Kabanata 33

Hi Inspirados!

If you were Vic or Dos, will you act the same if 'yon ang nangyari sainyo?

Enjoy and hopefully this chapter would not be so heavy.

Victoria's side

"Hindi ka ba nilalamig?"

Bahagya ko siya nilingon mula sa pagkakahilig ko sa railings ng veranda. Dinala niya ako sa isang resthouse nila sa may Bulacan. Malayo na ito kaya malayo rin kami sa gulo ng syudad.

Malamig ang simoy ng hangin ng gabi. Nag grocery kami kanina at sabay na nag handa ng pagkain. Mostly, siya ang nag luto, namangha talaga ako sa bilis niya sa kusina. Alam na alam niya ang ginagawa niya.

He is so reliable and independent.

Hindi ko alam kung marunong ba akong magluto noon pero hindi pa ako naturuan ngayon dahil abala kami sa pag galing ko, I even had to learn how to write again... my hands were trembling for the first few months, kaya talagang walang panahon para matuto kung paano mag luto.

But now, I want to. Gusto ko siya ipagluto.

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Dos... handa na ako," panimula ko.

Kanina pa ako kumukuha ng bwelo sa sasabihin ko sa kanya, gusto ko ikwento sa kanya ng buo pero sobrang saya at payapa namin kanina, hindi ko magawang sirain.

Him cooking, me sitting on a high chair leaning on the counter top, watching him cook as he let me taste his cooking.

Hindi ko magawang sirain.

"Are you sure?"

Lumapit siya ng tuluyan sa likuran ko at pinaikot ang mga braso niya sa aking baywang. I leaned on his chest and nodded. Napabuntong hininga ako at ninamnam ang yakap niya.

Those days I lived my life without him, hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon.

"But... I just want to tell you now na... kung ano man ang maramdaman mo pagkatapos ko ikwento ang lahat..." I gulped to remove the fear inside me. "... I will understand."

Mabilis niya akong hinarap sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi.

He looks so worried but at peace at the same time. Maaari pala iyon.

Tuwing tinitignan ko siya sa kabila ng mga pangamba ko, nag mimistula siyang liwanag sa madilim na parte ng buhay ko.

That's how I see him.

I could always get lost in his light, it's blinding... pero alam ko, sa dulo 'non, hinihintay niya ako.

I just wish na kahit mawala ako sa liwanag niya ay matunton ko pa rin siya.

"I don't want to invalidate how you feel... pero sigurado ako na walang magpapabago ng nararamdaman ko sa'yo. I love you so damn fucking much, Victoria. I love you more than what and how I know. Hindi ko pa nga alam na marunong ako mag mahal ay mahal na kita. This talk... for me... is just me wanting to walk with you, to hear you, and... to understand what you've been through..."

He gasped for air and I know he was fighting for his tears to stop from brimming.

"... because that is how I know I could love you better."

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Nadurog at binuo muli ang puso ko. Parang sasabog ako sa lahat ng nararamdaman ko, takot, saya, pangamba at pagmamahal...

Niyakap ko siya muli at binaon ang mukha ko sa bibig niya.

I inhaled his scent to soothe me as he hugged me closer than ever.

It was as if we were one.

"My mom... my biological mom... made a mistake." My voice broke trying to remember my dreams.

"Hindi ko pa alam ang buong kwento, but a fragment of my dreams showed that she did. Naalala mo ba noong interview ni dad ang kwento kung paano ako nabuo? Sa end ni daddy, Tita Crissy understood the situation because they were separated that time. Pero sa end ng mommy ko," umiling ako.

Sinubukan niya ako tignan pero nanatili akong mahigpit na nakayakap sa kanya. Nagtatago sa kanyang bisig. Sinusubukan maibsan ang sakit ng maliliit na ala-ala.

"... nagkasala siya sa asawa niya. May parte sa akin na pakiramdam ko, naiintindihan ko kung bakit niya 'yon nagawa... sadyang hindi ko lang maalala kung paano ko 'yon naiintindihan noon. Pero hindi mababago ng pag intindi ko ang katotohanan na nagkamali siya. Kahit ano pa ang sabihin ko o i-dahilan ko, nagkamali pa rin siya, Dos."

Ang sakit. Ang sakit aminin sa sarili ko at sa iba na... nagkamali ang mommy ko, that she cheated... at ako ang bunga 'non. Ang sakit aminin na pagkakamali ako. Bunga ako ng isang malaking kasalanan.

I felt his breathing got heavier and he hugged me with more comfort, love and carefulness.

It was as if, he wants to shield me even from my own words.

"Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ga'non nalang ang asawa niya sa akin. Naiintindihan ko kung bakit ako nag tiis noon. Kasi... alam ko na nasaktan siya. I so wanted to be loved by him, Dos. Kahit ga'non siya... I wanted him to love me. Naramdaman ko 'yon sa bawat pag iyak at pag titiis ng babaeng nasa panaginip ko."

"Oh damn, baby... shh... we could stop this if you want... you're crying so hard, hindi ko kaya," bigong putol ni Dos sa akin.

His voice was enough to ease the compression in my chest.

Mariin akong pumikit at umiling.

Alam kong ito na lang ang pagkakataon ko para gawin ito. This is my only chance to finally move forward. Dahil sa kabila ng lahat ay... kaya ko isawalang bahala ang iba pero siya? Hindi. I want him to hear this because he is very important to me.

At kung gusto ko siya isama sa bagong buhay ko, I must close my past chapters with him.

"... kaya kahit sinasaktan niya ako noon... tiniis ko." My voice broke for the nth time.

Napahikbi ako nang maalala ang bawat pag dapo ng kamay niya sa akin.

Humigpit ang yakap sa akin ni Dos at binigyan ako ng mabababaw na halik sa noo.

Alam kong alam na niya ito dahil pinaimbestiga niya ako pero ang sakit pa rin aminin sa kanya. Pakiramdam ko nag susumbong ako sa lahat ng masasamang nangyari noon, at siya ang sasagip sa akin kahit sa totoo lang ay tapos na at wala ng magagawa pa.

"Remember the time you saw me running... with marks on my neck? I had to wear a turtle neck the day after to hide my marks." Mapait kong balik sa nakaraan.

"Sa bawat pananakit niya sa akin ay ang hiling kong mabawasan ang galit niya. I was hoping... that it could lessen his anger and increase his love."

Napakapit ako sa braso niya na para bang binubuhos ko roon ang desperasyon na mayroon ako noon.

"I believed that... a release of his anger could make space for his love for m-me..."

Tumalikod ako kay Dos at humarap sa pool ng rest house na ito. Umihip ang hangin at binalot kami nito. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang bawat mahinang hampas ihip. Huminga ako ng malalim at dinama ang pagkabasag ng puso ko.

I felt him hugged me from behind.

"... pero hindi nangyari iyon, Dos. Dumating ang pagkakataon na nagkaroon na ako ng silbi sa kanya. He was running at that time at kailangan niya ng susuporta sa kanya sa eleksyon. He asked—ordered me to marry—"

"Montreal." Madilim at may diin niyang pag tutuloy sa sinasabi ko.

"Alam mo?" Gulat kong tanong.

Akmang lilingon ako sa kanya nang hinigpitan niya lamang ang yakap sa akin mula sa likuran.

"I heard about it..." pabulong niyang sabi. "...but go on, I want to hear the rest,"

Sa kabila ng kalituhan at pag dami ng mga tanong sa isip ko ay pinilit kong ituloy ang pagsasalaysay.

Kahit na naiisip ko na kung ano ang maaari niyang rason para iwan ako 'noon ay... pinilit ko pa rin na mag patuloy.

"I knew I had no choice but to obey. At sa normal na pagkakataon siguro ay tatahimik nalamang ako. Bago kita makilala, I saw the woman in my dreams having nothing. She doesn't even consider her own life hers. Para sa kanya ay naroroon siya para mag bayad para sa kasalanan ng mga magulang niya."

Inabot ko ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang walang awat sa pag agos.

"Victoria Gallego... wasn't even living at that time." I whispered my name like it was a long lost friend's.

Napakalayo at foreign nito sa akin.

"Pero sa unang pagkakataon ay nag alsa ang puso ko, Dos. I didn't want to obey. Kasi alam ko na hindi kakayanin ng puso ko ang talikuran ka."

My lips trembled feeling the pain like it was just yesterday.

Inabot niya ang kanang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kaliwang kamay niyang nakayakap sa akin.

"For the first time, I was determined to disobey him." Pumikit ako. "Kasi mahal kita. Mahal na mahal. I could never hurt you. I don't even want to try. I wanted to protect you so bad and the love I have for you, kasi ito lang ang magandang nangyari sa akin noon."

Oh God, ang sakit. Help me.

I never told these to anyone. Not even my family now. Pero ito ako at binubuhos ang lahat sa taong naging minsan kong kahinaan.

He was both my strength and weakness which was disastrous.

"I planned everything... na mag e-exam ako para makapasok sa university dito sa maynila, na lilipat ako dito para lang makalaya na. I will aim for scholarship then will try to persuade my family to let me, at kung hindi... ay tatakas ako. It doesn't matter if I don't have any money, if no one will support me, kasi alam kong mas kakayanin ko iyon kaysa manatili pa roon. Marami akong paraan na inisip pero iisa lang ang resultang kinukuha ko, ang makalaya."

Inabot ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"For once, I tiptoed to reach the freedom I never dreamt of reaching before."

Mapait akong napangiti. "Dahil 'yon sayo, Dos. You gave me a new reason to live. I wanted to survive... to try and live my life, gusto ko subukan na baka pahintulutan na ako ng mundo..."

Umiling ako. "Pero noong sinubukan ko pa lang na kausapin siya. He got so mad, Dos. Angrier every second. He was unforgiving. That day na nakabalik ka mula sa Maynila pagkatapos ng libing ng lola mo... was that day I lost everything."

I pray, na pagkatapos ko ito ikwento sa kanya ay makalimutan ko na rin ang lahat ng nangyari. I don't want to remember any of it. I hope to bury these...

"Sinaktan niya ako ulit. Alam na pala niya ang balak kong mag Maynila. Someone told him..." hindi ko masabi na ang mga kinikilala kong matalik kong kaibigan ang nag sabi 'non.

"His beatings... were getting out of hand. Palala ng palala sa patuloy kong pananahimik at hindi pag sangayon. Ayos lang sana kung ako lang pero nadamay si mommy. I knew she got scared for me because it was my first time to say no. Noong lagi akong um-oo sa kanya ay sinasaktan na niya ako, paano pa noong humindi na ako?"

Napasapo ako sa ulo ko nang maramdaman ang bahagyang pananakit 'non. Agad akong dinaluhan ni Dos pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.

Kaya ko 'to. Gusto ko ito mairaos.

"Hindi siya tumigil saktan ako... alam ko na kung hindi niya marinig sa akin ang pag payag ay kakayanin niya akong mapatay 'non. I felt it, Dos. His anger could kill me if I don't say yes. At alam kong naramdaman din iyon ng mommy ko kaya... pinatakas ako ni mommy. She stopped him so that I could run."

I got breathless.

Muli kong tinignan ang tubig sa pool. Napaka kalmado 'non at napakaganda ng panahon, taliwas sa pinag uusapan namin ngayon.

"Hindi ko alam saan pupunta. I could never go to the police or anyone in that province dahil hawak ni daddy ang lahat. Wala akong mapagkatiwalaan kahit na mga kaibigan ko pa. Wala akong ibang maisip... kung hindi ikaw, Dos."

I clutched my heart.

This is it... my fear, loss and pain from that day resurfaced.

"You were my last hope that day, Dos." I painfully said my deepest thoughts.

Panibagong batalyon ng mga luha ang kumawala sa akin.

"I knew that day that I was willing to try and run to you. Na sa buong buhay ko, hindi ko hiniling na may sumagip sa akin pero ikaw ang naisip ko. I wanted to run to you to ask for help. That maybe... you could save me. Gusto ko sumubok na baka pwede, baka pwede pala ako humingi ng tulong..."

"But you didn't..." nalilito niyang sabi.

"I did!" Tumaas ang boses ko at marahas ko siyang hinarap.

My eyes were surely bloodshot. I felt the anger inside me rushed. Parang umalsa lahat ng nakatagong hinanakit sa puso ko. I felt like I was getting angry for the past me. Galit para sa umasang ako noon.

"I went to you, Dos! I even saw your car! I ran... I chased you... kahit nanghihina ako at mas mabagal sa normal ay nahawakan ko pa rin ang dulo ng sasakyan mo! That was how desperate I am... but you didn't stop! You didn't stop for me!" Bigong bigo kong sabi.

His eyes showed confusion and pain. Umiling siya at tila nag isip, binabalikan ang nakaraan.

Sinubukan niya akong hawakan pero nilayo ko ang kamay ko sa kanya. Ayoko mahawakan niya, natatakot na baka manlambot ako. Gusto ko ito ma-klaro dahil importante ito sa akin, ayaw ko basta kalimutan ito.

"Baby..." he reached for me again.

His touch could make me forget everything and I can't let that happen. I need clarification. 'Yon ang gusto at kailangan ko ngayon.

"No..." Iling ko.

"Hindi ko ito sinusumbat sa'yo. Hindi purkit hinabol kita 'non ay responsibilidad mong tumigil para sa akin. Desisyon kong tumakbo sa'yo. And, you have your own decision. Pero mahalaga ito para sa akin, I have to ask you this... because it is the only thing that fogs my head and stops me from fully moving forward."

Umayos ako ng tayo at hinarap siya. His eyes screams pain. Matapang ko siyang tinignan doon at mapait na ngumiti.

Ramdam ko ang dagungdong ng puso ko.

"You were my hope, Dos and I want to know what happened to my hope. I want know if nakita mo ba ako 'non?" Suminghap ako sa sariling tanong. "I want to know if you saw me and decided not to stop or if you really didn't..."

"No!" Puno ng pag susumamo niyang sagot.

Natigalgal ako sa sinabi niya.

Parang tumigil ito para pakiramdaman ang sagot na matagal na niyang hinihintay. Sinubukan kong 'wag umasa para hindi masakit pero ngayon nasisigurado ko ng masyadong matayog ang paniniwala ko sa kanya dahil hanggang sa dulo ay hinintay ko pa rin ang sagot niya, na hanggang sa dulo, umaasa akong hindi ang sagot niya.

"I didn't see you back then, Vic. Hindi ko sigurado kung ako ba talaga yung nakita mo pero kung ako man 'yon ay hindi kita nakita. I was mad that day, baby. I heard about the engagement, kalat na kalat sa buong Argao 'yon. I was devastated, angry and livid. I was so fucking mad. I was so ready to hunt that Montreal down. But the election was coming up. So I wanted to get away. Hindi ko maintindihan kung bakit kasasabi mo pa lang na mahal mo ako pero ikakasal ka sa iba? Kausap kita noong umagang 'yon pero wala kang nabanggit... I felt betrayed so I have decided to go... back to manila..."

"Hindi mo man lang ako hinintay magpaliwanag? Wala ka bang tiwala sa akin? You should have asked me! Mas kilala mo ako! Alam mong hindi ko 'yon magagawa—"

"I know! I know! But the young me was hard headed, Vic. Alam kong hindi excuse 'yon pero iyon talaga ang rason ko. I was impulsive and thick-skinned. Hindi ako basta-basta nakikinig noon. I act on impulse, baby."

He shook his head and tried to get close to me again but I took a step backward. I saw pain flashed through his eyes and he did not mask it.

Tahip tahip ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

Pinipilit ko itong makinig kahit gusto ko na awayin si Dos. Lagi akong kalmado pero sa kanya lang talaga sumasabog ang bulkan sa loob ko.

"You said, I was your last hope?" Napasapo siya sa mukha niya. "You were my first hope!" Marahas niyang sabi.

Sa gitna ng mga sumasabog namin na damdamin ay napaawang ang labi ko. His face hardened as his eyes brimmed with tears. Magkasalubong ang kanyang dalawang kilay at nag isang linya ang kanyang labi.

"You were my first try to listen, Vic. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong pakalmahin ang sarili ko at labanan ang pagiging padalos-dalos ko. Ni-hindi ko magawang lumabas ng probinsya nang hindi ka nakikita man lang! I wanted to hear it from you! Na hindi mo ako mahal at umalis nalang ako kahit hindi ko ugaling makinig sa iba! Kaya bumalik ako..."

Napatakip ako sa aking bibig.

His tears started falling...

Dos is crying! He is...

"At alam ko sa sarili ko na kapag nabigyan mo ako ng magandang paliwanag ay itatanan kita!"

Oh, Dos...

"Hindi ako makakapayag na maikasal ka basta-basta sa iba, Victoria. Hindi ako mabait at martyr para hayaan 'yon. So I went back for you! Hinanap kita... kahit sa bahay niyo. Pero ang sabi nila ay sumama ka na sa mga Montreal! I didn't believe that of course. Masyado kitang mahal para paniwalaan na iniwan mo ako. Pinuntahan ko ang mga kaibigan mo pero 'yon din ang sinabi nila!" His voice sounded so angry and in pain at the same time.

Mga kaibigan?

Sina Arlie at Nica?

Naramdaman ko muli ang pagkabigo sa puso ko. How... bakit? Paano nila 'yon nagawa sa akin?

Going through this is holding the same pain for the second time and it didn't hurt less.

"Hinanap pa rin kita kahit ga'non! I even hired people pero wala. Lahat ng nakakalap kong impormasyon ay isa lang ang tinuturo..."

Pinunasan niya ang mga luha niya.

His face was red. Parang nakikita ko kung paano siya noong mga panahon na 'yon.

"... isa lang at iyon ay iniwan mo nga talaga ako."

Napahawak ako sa railings dahil sa pang hinina. Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang pag kirot 'non.

Sobrang sakit 'non. Nasasaktan para sa aming dalawa.

"I got into an accident, Dos..." I almost whispered.

Na para bang doon nag tatapos lahat.

"Pagkatapos mong mawala sa paningin ko ay isa nalang ang naiisip kong paraan para makatakas, iyon ay lumayo. Sasakay sana ako ng bus papunta sa kabilang probinsya pero... I guess... I had to die that day. I got into an accident and..."

Humigpit ang hawak ko sa railings. "... I was in comatose for almost a year. Pagkagising ko ay wala akong maalala, not even my name, Dos. Wala talaga, para akong empty vessel na bigla nalang nabuhay. I had to learn everything from the start... kaya itinago muna ako ng daddy ko. He wasn't sure why I was in that state so he protected me. 'Yon siguro rin ang dahilan kung bakit hindi mo ako makita."

It's done. Ito na 'yon diba? Tapos na. Nalaman na namin ang totoo mula sa isa't isa. Naramdaman kong nabawasan na ang mga negatibong nararamdaman ko.

There's a lingering feeling of relief beneath all the information I got today.

"Hindi kita iniwan, Dos. Hinding hindi ko 'yon magagawa sayo kasi mahal kita. If nakita mo man ako 'non—"

"Hindi nga sabi—"

"I know that now! This is only hypothetical. If ever you did not accept me or help me, tatanggapin ko iyon pero hindi ko pag sisisihan na humingi ng tulong sa'yo."

Natigilan ako nang yumuko siya sa harapan ko at unti-unting bumaba para lumuhod.

"Dos!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top