Kabanata 40

Hi Inspirados!

Valentine's day is around the corner, hope you had plans for yourself too! Selflove is important, whatever your status is! Hope you do something that makes your heart full!

Love, me.

Don't make me leave

"'Wag kang lumapit sabi!" Sigaw ko nang muli siyang humakbang.

He got scared... I know. Pero ayoko magpatibag.

"Baby... please let's talk..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talk? Ngayon maamo ka? Kanina halos singhalan mo ako at sugurin?"

"No, I just got really worried... I am sorry..."

I am sorry.

Dahil ba humingi siya ng tawad ay papatawarin ko na siya?

"Galit ako sayo!" Pag didiin ko na para bang may magagawa iyon para maintindihan niya yung nararamdaman ko.

This is frustrating me! Hindi ko alam paano i-hahandle ang ganitong emosyon ko. I never felt so... mad.

"I know..." he looked more failed.

"I know, galit ka, I understand, we will talk and settle it... please let me touch you..."

Muli niya akong inabot pero muli ko lamang siya tinabig. Muling dumaan ang sakit sa mata niya.

"Sabing galit ako sa'yo!" I want to stomp my foot to make a point pero nanghihina ang tuhod ko.

Tinaas ko ang kanang kamay ko para sabihin na wag siyang gagalit.

"I am mad, Dos." Bakit nagiging tunog sumbong iyon kaysa sumbat.

"I understand, you are mad, but please..."

He tried to desperately reach for me again pero buong lakas ko siyang tinulak sa dibdib. This brute did not even budge! Pain was evident on his expression after I pushed him. Bakas sa pagod niyang mga mata ang sakit na nararamdaman.

He gulped.

"Don't touch me! Hindi... hindi mo ako pwede hawakan! Hindi ako pwede bumigay dahil sa hawak mo lang!"

Umirap ako sa kanya at pinilit ang sarili huminga ng malalim para mapakalma ang sarili.

"Baby... can we talk about this?" His voice was soft and comforting, winawaksi ang galit sa puso ko.

Umiling ako. "Dos. Galit ako ngayon. This is my first time feeling this. I will be honest, hindi ko 'to alam hawakan. Mag aaway lang tayo kung kakausapin mo ako ngayon. Mag usap na lang tayo sa ibang araw."

I gathered all my strength and sanity to be able to say that to him without lashing out.

Sa mukha pa lang niya ay alam ko ng hindi siya payag. Sa mga panahon na nakasama ko siya at nakilala ko siya ulit, he is confrontational and I know he wouldn't let this through, tatapusin niya ang mga bagay ngayon at ngayon din.

That's why he is so good in business.

Pero not this time. Hindi sa akin.

"No... kahit galit ka, ayos lang sa akin kung awayin mo ako. Fight with me, baby... just don't leave without us fixing this. Hindi ko kaya matulog ng hindi tayo okay. Hmm? Please. Pour everything to me, all your anger and frustrations, I am openly accepting everything, I am at your mercy, baby. Please." Punong puno ng pag susumamo ang kanyang boses.

Shit.

Bakit nabaliktad. Napasapo ako sa mukha ko at hinayaan kumawala ang lahat ng frustrations ko sa mga luha ko. Pagod na pagod ako ngayong araw.

Sa lahat ng emosyon at luhang nilabas ko, sobrang pagod ako.

Kahit pag hinga ko ay sobrang pagod sa bigat ng nararamdaman.

Umiling ako. "Sobrang pagod na ako, Dos. I can't do this with you tonight... please... respect this."

My voice broke and I felt him reached for me to hug me. This time, wala na akong lakas para harangin pa iyon, I cried on his embrace, remembering everything that has happened today.

My friends. The way they insulted my mom. The way they openly admitted their betrayal. Their words. They were not even sorry. The way they blamed everything on me.

Pagod na pagod ako.

Gusto ko na naman bumalik sa dating pag iisip na... baka kasalanan ko nga?

Everyone will be at peace if I didn't survive.

Ang mga kaibigan ko. Ang pamilya nila. Si mommy. Ang asawa niya. Lahat ng taong nasa nakaraan ko.

Walang masisira kung wala rin ako.

Pero hindi, hindi ako pwede bumalik doon kasi paano ang pamilya ko ngayon? They have done so much for me to move forward, to change the way I think, so that I will be easier on myself, to not blame myself... to accept myself.

I am choosing my family over any negativity from my past.

Pero nakakapagod piliin 'yon kasi masakit para sa akin na tanggapin na ang mga taong minahal ko pa noon ang magpapagiba ng lahat ng pinagpaguran ko para sa sarili ko.

And him hiding this from me? Gusto ko ma-appreciate pero nasasaktan ako.

May amnesia na nga ako, kapiraso na nga lang ang naaalala ko, pag lilihiman pa ako?

Paano nalang 'yon?

Paano ko haharapin ang mga dapat kong pag handaan kung ito pa lang, presensya pa lang nila rito ay itatago na sa akin?

And he ruined their lives? How? On what grounds? On what extent? Was it done righteously? Paano niya sila nasira? On what means did he ruin them?

Kahit ganito... I want to do this the right way.

I want to know everything too... pero nagawa na niya lahat iyon ng walang sinasabi sa akin. May iba pa ba siyang tinatago? Ano pa? Sasabihin niya pa ba iyon?

Sasabog na ang utak ko sa dami ng kailangan isipin!

Paano kung mapahamak din siya? My mom's husband... won't let this go. Matibay ang pagkakaibigan na meron siya sa pamilya nina Arlie at Nica, damay-damay na ito. I am sure of that.

I felt his embrace tighten. Hindi ko siya hinawakan, hinayaan ko lamang siya na lukubin ako at itago ako habang umiiyak.

"I am sorry..." bulong niya. "Shush baby, I am so sorry."

I felt him repeatedly kissing my temple.

I broke down more because of that.

I will talk to him, alam ko iyon, hindi lang ngayon. Masyado ko siyang mahal para hindi pakinggan. Hindi ko man alam hawakan ang galit ko, gusto ko pa rin matutunan 'yon, para sa sarili ko at para sa lahat ng taong mahal ko, and that includes him.

"I am sorry for my reaction. I am sorry for letting my anger take over because I was worried. I was wrong. I shouldn't have done that. I am so sorry, baby. I will try to do better. I will learn to be better. Please... don't give up on me..." He begged.

Bakas sa boses niya ang takot sa kahit ano man na pwede ko sabihin.

We both have things to learn. Pero hindi mareresolba ito kung pareho kaming mataas ang emosyon. Not in my case, hindi ko kaya ngayon.

Kinurot ang puso ko. His hug is demanding and persuading. Gusto ko nalamang umakap sa kanya. Kung iba ang pagkakataon, baka sa kanya ako tumatakbo ngayon, baka sakanya ko binubuhos ang lahat ng nangyari.

Pero gusto ko itong sarilihin ngayon.

"Mag usap nalang tayo sa susunod, Dos. You should go home too. Pagod ka rin sa trabaho panigurado."

"B-but..."

"Kakausapin kita, pangako. Hindi ko lang kaya ngayon. Sobrang dami nangyari. At nararamdaman ko pa lahat. Let me cool down for a bit." My voice marked finality.

He sighed and loosened his embrace to look at my face.

His eyes were brimming with tears but he managed them. Habang ako ay mukhang basang sisiw sa lahat ng iniyak.

Pagod niya akong tinignan at marahan nginitian. Inabot niya ang mukha ko at tinulungan ako punasan ang mga luha ko. Hinayaan ko lang siya gawin iyon habang unti-unting nababawasan ang mahihinang hikbi ko.

"You cried so much..." bigo niyang sabi.

Napaka unfair talaga! Sa kanya nag tatampo ang puso ko pero sa kanya rin gusto magpa-aro nito ngayong gabi.

I bit my quivering lower lip.

I am so tempted to run to him but I want to learn this myself. Hindi siya lagi nasa tabi ko para matulungan niya. I have to learn things myself, including how to deal with my emotions because these are mine.

"I want to go home." Mahina kong sabi.

"Let me take you home."

Umiling ako. "Nandyan ang driver namin. Okay lang."

"Then let me walk you there."

Nanatili lamang akong nakaiwas ang tingin sa kanya, iniisip kung papayag ba ako.

"Please, kahit ito lang." Napaka malumanay ng boses niya.

Tipid akong tumango.

Napabuntong hininga siya.

Humakbang ako pero muling nanglambot ang mga tuhod ko.

What?! Now?! Ngayon pa?!

I tried stepping them again but all the pain and exhaustion melted them.

Argh.

Talagang ngayon pa? Sa harap niya pa?

I must look strong and firm! Hindi ganitong nanghihina.

"Can I carry you?" Mahina niyang tanong.

"H-huh? Hindi na. Kaya ko."

"Pero si Clyde ayos lang? I heard you couldn't walk a while ago that he had to carry you to your car." His voice wasn't angry, tunog tampo pa ito kung tutuusin.

Napabaling ako sa kanya ng tingin. "Hah? Paano mo nalaman iyon? Pati iyon na kwento ni Clyde?"

"He atleast had to tell me in detail how you left the restaurant to assure me that you were safe."

Inabot niya ang takas na buhok ko at nilagay iyon sa likuran ng tainga ko.

Nanglambot ang puso ko dahil doon.

"Mas pinagkakatiwalaan mo na ba siya kaysa sa akin?" His voice filled with fear was back.

"Hindi, Dos. Pagod lang talaga ako ngayon at... alam kong bibigay lang ako sa'yo pag hinayaan kong mapalapit ka sa akin ngayon. Your touch is enough to make me forget the pain of yesterday, what more the anger I have now? And that might sound appealing even to me, I want to acknowledge my feelings right now. I want to absorb and learn from them. So that I could do better next time." Paliwanag ko sa kanya para mabura na ang pag tatampo niya.

He clenched his jaw and sighed. Mariin siyang napapikit at inabot ang noo ko para mahalikan. I closed my eyes to feel his kiss too.

"I am sorry. I respect this. I will talk to you tomorrow."

Tumango ako, although birthday ko na bukas, maybe after the party, I can talk to him.

"Can I carry you now?"

This time, I nodded.

Maingat niya akong pinangko at binuhat. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanyang katawan at hinilig ang ulo ko para itago ang sarili sa lahat ng taong madadaanan namin. I wrapped my arms around him and nuzzled my face on his chest.

He smelled so good. I smelled liquor for sure.

I faintly smiled as I hugged him.

I hope our talk tomorrow can bring light to me.

"Sir Dos, ako na po."

Binuksan ng driver ang pintuan sa backseat at tumabi para maipasok ako ni Dos sa loob. He helped me get inside and settled me there. Sinuot niya ang seatbelt sa akin at nanatili roon para tignan ako ng ilang segundo.

"Goodnight. Can I still call later?" He sounded so hopeful.

"Matutulog na ako kauwi ko."

"It's okay. We can leave it open, I just want to make sure you will be able to sleep properly."

Kung may tubig na kaya pumatay sa apoy na lumulukob sa puso ko ay siya na iyon.

Nilakasan ko ang loob ko at pinakatignan siya. Wala na sa ayos ang buhok niya at lukot na rin ang damit niya dulot ng pagkapit ko sa kanya kaninang binuhat niya ako.

"Pahinga ka..." mahina kong sabi.

"Goodnight." Muli niyang sabi at lumapit para hagkan ako muli sa noo.

Pumikit lamang ako at kumaway nang makalayo siya. Sinara na ng driver ang pinto kaya napabuntong hininga ako.

Tumabi siya para makaalis ang sasakyan namin. Hindi ko na siya nilingon at pumikit nalamang hanggang sa makauwi ako.

Kinausap ko lamang si mama sandali na bukas ko na sila kakausapin, lalo na at wala pa sina daddy. Kahit nag aalala ay nirespeto niya iyon at tinulungan nalang ako mag handa sa pag tulog.

Ginawan niya ako ng mainit na gatas at inayos ang kama ko para mas maging komportable ako sa pag tulog. She kissed my forehead before leaving my room. Siya na raw ang bahala kina daddy na ipinagpasalamat ko naman.

Ayoko sila masyado mag alala. Maayos naman ang lahat. Kailangan ko lang talaga mag pahinga ngayong gabi. Bukas ko na haharapin ang kahapon.

Tumawag si Dos bago ako makatulog kaya sinagot ko ito. Ang ilaw ko sa side table nalamang ang nakabukas at ni-pwesto ko ang cellphone ko roon para makita ng maayos ang pag tulog ko.

This could assure him I am okay.

He showed up, sitting on his bed, wearing a white shirt and black shorts. Naka hilig siya sa headboard habang nag titipa.

Bagong ligo na at mukhang mag ta-trabaho pa rin dahil may hawak siyang laptop.

"Hindi ka pa matutulog?" My weak voice asked.

"May kaunting emails lang ako na kailangan sagutin. Please sleep, baby. You should rest." He sweetly said.

Kung ganito sa bawat araw na may kakaharapin akong mabigat at sa dulo siya pa rin ang kasama ko, I might really survive anything.

He is really my light at the end.

"I will sleep now, I am sleepy. Night."

He weakly smiled and waited for me to close my eyes and I did.

I woke up because of a knock on my door. Napatingin ako sa orasan at nakitang four o'clock palang ng umaga.

"Lil sis?"

Napaangat ako ng tingin at nakita si Ate Vida na nakadungaw doon.

She warmly smiled and opened the door wide to enter my room.

"Hindi ko pa alam ang nangyari kahapon pero it is your day so we should talk about it later. For now... you have a visitor."

"Sino, ate?"

"Your Montgomery." Nangingiti niyang sabi.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Ang sabi ko mag uusap kami pero hindi ngayong umaga! At ganito kaaga?!

Parang pinag bigyan niya lang ako na ipagpabukas pero makikipag usap din pala ng ganitong oras?

"Argh. Wait ate. Wala to sa usapan. I'll talk to him first."

Tinungo ko muna ang banyo para makapag hilamos at toothbrush. Wala na akong nilagay na kung ano man sa mukha ko dahil papaalisin ko rin siya!

"Napagpaalam ka na pala niya." Imporma ni ate habang nagpupunas ako ng mukha.

"Hah? Paano? Gising na sina daddy?"

She looked at me sheepishly and chuckled like a teasing cat!

"Kagabi pa yan dito. Pumunta around ten o'clock pm? Tulog ka na 'non. Nag usap sila nina daddy, medyo matagal. Pinagpaalam ka niya, binigyan lang siya ng four hours kasi gusto ka makasama nina daddy at makausap din tungkol kahapon."

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Ten o'clock?! Really, Dos?! Talagang hindi mapag pabukas?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa kanya! Nanumbalik ang bigat ng nararamdaman ko simula kahapon, pero this time, mas milya milya pa ang layo at takbo 'non dahil sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"S-saan siya natulog?" Please tell me he slept sa guest room!

"Sa guestroom sana pero tumanggi siya eh. Gusto raw niya respetuhin yung space na hiningi mo. He slept inside his car... although pinarada naman 'yon sa loob ng garage. Don't worry." Ani Ate na may halong pag tutukso pa rin.

Umupo na siya sa kama ko at nangingisi habang tinataasan ako ng dalawang kilay.

Hindi ko magawang matuwa. Mapapasabunot nalang ata ako sa buhok ko sa sobrang frustration!

Dos!

"Argh. I will talk to him!" Lagot ka sa akin ngayon!

Mula sa pag ngisi ay kumawala na ang halakhak ni Ate Vida. Dinig na dinig ito sa buong kwarto ko pero tumalikod na ako para lumabas doon.

"You are in your jammies, Vic!"

"Babalik din ako, I will talk to him!"

Kumaripas na ako ng takbo pababa ng hadgan. Narinig ko ang mabibilis na yapak ni Ate Vida na sumusunod sa akin.

"Aysus. When you see him, pupusta ako, sasama ka rin! Ingat kayo ha! Wear a jacket or something!" Nagawa niya pang ipahabol, stopping her tracks just behind me before I finally got out the main door.

"Happy Birthday, lil sis!" Huling sigaw niya bago ako nawala sa paningin niya.

Agad kong nilapitan ang Raptor ni Dos at kahit alam ko na ang madadatnan doon ay napasinghap pa rin nang makitang nakaupo siya sa driver's seat, nakapikit at tila nilalamig pa dahil nakabukas ang bintana!

He was slightly shivering which made me touch his exposed cheek.

He flinched a bit.

The fire inside me flickered and my heart softened.

Dos Montgomery, what will I do with you?

My lower lip quivered and slightly shook his shoulder.

"D-dos..." I called out to him.

Para akong batang maiiyak sa kanya!

He is making me feel so many emotions. Paano nagkalat ng ganito ang nararamdaman ko?

I am not like this. I reserved. Composed. Pero pag dating sa kanya ay lagi akong sumasabog.

"D-dos... wake up... magkakasakit ka niyan 'eh..." nahihirapan kong sabi, pinipigilan ang pag-iyak habang ginigising siya.

Lilipat sana ako sa passenger seat para mas malapitan siya dahil nakatapat lang ako sa gawi ng driver's seat nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakahawak sa balikat niya.

"H-hey..." He weakly smiled as he opened his eyes.

"Nice seeing you in the morning, baby." Malambing niyang sabi.

Napasimangot ako at parang maiiyak ulit! Ang nipis ng suot niya! Cotton shirt lang iyon!

Magulo ng kaunti ang buhok niya at namumula ang pisngi, marahil sa lamig!

"Nice seeing?! Anong ginagawa mo rito! Diba sabi ko—"

"I kept my word. Sabi ko we will talk tomorrow. Right now is tomorrow..." His voice was hopeful!

"W-what? But! It's four o'clock in the morning! At bakit ka rito natulog? Wala ka man kumot?! Paano kung magkasakit ka? Paano kung lamukin ka? Nag iisip ka ba?! You're such a headache, Dos. Lagi mo nalang ako pinag-iisip, hindi mo ba naisip na pwede naman tayo magkita mamaya o hindi kaya—"

Everything I was about to say vanished when he leaned for a swift soft light feather kiss.

Nagtaas baba ng kaunti ang dibdib ko sa pagod dahil sa dami ng sinabi.

The cold air of the morning embraced us both but the warmth of his lips lingered on me which was enough to melt the coldness I was feeling.

Hindi nag tagal ang halik niya ngayon, compared to all his kisses before, napakabilis lang ng halik niya ngayon, mababaw, pero... kahit ga'non ay nanunuot.

He smiled when our lips seperated.

His smile was subtle and gentle.

"I can't do that, Vic. I know you are mad and I want to respect that. If you don't want to talk, atleast let's have breakfast together? I... I want to be part of your day. It is your special day but you are mad at me. What do you expect me to do? Stay at home? Paano iyon? Hindi ko alam ang gagawin ko. Tell me... but I beg you baby, don't make me leave... please?"

A tear fell from my eye. I hate this! I am such a mess! I am such a crybaby these days! My feelings for him is not helping at all!

"M-mag... jacket ka muna... please," bigong bigo kong sabi, pinipigilan ang hikbi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top