Kabanata 26
Hi @Heslab! Here! I want to highlight this comment and let us ponder on how was Dos within the years they were not together. How was he during those almost six to seven years...
This is by far the longest chapter I have written in my entire life (na hindi Wakas— Wakas are usually longer).
Pag-suyo
I felt his tongue softly tickling mine. I moaned a little as our tongues touched.
Mas humigpit ang hawak niya sa akin pagkatapos 'non.
He played with my tongue and lips. Slowly gliding his tongue on my lips and finishing it by his soft feather kisses.
Nanghina ako ng husto dahil doon. Halos maiwan na naka uwang ang aking labi nang bumitaw siya. His eyes quickly met mine and I can see glint from there.
"We must go down now..." he breathed, out of breath.
Marahan akong tumango, wala sa sarili.
Inabot niya ang braso niya sa akin na tinanggap ko naman. Sabay kaming lumabas sa espasyong 'yon at tinignan ang convention kung meron pa naiwan.
Nang masigurado na walang makakakita sa amin ay tinungo na namin ang elevator.
May salamin sa loob kaya nakita ko ang pamumula ng pisngi ko. I have blush on but... I am sure hindi rin dahil doon ang pamumula nito. I look so flushed!
Kita ko ang mabilis na pag silay ng ngisi sa labi niya.
Binalingan ko siya ng tingin at sinamaan ng tingin.
"What? You're pretty. Don't worry." Agap niya.
I rolled my eyes at him and looked at the other side as I suppressed a smile.
This must be a dream, huh? This must be a gift to me... to be this happy today.
I want to forget what happened before... as much as I wanted to know if... nakita niya ba talaga ako noong araw na 'yon.
Pero parang babaliktarin ang sikmura ko sa pag iisip na itanong 'yon.
Handa ba ako marinig ang sagot?
Kailangan ko ba ihanda ang sarili sa anong gagawin kung oo ang sagot niya? Tuluyan ko na ba siyang iiwasan 'non? Papatawarin ko ba siya? Kagagalitan ko ba?
Paano kung hindi ang sagot niya? Magkakabalikan ba kami? Magpapatuloy ba siya sa panliligaw? Babalik ba sa dati?
Argh. Napakarami naman palang dapat isipin!
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
Bumukas ang pintuan at bumitaw ako sa kanya.
"Hindi pa rin kita maalala," tugon ko at hindi na siya hinintay.
Lumabas na ako at tinunga ang ballroom.
Kita ko agad na nag hihintay si Ate Vida sa labas. Nanlaki agad ang mga mata niya nang makita ako. Dali-dali akong lumapit.
"Where have you been?! Kanina pa kita hinahanap!"
Nanlaki ang mga mata niya kaya bahagya akong natawa.
"This is not funny! You made me worried! Hindi ko na sinabi kina mommy na nawawala ka! Sabi ko ay nag be-breathing exercise ka lang!"
Niyakap ko siya bilang sorry ko.
"I am sorry... nawala lang ako, ate."
Humiwalay siya sa akin at nanliit ang mga mata niya. Bumaba ang tingin niya sa aking labi at kita ko roon ang mabagal na panlalaki muli!
"What happened to your lipstick?!" A hint of accuse is evident in her voice!
Napatingin ako sa anino ko sa tiled wall ng hotel.
It wasn't smudged, but... my lipstick was surely not kiss proof!
"I-I..."
How can I lie?!
"You..." She's accusing me again!
And I am guilty as charged!
Ano sasabihin ko? Kumain ako sandali?!
"Sino?!" Gulat na gulat niyang tanong.
Bumaling ako muli sa kanya at kita roon na hindi niya mawari kung paano nangyari o sino dahil wala naman silang alam na kakilala ko rito.
"Hey! It's time, you have to stand at the entrance now. Mamaya na ang tsismisan niyo." Pag lapit ni Kuya Vernon.
I silently thanked him. Hindi ko pa kaya sabihin ngayon, lalo na at hindi ko pa alam ang gagawin ko kay Dos.
"You'll tell me later!" Mariin pero mahinang banta sa akin ni ate.
Her eyes showing both accuse and curiosity.
Mabilis siyang kumilos. Kumuha ng lipstick sa loob ng purse niya. She swiftly glided the pinkish gliterry lipstick she has.
Pagkatapos 'non ay hindi pa siya natapos. Kumuha siya ng shimmer spray para sa buhok at balikat ko. I watched her through the tiled wall and saw myself shimmer.
"Let's go,"
Sumilay na ang ngiti niya sa akin at hinila ako, nauuna si kuya. Tumigil kami sa tapat ng entrance kung saan bahagya itong nakauwang.
"Mauuna kami, pag binuksan nila ulit, doon ka pa lang papasok. You'll hear the host anyway." Ani kuya.
"B-but... can't you both enter with me? Kinakabahan ako kuya." Pag pigil ko sa kanilang dalawa.
Umiling si ate at sinabayan pa ng hintuturo niya na nagpakitang hindi pwede.
"This is your night, Vic. This is your entrance and introduction. Savor it. We'll be there."
I pursed my lips and held my scared heart.
Kuya slightly planted a kiss on my forehead, habang si ate ay marahan pinisil ang aking kamay.
Nauna silang pumasok at naiwan ako sa labas.
Nakinig ako sa sinasabi ng host sa loob.
"Let me present to you the beautiful..."
Nakita kong umilaw ang spotlight sa may uwang ng pintuan.
"... Victoria Cassandra..."
Unti-unting bumukas ang pintuan at kasabay 'non ay ang pag tugtog na pamilyar na kanta.
My love was as cruel as the cities I lived in
Everyone looked worse in the light
Kinain ako ng liwanag na dulot ng spotlight.
There are so many lines that I've crossed unforgiven
I'll tell you the truth, but never goodbye
Naramdaman ko ang pag kabog ng dibdib ko.
I have longed for this for so long. Hindi ko man alam. Hindi ko man aminin. Kay tagal kong hinintay na mahalin at tanggapin ng ganito.
I've been sleeping so long in a 20-year dark night
Unti-unti kong inangat ang mukha ko, kahit na nasisilaw ay kinaya kong tignan ang lahat ng taong nasa loob.
And now I see daylight, I only see daylight
"...Madrigal!"
Napaawang ang labi ko sa narinig.
Nagkamali ba ang host? Madrigal? Hindi pa ako nag bago ng apelyido!
Pero mas lalo akong nagulat nang makita kung gaano karami ang tao roon. Patong patong ang gulat ko na nagpa-apaw sa kaba ko.
The whole place was packed! Everyone was wearing formal dresses and tux, they all look so dashing and elegant! Siguradong nag imbita ng mga prominenteng tao si daddy!
Lahat ay nakatingin sa akin.
May kuryosidad sa mga mata. Some are amazed. Maraming nakangiti.
Napansin ko rin na naroroon ang pamilya ni daddy na kahit kailan ay hindi ko pa nakilala, ga'non din ang kay Tita Crissy.
Hindi ko mapigilan kabahan dahil doon, ano kayang iniisip nila tungkol sa akin?
Especially Tita Crissy's family...
Alam ko na kung hindi susubukan intindihin ang mga nangyari, they will probably dislike me.
Threw out our cloaks and our daggers because it's morning now
Sinara ko ang labi ko at hinayaan ang sariling ngumiti.
My eyes slightly shimmering because of my tears that are thankfully... listening.
Sabagay... whatever they think of me, ang importante ay ang iniisip ng mismong pamilya ko.
It's brighter now, now
Humakbang na ako papasok at lumakad ng mabagal sa gitna ng mga taong nakatingin.
Pinapasadahan ang lahat. Sinusubukan memoryahin ang itsura ng mga tao na parte ng araw na 'to.
Sa pag lalakad ay dumapo ang paningin ko sa lamesa ng mga pamilyar ang mukha.
Montgomerys.
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Dos was standing behind them, looking at me with his intense eyes. Nang makita niyang nakatingin ako ay ngumiti siya at tinanguan ako.
Somehow, nabawasan ang kaba ko dahil doon.
And I can still see it all (In my mind)
All of you, all of me (Intertwined)
Umiwas ako ng tingin at muling nakatakas ang ngiti sa aking labi.
I once believed love would be (Black and white)
But it's golden (Golden)
I reached my parents' table and my father stood. Sumunod din si Tita Crissy, Kuya Vernon, Ate Vida at Vera.
Inabot ni daddy ang braso niya sa akin at tinanggap ko agad iyon. Napabuntonghininga ako ng mahina nang makatayo sila sa gilid ko.
Inabot ko ang kamay ko kay Tita Crissy. Ngumiti siya at tinanggap iyon. Sabay-sabay kaming lumakad paakyat ng platform, nasa likuran ang mga kapatid ko.
Nilahad ni daddy ang kamay niya mula sa host. Pinatong naman agad ng host ang mic doon.
Tumikhim si dad bago ako tinignan ng mabilis bago harapin ang mga tao ulit.
"I hope you'll watch my presscon a while ago dahil ayoko ng ulitin ang mga sinabi ko roon." He let out a small laugh.
The crowd laughed with him.
"I won't say much because I want everyone to immediately enjoy this night, especially my daughter, Victoria. Instead, I just want to give our gift to her."
My tears welled up again!
Damn it! Sobrang iyakin ko na talaga!
Pero ngayon, hindi na dahil sa pagkabigo at lungkot, kung hindi dahil sa sobrang saya nalamang.
Pinanood ko siya na senyasan ang isang tao sa may likuran ng stage. Agad itong kumilos at may kinuhang envelope para ibigay kay daddy.
Nilingon ko sina Tita Crissy para tignan kung alam ba nila kung ano 'yon pero tanging ang magagandang ngiti lamang nila ang bumungad sa akin.
"I have prepared this for so long and I am happy na umabot ngayong araw," ani daddy.
Inilahad niya iyon sa akin.
Nanginginig ang kamay ay tinanggap ko iyon at binuksan. I pulled out the first page... and...
My tears betrayed me!
Nag si-unahan ang mga iyon nang makita ang nakasulat doon.
How? Paano nangyari ito? Kailan pa?
"I have finally changed my daughter's surname..." his voice trembled.
"... and gave her mine because it has been missing in her name for twenty six years..."
"D-dad..." I gasped.
Napalingon ako kay Tita Crissy, worried that... she might... get hurt.
Ang kanyang umiiyak na mata lamang ang nakita ko, iyak na... hindi lungkot, iyak na alam kong masaya para sa akin.
Tumango siya at bahagya akong niyakap mula sa gilid ko.
"We love you, Vic. You have been welcomed, unang una pa lang, we are just making this official because this is long overdue." Paninigurado niya sa akin, parang alam na ang iniisip ko.
"She is a Madrigal now. Ladies and gentlemen, enjoy the night!" Doon tinapos ni daddy ang lahat at pumaibabaw ang palakpakan ng mga tao.
Lumapit si dad sa akin at inabot ko siya para mayakap. I threw myself at my dad's embrace and hugged him with all I got!
"Paano dad? Paano niyo po 'to nagawa lahat?" Umiiyak kong tanong.
Narinig ko ang kanyang tawa. "Everything for you, anak. You don't have to worry now. I hope... that will be the last time I will see you cry because of your past. Nandito ka na ngayon at hindi ako papayag na may mangyari sayo na hindi maganda."
He kissed my temple and hugged me, together with Tita Crissy.
I felt more hugs and I know, Kuya Vernon, Ate Vida and Vera joined us.
Nag simula na nga ang gabi. Lahat ay nag saya, it was really a dance party in this ballroom!
Pinakilala ako ni dad pakonti-konti per table. Karamihan ay ngumingiti sa akin, kuryoso kung saan ako galing? Anong trabaho ko, anong ginagawa ko ngayon, may nag tanong din kung may boyfriend na ba ako o kung kasal na daw ba ako— para sa reto.
May mga tahimik naman din, hindi ko alam anong iniisip nila, may mga mapanghusga din ang mga mata pero ayokong isipin kung ano iniisip nila dahil ayaw ko sila husgahan.
Nang makarating kami sa mga lamesa na okupado ng pamilya ni daddy ay... wala akong nakitang hindi nakangiti. Sana hindi ako nagkakamali pero lahat sila ay masaya na hinarap ako.
Ang mga kapatid ni daddy ay pinagalitan siya dahil ngayon lang niya ako pinakilala!
Ang lolo at lola ko sa side ni daddy ay hindi nakadalo dahil nasa ibang bansa. Kaya nag usap na dapat ay pagkauwi nila, mag party muli na kami-kami lang para mas makilala nila ako.
Supposed to be, I will be overwhelmed pero... payapa ang loob ko sa kanila. Parang kampante ako na magiging maayos ang mga araw na makikilala ko pa sila.
Hindi kami nakapag tagal dahil marami pa kami kailangan puntahan.
Sa lamesa naman ng pamilya ni Tita Crissy ay... halo-halo ang mga nakita kong eskpresyon. Hindi ko 'yon ipagkakait sa kanila, naiintindihan ko, Kaya siguro hindi rin ako nasaktan, dahil alam ko ang pinagmumulan nila.
'Yon naman din ang natutunan ko sa pamamalagi ko kasama sina daddy. That... sometimes, it is better not to think of other people's thoughts about you. Mahirap oo, I am still growing to completely learn that... pero... nasasabuhay ko na ito pakonti-konti.
I cannot please everybody.
Hindi sa akin umiikot ang mundo. People will have different takes on topics, especially this one, and that's okay.
Pwede ko maisip kung ano ang maaari nila isipin tungkol sa akin pero pagkatapos...
Hayaan ko na itong lumipas at tangayin ng hangin.
I can only hope.
I can only pray that one day, maybe, their thoughts will change. Lalo na at mahal na mahal ko si Tita Crissy. I want to love the family that loves her too.
Ang ibang lamesa ay hindi na namin napuntahan sa dami.
Nagkaroon din ng sayawan. Nakarami ako ng sayaw. Iba't ibang tao. Dad let me, kahit na halos tuklawin ni Kuya Vernon ang bawat kasayaw kong lalaki.
They came from different prominent families. There were also employees from the company, mga engineer at architect din! Gulat na gulat dahil nakikita raw nila ako sa opisina pero hindi nila alam na anak na ako ng may ari ng kompanya.
I only blushed with their remarks about my family, my looks... or the way I talk, ang dami dami nila napapansin na wala akong magawa kung hindi ngumiti at tumawa.
"Kuya, you should get yourself a dance." Komento ko nang bahagya kaming makalapit ng lalaking kasayaw ko ngayon sa lamesa namin.
I forgot his name, pero galing siya sa pamilya ng mga jeweler.
"Yeah, suck it up man, hindi ka na nag bago, ganyan na ganyan ka rin kay Vida." Pang aasar ng kasayaw ko.
"Suck it up- suck it up ka diyan. Kapatid ko ang mga pinag uusapan, dickhead."
Here we go again with his kayabangan.
Gusto ko mapafacepalm dahil kay kuya.
"I'll rest for a bit." Paalam ko.
He was a gentleman to let me go. Tumango siya at tumigil sa pag sayaw. Ako na ang unang bumitaw at lumakad palabas ng dance floor, palapit sa lamesa namin.
Hinila ko si kuya at tulad ng inaasahan ko ay nag pupumiglas siya.
"Hey... ayoko! Ayoko nga sabi!"
Hinihila niya ang kamay niya mula sa akin.
"Vic! Ayoko! Hindi ako sasayaw! Nope. No. Hindi. Ayoko." Parang bata niyang tanggi.
Hindi ko siya pinansin at nag hanap lang ang mga mata ko sa dance floor. A smile made its way to my lips when I saw the woman I want my brother to dance with!
"Ate G!"
Lumingon siya sa akin. She immediately made a face when she saw the man behind me! So funny!
Tumayo siya ng maayos, wearing her off shoulder bodycon dress habang mapanghusgang nakatingin kay Kuya Vernon.
Kung maalala ko, hindi man ako nag dalawang isip sabihin sa kanya ang tungkol sa pamilya ko. I must have trusted her immediately, huh?
Maybe that's a sign... na magiging pamilya ko rin siya!
Napahagikgik ako sa aking isipan.
"Oh no no... no... Victoria!" He hissed behind me.
I played with my eyes as I got closer to Ate Vic. Doon ko lamang binitawan ang kamay ni Kuya.
"Hey... I want to say congrats?" Unsure what to say.
Ngumiti ako at tumango. "Thank you! But I am not here for that ate..."
I looked at kuya sideways.
"Madrigal." Pag bati ni Ate G kay Kuya.
"Ancheta." Inis na bati ni Kuya.
Tumikhim ako at malapit na ngumiti. "I'll leave you two..."
Hindi ko na sila hinintay pa na mag salita, tumakas na ako at humalo sa mga taong nag sasayaw. The ballroom was big and long, halos nag sasayaw ang lahat kaya kailangan mo talaga mag hanap kung may hahanapin ka. Hinanap ko sina daddy pero hindi ko sila makita.
I saw a glimpse of Ate Vida, pero napakalayo niya pa.
Nag desisyon nalamang ako na lumabas muna ng dance floor.
Muli akong humalo sa mga tao at lalabas sana malapit sa lamesa namin nang may humablot sa baywang ko.
I almost yelped with the sudden grab!
Inikot ako ng taong 'yon paharap sa kanya at kasabay nang realization ko kung sino 'yon ay siya rin pag yuko niya.
"Dos, anong ginagawa mo?" Lito kong tanong.
Bahagya niyang inangat ang mahabang laylayan ng gown ko. Hinawakan niya ang likuran ng tuhod ko. Umakyat ang kuryente mula roon papunta sa bawat parte ng katawan ko.
Napalunok ako sa pag lapat ng balat niya sa akin.
Inangat niya ang paa ko, tinanggal ang suot kong heels.
"Dos..." nakakahiya!
Sinubukan ko bawiin ang paa ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak doon, mas nakuryente tuloy ako!
Nobody has touched me there before... or perhaps noong nag ba-ballet pa ako?
Naramdaman ko ang malambot na tsinelas. It was a furry slippers!
Napasinghap ako at napahawak sa balikat ni Dos para hindi mawalan ng balanse.
Gusto kong tignan ang paligid kung nakatingin ba sila sa amin dahil nahihiya na talaga ako!
Pero...
Pinalibutan kami ng pamilya niya. They were dancing with their respective partners. Parang normal ang lahat, parang wala lang, parang hindi nakaluhod sa harapan ko si Dos!
Well, kahit ayoko isipin ang iniisip ng iba, nakakahiya pa rin talaga 'to! Or... am I like this because of him? Pag sa kanya o kahit anong patungkol sa kanya— lagi akong may pakielam!
Ginawa niya rin 'yon sa kabila. Inangat ito, tinanggal ang heels na suot ko at pinalitan ng tsinelas. Saktong sakto ito sa akin, at... komportable.
Nang makuntento, tumayo siya at hinarap ako.
Siya ang may hawak ng heels ko kaya sinubukan ko ito kunin. Iniwas niya naman ito!
This brute!
Bakit ba ganito ang ugali nito!
Ngumisi siya at kinuha ang dalawang kamay ko para ilagay sa balikat niya.
Napabuga ako ng hangin at napaiwas ng tingin. Bumaba ang hawak niya sa aking baywang. I flinched a little with his touch. Medyo naaabutan ng daliri niya ang likuran ko, kaya nag didikit ang balat namin dalawa.
"Hindi ka ba napagod?"
"Hah?"
Muli kong binaling ang tingin ko sa kanya.
His eyes stared at me accusingly!
Para saan iyon?
"Thirty-one testosterone, Victoria."
May kung anong pag tatampo sa boses niya.
"Thirty-one ang alin?"
Umirap siya pero mabilis din binalik ang tingin sa akin. His eyes were still accusing me of something I don't know!
Narinig ko naman ang halakhak ni Clyde sa gilid namin!
He was dancing with an influencer that I follow!
Gusto lumipad ng isip ko kung magpapa autograph ba ako! O kung magpapa-picture mamaya! Pero this man infront of me is so good and such a master in making my eyes glued to him only!
"Thirty-one dances before I got my chance tonight... Vic."
Napaismid ako. "Sino ba nag sabi na mag hintay ka? You could have asked me." May konting irita kong sabi.
"How can I? Eh hindi ka pa nga tapos sa isa, may papalit na?"
"How can you? Edi dapat lumalapit ka rin, kaysa nag hihintay?" Balik ko sa kanya!
"I don't want to be rude! Ano 'yon, sasabat ako bigla?"
Sinamaan ko siya ng tingin! Talaga nga naman! How can he be such a fool sometimes!
"I don't want to be rude too! Ano 'yon bibitawan ko sila para lang lumapit sa'yo?" Nanggigigil kong sabi sa kanya!
"Tss. Eh hindi mo man ako tinitignan."
Nalaglag ang panga ko sa pag susungit na ginagawa niya.
This is unbelievable! He is unbelievable!
"Ang dami daming tao rito paano kita titignan!" I can't believe this!
Nag away pa talaga kami rito!
"Man, you won't win, trust me." Singit ng isa sa kanila.
He's dancing with Tulip!
I remember Tulip! Nasa panaginip ko siya! She's still as beautiful as I remember!
Mas mature na ang itsura pero napakaganda pa rin. Her eyes glint with adoration for the man in front of him. I love how she looks with her corset sweetheart dress.
"Simon! Don't meddle!" Pag babawal niya rito pero nangingiti pa rin habang nakatingin sa kasayaw.
"Damn. Wala pa man, under na." This brute in front of me whispered!
Muling tumalim ang mga tingin ko papunta sa kanya.
"Narinig ko 'yon!"
"Pinaparinig ko talaga sa'yo." He lazily fired back.
Nilapit niya ako sa kanya at niyakap. Parang hindi na kami sumasayaw, our bodies are just pinned with each other, swaying a little, his head is in between my jaw and shoulders. Paborito niya ba 'yon, lagi siyang nandoon.
Imbes na maasiwa ay parang nakikiliti nalang ako!
"Let's stop fighting..." bulong niya at bahagyang hinalikan ang balikat ko.
Napasinghap ako. That kiss sent thousands of tingling sensation in my stomach. That kind of sensation na hahanap hanapin ko. At alam kong ga'non nga ang mangyayari.
Ako na naman ang talo.
"Nag papasuyo lang naman ako," muli niyang halik.
"Shit. Mapapahamak talaga tayo sa pagiging malandi nitong si Dos!" Marahas na mura ng isa sa kanila.
"Uno, just do your part, 'kay? Mana-mana lang 'yan, kapatid mo 'e." Ani Agatha!
Agatha! I remember her too!
Oh! It has been so long! Her hair is so short now, pero bagay na bagay niya! Napakaganda ng hubog ng katawan niya! She must have been working out a lot?
"Closer, guys. Ayokong mawalan ng mag didisenyo ng bahay si Kuya Carl. Mukha pamong priced daughter 'tong si Victoria, and his brother looks like a very protective one! Worse than Kuya Adrian." Malokong sambit ni Clyde.
They danced closer to us, making the circle smaller, para matago pa kami ni Dos.
"Protective? Wala naman akong pakielam? Sinong takot?" Bulong-bulong nitong batang nakayakap sa akin!
Gusto ko nalamang matawa sa tono ng boses niya na para bang may pinag susumbungan siya.
"Kanina pa kasi kita gusto isayaw, pero naiinis ako sa dami ng nag aaya sa'yo. Gusto ko man humarang at agawin ang kamay mo, hindi ko magawa kasi deserve mo lahat ng atensyon. Kaya nakuntento nalang ako na isipin na baka suyo-in mo ako. Pero... I have forgotten that you forgot about me."
Parang hele ang kanyang paliwanag sa akin.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para mag salita. Inayos ko lamang ang pagkakayakap sa kanya at ginawang komportable ang posisyon namin.
He was like a big boy hugging his mom!
At ang bango-bango niya!
"Hindi naman na ako mag sasayaw niyan." Napapaos kong sabi. "Thank you for the slippers." Dagdag ko.
He hugged me more, if that was even possible!
Parang lahat ng panaginip ko ay nag laho, lahat ng hiling ko na magkatotoo muli ang mga iyon ay nabura, sa realidad na kayakap ko siya ngayon, mahigpit, kaming dalawa, magkadikit, sobra-sobra pa ito sa lahat ng hiling ko.
Parang ito ang pinaka totoo sa lahat. Mas malakas ang hatak, mas... alam kong hindi magpapatakas.
"I missed you so much, Vic. I have always dreamt of this. That one day we'll meet again. In any way possible. Iba-iba. Sometimes in my dreams we're angry towards each other, sometimes we're forgiving, sometimes we'll pretend that we don't know each other, pero sa lahat ng iyon, pare-pareho ang katapusan,"
Nakinig lang ako sa kanya at tinanggap ang lahat.
Pinakiramdaman at ninamnam ko ang oras na kasama ko siya.
I must really love this man.
For so long.
With or without memories.
"Tatakbo ako pabalik sa'yo, magmamakaawa na kunin mo ulit, I will always beg for my chances." His voice even sounded begging!
Nanikip ang puso ko. There it goes again... the tingling sensation!
"And will always bend for you. Anything and everything for you."
Bahagya siyang lumayo sa akin pero hindi para bitawan ako kung hindi para sakupin ang labi ko.
He grabbed me, angled his lips to claim mine.
I tiptoed to reach for his too.
Praying that when I ask him about that day...
His answer is no.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top