Kabanata 32

Hi Inspirados!

I am back! Hope you didn't wait that long.

Enjoy and just take it all in!

Hindi magbabago

From there, I never thought I'll have the best sleep yet of my life. Simula nang magising ako pagkatapos ng aksidente ay laging hindi maganda ang gising ko, lalo na at mga ala-ala na pilit kong binabalik ang laman ng mga panaginip ko.

Minsan kapag hindi ako nananaginip, I will still feel empty. O di kaya ay, wala lang, okay lang ga'non, sakto lang.

Pero ngayon, I don't remember my dreams that I sure had! At nagising pa ako na maaliwalas ang isipan ko.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang patay na iyon. Nalowbat! Sino kaya ang unang nalowbat sa amin?

Agad ko itong ni-charge para bumukas.

Habang hinihintay na magkaroon ito ng kaunting battery, nag hilamos na muna ako. I heard my phone beeped, habang nag tu-toothbrush ay tinignan ko kung anong notification iyon.

I saw his name on my notification stack.

Kailan kaya ako masasanay?

dosmontgomery: Goodmorning :) Did you have a good sleep? I did.

Bahagya akong napangiti kahit na nasa bibig ko ang toothbrush. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa ng reply.

v.madrigal: Goodmorning, Dos. Ang aga mo naman nagising. Hmm, oo, ang ganda ng tulog ko. Ba-baba na niyan ako para mag breakfast, kain ka na rin :)

Saglit akong nag isip bago pindutin ang send button, iniisip kung masyado ba iyon mahaba o maikli ba?

Pumikit ako ng mariin at ni-send nalamang iyon. 'Yon naman talaga ang gusto kong sabihin at gusto ko mas maging honest pa.

I continued my morning rituals before tying my hair up and getting my phone again to check his response.

dosmontgomery: That's good to hear. Maaga ako nagising kasi nag iisip pa ako ng dadalhin ko riyan. You should eat now, eat well, I will see you later, baby.

Baby.

Baby ng baby 'to. Hmm... nakakakilig oo pero parang ayaw ko ang endearment na 'yon.

v.madrigal: 'Wag ka na mag-abala pa, magpapaluto si Tita Crissy kaya paniguradong kompleto na at sobra-sobra pa ang pagkain mamaya.

dosmontgomery: Can I call?

Napangisi ako, imbes na sumagot ay ako ang tumawag sa kanya.

Agad niya ito sinagot at gusto kong matawa nang marinig ang malalim niyang pag-hinga.

"You will give me an heart attack, baby."

"Bakit naman?" Naitaas ko pa ang kilay ko dahil alam ko naman na kung bakit.

"My heart always beats rapidly whenever your name registers on my phone," walang preno niyang sabi.

Pareho pala kami...

"Pareho lang naman tayo, Dos..." sa kabila ng pagkahiya ay nagawa kong sabihin.

"Damn..." he cursed. "I want to see you already and hug you. Parang hindi na sasapat sa akin ang tawag lang."

Napahawak ako sa puso ko at marahan iyon ni-masahe, sobrang saya nito na parang niguguhitan ito ng magagandang tanawin at sinusulatan ng magagandang salita.

"Magkikita rin tayo mamaya, see you?"

"See you, baby."

Hmm... baby? Ang weird talaga pero ayoko iyon. Gusto ko mag bigay ng suhestyon pero nahihiya naman ako!

Kapag nalang natapos kami sa pag uusap namin at walang nag bago, subukan kong pag-usapan ito.

"See you, Dos. Eat well. Pakabusog ka."

"I will. I love you."

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng marinig iyon.

Hindi sumapat ang lakas ng puso ko at nanghina talaga ito. It was beating so wild but weak from all the emotions fidgeting around it.

Hindi ko na ito sinagot muna...

Pinatay ko ang tawag at napangiti sa kawalan.

To be loved by him is healing, to take a walk with him is my prayer, and to have him is... my deepest yearning.

Gusto ko siyang mahalin ulit.

The morning was chill and normal. Kumain kami ng agahan magkakasama at naligo ako pagkatapos para kapag nandito na si Dos ay lunch nalamang bago umalis. Tumulong ako sa garden kasama si Tita Crissy habang ang mga helpers namin ay abala sa pag luluto ng lunch para mamaya. Si kuya ay tinutulungan si Vera sa mga assignments niya habang si Ate Vida ay inaayos ang decorations namin sa patio para sa Valentines Day.

Every occasion ay nag de-decorate kami, for big occasions such as Christmas Day and New Year's Day, buong bahay ang inaayos pero sa mga in between occasions—sa patio ang decors.

"Mom, can you reach that po?" Wala sa sarili kong sabi, inaabot ang hose sa gilid ni Tita Crissy.

Natigilan ako kasabay ng pagkatigil niya. She was trimming some of our plants... pero alam kong dinig na dinig niya ang natawag ko sa kanya.

"Tita..." I bit my lower lip. "I am sorry po," pag hingi ko ng paumanhin.

That was insensitive of me, hindi ko napansin. I think this is connected to me looking up to her and considering her as my mom. She has always been there and I got so used and comfortable that it just came out. Pero hindi ko naisip na anak pa rin ako sa iba ni daddy, na... kahit okay kami at mahal niya ako, hindi na mag babago iyon.

I may not know but she might be hurt too.

Napaayos siya ng tayo at maagap akong nilapitan para yakapin. Nanatili lamang akong nakatayo, gulat sa yakap niya sa akin.

"I have longed for you to call me that, anak."

"Really? Okay lang po talaga?" My heart ached.

Humiwalay siya ng kaunti sa akin. Her eyes were shimmering because of her suppressed tears. Hinawi niya ang buhok ko at tinignan ako na para bang... siya talaga ang mama ko.

"Of course, I would love that. I love you, Vic. You are my daughter."

Tumango ako at inabot siya para mayakap. "Thank you po, mom."

Nanginginig ang kamay ay inabot niya ang pisngi ko at marahan hinaplos.

"You have no idea how much you made me happy. Lagi ko sinasabi na ayos lang... na Tita ang tawag mo sa akin dahil iyon naman ang totoo. Pero sa kaibuturan ng puso ko, siguro ay dahil anak ang tingin ko sayo... hinihiling ko na sana mama rin ang tingin mo sa akin."

She was smiling while saying all those words but a mixture of happiness and pain were evident.

Umiling ako. "Matagal ko na po kayong tinuring na mama ko... ayaw ko lang po maging insensitive kasi alam naman po natin kung gaano ka-komplikado ang sitwasyon natin."

She shook her head this time. "Anak kita. Kahit ano mangyari. The moment I entered that hospital room and hugged you as you cried out your fears for not knowing anyone, not knowing even yourself... I knew right there and then that I was hugging my daughter."

I understand now why they have a lovely relationship. People may think otherwise... but for me... their love is beautiful.

It accepts rightly and forgives justly.

Napakalawak ng kanilang pag-iintindi, hindi nila nawawala ang sarili nila sa pagmamahal na mayroon sila, sa katunayan ay nahahanap pa nila iyon dahil sa mayroon sila.

Because of that, they can love more... even those matters that are hard to accept and love. Like me.

Mahigpit ko siyang niyakap.

"Call me mama, what do you think? Para hindi maalis ang pagiging mommy ng biological mom mo?" Malumanay niyang suhestyon.

Tumango ako at hinayaan tumulo ang ilang luha sa aking mata.

"Mama..." nangiti ako kahit na umiiyak.

This home. This family. A proof of my salvation.

"So, matchy huh?" Puna ni Kuya sa suot namin ni Dos.

Hindi namin ito napag usapan kaya nabigla rin ako na may pagka matchy ang suot namin. He was wearing a cotton grey long sleeves na may kwelyo. Naka roll ito hanggang sa kanyang siko. For his bottom, black trousers.

Mine was a fitted grey long sleeves, I tucked it under my pleated skirt.

"Kuya," banta ni Ate Vida.

"What? Sinasabi ko lang naman." Depensa ni kuya habang nakahilig sa kanyang upuan.

Kanina pa siya ganito simula nang makarating si Dos. Mataman nakatingin, parang binabalatan ng buhay. Buti nalamang ay chill lang si Dos at hindi pinapansin. Kasi kung iba lang 'to? Baka patulan ang paninitig ni kuya.

Mukha talaga siya nanghahamon ng away.

"You know, young man, I treasure my daughter so much. She has been through a lot and... I have committed that I will never ever allow anyone to hurt her again, not even a chance could slip off my hands."

"Dad!" Naalarma ako sa panimula ni daddy!

Akala ko ay gusto lang nila siya makilala, hindi ko alam na may paganito!

Hinarap ko si Dos para ma-klaro ang ibig sabihin ni daddy kahit na ako mismo ay hindi alam bakit niya sinasabi 'yon.

"Dos, I am—"

"Yes, Sir. I understand that. I treasure her so much too... that I will help you flip this world if anything hurts her."

Naiwan na nakabukas ang labi ko sa kanyang sinabi. Ilang beses bumukas-sara ang mga mata ko para lang maintindihan kung ano ba ang nais niya sabihin.

"Oh, really?" Nag-taas ng kilay si daddy at nag-dekwatro.

"Victor." Banta ni mama dahil nasa hapagkainan kami.

Agad nag ayos ng upo si daddy at inabot ang kamay ni mama. Hinagkan niya ito at ngumiti na para bang humihingi ng tawad.

"I am sorry, hindi na mauulit."

Nagkatinginan kami ni kuya at ate. I pursed my lips to prevent myself from laughing. Si kuya ay napayuko pa habang si ate ay pinaglaruan ang inumin niya.

Tanggal angas si daddy bigla! Si mama talaga ang mag sasalba ng lunch na ito!

Tinignan ko si Dos at nakita ang kalituhan sa kanyang isipan. Hinawakan ko siya sa braso para tignan niya ako. Napanguso siya, tila nag tatanong kung bakit kami parang natatawa.

Lumapit ako sa kanya, tinulungan naman niya ako at humilig ng kaunti sa pwesto ko para mabulungan siya ng maayos.

Tinakpan ko ng isang kamay ang gilid ng bibig ko. "Pag pasensyahan mo na si daddy, nag kukunwari lang siyang istrikto, but he's really sweet."

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tumango.

Siya naman ang nag takip para itago ang pag bulong niya.

"I can see that. You have a warm family, baby."

Para akong sinilaban sa init ng pakiramdam ko sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Para pa akong makikiliti sa pag bulong nitong katabi ko! His endearment is not helping!

Kahit tuloy anong pigil ko ay napangiti na ako ng matamis!

"Ehem," literal na tikhim ni daddy.

Bumaling kami sa kanya at mabilis na nag ayos ng upo. I pouted my lips to stop myself from smiling, baka isipin pa ni daddy ay hindi ko ni-seseryoso ang sitwasyon.

"Where was I?" Tanong ni daddy at nag isip sandali. "Ah! Parang ang sinasabi mo ay kaya mong gawin ang lahat para 'wag lang masaktan ang anak ko?"

Mariin akong napapikit at napahilot sa sentido ko.

Here we go again...

"Yes, Sir." Diretsong sagot ni Dos, hindi man nag isip!

Ang akala niya ba ay mababawi niya 'to? Hindi niya kilala si daddy! A word is a word to him. Tatandaan niya ito na parang bahay na binu-buo. Isesemento niya sa kanyang isipan at pag tumalikod ka sa salita mo ay maguguho ito at hindi na siya papayag na mabuo ulit.

"You don't know what you're getting into." Side comment ni kuya.

A rare occurrence, sangayon ako kay kuya ngayon.

"Dos, wag mo seryosohin mga sinasabi ni—"

"So may gusto ka sa anak ko?" Pag puputol na naman ni daddy sa sasabihin ko.

"Dad!" Napatayo ako sa kinatatayuan ko.

"Yes, Sir. Mahal ko po ang anak niyo. Eversince. Hanggang ngayon." Matapang pa rin na sagot ni Dos!

Argh! These men!

"Dos!" Awat ko sa kanya!

I find this really unnecessary, mag uusap pa lang kami ni Dos ngayon. I am not even sure if he would like me the same if he learns about everything. Kung malalaman ba niya kung gaano kagulo ang buhay ko, ga'non pa rin ba iyon?

Would he want to associate himself with a person... na nag sisimula pa lang? Habang pwede na niyang makuha lahat ngayon kung iba ang pipiliin niya?

I want to lay out the facts first, bago siya mag desisyon. Dapat ay alam muna namin ang lahat, masagot ang katanungan ng bawat isa, bago ang lahat ng ito.

"Daddy, please... mag uusap lang po kami ngayon. Can we have a peaceful lunch instead?" Magalang kong tanong.

"Anak, we have been taking care of your heart and I don't want to give it to someone unworthy." Diretsong sabi ni daddy.

Kuya even chuckled! Tuwang-tuwa pa!

"Victor, I think our daughter just wants us to take this day lightly. Ang sabi niya ay mag uusap lang sila at pagkatiwalaan natin iyon." Pag suporta ni mama sa akin.

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin habang si daddy at sumimangot na dahil alam niyang wala na naman siyang palag kay mama, lalo na at may point ito.

"Basta, you tell us if you're moving forward, okay? Iyon lang naman ang hiling namin. That if ever this young man courts you, you tell us and do it the proper way. Hindi naman kami mag hihigpit, we just want to know."

The way mama explained it soothed my worries away. The more I see her kind of parenting, the more I admire her. I hope to be like her someday. Loving, forgiving, brave, strong... yung kahit na mapagpatawad, alam pa rin manindigan, alam niya ang kapasidad niya, alam niya kailan mag bibigay at kailan ipagkakait ang sarili sa kahit sino man.

She knows her worth and she is showing that to us everyday... that we must know ours too.

Lumingon naman siya kay Dos.

"I admire your bravery, hijo. But please, I know na napaka moderno na ngayon. Alam kong hindi na uso sa inyong mga kabataan ang mag paalam, pero sa amin kasi, ma ma-aappreciate namin kung mag sasabi kayo. Lalo na sa sitwasyon ng anak namin, we are protecting her... and still working on a lot of things. I hope you understand why we are telling you this."

Tumango si Dos na para bang ka-meeting niya ang mga kausap niya. Hindi ko pa siya nakita kung paano siya bilang business man pero may palagay ako na maaaring ganito siya.

Sigurado. Diretso. Determinado. Seryoso.

"Dapat lang ayusin ng kahit sinong poporma sa kapatid ko kasi nasa utak ko na ang gagawin ko kung sakaling may manakit sa kanya." Kuya cockily smirked.

"I'll abolish every infrastructure he has, at patatayuan ng rebulto ng kung sinong gago iyon para batuhin ko lang ng bato tuwing gusto ko."

"Kuya naman... please."

Gusto ko mapafacepalm sa ayos ng pamilya ko ngayon.

"Napaka asal bata mo kuya, alam mo 'yon?" Pag tulong sa akin ni Ate Vida.

Tumikhim si Dos, unfazed by all what's happening.

"I understand and I prefer that too. Wala po iyon problema sa akin. Kahit na dito pa po ako manligaw. I want to honor everyone's wishes, especially Victoria's. Kaya po tulad ng gusto niya ay mag uusap muna po kami ngayon, lilinawin ang mga tanong namin. Pero alam ko po na kahit ano man mangyari ngayong gabi, hindi po mag babago ang nararamdaman ko. Not years ago. Not today. Not tomorrow. I don't see my love for her ever changing. If it will, baka mas humigit lang po. Kaya aakyat pa rin po ako ng ligaw, I hope that will be okay?"

Napaawang lamang ang labi ko habang nakatingin sa kanya na hinaharap ang bawat seryosong titig ng mga magulang ko. He won't budge, I know. Kahit na hindi ko alam lahat o hindi ko maalala lahat, I can somehow see what kind of a person he is.

When he is determined, no one can stop him.

"Anak, tignan mo si daddy. Bakit parang hindi pa man nanliligaw, sasagot ka na ng oo sa titig mo?" May hinanakit na tanong ni daddy.

Napilitan akong ibaling ang tingin sa kanila kahit na gusto ko pa namnamin lahat ng nararamdaman ko kasi napakasarap, ang saya ko... sobrang saya ng puso ko.

To see that in this very dining room, lahat ng taong importante sa akin ay nasa harapan ko, pinaparamdam na mahal ako.

Napakaswerte ko.

"Dad, I am sorry... please trust me on this one." Iyon nalamang ang tangi kong nasabi.

Ayoko pangunahan ang mga nangyayari. Alam ko ang nararamdaman ko at ang kaya ko ibigay, pero bago ang lahat, kailangan ko ayusin ang mga buhol-buhol ng nakaraan. Para magawa iyon, kailangan masagot ng mga tanong ko at tanong niya.

When the time comes na panatag na ang isip namin dalawa, that is when we can only move forward.

"Thank you, mama, for understanding me."

She nodded and stared back at daddy. Ni-pisil niya ang kamay nito at nginitian.

"I love you, let this go for now, Victor." Malambing niyang sabi.

Nanlambot ang tingin ni daddy at dinala ang kamay ni mama sa may pisngi niya para magpahaplos.

"I love you too, and fine... I will. I guess we can now enjoy our lunch." Deklara niya.

Napabuga ako ng hangin at doon lamang ako napa-upo. I smiled how the conversation went. Atleast, my parents, Dos and I, had our fair share of time to say our points.

"Thank you, dad."

"Thank you, Sir." Ani Dos.

"Finally! I am hungry na po." Ani ng isang cute na boses.

Napalingon kami lahat kay Vera na hindi ginagalaw ang pagkain niya. Nasa tabi ko siya kaya mabilis ko siyang dinaluhan at inayos ang pagkain.

"Oh no, baby. I am sorry for that. Dapat ay kumain ka na kahit na nag uusap kami." Tinulungan ko siya ihalo ang sabaw ng sinigang sa kanin niya.

Ate Vida laughed and started eating too. Si kuya naman ay prente pa rin nakasandal sa upuan niya habang tinitignan si Dos.

Si mama ay pinagsilbihan na si daddy.

Bumalik ako sa upuan ko at kakain na sana nang mapansin na nakatingin sa akin si Dos, hindi ginagalaw ang pagkain niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo ba ang pagkain?" Mahina kong tanong.

"Pwede na ba ako kumain talaga?" Mahina niya rin tanong.

Muntik na ako matawa pero pinigilan ko dahil baka isipin ni daddy ay tinatawanan pa namin ang sitwasyon.

I rolled my eyes to prevent myself from laughing. Ako na ang umabot ng spareribs at kinuhanan siya ng pagkain. Nilagay ko iyon sa kanyang pinggan. Sunod akong kumuha ng sinigang sa maliit na bowl para ilagay sa gilid ng plato niya.

I got him some fruits too, placed them in a small plate at tinabi rin sa kanya.

Nakatingin lamang siya roon. Napalunok.

"Ang dami naman nito... baka isipin nila ang takaw ko." Mahina niya pa rin bulong.

Umiling ako. "Eat. Mas gusto nila ang magana kumain."

Tinaas-taas ko pa ang dalawa kong kilay para ipahiwatig na tinutulungan ko siya. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi, pero imbis na mag simulang kumain ay inabot niya rin ang mga pagkain para ilagay sa plato ko.

I watched him as he do things for me, mas marami pa ang nilagay niya sa pinggan ko kaysa sa nilagay ko sa kanya!

Napansin ko rin na nanunuod sina daddy pero walang nag salita. Ipinagpapasalamat ko nalang din na tumahimik ang lahat at in-enjoy ang pagkain.

Medyo natagalan kami sa pag-kain dahil nagkaroon ng iba't ibang usapan, tulad ng trabaho, ang projects na mayroon sa pagitan ng mga kompanya namin, kinamusta din nina daddy ang pamilya ni Dos dahil kagagaling lang ata sa pagkakahospital ng kapatid niya, si Uno?

Mga isang oras pa pagkatapos ng lunch namin bago kami nag paalam para umalis na.

Everybody went upstairs except kay kuya na nakasunod pa rin sa amin.

"Iuwi mo 'yan ng maaga, Montgomery." Masungit na banta ni kuya.

"Got that, Madrigal."

Inabot ni Dos ang kamay niya sa akin.

"'Wag mong tanggapin, Vic. May paa ka, kaya mo mag lakad ng walang alalay—"

Ngumiti ako at tinanggap iyon. Pinag siklop ko pa ang mga daliri namin at ako na ang humila sa kanya papunta sa sasakyan niya dahil alam kong hindi siya titigilan ni kuya kung hindi pa kami aalis doon.

Pagkasakay namin ng Raptor ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat. He was fixing my seat when I did that.

"Reward... for what you went through today." Paliwanag ko.

Mula sa pag aayos ng upuan ko ay muli niyang pinindot ang button sa seatbelt para maalis ang pagkaka hapit nito sa katawan ko.

He embraced me and took me in his arms. Nag init ang puso ko dahil doon at ninamnam ang yakap niya.

Bahagya kong inamoy ang balikat niya habang hinahayaan siyang matapos na yakapin ako. Siya naman ay binigyan ako ng mababaw na halik sa leeg.

It felt ticklish and...

I feel feverish because of his light kisses.

Ano ba ito? Magkakasakit ata ako?

"I'll be good, Vic." His words promised.

Hah?

"Magpapakabuti ako palagi para may reward ako sayo." Masinsinan niyang sabi.

Marahan akong natawa dahil hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya!

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ikaw talaga..."

Humigpit lamang ang yakap niya. Vic

"Grabe. Sobrang mahal talaga kita. Kahit magkalapit tayo ngayon, parang kulang pa rin."

Inabot ko ang kanyang baywang at niyakap din siya ng mahigpit.

"Edi lalapit pa ako hanggang sa maging sapat." Tugon ko.

"I can't imagine losing you again. I can't imagine myself living from the past six years that you weren't around. 'Wag mo na ako iiwan ulit ha?" Parang bata niyang hiling.

Ako nga ba ang nang-iwan o siya? Masasagot ko na ito ngayong araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top