Kabanata 37
Hi Inspirados!
I will be finishing Free Fall this week! Stay tuned! Thank you and enjoy this chapter! I love this song 'Kisame', try listening to it as you read! You can recommend songs too!
Loyal and true
"I heard from your dad kung anong nangyari..." panimula niya.
Marahan akong tumango. Ayos lang sa akin na malaman niya, sa dami ng misunderstandings namin noon ay ito na ata ang pinaka solusyon sa lahat. Ang tahasan sabihin ang kung ano man ang gusto namin sabihin.
Sa kabila naman ng lahat ay siya ang taong gusto kong mapagsabihan din ng mga bagay na 'to.
"I saw Arlie, kanina sa mall. I am sure you know her. Hindi ko lahat maalala pero kaibigan ko siya noong nasa Argao pa ako. There are memories... that..." hindi ko alam paano ko sasabihin ang negatibong bagay na iyon.
Hindi ko pa rin matanggap sa loob ko na nagawa nila iyon sa akin. Minsan, gusto ko umasa na baka nagkakamali lang ako, baka may mas malalim na dahilan o malaking eksplenasyon sa lahat.
"... that say they betrayed you?" Siya na ang nag tuloy 'non.
Dumilim ang paningin niya kaya maagap akong ngumiti.
"I am not sure. Wala naman makakapag patunay 'non."
"They told me you accepted the engagement! Sinabi nila na ginusto mo 'yon! At sumama ka sa lalaking 'yon. They were your bestfriends, Vic! Wala pa ako... andoon na sila sa buhay mo. They should have... they... fuck it." The last words were so suppressed, tumaas na ang boses niya pero alam kong pinipigilan niya pa rin ang galit na lumabas.
His eyes showed remnants of him being miserable from the past. Para bang ayaw na ayaw niyang balikan iyon pero wala siyang choice.
Bahagya akong napatingin sa paligid. Napatingin sa amin ang mga pinsan niya sa hindi kalayuan. Nginitian ko sila at tumango lamang ako para ipahiwatig na kaya ko ito, kaya ko siya.
Nakaupo na kami ngayon sa table for two at may nakahain ng pagkain. Ang may ari ng restaurant na ito ang nag luto mismo, nandito rin ang asawa niya na si Ate Adrianna. Dumating na rin ang iba, Alice came late but she's with a man. Someone familiar...
I want to remember to ask that guy later if... magkakilala na ba kami noon?
I can see that they are all very close and supportive of each other. I admire them more as I see them now.
Muli kong binaling ang tingin kay Dos at inabot ang kamay niya para hawakan.
"Maybe... they got it wrong too? Hindi ko alam kung anong impormasyon ang mga pinakalat ng asawa ni mommy noon pero... I want to give them the benefit of the doubt."
"Benefit of the doubt my ass, Vic. I am not that kind, kung kaya mo sila pag isipan ng mabuti ngayon, ako hindi. They can rot in hell, I don't care. I will even deliver them there." Agresibo niyang sabi habang umiiwas ng tingin sa akin.
Napabuntonghininga ako at inabot ang mukha niya kahit may kalayuan siya sa akin. He leaned a little for me to have a better reach of his face. Napangiti ako dahil doon, he could be really angry but will still make things easier for me.
Masayang kumirot ang puso ko. Oh... this man. How did I get so lucky and blessed?
My palm held his left cheek carefully.
"What's with you trembling... noong nakita mo siya?"
Bahagya akong natigilan. Naikwento rin pala ni daddy iyon.
"Uh..." Pinilit kong ngumiti pa rin.
Honesty, Vic.
Diba?
There's nothing wrong with admitting that I am not yet wholly okay. Si Dos naman ito, he wouldn't judge you.
"I am still in the path of... healing, Dos. Hindi pa ako maayos na maayos. There are certain parts of my past that I cannot really handle well. Minsan nag be-breakdown ako pag ga'non, minsan mahihimatay nalang bigla, iba-iba... depende sa epekto. I am talking to a specialist too..." napaiwas ako ng tingin, feeling like I bared too much of myself, "...w-we asked for help,"
Kita ko ang gulat at lungkot na dumaan sa mga mata niya. His jaw hardened, I felt it on my palm. Agaran akong umiling at ngumiti ng matamis.
"But I am much better. So much progress... already. Kung nakita mo lang ako noon, mapa-proud ka pa sa akin!"
"I am proud of you," mabilis niyang singit.
Nanlambot ang tingin niya at ako rin sa kanya.
He is? He is proud of me? Kahit ganito? Kahit ang dami ko pang kulang sa sarili ko?
"It hurts that I didn't see all what happened, na wala ako sa tabi mo, pero... somehow, I can see that you've come a long way. Hindi mo rin kailangan itago ito sa akin, I've dealt with my own traumas too. I have talked with people about it too... to get over it. Walang masama sa pag hingi ng tulong." He assured me.
Inabot niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at mas nilapit iyon sa labi niya. He closed his eyes beautifully to give a light kiss above my palm.
My heart fluttered with that gesture. Tila mas lumiwanag ang mga fairy lights sa paligid. Narinig ko na mas nanahimik ang paligid, gusto ko tignan ang mga pinsan niya pero masyadong maganda ang nakikita ko, ayoko maalis ang tingin doon.
"Paano pa ako magagalit kung sa bawat pag gising ko, sobrang saya ko sa bagong mundo ko?" Halos hangin nalamang ang tanong ko.
He opened his eyes and stared at me with the same intensity of my gaze.
"Then I'll do the honor of getting mad on your behalf. I am sorry, baby. I am not that forgiving. Not when it comes to you. Hindi ko kaya. I cannot put your suffering aside..."
"But Dos—"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang tumayo siya para abutin ako. His upper body towered over my sitting self and kissed my lips. It was light but it was enough to surprise me and melt me.
It was light... that I felt like I was being carried up... into the clouds.
"Six years, baby." He breathed with so much pain. "We have suffered that long... dahil lang sa mga... putang...ina." Halos manggalaiti siya sa galit.
"You almost... died..." Marahas siyang napapikit, tila muling naaalala ang kwento ko noon.
I saw tears flickered before his eyes.
"...wala kang kasama... you were fucking alone..." bigong bigo ang puso niya.
Para bang ang dami niyang pinipigilan na salita. Napaawang ang labi ko sa gulat. I thought... we have settled everything the night I told him about my past. Dahil ako, okay na ako roon... handa na ako harapin ang bukas.
Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, sobra-sobra ang pag si-sisi niya.
Napatayo ako at lumakad palapit sa kanya. Napatayo siya ng maayos at marahan ko siyang inabot. I wrapped my arms above his shoulders, habang nanghihina niyang inangat ang braso niya paikot sa aking baywang.
He accepted me and hugged me defeatedly.
"I am in pain too, Dos. I am confused, mad and sad for the past. But... I want to heal and go forward, I want this life I have now. I like it... no... I love it so much. Na tuwing nasasaktan ako ulit, maisip ko pa lang kung nasaan na ako ngayon, kung saan ako dinala 'non, nakakahinga ako. Sobrang laki ng sakit na naiwan ng nakaraan, no lost memories could even erase it... pero ang laki din ng kapalit 'non sa akin. Sobrang gandang kapalit."
His embrace got tighter. He buried his face on the crook of my neck. Para siyang batang nakahiga sa kanyang kama, nagpapahinga.
"I hope I could do it like you. Moving on... I am not very good at that, as you can see... I am still madly, completely, insanely, smitten, drawn and in love with you." Napapaos niyang sabi na nagpangiti sa akin ng sobra.
Oh this brute! Napakagaling sa mga salita!
Naalala ko tuloy iyong palabas na napanood namin nina Ate...
The girl said 'palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin,'
Ga'non na ga'non ako sa kanya.
Nasagot ko na ang tanong ko noon. If I love him just because I have loved him at the past?
No...
I have loved this version of him now. We both grew individually, at masaya ako na natagpuan namin ulit ang isa't isa sa kabila 'non.
Maswerte pa rin talaga ako.
"I love you too, Dos. So much. It hurts when you're hurt. I am ecstatic when you're the happiest. The love I have for you helped me through this life. Kahit noong nawalan ako ng pag asa na makabangon ulit, you will just visit my dreams... and that will make me stand up again." Buong puso kong balik sa kanya.
"Moving on... is easier because of you. Let's move on together, kaya natin ito, we can heal together." I said with the softest voice I have.
I don't want to impose it on him. Moving on and healing are both sensitive... to be forced to people. I want him to feel that I am reaching for his hand, that if he likes... to walk with me, I will walk with him.
I made sure my voice, hug and words can deliver what I want to tell him.
"I will try..." aniya sa mahinang boses.
"Oh... this... kid..." tukso ko sa kanya dahil para siyang bata.
I felt him place a kiss on my neck.
"Kid huh? Not that I remember as you came into my—"
Humiwalay ako at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang kamay ko habang ang isa ay napahawak sa kanyang balikat. His arms were still wrapped around my waist.
"Shh!" Bawal ko sa kanya.
His eyes squinted and a laugh came from him!
Mapangasar!
Inabot niya ang kamay ko at hinalikan lamang muli ang palad kong nakatakip sa kamay niya.
"Tss. Basta may pagkakataon ka 'no?" Bawi ko dahil hindi pwedeng ako lang ang naaasar!
"Of course, I could kiss you all day," pero mukhang gustong gusto niya pa ito!
"Ewan ko sa'yo!" Umirap ako at niyakap niya lamang ulit ako.
Lumapat ang ulo ko sa kanyang dibdib habang natatawa pa rin siya. I made a face while being crushed by his hug, pero ang ngiti hindi mawala sa aking labi.
Hay... ang saya.
"Hey lovebirds. As much as we want to not make pakielam, oras na, her parents might get sobrang alala."
Narinig ko ang boses ni Alice palapit.
Napalingon ako roon at nakita na kasama niya ang pamilyar na lalaki, si Agatha ay nasa likuran din niya kasabay mag lakad si Tulip.
Simon were behind them with Clyde, mukhang mag liligpit na.
"Oh yeah..." realization hit him.
"Plus may mga dapat pa tayo pag usapan tungkol doon sa hinihingi mo ng..." saglit na napatingin si Simon sa akin bago binalik kay Dos ang tingin. "... tulong."
Tulong? Anong tulong?
"May problema ka ba?"
Bago pa lumalim sa isip ko ang tanong na 'yon ay hinalikan niya na ako sa noo.
"It's nothing, baby. May kailangan lang akong ayusin na mga bagay-bagay." Tugon niya.
"Never thought I will see your brother like this, sunshine." Ani ng lalaki kay Alice.
Nakangisi ito at naka-akbay sa kanya. He was wearing a baseball cap na nakaharap sa likuran, sweatshirt and khaki shorts. Very usual and comfortable. Habang si Alice naman ay naka sweatshirt din at denim shorts. Parang matchy sila? Cute.
Buti nalang ay may kapareho akong underdressed kumpara kina Dos dito.
"Yeah right, Sky. Smitten and whipped, huh? Sinong mag-aakala na the one and only great Dos Montgomery... who can scare anyone... even people in the business world... who doesn't bend to anyone... who doesn't listen... will do his way regardless of anything... ruthless even... will... be..." Naglaro ang ngisi sa labi ni Alice.
Sky? I think... I heard that name before? Parang pamilyar talaga.
"... this in love? I guess miracles do exist." Tudyo pa niya na nagpadagdag sa pagkahiya ko.
Nag-init ang pisngi ko kaya napaharap ako sa dibdib ni Dos at tinago nalamang ang mukha ko roon. Naramdaman ko ang pag galaw ng balikat niya at narinig ang tawa niya kasama ang tawa ng iba.
Inabot ko ang tagiliran niya para kurutin pero mas lalo lang siya natawa! Hah! Pinagtatawanan mo pa ako ha!
"Victoria."
Natigilan ako at napaayos nang marinig ang boses nung Sky.
Tinuon ko ang atensyon ko sa kanya kahit na mas humigpit ang hawak ni Dos sa akin.
"I heard you lost your memories and you might not remember me. Pero, I just want to say, I am happy you're okay and I am happy that I never saw you back in Argao. That place was hell for you, and I could only wish na hindi ka na makabalik doon noon."
Masaya rin ako, na hindi na ako nakabalik doon.
"Close ba kayo?" Madamot na sabi ni Dos, pilit na tinatalikod ako.
"Oh please, Dos! He is in love with me! He won't steal her!" Maarteng singhal ni Alice.
I wonder sino kaya talaga ang mas matanda sa kanila? Parang bata talaga minsan 'tong lalaking 'to.
"'Wag ka pakasiguro," nangiinis na asar ni Dos.
"Hindi ko kailangan manigurado, in fact you're the first one that should know how much he loves me kaya no?"
Oh gosh. Kakaiba talaga ang kapatid ni Dos.
If spicy is a tone, I can definitely say she has the spiciest tone I heard in my entire life!"
Umiling nalamang ako at muling hinarap si Sky.
"Thank you, Sky. Salamat na hiniling mo iyon. I never wished to go back there too."
"People failed you there, Vic."
"People failed you both, love." Baling ni Alice kay Sky.
They both failed us? What does that mean?
Napako ang tingin ko sa mga mata ni Sky. Para akong kinikilabutan sa mga mata niya. Parang nakikita ko ang mga mata ko roon. Parang pareho kami ng dinala. Ang kaibihan lang, mas maaliwalas na ang sa kanya.
Kumbaga tapos na ang unos niya. Lumitaw na ang bahaghari pagkatapos ng matagal na pag-ulan.
Natakpan ang paningin ko ng katawan ni Dos.
"Baby... stop that. Nagseselos ako." Walang tabas niyang sabi, pilit na hinahanap ang mga mata ko.
Kumawala ang ngiti sa labi ko at hinampas ang braso niya!
"Dos! Kaibigan siya!"
"Kaibigan? Hindi mo nga siya maalala!" Nag mamaktol niyang reklamo.
Napairap ako sa akto ng lalaking 'to.
"Let's just catch up soon, Vic." Kahit natatakpan ay sinubukan pa rin sabihin ni Sky.
"Sama ako! I want to spend time with her too, love!" Napakalambing ng boses ni Alice.
Her voice can be so spicy and sweet!
"Of course, love. Pinaghintay mo ako ng matagal, hindi ka pwede humiwalay sa akin. You're tied to me." Mahina pero malambing na untag ni Sky.
"Catch up, catch up kayo dyan, pumayag ba ako? Ketchup gusto niyo?" Singit pa rin ng batang nasa harapan ko.
"Ay tanga." Boses ni Agatha.
Bahagya akong natawa sa pag bitaw niya ng salitang 'yon. Parang normal na boses lamang at walang ka-lakas lakas.
"Para kang tanga, Dos." Dagdag niya pa.
"Thank God may iba ng emosyon si Dos no? I thought he could only get both angry and sad." It was Tulip's sweet voice.
Tinatakpan pa rin ako ni Dos kaya hindi ko sila makita. Sinusubukan ko umalis at makita sila pero napaka ganado niyang takpan talaga sila!
"Let him be guys, pag pasensyahan niyo na ito, alam niyo naman kung gaano 'yan katagal nag hintay at umasa. Delulu for six years yan."
"Shut up, Simon. You're such a—"
"Yeah..." tawa ni Clyde ang namayani. "...he is a delulu! Ni ga-gas light niya ang sarili niya na galit siya dahil engaged na sa iba si Vic pero halos patayuan niya ng monumento sa condo unit niya—"
"Shut up dickface!" Gigil na gigil si Dos at niyakap ako para takpan pa ako lalo.
They all laughed as his face turned red! Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa pero nag wagi pa rin iyon. Nakakatawa ang itsura niya, halatang gustong magalit at suminghal pero nananaig ang kahihiyan.
"Oh! That! I saw those portraits and paintings! Ang gaganda!" Komento ni Alice, halatang inaasar pa rin ang kuya niya.
"Paintings? Portraits?" Tanong ko.
"Yes! Of you!" Masayang masaya na imporma ni Alice sa akin.
Of me?
Napatingin ako kay Dos at kita roon ang pagkawala niya ng pag-asa. Tipong alam niyang wala na siyang magagawa at nabunyag na!
"Stalker much."
"I have permission, Agatha!" Giit ni Dos.
"Kwento mo 'yan eh."
Halata sa boses ni Agatha na inaasar niya lang si Dos. Ito namang batang 'to, napaka pikon! Kaya siguro gusto siya inaasar dahil sa pagiging pikon niya.
"What was that all about? May pictures and paintings ako sa condo unit mo?"
Napabuntonghininga siya at marahan tumango. Bigong bigo sa lahat ng pangyayari.
"During your dance practices before, kapag hinihintay kita, I'll take pictures of you. Especially pag sumasayaw ka, o di kaya kahit warm ups mo lang. Nagpapaalam ako, promise. You just really look effortlessly pretty when dancing, baby. You're so damn beautiful already but you look like... a butterfly... coming out... when dancing." Nahihiya niyang pag amin.
I stopped and absorbed everything he said. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. Lungkot kasi hindi ko man maalala kung paano ako noon sa pag sasayaw, mas kinalimutan ko ito nang malaman na hindi na ako makakapag ballet pa. Pero ngayon sinasabi sa akin na may mga litrato ako na ginagawa iyon?
Masaya dahil itong parte ng nakaraan ko lang ang kakayanin ko ibalik tanaw. Basta kasama siya, alam ko mababawasan ang sakit.
"I am sorry..."
Umiling ako. "I want to see it, Dos."
"No! Wag na! I am not a stalker. Ipapatanggal ko na rin iyon. Pinalagay ko lang iyon kasi nangungulila ako noon." Pagpapaliwanag niya.
"I am not saying you are a stalker. Gusto ko lang makita kung paano ako dati. I am curious. Plus... those are our memories. Bakit naman kailangan ipatanggal?"
"Okay." Niyakap niya ako at hinayaan na maharap kina Alice kahit na nakayakap sa kanya.
"Daanan natin bago umuwi. Pero magpaalam muna tayo sa parents mo ha?"
"Wow. Dos Montgomery. Asking for permission? Pumuti na ba ang uwak?"
"Gusto mo maging uwak, Clyde?" Puno ng sarkasmong balik ni Dos sa kanya.
"Galit pa ako sa'yo ha! Wag kang gumaganyan dyan! Kailangan mo pa ako suyuin!" Nag tatampong sabi ni Clyde bago mag martsa ulit paalis.
"Utang na loob. Pinsan ko ba talaga kayo?" Hopeless na hopeless na tanong ni Agatha.
Tumango nalamang ako. "Yes. Tawagan natin sila. Basta kailangan natin daanan 'yon."
"Your wish is my command. I am at your mercy, remember?"
"Oh I love miracles," Alice said dreamily!
"I love your family," bulong ko.
"Lagi na kita isasama sa amin, chaotic but they are loyal and true."
Like him.
Loyal and true.
My Dos Montgomery.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top