Kabanata 38

Hi Inspirados!

Ngayon lang ako nakapag basa ng comments, saw comments about wishing me a good trip sa out of the country ko nung minsan. Thank you! I appreciate it! No delayed happened! Looks like your well wishes worked! Thank you!

Enjoy and savor this chapter!

Need. Riches. Kisses.

"What? Pupunta siya sa condo unit ng Montgomery na iyon? Wag niyo payagan, dad!" Dinig kong maktol ni kuya sa background ng call namin ni daddy.

I made a face, ito na naman si kuya, parang ewan na naman.

"May titignan lang daw sila, Vernon. Mabilis lang daw." Paliwanag ni mama.

"Aish! Narinig ko na 'yan! Lalaki ako ma, alam ko na ang galawan na yan!"

"At bakit? Ginagawa mo ba 'yon? We bought you that condo for convenience kasi mas malapit sa eskwelahan mo noon, don't tell me nag uuwi ka ng babae roon, hah?"

Pahina ng pahina ang boses ni mama, naiimagine ko nalang na tumatakas si kuya papunta sa kusina habang si mama ay nakasunod.

"Ayos lang naman anak, basta umuwi ka na pagkatapos ha?" Buntong hininga ni daddy.

"Vernon!" Sigaw ni mama.

"Dad, twenty minutes lang sabihin mo! Wala na silang magagawa sa ganun kaikling— aray! Aray ko ma! Masakit!"

Napasapo ako sa noo ko habang pinapakinggan ang kaguluhan sa tawag na ito.

Napaka OA din ni kuya minsan, no wonder why girls get scared of him. Intimidating na nga, OA pa.

"No— scratch that, dad! Ten minutes— aray ma! Ten minutes nalang, magilas pala yang si Montgomery—mom stop, masakit po ang hampas niyo! Dad, kakayanin 'non sa twenty minutes, dapat mas kakaunti!"

Napasinghap ako at napatingin kay Dos na napatingin din sa akin dahil halata sa reaksyon ko na may nakaka eskandalo akong narinig.

Nag salubong ang kilay niya, wanting to ask me pero nanatili akong nakatulala sa kanya habang nakikinig sa bangayan ni mama at kuya.

Twenty minutes? Marami na ba magagawa doon? Hindi ko na-orasan yung nangyari last time. Dapat pala inoorasan ko para maging handa?

Shit. Ano ba 'tong pinag iisip ko?

"Vernon, yung utak mo, ipapacleansing ko." Stress na ang boses ni daddy.

He sighed. "Anak, just be home agad, okay?"

Napabuntong hininga din ako at napaiwas ng tingin kay Dos.

"Yes dad, don't worry okay? See you later, love you po, bye."

"B-bye!" Aniya. "U-uh! Use protection okay?" Hirap na hirap niyang pahabol.

Muling bumagsak ang panga ko sa narinig.

"Dad!" Daing ko pero namatay na ang tawag.

"Hindi ka pinayagan?" Tanong ni Dos nang maibaba ko ang phone ko sa bag ko.

"Pumayag naman..."

"But..." He trailed as if waiting for the part that explains my reactions.

But I won't tell him that! Hindi ko kaya sabihin ang iniisip ng pamilya ko! Nag-init ang pisngi ko at umiling ako.

"W-wala! Ayos lang ang lahat. Wala naman silang iniisip o sinabi!"

Mas nagsalubong ang kilay niya. Nanatili ang mata niya sa harapan pero halata sa kanya na may malalim siyang iniisip.

"Really? I don't think so..." pag-iisip niya pa lalo.

"N-no! Mali iniisip mo!"

"Anong iniisip ko?"

Hah? Ano nga ba ang iniisip niya? Malay ko? Ako ba siya?

"E-ewan ko! Bahala ka na—"

"Sasabihin mo o ititigil ko ang sasakyan at hindi tayo uuwi?" Banta niya.

This brute! Napaka talaga!

Paano manalo mula sa isang Dos Montgomery?!

"Pumayag sila... it's just... sandali lang ako pinayagan... kasi..." iniisip nila na may gagawin tayo.

How can I say that?! Of course, hindi ko magagawang sabihin iyon!

"...kasi..."

Tumaas ang isang kilay niya kasabay ng isang sulok ng labi niya.

"Your brother..." dinig sa boses niya na natuklasan na niya ang dahilan.

"I am sorry, my brother is really—"

"I understand, that is normal, babae ka at lalaki ako, I like you so much plus you are beautiful and hot, very tempting..." tuloy-tuloy niyang sabi na nagpatigil sa lahat ng gusto ko sabihin.

"What? No." Nahihiya ako kaya napatingin nalang ako sa harapan.

"Tsk. Kung alam mo lang talaga." Bulong niya.

"Ang tagal naman ata ng byahe?" Pag-iiba ko ng usapan.

Bahagya siyang natawa at sandali akong tinignan gamit ang mangha niyang ekspresyon.

"Sampung minuto pa lang tayo bumabyahe, silly. Malapit na tayo, at... malapit lang sa opisina ang condo unit ko."

Muli akong napasapo sa aking sentido pero inabot niya ang kamay ko para mahawakan. His left hand was on the steering wheel while his right hand was holding mine. Nag-init ang puso ko roon at napangiti.

This is what I dreamt about... holding him in silence, tanging puso lamang ang maririnig.
I played with his infotainment system, nag next ako ng nag next sa mga kantang naroroon hanggang tumapat sa isang kanta na nagustuhan ko recently.

Kisame.

"I never thought I will experience this with you again," aniya.

"Ang alin?"

"This." Kibit balikat niya. "Having a normal day. Meeting for dinner. Spending time till the night ends. Going home with you. Holding your hand. Everything... Vic. Parang panaginip lang ang lahat, I would dream and dream about this before, kahit noong panahon na galit ako. Kahit kailan, hindi nawala sa akin ang pangarap ko na mangyari 'to. I even told myself, kung hindi sa buhay ko na 'to, baka sa susunod pwede."

Hindi na kita
Maalis sa isip ko
'Di maikaila
Na ikaw ang tahanan ko

My heart swayed with the music and the silence around us. Nanuot ang bawat mga salita niya. Sa lilim ng gabi, muling tumibok ng malakas ang puso ko.

Bakit ga'non? Parang bumabawi lahat ng saya sa puso ko. I felt alone for most of my life... at ngayon lang tila nakakabawi ito.

"We have today, Dos. And I will pray for it too... for our tomorrow and our next." Mahina ang boses, pero lakas loob kong sinabi.

He bit his lower lip and smiled sheepishly. Hay naku!

Nakarating kami hindi katagalan sa condo unit niya. His unit was on the top floor. Yes... a penthouse.

When he opened the door, my jaw almost dropped! Napaka laki nito, the wall facing the city was made of glass. Kitang kita roon ang maliliwanag na ilaw mula sa labas. Mixture of grey, brown and black ang buong unit niya.

His sofa is black leather, most of his furnitures are if not made of high-quality wood, they are painted in brown to have a sense of unification and his walls were painted grey.

"Ang ganda," hindi ko napigilan masabi nang igiya niya ako papasok.

"Really? You like it? Kahit sobrang panlalaki?"

His voice was so eager to know my answer.

Tumango ako, nililibot pa rin ang mata sa paligid. "It is nice, kalmado lang, but yes I must admit na masyadong panlalaki pero sayo naman ito, you're a man so it is justifiable."

Inabot niya muli ang kamay ko at tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Gusto mo ba ayusin din ito? To suit your liking? Hindi ko lang gaano naaasikaso 'to kasi binili ko lang to para pag hindi ko kaya umuwi pagkatapos ng trabaho, I can sleep here."

"Hah? Aayusin ko? Hindi na at bakit naman? Sayo 'to no." Nalilito kong sabi kahit na medyo may ideya na ako kung bakit niya to ipapaayos sa akin.

Nakukuha ko na kung paano ang mga salita niya, alam ko na rin pag babanat siya. Gusto ko maging handa para hindi ako natatameme pero kahit alam ko na ang paparating hindi ko pa rin mapigilan ang magulat.

"Everything I have is yours too, baby."

See? Alam ko na ito ang sasabihin niya pero... ito pa rin nag puso ko, nagkukumahog.

Paano niya nagagawa mag bitaw ng mga ganitong salita ng seryoso? Hindi natitinag? Parang normal na normal?

"Hindi ah, sayo 'to, wala akong kailangan na iba pa mula sa'yo, Dos."

Tila may nasabi akong mali dahil sa rumehistrong emosyon sa mukha niya.

"Alam ko... kahit noon pa, wala ka ng kailangan mula sa akin." Mahinang sabi niya. "Anong kailangan ko gawin para magkaroon?"

What?

Nanatili lamang ako nakatingin sa kanya, iniisip kung anong ibig niya sabihin.

"I want you to need me too, Vic. Like I so damn freaking fucking need you. Paano?"

"Dos..."

Napaiwas siya ng tingin at hinila nalamang ako. Napasunod ako, iniisip kung paano siya susuyuin! Mukhang hindi kami nagkaintindihan doon ha? Parang iba naman ang sinasabi ko sa sinasabi niya?

"I need to get you home so... here it is,"

Dinala niya ako sa tapat ng isang kwarto at binuksan niya iyon.

Napanguso ako habang tinitignan ang likuran niya, iniisip pa rin paano siya mapapangiti ulit nang makuha ng nasa loob ng kwarto ang atensyon ko.

Dinig ang pag singhap ko nang masilayan ang laman ng kwarto. Fairy lights opened, nakapalibot iyon sa buong kwarto, illuminating the whole room with warm lights.

Pictures? Paintings? Akala ko naman ay maliit o di kaya nakatabi sa bandang sulok ng kwarto niya pero hindi...

The whole room was filled by me. Ang iba ay litrato ko habang kaswal na kumakain, may candid photos ko rin doon, may habang nag se-stretching ako. reaching my toes or sometimes my body was arched from dancing.

Naka print ang mga iyon sa malalaking frames, ang iba ay naka painting pa sa malalaking canvas. Minsan ay colored, minsan ay black and white. May mga naka paskil sa pader, may mga nasa baba pa.

This room is literally my museum.

"Oh God..." bulong ko.

Pumasok ako, bumitaw kay Dos at naglakad sa may gitna para tignan ng mas malapitan ang mga nakasabit.

The largest frame there was almost half the size of a whole side of a room.

It was my side profile, laughing, blurred background, hinihipan ng hangin ang aking buhok habang nag niningning ang mga mata sa pag tawa.

I don't remember any of these pictures... but I must say, kahit papaano ay sumaya rin ako noon.

"Dos... paano ka makaka move on sa akin kung may ganito ka..."

My heart ached for him. Atleast ako, kahit magkawalay kami sa anim na taon na 'yon ay wala akong maalala. I may dream of him but atleast I don't carry a lot of our memories.

Pero siya, dala-dala ang lahat ng iyon, isama mo pa tong mga litratong 'to.

"I wanted to forget you... so bad, baby." I felt him took steps towards me.

Nanghihina ang kanyang boses.

"Pero tuwing nawawala ako sa tamang landas, when I get lost in my own darkness, when I have to hold on to something to keep my sanity, to keep me going... I go here. Kahit nawawala ako, if I see you laughing... I would be able to breathe. Kahit sandali lang..."

Naramdaman ko ang braso niyang pumaikot sa aking baywang mula sa likuran ko.

Tinanggap ko ang yakap niya at pinatong ang mga kamay ko sa ibabaw ng kanya.

"Pero hindi ba mas mahirap 'yon? Mas hindi ka makakausad, babalik ka lang ulit tuwing makikita mo ako sa mga litratong 'to?"

Pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. I angled my neck to give him more space, so he could fit better.

"It was hard but not seeing you was always harder."

Napapikit ako sa sinabi niya. My heart totally fell and ached.

This man...

How did I deserve him?

Sobra-sobra siya. Kung sa susunod na buhay namin ay siya ang hindi makaalala sa akin, ipipilit ko na maalala niya ako, hindi ako papayag na hindi.

Not being loved by him is my end.

"Yung sinabi ko kanina na wala akong kailangan sayo. Hindi ibig sabihin 'non na hindi kita kailangan. I only meant for your riches, Dos. Hindi ko kailangan ng condo unit, pera o kahit ano man na kaya mo ibigay. All these are yours. Ikaw lang ang kailangan ko. We can have our own together in the future."

Yes... naiisip ko na sa future, kung paano ko idedesenyo ang magiging bahay namin.

Kailangan ko pag butihin sa pag aaral at matuto pa lalo sa kompanya namin para mas maging magaling ako.

I want to be better in this life. I want to give my best not only for my family, for him, for my future family but for me also.

If I am better, I can do much better for everyone I love.

"But my riches are nothing if I cannot give them to you." Malambing niyang sabi.

Bakit kaya hindi nag abogado 'to? Laging may sagot!

"You are all that I need, baby." Bulong ko.

"You rarely call me baby."

Hah? Napangisi ako sa reklamo niya.

"I don't like it at first."

"Bakit naman?"

Nag kibitbalikat ako. "Masyadong corny, tsaka lagi ko naririnig yung mga manliligaw ni ate na tinatawag siyang baby."

"Hmm... so what do you want?"

Umiling ako at napangiti muli ng matamis. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko para maharap ang mukha niyang nakasandal sa aking leeg.

"I like it now. It grew on me, baby." Halos mawala na ang boses ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

He didn't think twice. Nagningning ang mga mata niya at tinawid ang natitirang distansya ng labi namin. His lips claimed mine. Nakalimutan kung gaano kahirap ang posisyon namin, thank God for my flexibility, I can kiss like this...

His lips were so soft and sweet now. I hope mine too.

Malalalim na pag hinga namin ang namayani sa buong paligid. Light sounds from our lips can be heard too. I mimic the way he kissed me so I could deliver too. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang bawat hagod at haplos ng kanyang labi.

He angled his face comfortably to kiss me better. I angled my body sideways to give him more access to my lips. I obligingly opened my mouth to accept his tongue as he sweetly calmly ravished me through his kisses.

Dama ko ang pag pipigil sa kanyang mga halik pero dahil sa pagiging kalmado ng halik niya, ay mas nanglambot ang puso ko, parang sa bawat hagod ng labi niya ay sinasabi nito kung gaano niya ako kamahal.

He took his time and kissed me so passionately, I started getting dizzy and lost in kisses. Napapangiti ako sa bawat halik niya at naramdaman ko rin na ga'non siya. Sobrang sikip ng puso ko sa saya.

"I love you..." bulong ko as he gave me more light kisses on the corner of my mouth.

"I love you so damn much, baby." He kissed me lastly on the edge of my jaw.

Nanghihina ang mga mata niya nang ipatong niya ang ulo niya muli sa aking balikat.

Nanatili nakadikit ang pisngi ko sa pisngi niya. The right corner of my lip was touching his left cheek.

I gave it a light kiss, tinagalan ko ng kaunti para mas mapadama pa ang pagmamahal ko.

Nag uumapaw sa pagmamahal ang puso ko, parang lahat ng pagmamahal na hindi ko naibigay sa loob ng maraming taon ay nagkukumahog mahalin siya ngayon.

"Sorry, natagalan ako makabalik."

"I realized now, maybe I didn't really want to forget you that is why I kept these all here. Baka umaasa pa rin talaga ako na... mapagbigyan ang mga pangarap ko."

"Pinahirapan mo ang sarili mo, Dos."

"It was all worth it, baby. So worth it." He kissed my temple.

Matamis nalamang akong ngumiti at dinikit muli ang pisngi ko sa kanya. I like that... the feeling it gives, sobrang lapit namin sa isa't isa.

My days got busier during the week. Abala sa pag-aaral at sa trabaho. Ginawa ko ang lahat para hindi magpa-apekto sa nakaraan ko. There was so much to do kaya sa una lang naging mahirap kalimutan ang mga naiisip ko tungkol sa nakaraan, kalaunan ay naging normal din ulit ang lahat.

Dos will sometimes pick me up after class, we will have lunch then he will drop me to work. Nagpapaalam din siya tuwing gusto niya ako makasama sa dinner.

He was definitely a gentleman. Respecting all my family's requests. Hindi naman sobra ang mga iyon pero na-appreciate ko pa rin na pinagpapaalam niya ako at kinakausap niya sila parati.

Ni-invite pa nga siya ni daddy na sumama mag golf.

Nandito ako ngayon sa Evergarden, I have a meeting for Carl Montgomery's house.

Nakaupo na ako sa nireserba na upuan para sa meeting.

Napaaga ako kasi dito ako dumiretso pagkatapos ng klase ko, it was a lunch meeting kaya di na ako dumaan sa office at dito na dumiretso.

I decided to pee first, Clyde messaged me already, malapit na raw sila. Mas mainam na makapag comfort room na ako bago pa sila dumating.

dosmontgomery: Can I join the lunch?

Napangiti ako nang makita ang mensahe niya. Alam niya na may meeting ako dahil inaya niya rin ako mag lunch, hindi ko lang napaunlakan dahil naka schedule na ito bago pa siya mag aya.

v.madrigal: I am sorry, baby. This is work. Mamaya nalang? Dinner?

Kumuha ako ng alcohol at tissue sa aking bago bago dumiretso sa comfort room. I did what I have to do and retouched my make up. Naglagay ako ng kaunting blush on at nude lipstick.

dosmontgomery: They are my cousins. I can attend that.

I rolled my eyes.

v.madrigal: Bakit? Bahay mo ba 'yon?

dosmontgomery: Eh kung gibain ko kaya bahay niya?

Dos?!

v.madrigal: Eh kung hindi ko idesenyo ang bahay mo?

Sige ha, tignan natin sino mananalo.

dosmontgomery: Bahay natin.

A smile stifled on my lips.

Nagpatuloy ako sa pag aayos at lumabas na habang hawak pa rin ang cellphone ko.

v.madrigal: Last time I checked, ang lupang iyon ay under pa rin sa pangalan mo. I won't design it if you keep this on.

dosmontgomery: Baby!

Hay nako.

v.madrigal: Yes?

Akala mo ikaw lang ang pwede maging playful ha?

dosmontgomery: Paano ako kakain kung hindi tayo sabay?

Pa-baby! Dos 'pa-baby' Montgomery!

Natigilan ako nang may marinig na nahulog. Nakuha ng isang bag na nasa sahig ang atensyon ko. I took a few steps to get it, I prepared my smile to give it to the woman in front of me.

"Here..."

From a smile, napawi ang ngiti sa labi ko nang makaharap ang babaeng nakahulog ng bag.

Mabilis napalitan ng kaba ang puso ko. Halos mangatog ang mga binti ko, pati na rin ang kamay na nakahawak sa bag niya. Parang lahat ng sakit na natamo ng katawan ko noong araw na 'yon ay nanunbalik.

I felt the pain on my legs, I felt the pain on my scar. I felt the pain in my heart.

Air escaped from me.

She is here too.

They are really here.

They are still here.

"Vic." Bati niya sa akin, bakas ang gulat at takot sa mga mata niya.

Pero mabilis din nawala iyon, her eyes showed mockery afterwards.

"Nica!" Pag tawag ng tao sa likuran niya.

Nilapitan siya ni Arlie at tinignan kung sino ang tinitignan ng kaibigan. Our eyes met too. Kapareho ng kay Nica ay bakas din ang gulat sa mga mata niya pero kumpara kay Nica na maloko ang tingin sa akin ngayon ay takot ang nanatili sa mata ni Arlie.

"So you are alive, huh?" Nica's voice sounded so despiteful.

Damn. They are both here.

Bahagya akong napaatras, nabitawan muli ang bag niya.

I have to get out of here.

I... I can't...

I can't breathe.

Help.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top