I get that. Pero sila? Wala silang konsensya. Paano nalang kung gantihan ka nila? Naisip mo ba ang pwede nilang gawin sa'yo?"

Nilukob ng takot ang puso ko sa sariling sinabi. Naiisip ko pa lang na masasaktan nila siya ay nag aaklas na ang puso ko. Naiisip ko pa lang na may gagawin silang ikapapamahak ni Dos ay parang sasaksakin ng ilang libong punyal ang puso ko.

Umiling siya. "I am not scared..."

"I am scared!" Tumaas ang boses ko sa inis sa pagiging kalmado niya!

Nag unahan muli ang mga luha ko! Nakakainis siya! Um-o-okay na kami! Kumalma na ako! Pero ito na naman siya! Was he born to stress me like this?!

Marahas ang aking pag hinga sa gigil sa narinig sa kanya.

"I am scared, Dos! My fears are not just for me! Natatakot ako para sa inyong lahat kasi mahal ko kayo. I love you so much that... I don't even want you near this problem. Each step you take closer to it... is an inch closer of a knife towards my heart." I tried to explain it the best way I can para maintindihan niya kung anong epekto nito sa akin!

Begging won't work on him, I know.

Humugot siya ng malalim na hininga at bigo akong tinignan.

To see him like this... is a dream most of the girls who liked and like him will pay for. To see him this vulnerable, open and giving, is my reward from all the pain I have been through.

He is the most right from all the right things that happened to me.

"What do you want me to do?"

Ang tinig niya ay tunog... kung hihiling akong pumitas siya ng bituin ay gagawin niya para sa akin.

It must have been true when he said he is at my mercy.

"I want you to stay out of this. Kami na nina daddy ang gagawa ng paraan dito. You've done so much already, we will take it from here. Magpalamig ka muna. As much as my mom's husband is the face of this case, you are at the opposite side, Dos. Hindi man nila alam sa ngayon ay 'wag na natin hintayin na malaman pa nila 'yon. You must stay away from this or else baka ano pa ang mangyari sa'yo, they will surely do everything to hurt you, desperate people can do so much... to save themselves..."

Natigil ako sa sinasabi nang matanto na mas naging determinado pa ang mata niya. Imbes na makita roon ang pag suko ay mas naging determinado pa ito!

His eyes were bloodshoot but it was more determined than ever! I have seen him so sure but this is the most sure I have seen him!

Inabot niya ang magkabilang hita ko at hinila iyon para makalapit ako sa kanya. Bahagya niyang binuka iyon na nagpahiya sa akin ng kaunti.

"D-dos!" Pag singhap ko!

Napatingin ako sa paligid, takot na may makakita sa amin kahit na alam kong napakaaga pa para magkatao.

"Dito t-talaga?!" Naguguluhan kong tanong habang lumilinga. "Nag-uusap pa tayo! At seryoso a-ang pinag uusapan!"

Napakalikot na ng mga mata ko, nag hahanap ng pwedeng rason para maalis sa isip niya ang gagawin!

"This is a p-public place! I-I can't do it here!"

He pulled me till I straddled him!

I yelped when I hovered him! Napakapit ako sa kanyang balikat para kumuha ng suporta! Nakahilig siya sa gilid ng cargo area at ako ay naka patong na sa kanya.

Tahip tahip ang kaba sa puso ko.

I can feel his hard on pressed on my most private part!

"Dos! Y-you!"

"I cannot stop myself from meddling, baby. Years ago, I tried to wait for you to tell me what was the problem. Kahit alam kong dapat nakielam na ako, naisip kong ikaw ang klase ng babae na gustong hinihintay at hindi pwedeng pakielaman agad. But if only I have known, sana nakielam na pala ako noon pa. Sana nagpa imbestiga na ako. Naisip ko... if only I have enough means to protect you before, hindi sana nangyari iyon sa'yo."

He reached for my neck and craned his to kiss me there. He took his time to mark his territory there again. Napasinghap nalamang ako sa handog niyang kiliti. Naipikit ko ang aking mga mata sa pagkawala sa sarili.

My breathing was heavy, my mind was in turmoil, and my heart was beating so crazy!

Mas dumiin ang matigas na bagay sa gitna ng kanyang hita sa pagkababae ko. Halos mapaliyad ako para lang mas mahalikan niya ako sa leeg! I pushed myself more towards him and I heard him grunted!

Parang sasabog ang utak ko nang marinig ang masarap niyang singhap!

His cotton shorts were offending! I suddenly want them gone!

I heavily breathed and before a moan could slip from my lips, tinakpan niya na ito gamit ang kanyang labi. My moans were muffled because of his kisses!

He attacked me hungrily! A little more frustrated and demanding now!

Hindi ako makuntento sa mga patagong halinghing ko, I want to shout my frustrations and feelings!

He sucked my lower lip before leaving it to talk again. Gusto ko mag protesta pero nilukob ako ng hiya! Kanina ay pinipigilan ko siya tapos ngayon ay mag po-protesta ako para sa halik niya?

Naiwan na nakabukas ang labi ko, pinipilit ko ang mga mata na bumukas dahil nanghina ako sa lahat ng nangyari.

I forced myself to meet his eyes. Tulad noon, he looked at me with so much desire and I am sure I was mirroring it.

"Please don't make me stay away. Hindi ako pwedeng hindi makielam ngayon. I understand your sentiments but what about mine? What about my want to protect you. Can we settle for something else? Like... I will help you instead of doing it my way. I will tell you everything so that you'll be informed. Let's talk more... let's compromise, please... baby..."

Dos Montgomery? Compromising?

"How can I not protect you when I am capable of doing that? Please... let's meet halfway," still pleading.

Paano niya nagagawang mag seryoso at mag focus na ganito ang ayos namin?

Parang nalililyo ako sa lahat ng nangyayari. Hindi makapag isip ng tama! Hindi ko alam saan titingin, sa mata niya o sa labi niya? Hindi ko alam anong uunahin, ang kagustuhan na magpatuloy o ang isipin ang sinabi niya?

Hindi tama ito! Kailangan ko maging malakas! I can't bend that fast!

"P-pag iisipan ko muna..." Hindi ako pwede mag desisyon ngayon!

I am not in the right state, I am not capable to make right and reasonable decisions.

Akala ko ay maiinis siya at pipilitin ako pero sumilay lang ang multong ngiti sa kanyang labi. Parang iyon ang hinihintay niya na mangyari all this time!

He kissed the tip of my nose before reaching for my lips again.

Umakyat ang kamay niya sa may likuran ko para mas maitulak ako palapit sa kanya.

My body was pressed against him. I can feel his body burning... not because of sickness... but because of the same reason I am burning.

I light and burn for him.

He stifled a smile amidst our kiss. "desperate people can do so much,"

He grazed his tongue on my lower tongue.

"I am desperate for you to agree to include me and let me help you, baby... I am sorry... no can do... can't stop myself from protecting and helping you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top