Kabanata 39

Hi Inspirados!

Gagalet muna tayo today. Hoping for a good long weekend para sa inyong lahat!

Lashed out

"After ruining our lives? Buhay ka pa?" Her tone reflected so much mockery.

Napaawang ang labi ko at napahawak sa leeg ko. Nahihirapan akong huminga... kailangan ko makaalis pero ang mga binti ko ay hindi makagalaw. Kaunti nalang ay bibigay ang mga iyon.

"Nica. Stop. Hindi natin to kaya." Ani Arlie, ang kanya ay puno naman ng takot.

Magkaibang-magkaiba sila ng pinapakitang emosyon at hindi ko 'to inaakala. In my dreams, Arlie was the aggressive one... ngayon parang iba.

"Alam mo ba kung bakit kami nandito? Para humingi ng paumanhin kay Dos! Pero kahit anong pilit namin, ayaw niya! I am so mad at you! Because that person ruined our lives! The Montgomerys ruined our families' lives! Walang wala na kami, Victoria! Kahit sa pulitika ay nabura kami!" Nica lashed out to me.

Natigalgal ako sa sinabi niya. Dos? Dos knew? He knew they were here... he knew... even after I told him that night... what I feel about them... hindi niya sinabi?

Napayuko ako, grasping for air. Pinilig ko ang ulo ko. My hands were trembling already, hindi ko sila kaya makita. Hindi...

Pilit pumapasok sa isip ko ang mga naalala ko kasama sila. Our laughters, our moments together, studying, playing, growing up together... hindi ko maalala lahat pero sapat ang ala-ala ko para masabi na kasabay ko sila lumaki.

And now...

"Ano? Aalis ka? Kung hindi pa sinabi sa akin ng mga kaibigan mo na balak mong mag maynila, hindi ko pa malalaman na balak mo akong takasan!"

"Lahat iyon ginawa nila! Para saan? Para sa'yo?! Para lang sa'yo?!"

Napaluhod ako sa pag sigaw niya. Tinakpan ko ang tenga ko, pilit iniiwas ang sarili marinig ang boses niya. Parang tatakbo ang puso ko sa kaba at takot.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang sinasabi niya ngayon, ang nanlilisik niyang mga mata, ang pag duro niya sa akin, ang boses sa tainga ko, ang sakit na nararamdaman ng tuhod ko buhat ang peklat ng nakaraan ko o ang hirap kong pag hinga?

So I went back for you! Hinanap kita... kahit sa bahay niyo. Pero ang sabi nila ay sumama ka na sa mga Montreal! I didn't believe that of course. Masyado kitang mahal para paniwalaan na iniwan mo ako. Pinuntahan ko ang mga kaibigan mo pero 'yon din ang sinabi nila!

Minsan na nila ako nasira.

Ano? Ano pa ang kaya nila gawin sa akin?

Tinukod ko ang kamay ko sa sahig para suportahan ang sarili ko. Nginig na nginig ang kamay ko, nag sisimula ng maipon ang nag babadyang luha sa mga mata ko pero pilit ko iyon pinipigilan. Ayoko umiyak sa harapan nila.

Hindi ako iiyak. Hindi nila ako makikitang umiyak.

"Sino ka ba ha?!" Naramdaman ko ang pag tulak sa kabilang balikat ko na naging dahilan ng pagka tumba ko.

"Sino ka ba para gawan nila ng ga'non?!" She nudged me again.

You don't have to be sorry for that, anak. Everything you are feeling is valid. Sinasabi ko 'to sayo kasi gusto ko makita mo na hindi ka mag isa sa laban na 'to. As you help and prepare yourself, I want you to see that I am prepared. Matagal na, anak. Daddy is prepared for what is about to come.

"Ni wala akong mapasukang trabaho, Victoria! Dahil ano? Dahil takot ang mga ina-applyan ko makalaban ang mga Montgomery! Siguro sinulsulan mo sila 'no?! Sinabi mong gantihan kami? My gosh, Vic! Grow up! Ang ba-bata pa natin noong nangyari 'yon! Kasalanan na ba namin na sinabi namin ang plano mo sa tatay mo? It is just right to obey our parents! Lalo ka na, utang na loob mo ang buhay mo kay Tito Ceasar! Kinupkop ka niya sa kabila ng lahat!"

My heart crumbled when I heard his name. Ceasar... the monster behind everything...

Kinupkop? Should I be thankful for that?

Inabot niya ang baba ko para patingalain sa kanya. Umaagos ang luha sa kanyang mga mata pero dilim na dilim iyon sa galit. Unti-unti ng nawawala ang takot sa puso ko. Napapalitan iyon ng galit at sakit sa lahat ng nangyari.

"Ganyan ka naman noon pa 'eh? Pa-perfect ka! Laging ikaw ang magaling! Laging ikaw ang maganda! You are the perfect daughter of the Gallegos! Nobody knew that you're just a little dirty secret!"

"...that you are powerful as you are, anak. Hindi mo kailangan ng apilyido ng kahit sino para maramdaman 'yon sa loob mo. That is just a bonus. Pero ikaw? You are already one of the most powerful woman I know. You've come so far. You learned how to write, walk, live, and deal with people... all over again despite your bruises and injuries, physically, mentally and emotionally. You have taken the world so kindly even though it betrayed before. You are strong. I hope you can see that."

Memories of me struggling to walk, write and eat... flowed inside my head. Memories of me accepting all the beatings came with it.

Napahawak ang kamay ko sa isang tuhod ko, kung saan araw-araw pinapaalala sa akin na hindi na ako makakasayaw ulit.

Wala silang alam sa lahat ng pinagdaanan ko. Wala. Kaya anong karapatan nilang ganituhin ako?

Dirty little secret? Am I just only that...

I am not...

My family now planted well to me... na hindi lang ako ga'non para sa kanila.

I never tried to go back, nananahimik ako rito, pero sila ang lumapit! Sila ang pumunta rito! I never demanded an explanation! Not even a 'sorry' pero ito?

Huminga ako ng malalim, tila nawawaksi ang takot sa loob ko.

Mariin akong pumikit sa pag titimpi.

"Nica tama na yan." Arlie tried stopping her pero sobra ang galit ni Nica sa akin para tumigil.

"Eh anak ka lang naman sa labas?!"

That's it.

Marahas kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at tinabig iyon palayo sa akin. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ko pero kaya ko na iyon hawakan.

Kahit nanghihina ay tumayo ako at hinarap sila. This time, my chin was high enough to show them I am not afraid, that they are wrong to even bother me, that... I am not Victoria Cassandra Gallego anymore.

I saw Arlie got more scared but Nica was just livid.

"Wala kang alam, Nica. Wala kang alam sa lahat ng nangyari. At wala akong balak sabihin ang mga iyon sayo dahil hindi ko 'yon responsibilidad. Anong karapatan mong saktan ako habang wala ka naman talagang alam? Hindi ka talaga matatanggap sa trabaho kung ganyan ka, so incompetent, lousy and pure shit, so bakit mo i-sisisi sa akin 'yon?" I tried to say everything without shouting.

I want to deliver myself as calm kahit na tahip tahip ang hinanakit sa puso ko. Hindi nila deserve ang kahit ano mula sa akin. I want them to hear my words clearly, with emphasis so that it would resonate.

My words were firm, hard and strong.

Pero hindi siya natinag, nakipag sukatan siya ng tingin sa akin.

"Hindi ko kailangan malaman pa ang lahat, it is enough that your mother is a one heck of a flirt and a mistress—"

Isang sampal ang lumagapak sa pisngi niya. Hindi ko na napigilan ang kamay ko nang marinig ang mommy ko mula sa kanya. My eyes were stinging with pain, tears and anger!

Damang dama ko ang galit sa puso ko!

Anong karapatan niya?!

Ang mommy ko? Anong karapatan nila pag salitaan ang mommy ko!

"Don't you fucking. go. there. Nica. Hindi mo magugustuhan. I am being nice here. Hindi mo na ako kilala. I will not think a second to prove why you shouldn't fight me, and I don't even need the Montgomerys. to. do. that."

Hindi ko inakalang kaya kong magalit ng ganito, basta ang alam ko lang ay hinding hindi ko hahayaan na pag salitaan ng ganito ang mommy ko! She was the only thing who kept me sane in that hell hole! She protected me sa paraang kaya niya, at hinding hindi ko iyon makakalimutan.

Nobody can speak ill of her. I will not let anyone speak that way towards her, lalo na sa harapan ko.

My breathing was already unsteady. Hindi ko na sila halos makita sa panlalabo ng mga mata ko. Aninag ko nalamang na gulat na gulat si Arlie habang galit na galit si Nica na nakahawak sa kanyang pisngi.

"I am. Victoria Cassandra Madrigal. Tandaan mo 'yan. Nobody messes with me." I said through gritted teeth.

Humakbang pa ako palapit sa kanya at tinignan siya ng matalim.

"Try. Try, Nica. Mess with me. You'll regret coming here. You'll realize that you should have just stayed in Argao. 'Wag mo akong sisihin sa pagiging incompetent mo."

Nilagpasan ko sila at lumakad palayo. Nangatog ang mga binti ko habang palayo ako ng palayo. Tila nalusaw ang lahat ng tapang ko, unti-unting tumulo ang mga luha ko at nanuot ang sakit sa puso ko.

I have loved them. I am sure of that.

Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi.

Sobrang sakit.

Minahal ko sila ng totoo.

This hurts.

"Vic!"

Halos masubsob ako sa sahig nang mabuksan ko ang main door ng Evergarden. Dinaluhan ako ni Clyde at tinayo ng maayos. Napahawak ako sa braso niya bilang suporta.

"What happened? Are you okay?" Tanong ni Carl sa malamig na tono pero dinig ko pa rin ang pag aalala roon.

Umiling ako.

Nag-angat ako ng tingin at bakas ang gulat sa mga mukha nila.

"C-clyde... I can't..."

Napasinghap ako at napayuko muli.

"I am sorry... I can't attend the meeting. Ipapadala ko ang designs today, and I will reschedule... I am sorry..."

I whimpered and cried more as I feel my knee hurt.

"It's okay. Let's do this some other time. Do you need anything?" Tanong ni Carl Montgomery.

I never heard him this concerned before, lagi lang siyang malamig at seryoso.

"I will call Dos!" Maagap na sabi ni Clyde at sinubukan kunin ang cellphone sa bulsa gamit ang libreng kamay na hindi nakahawak sa akin.

"N-no! Please no..." umiling ako.

Hindi ko alam pero may pagtatampo akong nararamdaman at ayoko muna siya makita. Pakiramdam ko ay mas magagalit lang ako at ayoko makita niya akong ganito.

I have to clear my head for now.

Hindi pa ako nagalit ng ganito. Hindi ko alam kung paano ako magalit. I might hurt him by my words. I don't want that.

"Why? Are you sure? Mag aalala 'yon. Pinipilit nga ako nung gago na payagan siya sumama ngayon."

Umiling ako. "Please no... I don't want..." I bit my lower lip as I try to stand up properly.

Ang sakit tuhod ko. Lahat ng sakit ay nakadirekta roon.

"Can you walk me to my car? Sa dulo kami naka-park..." Pakiusap ko.

"I'll get our car, ihatid mo na muna siya." Ani Carl Montgomery.

"Sige kuya."

Tinulungan ako ni Clyde mag lakad pero mas nanghina pa ang mga paa ko. Halos hindi ko sila maapak kaya naman pinangko niya ako at binuhat para makarating kami agad sa may sasakyan.

Hindi tumigil ang mga luha ko. Umiyak ako sa bisig niya hanggang sa mabilis kaming lapitan ng driver at sinabihan niya ito na pag buksan ako ng pintuan.

Inupo niya ako roon at tinulungan masuot ang seatbelt ko. Kunot noo niya akong tinignan kaya umiwas lang ako ng tingin.

"Malalaman din to ni Dos kahit hindi ko sabihin, Vic. He'll flip out for sure. You have no idea how... he is... when it comes to you." Huminga siyang malalim. "You look so... ano bang nangyari?"

Umiling ako. "Thank you, Clyde. I owe you one." Pagsasara ko sa usapan.

"Tara na po." Pag anyaya ko sa driver.

Walang nagawa si Clyde kung hindi isara ang pintuan sa gilid ko.

Sinara ko nalamang ang mga mata ko para maibsan ang sakit.

"Saan po tayo, Ms. Victoria? Sa bahay na po ba?"

I don't want to go home yet... kailangan ko muna kumalma.

They will really get worried if they see me like this. I know I can share the pain with them but this time, I want to take this all in.

My anger will take me no where.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

Baby

Pinatay ko iyon at sinara ang cellphone ko.

Not now Dos. You wouldn't want me to lash out.

"Sa heavensent po, kuya."

Saan ba nila hindi maiisip na pupunta ako? Sa bar. It is unlike me and nobody will think I will be there, kahit pa ang pamilya ko,
siguradong sigurado ako.

"Kuya, pag nag text sina daddy, sabihin niyo na may inaasikaso lang ako para sa school."

I bit my lower lip, talagang pinag sinungaling ko pa ang driver namin?

Damn, Victoria. Ganito pala ako magalit.

I can hide and nobody will ever find me.

"Basta Ms. Victoria, uwi rin po tayo agad ha? Hindi ko po kayo iiwan. Sa labas lang po ako ng bar."

Marahan akong ngumiti at tumango.

Bumyahe na kami at nang marating namin ang bar ay narealize kong sarado nga ito dahil hapon pa lang! May apat na oras pa bago ito mag bukas!

"Kuya? Hindi po ba pwedeng pumasok na? Mag babayad na ako promise." I plead the guard.

Wala na akong mapupuntahan.

"Miss sorry, nag aayos pa po sila sa loob at wala pang drinks na mai-seserve. Balik nalang po kayo mamayang mag alas-kwatro."

Napabuntong hininga ako at sumimangot.

Dahil ba hindi naka pang bar ang suot ko kaya hindi gumagana ang charm ko? I am wearing a fitted maroon off-shoulder dress. Hindi ito maikli at abot hanggang tuhod ang haba nito.

Siguro ay dapat naka mini skirt ako? Para papasukin ako rito?

"Sige na papasukin na yan."

Napaayos ako ng tayo ng makarinig ng boses.

"Sir Gab! Pero..."

"It's okay. I got this. Taw won't mind."

Napalingon ako at tumambad sa harapan ko ang isang lalaki. He has a tall built. May pagka bulky din ang katawan niya, sakto lamang. His body shouts sports, yung tipong muscles na galing sa sports hindi sa gym.

Hindi gaanong nakaayos ang buhok niya, naka t-shirt lamang at cotton shorts. He is... good looking. How do I describe this... as Ate Vida classify such look... mukhang fuck boy na nag tatago sa maamong mukha.

He smirked. "Done eye raping me?"

Napasimangot ako at napairap.

"I am Gabriel Wyatt Marquez. Gab for short. I know you, you're a friend of Taw right?"

Umiling lamang ako.

"Really? Binangga niya ang anak ng politiko tapos hindi ka niya kaibigan?"

Ang tsismoso naman nito.

"Hoy Gabo! Mag g-gym ba tayo o ano? Nakikipag landian ka na naman diyan!"

May babaeng lumapit sa amin na pareho niyang naka t-shirt at shorts lamang. Mukhang tatakbo sila sa marathon sa gayak nila. Maputi ang babae at maganda ang mga mata. Walang ka-kolorete sa mukha pero namumula ang pisngi sa init ng araw.

Natawa ang lalaki at inakbayan ito.

"Selos ka no? Kaw naman! Tinulungan ko lang tong kaibigan ni Taw. Tara na nga!"

Tinulak siya nung babae pero hindi siya natinag.

"Selos? Mangarap ka Marquez!"

The girl is I think 5'3 in height, she looks cute with her cat eyes. Ang lalaki naman ay 6'1?

Tumawa lamang ito at mas nilapit pa ang babae sa katawan niya.

"Kaw naman Zobel, dragon ka na naman, let's go! Pakakainin nalang kita mamaya."

Bumaling sa akin ang lalaki at tinanguan ako.

"Don't drink too much, baka may mag away na naman dahil sa'yo. We don't want that kind of fight, do we?"

Bahagya akong nahiya dahil doon. Parang ang pangit ng dating 'non? Na ako ang dahilan ng away.

"T-thank—"

Hindi na niya ako hinintay na mag salita pa at hinila nalang ang babae at nag simula na sila mag lakad palayo. Halatang nag aasaran pa rin dahil pilit siyang tinutulak nung babae habang hinahabol niya naman ito para yakapin.

"Miss. Pasok na po. Nasabihan ko na po ang mga staff sa loob."

Tinanguan ko ang guard at nagpasalamat ako.

Pumasok ako at pinaupo nila ako sa dulong sofa sa second floor. Kinuhanan nila ako ng order at ewan ko ba, nagkalakas ako ng loob um-order ng bacardi ngayon. Alam kong hindi ko iyon kaya pero hindi naman ako iinom ng sobra.

I just want to have some... freedom today. From my thoughts, my past, my anger, my pain... lahat. I just want myself for today.

Without the chains behind me, I want myself.

Uminom ako ng konti-konti. Nag order din ako ng pagkain tulad ng pizza, fries at tacos. I am still responsible, hindi magandang uminom ng walang laman ang tyan. I took my time in eating and drinking, walang inisip na iba kung hindi ang gagawin mamayang kauwi at bukas na birthday ko.

I didn't even bother thinking about Arlie and Nica. Gusto ko sila isipin kapag okay na ang emosyon ko. Ayoko maging impulsive. Iisipin ko din sila alam ko, hindi ko 'yon matatakasan, hindi lang talaga ngayon.

Hindi ngayong galit ako at hindi ko alam ang gagawin sa galit ko.

Mabilis ang naging takbo ng oras. Slowly the bar was filled with people. Iba-iba, may galing sa trabaho, sa eskwelahan... sa bahay?

Pinanood ko lamang ang lahat mula sa second floor.

I wondered about the lives of these people.

Kung ako, napakarami kong dapat isipin at problemahin, sila kaya? I am sure may kanya-kanyang pasanin din sila.

Ano kayang mga kwento nila? Are they coping up well? Are they here to have fun or are they here to forget?

Or maybe like me? They are here to hide?

Nang mag simula na ang musika ay naisipan kong bumaba na at makisayaw. The people in the dance floor are not that wild, mamaya pa magiging wild ang mga ito, it is still early to dance that way kaya ngayon ko naisipan makisayaw.

Just an hour more and I will go home. Hindi ko naman balak pag alalahanin ang pamilya ko.

It was a pretty chill song so I moved with the beat only.

I love when you're submissive
Love it when I break skin
You feel pain without flinchin'
So say it

I swayed my hips like the other girls. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili sa tugtugin. Image of me dancing freely embraced me, napangiti ako nang maalala iyon.

I once danced beautifully, I once became the best me through dancing, ang sarap maisip 'non.

Kahit sino walang pwedeng makahawak ng pag sasayaw sa akin 'non, not even my so called father could. Iyon lang ang hawak kong walang pwedeng makielam.

But I know... I have to set myself free from that now.

Hindi sa pag sakit ng tuhod ko tuwing nararamdaman ng sarili ko ang sakit ng kahapon titigil ang buhay ko ngayon.

We don't gotta be in love, no
I don't gotta be the one, no
I just wanna be one of your girls tonight
We don't gotta be in love, no
I don't gotta be the one, no
I just wanna be one of your girls tonight, oh

It is time to let go, Victoria.

Konti-konti kailangan ko pakawalan ang nakaraan para unti-unti rin mawala ang gapos nito sa akin. I did it today, by not letting them hurt me, nasimulan ko na at hindi ako dapat tumigil.

Pero magagawa ko lang iyon kung papalayain ko na ang sarili ko.

I danced my best today as if it was my last. People were respectful, kaunti pa lang ang naiinom. Ako na siguro ang pinaka maraming nainom dito, kanina pa ako habang sila ay wala pang dalawang oras.

Top of the world but I'm still not free
It's such a secret that I keep
Until it's gone, I can never find peace
Brace my whole life just to be

I am no longer Victoria Cassandra Gallego, no longer the dirty little secret, no longer the dancer, no longer the beaten... hidden... daughter.

I am loved. I am secured. I am accepted. I am Victoria Cassandra Madrigal.

Napasinghap ako nang may maramdaman akong yumakap mula sa likuran ko. The pervert's hand hugged me like it was owning me!

"Hey! I don't want—"

Nakalimutan ko ang turo ni Ate Vida na mag sorry muna pag unang tanggi. Sa pangalawa singhalan kapag hindi nakinig.

I was just so pissed! Nag mo-moment pa ako!

Mabilis kong inalis ang sarili sa pagkakayakap ng bastos na 'yon at hinarap siya para itulak.

Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ay bumungad na sa akin ang pagod na pagod, galit, nanghihina at bigong ekspresyon ni Dos.

Galit? Siya pa ang galit?!

Talaga lang?!

My anger started to resurface!

"What are you doing here? It is fucking seven o'clock, Victoria. No... scratch that. I heard you were here since what? Two o'clock?" Pigil na pigil ang galit niya.

Tinapatan ko ang galit niyang mga mata. I showed him how angry I am too! And I will show him more!

Hindi ko siya sinagot at lumakad lamang palabas ng bar. Narinig ko naman ang mabibigat niyang yapak sa likuran ko kaya tinungo ko ang likuran ng bar dahil pinag titinginan na kami!

I looked so damn angry! At siya rin! We surely looked we will fight any second now!

"Stop walking away, talk to me!"

Hinablot niya ang braso ko para maharap siya pero tinabig ko lamang iyon.

Kita ko ang mabilis na pag daan ng gulat sa kanyang mga mata.

"'Wag mo akong sigawan, Dos." Banta ko sa kanya.

I had a quick look of his whole get up. Mukhang kagagaling lang sa trabaho. Naka button down long sleeves na polo, nakabukas ang tatlong butones sa unahan, naka tucked in pa ito sa kanyang trousers. He looks dangerously handsome as usual pero hindi uubra 'to sa akin ngayon!

Ako ang galit sa kanya. Kailangan ko ito alalahanin.

"Bakit mo pinatay ang cellphone mo?" Subok na subok ang pasensya niya.

I rolled my eyes. "Ayoko mag pakita, syempre papatayin ko 'yon."

"Victoria." He is at his brim.

I am too!

"I am not joking."

"Mukha bang nag bibiro ako?" Balik ko sa kanya.

Napahilot siya sa sentido niya at mariin na napapikit. So frustrated with me! Heck! I am frustrated too!

Muli niyang binuksan ang mga mata niya at puno na ito ng sakit at stress.

"Do you have any idea how worried I was?! Hindi ka sumasagot sa tawag ko! Pinatay mo pa ang cellphone mo! Malalaman ko pa na hindi natuloy ang meeting niyo. At ang gagong pinsan ko ay mas loyal pa sayo! Ayaw sabihin sa akin ang nangyari! I know he knows! Clyde cannot freaking hide the truth well—"

"Of course! You know hiding so well, you know who cannot do it well!"

I lashed out!

I lashed out okay?! Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayoko muna siya makausap!

Nagtatampo pa ang puso ko sa kanya, nagagalit pa ako sa lahat ng nangyari. Sasabayan niya pa ako ngayon.

Natigilan siya sa narinig mula sa akin. Mabibigat ang pag hinga at napatitig lamang siya sa akin, napalitan ng gulat ang galit niya.

"I am mad at you, Dos! So mad at you! Ang dami-dami mong hindi sinasabi sa akin!"

My words, eyes, expression and distance shouted all my anger to him!

I bit my lower lip to stop my tears from falling.

I will win this!

Nanginig ang pangibabang labi ko sa pag pipigil ng sobra-sobrang nararamdaman.

Sa kanya ako dapat tumatakbo sa ganitong klase ng sitwasyon! Nakakainis siya!

"I was so honest with you! Pero ang dami mong ginagawa sa likuran ko! Ang dami mong hindi sinasabi! How dare you come to me and question me?!"

Marahas akong umiling at nilunok ang sakit na nararamdaman.

Nanglambot ang tingin niya at sinubukan niyang lumapit.

"Vic... baby..."

Napawi ang galit niya, natira ang panghihina.

Humakbang ako paatras.

"No, Dos."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top