Kabanata 3

Song: I <3 u by Boy Pablo

Late valentines, Inspirados! Have a good day! If you read this, I hope you smile!

Kumain ka na ba?

Halos halikan ko ang plato sa hiya ko sa nangyari sa akin. Yumuko na lamang ako habang kumakain para walang makapansin sa akin, iwas na iwas din ako ng tingin mula sa taong titig na titig sa akin.

"Uh..." I heard him.

Mabilis akong napaayos ng upo nang maramdaman ang init ng coat niya na pumatong sa balikat ko.

"Hindi na... okay lang, salamat," akmang ibabalik ko ang coat niya nang hinawakan niya ako sa balikat ko na siyang nagpatigil sa akin.

"Hindi ka ba nilalamig?"

Napatingin ako sa suot ko at naisip na kahit sino nga naman lalamigin. It's just... gutom na gutom ako para isipin pa 'yon.

I pursed my lips and just settled down with his coat.

Bahagya kong nahagip ang ngisi niya. I raised an eyebrow. Is he mocking me?

"You? Aren't you cold?" Balik kong tanong sa kanya.

Ngayong nasa akin ang coat niya, tanging red shirt na lamang niya ang bumabalot sa pang-itaas niya. He's not wearing the usual coat and tie, instead he's wearing a red shirt beneath his coat.

Umiling siya. "Mas nilalamig ka panigurado. And besides... we don't want eyes ogling at you right?"

I pursed my lips again and looked at my surroundings. May iilang mga mata nga ang nakatuon sa amin. Pero, hindi ko alam ang nasa mga isipan nila.

"Anak, will you be okay here?" Rinig kong tanong ni mommy nang makabalik mula sa pakikisalamuha sa mga ibang bisita.

Maagap akong tumango at ngumiti. "Kaya ko na po. Mag bibihis din po ako niyan katapos kumain at pupuntahan kayo mamaya."

She gracefully nodded and turned her eyes to the person beside me.

"Thank you for catching my daughter, Mr...."

"Dos." Tumayo siya at inabot ang kamay kay mommy. "Dos Montgomery, Madame."

Nanlaki sandali ang mga mata ni mommy at bahagyang tumawa habang tinatanggap ang alok na kamay ni Dos.

"Madame? Too formal, hijo, but nice meeting you. Salamat ulit." My mom smiled with so much fondness.

"Anytime." Tugon niya.

Ang boses niya... there's a lingering feeling from it.

Tumingin ako sa kanya at naabutan siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako bago umiwas ng tingin at tinuloy nalamang ang pagkain ko.

"I'll go to your dad first, sunod ka ha,"

Tumango ako at bahagyang pumikit nang abutin at halikan sa noo ni mommy.

Sinundan siya ng mga mata ko hanggang makalayo sa amin. Binalingan ko muli ng tingin ang pagkain ko at nagpatuloy.

"What happened there?"

Bahagya akong napaayos ng upo nang marinig ang paglapit ng upuan niya at nadama ang pagtama ng tuhod niya sa tuhod ko.

Nakatapat ang upuan niya sa akin at nakaharap siya mismo sa akin. I can feel how his presence and body crowd me, like enveloping me, parang... hindi ako makahinga sa lakas ng presensya niya.

Too close...

"Hmm?" Normal kong tanong bago sumubo muli ng carbonara.

"You." Aniya. "There." Saglit niyang pag tingin sa platform kung saan ako nag perform. "Muntik ka ng mahimatay." Diin niya.

Wait? What's that tone?

Is he mad?

At bakit? Sa akin?

"Are you mad at me?" Hindi makapaniwala kong tanong.

I looked back at him and furrowed my brows.

Mas lumapit pa siya pero hindi ko siya inurungan. I can see him trying to suppress his emotions.

Nag tagis ang kanyang panga at mas dumiin ang tingin sa akin.

"I. Am... concerned." Puno ng diin pero puno rin ng pag-aalala.

Maaari ba 'yon? Strong... but careful?

Siya lang ang kilala kong ganito.

He's all strong, his presence demands, and his aura shouts power.

But... he is... not all that.

Beneath him...

Meron pa.

Malalim.

Hindi ko maiwasan maging komportable sa kung ano man iyon.

Umiling ako. "Wala 'yon. Sinabi ko naman sayo, gutom ako."

"Gutom?" Lito niyang tanong. "Wala ka bang pambili ng pagkain? O dito... bakit hindi ka kumain kanina?"

I pursed my lips.

"Ayokong kumakain bago mag perform."

"There. You're on a diet?"

"No." My eyebrows furrowed more. "Ayoko lang kumain bago mag perform kasi kinakabahan ako. I might vomit."

Hindi pa rin natatanggal ang pagkainis sa ekspresyon niya. His eyes were getting softer pero ang buong presensya niya ay napakalakas pa rin.

"Well, 'wag mo dapat ginugutom ang sarili mo."

"Hindi ko ginugutom ang sarili ko, Dos." I stopped a bit when he shifted. "See? Kumakain naman ako ng maayos. Tiniis ko lang sandali dahil sobra ang kaba ko kanina, ito ang unang performance ko sa labas ng school premises. Importante 'to sa akin." Paliwanag ko.

"Hmm..." lumayo siya ng kaunti at napasandal sa kinauupoan. "Okay... I'll let this pass. Nag-enjoy naman ako sa performance mo. Hindi ako nanonood ng mga ganyan, I get easily bored... but... surprisingly hindi ko namalayan natapos ko ang buong performance mo." Dire-diretso niyang sabi.

Parang nabuhol ang utak ko sa lahat ng sinabi niya. Ang dami kailangan intindihin at i-comprehend. Parang kailangan ko pitasin isa-isa.

Tumigil ako sa pag pitas dahil wala akong maintindihan.

"Hmm thank you..." tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

"You shined, Vic." Muli niyang sabi bago uminom sa wine na kanina pang nakalagay sa harap niya.

Hindi na ako nag salita at nagpatuloy nalamang sa pagkain kahit na parang hindi ako matutunawan sa lahat ng nangyari, sa pwesto namin at sa lahat ng mga lumabas sa bibig niya.

Hindi nakakatulong na siya lang ang nakikita, naririnig at nararamdaman ko.


"Have you heard?" Nag-angat ako ng tingin kay Arlie na umupo sa upuan sa harap ko.

"Ang alin?" Sinabit ko ang bag ko sa gilid ng desk at binalingan siya muli ng tingin.

Inayos ko ang buhok kong nakalugay at nilagay 'yon sa aking likuran.

"May kaklase raw tayong Montgomery." Aniya habang lingon ng lingon na para bang sikreto iyon na hindi dapat pag sabi.

"And?"

Nag-kunot siya ng noo at napabuntonghininga. "Montgomery. They're the Montgomery, Vic." Aniya na para bang kinukumbinse niya ako.

"What about them? Nag-enroll sila rito, pumasa, malamang na may chance talagang maging kaklase natin sila. Given na business course tayo at marami silang businesses, mas malaki talaga ang chance."

Umirap siya at tinignan ako na para bang may kasalanan ako. "Hindi ka man lang ba na e-excite?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Naitagilid ko ang ulo ko at umiling.

"Sabagay... mas mabuti na 'yan, pwede mo akong suportahan sa kung sino man ang magiging crush ko."

Tinukod ko ang aking kamay sa lamesa at pumangalumbaba sa harapan niya.

"Okay, yan magagawa ko, I will support you."

Mabilis siyang napangiti at tumango-tango sa saya dahil sa sinabi ko.

"'Wag mo sasabihin kay Nica, ha?" Aniya sa mahinang boses.

"Bakit naman?"

"May crush din siya... hindi ko sinasabi ang sa akin dahil baka mamaya pareho kami."

"Oh... bakit? Hindi ba pwedeng pareho kayo?"

Nanlaki ang mga mata niya at umiling-iling. "Syempre hindi! Mas maganda kung magkaiba para pwede kami sabay kiligin."

"Paano mo malalaman kung pareho kayo kung hindi mo sasabihin yung sa'yo?"

Hindi ko talaga maintindihan tong crush-crush na 'to, kung bakit hindi sila pwedeng pareho nalang at sabay kiligin.

"Gusto ko mauna siya." She shrugged.

Oh...

Tumango ako. "Okay, hindi ako makikielam sa inyo, besides crush lang naman 'yan, sigurado ako na hindi matatapos ang araw na 'to, alam niyo na kung sino ang crush ng bawat isa."

Nilapit niya pa ang upuan sa akin para mas makabulong. Nilapit ko ang mukha ko para hindi siya mahirapan.

"Gusto mo malaman kung sino ang crush ko?"

"Hmm... nasa sayo 'yon."

Tumango siya. "I trust you, Vic. I will tell you." sandali siyang tumigil at ngumiti ng sobra. "It's..."

Mas lumapit pa siya sa akin. "Dos Montgomery."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam pero parang nabingi ako at nablangko ang isipan ko. I pursed my lips and tried to smile.

"Oh..."

"Kilala mo ba siya?"

She sounded hopeful.

"Hindi naman gaano, kagabi kasi nag perform ako sa isang party na invited sina papa, nandoon din ang mga Montgomery."

Hinawakan niya ako at sumimangot. "Ang swerte mo! Inggit ako! Buti ka pa!" Maktol niya at dinig na dinig ko ang pagkahinayang sa tinig niya.

Bahagya akong natawa. "Ano naman ang swerte 'ron? Ikaw talaga, di bale next time, isasama kita."

Napaayos siya ng upo at lumawak ang ngiti niya. Mabilis niya akong niyakap kaya tuluyan na akong natawa.

Ang kalmado kong sarili ay nawala na, hindi ko alam ang mararamdaman ko, matutuwa ba o...

"Thank you! Promise yan 'ha! Sabihan mo lang ako!" Puno ng excitement niyang sabi.

"I promise."

Nag-ayos na rin kami ng upuan nang nagsipasukan na ang mga kaklase namin, hudyat na oras na ng klase.

"Good morning!" Bati ni Nica nang makarating siya.

Umupo siya sa tabi ko at matamis na ngumiti. "May kwento ako sayo mamaya."

Tumango ako. "Okay, mamayang lunch, sabihin mo sa amin. We'll listen."

Umiling siya at bahagyang lumapit para bumulong. "Hindi pa pwedeng malaman ni Arlie." Bulong niya.

I felt uncomfortable but I nodded. It is her secret after all, wala akong karapatan mag dikta, but I don't like this feeling.

"Restroom lang," bulong ko kay Arlie.

"Okay, take all the time that you need, orientation pa lang naman niyan."

Tumango ako at tumayo na para lumabas.

I slightly touched my midi pleated skirt as I walk through the corridor. Tinignan ko ang white fitted knitted top ko para masigurado na hindi ito nagusot o ano man.

Halos wala ng estudyante sa labas dahil nag tumunog na ang bell, hudyat na kailangan ng magsipasukan sa klase.

Bumagal ang lakad ko nang may maaninag na palapit na dalawang tao. Parang gusto ko tumakbo at mag tago, hindi ako sigurado kung para saan pero...

Hindi ako pwedeng magkamali.

Sa lakad. Tindig. Galaw.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko para kalmahan ang sarili.

"Saan tayo mag lu-lunch?" Dinig kong tanong ng kasama niya.

"Hmm..."

My stomach turned upside down hearing his voice.

Paano niya nagagawa 'yon?

"Building nina Rian?" Balik niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin nang alam kong di na maiiwasan na mapapansin nila ako.

Inayos ko ang tindig ko at umaktong wala akong alam, hindi ko sila nakita at normal lang ang paligid.

"Hey... Dos... what are you—?"

Bumalik ang tingin ko sa kanila at nakita na mataman na siyang nakatingin sa akin. Kita ko ang pagbabago sa mata niya, hindi ko lang ma-pangalanan kung ano iyon.

Bahagyang sumilay ang ngiti sa kanya kaya tipid din akong ngumiti.

"Ms. Ballet!"

Nakuha ng kasama niya ang atensyon ko.

"You are that girl yesterday night!" Masayang pag-alala ng kasama niya.

"You go ahead, Clyde." Ani Dos.

Nagsalubong ang kilay ng kasama niya at nagpabalik-balik ang tingin sa amin. Hindi naman nag tagal ay napalitan ito ng pagkagulat, at sa huli ay isang ngisi ang binitawan niya kay Dos bago ito tinapik at muling bumaling sa akin.

"Mauuna na ako, can't be late for my first class, Ms. Ballet. See you around."

Ngumiti ako at tumango.

Akmang lalagpasan na niya kami nang humakbang siya pabalik at nag-abot ng kamay sa akin.

"Clyde Matthew Montgomery."

Oh... Montgomery.

Tinanggap ko ang kamay niya at kinamayan siya. "Victoria Cassandra Gallego."

Lumawak ang ngiti sa kanya at hindi binitawan ang kamay ko.

"Clyde."

Sabay kaming napalingon kay Dos at sumalubong sa amin ang matalim niyang tingin kay Clyde.

"Hands."

Hands?

"Oh!" Natatawang sabi ni Clyde bago bumitaw sa akin. "My bad. Akala ko kasi mahihimatay ulit si Ms. Ballet, baka di mo masalo."

Mahimatay?!

Nakita niya 'yon?!

Kahihiyan nga naman! Hahabulin ako rito?

"Asshole—"

"Sorry." Maagap niyang sabi sabay balik ng tingin sa akin.

Kitang kita ang pantay at puti niyang ngipin nang ngumiti sa akin.

"Really have to go, Ms. Ballet. 'Wag ka na mahihimatay, baka mamaya hindi siya sumabay mag lunch sa amin. Nice meeting you!" Mabilis niyang paalam at hindi na muling lumingon pa.

Kahit medyo kinakabahan sa hindi malamang dahilan, inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya.

Hindi ko talaga kaya ang presensya niya.

"Uhm... mauna na rin ako." Paalam ko.

"Have you eaten your breakfast?" Hindi konektado niyang tanong.

Hah?

Thank God hindi ko nasatinig 'yon.

"Ah... oo, kumain ako kanina. Kumakain naman ako ng breakfast." Sagot ko habang inaalala ang naging usapan kagabi.

Gusto ko matawa pero pinigilan ko. Hindi ko inakala na may taong partikular sa ganito, sa pag kain sa tamang oras.

Sa pamilya nga namin ay hindi naman kami sabay-sabay kumakain, nakakaligtaan na namin tanungin ang isa't isa kung kumain na ba. Sa mga nanligaw naman sa akin o hindi kaya sa mga kaibigan ko, parang naging responsibilidad na itanong 'yon.

Pero ito... I know it's genuine. Totoo niya talagang tinatanong.

"Good." Bumaba ang tingin niya sa hawak kaya sumunod ang mga mata ko roon.

May hawak siyang paperbag ng isang sikat na coffee shop.

"Here." Inabot niya ito sa akin.

"Ano 'yan?" Silly question, Vic.

"Nag take-out ako kanina,"

"Hindi mo kakainin? Kumain ka na ba?" Lito kong tanong.

Kumabog sandali ang dibdib ko sa sariling tanong. Hindi ko inaasahan na manggagaling sa akin ang tanong na 'yon. I don't usually ask that...

Napaiwas siya ng tingin sandali. "Yup. Kumain na ako. Kunin mo na."

"Sigurado ka? Hmm... sa mga pinsan mo? Hindi mo ibibigay? Sa kapatid?"

Umiling siya. "No, sayo talaga 'yan."

Parang mangangatog ang binti ko sa narinig.

Sa akin?

His eyes were so soft. His expression is strong yet calm. How can he really do it?

To be a little bit of everything.

Napakasimple lang niya tignan ngayon, wearing a white shirt under his beige button down polo, and denim pants.

He looks clean, fresh and he looks... amazingly... nice.

"B—bakit?"

Hindi man siya natinag, mataman pa rin siyang nakatingin sa akin.

Nagkibitbalikat siya at inabot ang kamay ko para siya mismo ang mag lagay ng paper bag doon.

Gusto ko bawiin ang kamay ko kasi parang mapapaso. His touch is warm... not electrifying, yung parang gusto mo maramdaman ulit.

"Hmm... ewan, naisip lang kita kanina."

I scoffed. "Imposible. Paano mo naman ako maiisip bilhan, how sure are you na makikita mo ako ngayon?" Subok kong pagpapagaan sa nararamdaman.

Sumilay ang malokong ngiti sa kanya.

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin kung kaya't wala sa sariling napahakbang ako paatras.

Bahagya siyang nagbaba ng tingin para mag lebel ang mga mata namin. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"You know? Kapag nakikita kita. Kumakalma ako. How do you do that?"

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Sa totoo lang wala na akong maintindihan, gusto ko nalang siyang dumistansya para makahinga ako ng maayos pero parang nakagat ko ata ang dila ko.

"Baka ma-late ka sa klase mo. Oras na." I managed to say, kahit na parang hangin nalang lalabas sa akin.

"Ang ganda mo," he breathed.

"Dos..." pigil hininga kong banggit sa pangalan niya.

Kahit hirap ay tinignan ko siya ulit.

Hindi nag bago ang tingin niya, malaya niya akong pinagmasdan.

"Pero hindi 'yon ang dahilan bakit napapakalma mo ako, bakit kaya? Gusto kita nakikita at nakakausap,"

Kung ikaw kumakalma, ako binabagyo.

"Dos, gutom ka lang siguro," inabot ko ang paper bag sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Pati tawa niya ang sarap pakinggan, parang ang sarap lang niya patawanin palagi.

Yung mga mata niya kumikinang sa tawa niya. Ibang iba ang itsura niya kapag seryoso at kapag tumatawa.

"I am not hungry, silly!" Natatawa niyang sabi. "Pero kung gusto mo ng kasabay kumain, pwede naman kita samahan,"

"Dos," hindi ko alam pero kusang lumabas sa akin ang tonong pag babanta.

Nag taas siya ng dalawang kamay bilang pag suko kaya napangiti na rin ako.

"Anong room mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"7A"

I pursed my lips.

"Lucky bastard." He hissed.

"Sino?"

"Makikita mo rin mamaya." Umayos siya ng tayo kaya bahagya akong napabuga ng hangin. "My room is beside yours, 8A."

"Oh... hmm... malapit na 'yon, diretso ka lang, sundan mo lang yung mga nakalagay na numbers sa taas ng mga pinto, makikita mo agad."

Napayuko siya at bahagyang nangiti.

"May nakakatawa ba?"

Umiling siya. "Wala. See you later. Kainin mo 'yan ha." Muli siyang nag-iwas ng tingin at parang tinatago niya ang ngiti niya kahit napakahalata naman.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot pa at nilagpasan na ako.

Binuksan ko ang paper bag at nakita ang caramel macchiato at cinnamon bun doon.

Parang natunaw ang puso ko sa nakita. Naisip niya ba talaga ako? To realize that someone went out of their way to buy you something is one thing, but to realize na may nakaisip sa'yo, umagang-umaga, parang iba 'yon, mas nakakapisil ng puso.

Unknowingly, a smile made its way on my lips.

"Vic,"

Lumingon ako at nakitang medyo may kalayuan na siya mula sa akin.

"Dos,"

Nanglambot ang tingin niya.

"Just to clarify, hindi ko iniisip na makikita kita,"

Oh...

Tumango ako at napaiwas ng tingin.

"Kasi balak talaga kita hanapin."

Napaawang ang labi ko sa narinig.

Shut down... literal na nag shut down ang utak ko.

If he is a music, ito yung parte na nakalimutan ko kung ano ang susunod kong step dahil sa intensidad ng kanta.

Lalamunin ka nito, iwawala...

"Goodluck! See you later." May ngiti niyang sabi.

Tumalikod na siya at lumakad palayo. Pinanood ko ang likuran niyang palayo sa akin.

"Goodluck, thank you, Dos." Bulong ko sa hangin.

For the first time, nagustuhan ko ang unang araw ng klase.

Hinayaan ko ng sumilay ang ngiti ko at hinawakan ng mahigpit ang paper bag.

Sabay dama sa pagkabog ng dibdib ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top