Kabanata 31
Hi Inspirados!
I will be out of the country tomorrow and will be back on Tuesday pa, so I can't promise an update :( But I will try! Even if one lang or two.
For now, sinagad ko sa update na 'to, I hope you'll like it! Have a good read!
Feathery light dizzy
"Do you want more?" Alok ni Dos ng burger niya.
Nasa parking lot kami ng school habang nasa loob ng sasakyan niya. Inaya niya ako mag lunch bago kami pumasok sa kanya-kanya namin opisina.
A vivid memory from my dreams resurfaced. Mga panahon na ganito rin kami noon.
Tumango ako at kumagat sa nilapit niyang burger.
Habang ngumunguya ay nilapit ko naman sa kanya ang pizza na hawak ko. He ordered truffle pizza, burger and bought two milkteas.
Kumagat din siya roon at tumango-tango dahil sa sarap 'non. Kanina pa namin pinupuri ang kinakain namin dahil talagang masarap!
Parang biglang mas sumarap nga 'eh. Baka may binago sila sa ingredients? Nakakain naman na rin ako nito kaya hindi na bago pero mas masarap talaga 'to ngayon.
"Mahirap ba ang trabaho mo?" Tanong ko.
Inabot niya ang gilid ng aking labi at pinalis ang kalat doon.
Agad kong tinignan ang reflection ko sa cellphone ko para punasan ang kalat sa bibig ko.
"You're such a baby."
"No! Hindi ako!" Hindi ko 'to matatanggap!
I want to be presentable in front of him! Pero parang laging kabaliktaran ang nangyayari.
"Ayaw mo maging baby ko?" Tudyo niya.
"Hay nako!" Umirap ako.
Mga kalokohan talaga, doon siya magaling 'eh!
"Sige kung ayaw mo, ako nalang baby mo." Suhestyon niya pa!
"Seryoso nga kasi!"
Mabilis siyang nag taas ng kamay nang makita ang pag alab ng mga mata ko.
"Oo na..." umiling siya. "Hindi naman, pero siguro at first? Lahat naman ay ga'non diba? Mahirap sa umpisa kasi mag a-adjust pa tayo pero kalaunan matututunan mo rin 'yon. Plus, I like what I am doing and that helps a lot to lighten the load when you have a huge responsibility."
"You?" Balik tanong niya sa akin.
"I am starting to like it now. To create homes for people... to help them make their vision into reality... I like that feeling."
Nakakakilabot isipin na nawala man ako 'non, hindi ko man alam kung anong gagawin o ginagawa ko, hindi ko alam kung saan ako mag sisimula, losing everything of me back then...
...led me to far more places which are for me.
My loss before led me here.
Happy. Content. Loved.
I found myself, I found my people, I found new dreams.
"Saw the lot sa dulo ng street ng lupa ni Carl?"
Binalik ko sa aking isipan ang street na iyon at naalalang bakante nga iyon.
Tumango ako. "Oh... that lot! Napansin ko nga iyon kasi naisip ko dalawang bahay ang kasya roon. Ang laki!"
"Do you like it?" Seryoso niyang tanong habang inaabot ang kamay ko para ilapit ang pizza sa kanya.
"Masyadong malaki 'eh, baka hindi mag kita ang buong pamilya roon? Siguro maganda kung isipan ng ibang purpose yung kalahati? It could be a play area? Or a huge greenhouse? Or a movie house? Or a craft area! Where the family can have different activities!"
Lumipad ang utak ko sa mga pwedeng gawin sa napakalaking lupa doon.
"Kilala mo ba ang may-ari?"
"It's one of my properties."
Halos malaglag ang panga ko! Why am I even shocked? Of course, he's the great Dos Montgomery!
"Oh... hehe." Napakagat nalang ako sa burger.
"I want you to design it." Diretso niyang sabi.
"Me? But it's your house!"
Kung kay Carl ay sobrang nahihiya na ako, mas lalo sa kanya! Baka makita niya pa ang mga kapalpakan ko? Baka makita niya na hindi naman pala ako marunong? O baka hindi siya ma-proud sa gagawin ko?
"And?"
Parang handang handa siya kontrahin ang kahit anong sasabihin ko kung tignan ako.
"I... I... eh... baka..."
I pursed my lips and worriedly looked at him.
"Hmm?" He patiently urged me to keep talking.
Napabuntong hininga ako. "Baka... hindi ako makapag keep-up sa standard mo... atleast si Carl, he saw my design first before knowing that it's mine kaya alam kong I can really help him. Eh ikaw, parang pinili mo lang ako kasi..."
Napapikit ako, hindi matuloy ang sasabihin!
Narinig ko ang pagak niyang tawa. Kumunot ang noo ko at matalim siyang tinignan.
Tatawanan pa talaga ako?!
"Kasi...?" he playfully trailed.
"Ewan ko sayo, hindi mo na naman ni-seseryoso," umirap ako pero mabilis din bumalik ang tingin ko sa kanya nang ibaba niya ang burger para hawakan ako sa kamay.
He pulled me a little closer to him. Making our already small distance smaller.
"Kasi gusto kita?" Siya na ang tumuloy sa sasabihin ko.
Two hundred mph, that's how fast my heart rate is if it's a car.
To hear him actually say it is...
Disturbing.
In a sense that... I want to hug him and say it too.
"I want to tell you that I pick you to design this house kasi nakita ko ang portfolio mo at alam ko rin ang standard ni Carl, you have no idea how specific and particular that man is, so for him to pick you means you have something to deliver."
Mataman niya akong tinignan, making me absorb all that he utters.
"Gusto ko sabihin 'yon lang pero... hindi lang kasi 'yon,"
Pinatong niya ang noo niya sa aking noo.
He licked his lower lip before smiling.
"I want you to design it because it was you I was thinking about when I bought it,"
Ang hinlalaki niya ay pinasadahan ang panga ko. From the bottom of my ear... his thumb grazed till it reached my lower lip.
He stopped there and his eyes lowered to stare at it.
"Please? Accept it?" Halos paos niyang sabi.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin. Tanging ang tunog lang ng puso ko ang namayani na paniguradong mararamdaman niya rin kung mapalapit pa siya.
"Please, baby." His voice almost begging.
I closed my eyes and nodded. "Okay... pag pumasa na kay Carl Montgomery ang designs ko, I will..."
Bago ko pa buksan ang mata ko ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa akin. His right hand touching my jaw to pull me closer as he angled properly.
Ang malalambot niyang halik ay namasyal sa aking labi. I felt his tongue grazed my lips which made me open them. He entered my mouth and played with my tongue.
Napahawak ako sa kanyang braso, naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko, thank God we're sitting!
Ang kaliwa niyang kamay ay pumunta sa aking likuran para mas mailapit pa ako. He held me so close to him, crossing all years of distance we had.
I felt myself responding to his kisses. I mimicked how he moved. I tried to complement his kisses. I tried to do it as sweetly as possible to convey my feelings.
Na sa kabila ng mga takot ko, sumusugal ako.
Na sa kabila ng mga nangyari, hindi nagbago ang sinasabi ng puso ko.
Pangalan niya pa rin ang binabanggit.
Lumipat ang kanyang halik sa aking panga, dahan-dahan, sinusulit ang bawat pag dapo, hanggang makarating sa aking leeg. Halos kapusin ako ng hangin sa bawat dampi roon.
I automatically angled my neck to give him more access, wanting more...
I gasped and made a sound when his tongue flickered on a certain spot... that I like!
"D-dos..." gusto kong makiusap pero wala akong ideya kung anong ipapakiusap ko!
Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko, hindi pamilyar. I never felt something like this in my whole existence and consciousness.
He skillfully went back to kiss my chin then back to my lips again.
Ending the kiss with feathery light dizzy kisses.
"Ikaw pa rin hanggang ngayon. Of all my wrong decisions, I know I don't deserve anything from you. Sa lahat ng mga pagkakamali ko, I deserve to be punished but..."
Isang dampi ng halik sa aking noo ang ginawad niya.
"... I'll repent and try to better just to deserve you back again."
I felt him kiss my cheeks next.
My heart was full. Loving every word he says. Kasi dama ko ang sinseridad doon.
"Please let me love you." He breathed.
I painfully smiled. Bakit ang sakit marinig kahit masaya ako.
Inabot ko ang panga niya at hinaplos iyon habang magkadikit ang aming noo.
"I will be honored, Dos."
To be loved by him...
Is a kiss to all my pain.
"Dad..."
Nakaupo kami ngayon sa patio, we were having our usual late night snacks tuwing Friday. Dito kami nag ke-kwento kung anong nangyari sa linggo namin o kung may gusto kami sabihin ay dito rin namin napapaalam.
Ngayon... magpapaalam ako para sa labas namin ni Dos bukas.
"Hm?" Sumimsim siya sa kanyang tea bago binigay sa akin ang atensyon.
Napalunok ako at maingat na ngumiti. Hindi pa ako nagkaroon ng ganitong sitwasyon noon na kailangan ko mag paalam dahil madalas ay sa bahay lang naman ako kaya bagong bago ito sa akin. Si Ate Vida naman ay mas kaswal mag paalam, si Kuya ay hindi na ginagawa 'yon... kaya wala akong magawang basehan.
Ayaw ko naman na hindi mag paalam kasi gusto ko pagkatiwalaan nila ako rito. At sa tingin ko, sa kondisyon ko, mas mainam na may alam sila lalo na at parte ng nakaraan ko si Dos.
"Lalabas po sana ako bukas..."
Mukhang nakuha ko ang buong atensyon nilang lahat doon.
Kita ko ang pag ngisi ni Ate Vida dahil nakwento ko na ito sa kanya kanina. Siya ang pinaka updated sa lahat dahil maliban sa marami siya nababalitaan ay nag kwento naman ako. Hindi lang detalyado pero sapat na ang nalalaman niya para ngumisi ng ganito sa akin ngayon.
"Oh..." Nag de-kwarto si daddy at humalukipkip.
"With?" Nag-iba ngayon ang tono ng boses niya.
Malayo sa maamong tinig tuwing kinakausap ako. Para siyang nagging istrikto ngayon.
"A friend?" Patanong kong nasabi.
Gusto kong mapa-facepalm dahil parang hindi pa ako sigurado!
Nag taas ng kilay si daddy at si kuya ay masama na ang tingin sa akin pati na rin kay Ate Vida.
"Ahuh, who?"
Napanguso ako at napayakap sa aking tuhod, tila tinatablan ng lamig.
"Dos..." Pinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng tuhod ko. "Si Dos Montgomery po, dad..." mas klaro kong sabi.
Kita ko ang sandali niya pagkagulat pero agad din niya iyon pinalitan ng seryosong ekspresyon. Halata tuloy na pinipilit niyang maging istrikto! Hay, daddy!
"The Montgomerys..." dad trailed.
Napatango nalamang ako.
"Bakit hindi siya bumisita rito?"
Napaayos ako ng upo. "Ano po? Daddy! Hindi naman siya nanliligaw... bakit bibisita?"
"Aba, eh bakit kayo lalabas? Hindi ba panliligaw na iyon? Noong kabataan ko, ga'non kami ni Tita Crissy mo. I date her after visiting their house, para mag paalam ng maayos."
I groaned and placed both of my hands on my cheeks. "Dad, I know him from Argao pa po. He is... a huge part of my past, at may mga gusto po kami pag usapan sana."
Argh! Ang hirap na wala kaming label noon, ni-hindi ako nagkatyansa na sagutin siya, edi sana ngayon sinabi ko nalang na boyfriend ko siya noon at pag uusapan namin ang mga nangyari sa amin noon.
Ang hirap ipaliwanag kapag walang label, I will never do that again! Dapat ay klaro at lagyan ng linya. 'Yon ang uunahin ko bukas na bukas!
"Aysus, ang sabihin mo boyfriend mo 'yon at gusto niya makipagbalikan 'no? I saw how he looks at you during the party." Udyok ni Kuya habang naka simangot.
"Lahat naman napapansin mo, kuya. Napaka dumi ng utak mo." Singit ni Ate Vida.
Napa-alsa si kuya at matalim na tinignan si Ate Vida.
"Stop that, you two." Madiin na saad ni Tita Crissy, that made kuya sit again.
"Gusto ka ba ng lalaking iyon?" Singit muli ni daddy nang makaupo si kuya.
Napayuko ako dahil nahihiya ako na mag salita para kay Dos. Napaka weird na sa akin manggaling ito, parang nag bubuhat naman ako ng sariling bangko nito.
"Sabi niya po..." bulong ko.
Mariin akong pumikit, hinahanda ang sarili sa sasabihin ni daddy. I am preparing myself for him to lash out, kahit na alam kong hindi naman niya ugali 'yon. There is just something in me that felt familiar to being lashed out.
Pero nagka-mali ako. Isang halakhak ang pumaibabaw sa buong garden namin. Napaangat ako ng tingin para makita si daddy na tumatawa. He was leaning on the back of his chair as he laughed while looking at Tita Crissy. Matamis na napangiti si tita habang napapailing nalang din.
"Wow..." Manghang buga sa hangin ni daddy.
Ate Vida chuckled too!
Inabot niya ang kamay ko kaya nilahad ko ang akin sa kanya at pinisil niya iyon.
"Sabi na 'eh, hindi ako nagkamali." Komento pa ni kuya habang napapangisi na rin.
Bahagyang napaawang ang labi ko sa reaksyon ng pamilya ko. Handa na ako magpaliwanag at sagutin hangga't maaari ang mga tanong nila pero wala sa isipan ko na matatawa sila sa sitwasyon.
"Wala 'eh, maganda ang anak natin," ani daddy kay Tita Crissy.
Tumango si tita. "Dalaga na..." malambing niyang sabi kay daddy.
"Dad..." mas lalo akong nahiya kaya frustrated ko siyang tinawag.
"Anak, aaminin ko, hindi ko pa nahanda ang sarili ko sa araw na 'to lalo na at abala tayo noon sa pagpapagaling mo," panimula niya. "but... I knew this will happen. Hindi man sa Montgomery na 'yon pero sooner or later, alam ko may manliligaw sayo, may mag kakagusto, hindi naman 'yon mahirap mangyari kasi..."
He rolled his eyes like how kuya always does it!
"... maganda ka, masipag, mabait... the list will go on, anak,"
"Dad, ni-bobola mo naman po ako niyan eh..."
Umiling siya at umayos ng upo para kuhanin ang tea niya. Uminom siya ng kaunti bago muli ito binaba.
"No, anak. I am telling the truth. I heard people talking positively about you in the office already, at alam kong takot lang sila sa akin kaya walang gumagalaw. Believe me... you're charming and there's no stopping this. Kaya kung ako sa Montgomery na 'yan, ayusin niya because I will prepare myself for the long line that is surely about to come!"
"Mahal mo lang po talaga ako, daddy!" Sobrang nahihiya na ako sa lahat ng papuri!
Nagpapaalam lang naman ako bakit napunta sa ganito.
"Of course! Mahal talaga kita. Kaya papuntahin mo bukas 'yan dito bago ako pumayag. I must talk to him first."
"Dad?!" Napasapo ako sa noo ko. "Hindi nga po nanliligaw... wala naman po sinabi..." depensa ko pa sana dahil hindi ako handa na papuntahin siya.
Baka isipin pa niya ay nilalagay ko siya sa posisyon na ganito. Pag uusapan namin ang mga nangyari noon pero ito ako at ipapakilala siya sa pamilya ko bigla?
Umiling si daddy. "No, hindi ako papayag kung hindi siya pupunta rito." Pinal na sabi ni daddy bago muli sumandal sa upuan.
"Hindi ako mahigpit sa ganito, I will allow you to date, nasa tamang edad ka na. Plus, this is normal. But... I want to meet him first because something is telling me..."
Inabot ni daddy ang kamay kay tita. Tinanggap ito ni tita at tumango na para bang alam niya ang nasa isip ni daddy at sangayon siya dito.
"...that you like that young man too."
Napaawang ang labi ko, hindi magawang itanggi.
Of course I like him...
Hindi ko naman siya hahayaan na maging malapit sa akin kung hindi. I do like him. Still. Hanggang ngayon.
Alam ko 'yon sa sarili ko, noon pa man, kahit sa mga panaginip ko pa lang siya nakikilala.
Pero gusto ko rin makasigurado na gusto ko talaga siya, hindi dahil sa ala-ala ko, kung hindi talagang hanggang ngayon ay gusto ko siya. I have to make sure... kasi yun ang deserve niya.
He's laying all his cards, I must do the same but I have to be sure first.
To be fair.
"I want to meet him, Victoria. I want to know the man who's about to get you from me, ang ikli pa lang ng panahon na nasa akin ka, tapos kukunin ka na?" Umiling siya muli, tila pag-iling nalang ang kaya niyang gawin!
"Hindi ako papayag na hindi ko muna makilala."
His tone sounded so final at alam kong wala na akong magagawa kung hindi ang tumango at papuntahin si Dos dito.
"Dad, walang kukuha sa akin sa inyo, napakalayo pa po niyan. Mag uusap lang po talaga kami. He has questions for me, I have questions for him. Ga'non lang po."
"Still. I will meet him." Hay daddy, ngayon alam ko na kanino nag mana si kuya.
"Hayaan mo na ang daddy mo, Vic. We'll meet him to get to know your friend. Unang beses mo ito, this is important. Magpapaluto ako ng masarap bukas so... dito mo na siya ayain mag lunch."
Tita Crissy looked so chill!
Wala na talaga! I have no choice! Bahala ka na Dos! Kaya mo na 'to!
Ate Vida laughed with Vera who was giggling, kahit na alam kong hindi niya pa naiintindihan ang bigat ng sitwasyon, kuya is chill now... di na masyadong masungit, dad and mom were having their own communication through their glances.
Later that night, nag message na ako kay Dos bago matulog.
v.madrigal: Hi Dos, pasensya ka na late notice pero pwede ka bang pumunta sa bahay ng mga lunch time? I'll pin the location. Kasi... gusto ka raw muna makilala nina daddy. Kung okay lang sayo? Pwede ko rin sabihin na busy ka o kung ano man. I am really sorry! :(
Pinatong ko ang cellphone ko sa dibdib ko habang nag hihintay ng reply. Hindi ako makakatulog kung di niya ako mareplyan ngayon!
Sana gising pa siya.
Hay!
After a few minutes of staring at the ceiling, my phone beeped.
Agad ko itong kinuha at tinignan ang reply niya sa notification stack.
My heart beeped as well as my eyes read the letters from his message.
dosmontgomery: I will :) I will meet them.
Hah? 'Yun lang?
v.madrigal: Can I call?
Kaka-send pa lang ng message ko ay tumunog na agad ang telepono ko. I saw his name on the screen, bahagya akong nag buffer... hindi ko akalain na makakausap ko siya ng ganito.
Tumikhim ako at sinagot ito.
Niyakap ko ang unan ko at dinama ang lambot nito habang pinapakiramdaman ang pag hinga niya sa kabilang linya.
"Hi..." his voice was husky.
"Uh... natutulog ka na ata?" Tanong ko.
"A little. But that's okay, I want to hear your voice."
Bahagya akong natawa. "Alam mo, masyado ka ng nambobola lately ha."
"I am just saying..."
Parang na i-imagine ko na nag lalaro ang ngiti sa labi niya.
Inabot ko ang dulo ng unan ko at pinaglaruan 'yon.
"Wala ka bang tanong? Pasensya ka na ha, nilagay kita sa pwesto na medyo uncomfortable. Ayaw kasi paawat nina daddy. Gusto talaga nila na makilala ka raw. Don't worry mabait sila!"
Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya at ang kaunti niyang pag tawa.
"No... it's okay. I want to meet them too. It will be my honor..." he said hoarsely.
"...to meet your parents." Dagdag niya.
Napangiti ako. "Okay. Thank you, Dos. This means a lot to me, and to them."
Natahimik kami pareho, pinapakiramdaman lang ang pag hinga ng bawat isa. There's something calming about it, parang i-hehele ako nito.
Napakasarap sa pakiramdam.
"Uh... goodnight?" Ako na ang nag basag ng katahimikan.
"Hmm..."
Parang sasabog ang puso ko sa pag hihintay ng mga lalabas sa bibig niya.
"Do you want to sleep while we're on call?"
Napaawang ang labi ko at parang may fireworks na naman sa paligid ko! Kung nakakalipad lang ang makaramdam ng ganito ay siguradong nilipad na ako, sa malayong malayo.
Napakatamis sa puso.
Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita.
"S-sige... kaya lang madalas akong managinip, I might talk or..."
Minsan ay sumisigaw pa ako lalo na kung ang masasakit na parte ng nakaraan ko ang paulit-ulit na dumadalaw sa panaginip ko.
"It's okay, I'll listen to everything you'll say. And if it's a bad dream, gigisingin kita. Pag hindi ka nagising, pupunta ako dyan."
I rolled my eyes and laughed silently. Baka mapunit na ang pisngi at labi ko sa kaka-ngiti!
"Goodnight, Dos." Mahina kong sabi.
"Goodnight, baby."
I smiled as I go to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top