Kabanata 23
Hi to @undefinedinfinity ! Just highlighting this comment here. It resonated well to me... na totoo, old memories will always haunt us, especially those memories that were once dear to us, hmm? So nice to hear your thoughts, Inspirados! Have fun reading this chapter, hope it could make you feel giddy!
Punish me
Sumimsim ako ng kape habang nakatanaw sa overlooking glass wall dito sa opisina ni Ate Vida.
Tanaw na tanaw ko ang kabuo-an ng syudad.
Napabuntonghininga ako, trying to ease my mind.
Mula sa pag tulog hanggang sa pag gising, iniisip ko ang sinabi ni Dos sa akin. Nagpapakilala siya? Para makapag simula kami ulit?
Anong nag bago?
Hindi ko siya nakita sa university kanina, which is good kasi iiwas lang din ako kung sakali. Ang dami nangyayari na kailangan ko muna pag isipan ang lahat. I have settled that he will no longer be part of my present, pero ano ngayon ito? Bakit nag bago bigla ang pakikitungo niya sa akin?
Nag focus nalang ako sa pag aaral ko at sa trabaho. Thank God I love what I am doing, naalis ng panandalian ang mga iniisip ko. It's not healthy for me to overthink such matters... lalo na ang mga wala sa kamay ko.
"Hey sissy!" Ate Vida called me with her taunting voice.
Bahagya akong natawa dahil kanina niya pa ako pinag ti-tripan. Halatang napaka lalim daw ng iniisip ko dahil panay ang buntong hininga ko.
I want to tell her about it pero nahihiya pa ako sa mga naiisip ko. If I tell her about it, I'll tell her about how I feel too, at... hindi ata kaya ng puso ko iyon...
It's hidden in the most private part of my heart.
"I have a meeting with the Montgomerys today."
Halos matapilok ako sa narinig kaya tumigil ako sa pag hakbang pabalik sa lamesa ko.
Na naman?
Montgomery?
Bakit parang sa pag iwas ko, mas nabubuhol ako sa apelyidong iyon?
Napalunok ako. "Hmm, talaga? That's good, Ate. They are a very powerful family and it will be nice to do business with them."
Binaba niya ang hawak na papeles sa lamesa niya.
We were wearing matchy corporate attires. She's wearing a beige one, while I wore a light pink blazer matched with slacks. Our blazers are both oversized which made them look chic.
We both wore dad's Christmas gifts to us, Saint Laurent Lee Pumps.
"Yes! Finally! Sa akin sila dumiretso ngayon! They always go to kuya but surprisingly... they went to me instead." She exclaimed every sentence!
"Really?"
Tumango siya at humilig sa kanyang lamesa.
"Yes. Our client is Carl James Montgomery, one of the leaders of their businesses right now."
Lihim akong napa buntonghininga. Parang babaliktad ang sikmura ko kanina pa, at ngayon alam ko na kung bakit. I was worried it will be Dos. But... Carl? Hmm... not familiar.
Wala pa akong ala-ala sa kanya.
"Doon ka na ba mag di-dinner?" I asked, lagi kasi siyang ga'non, napapahaba minsan ang meetings niya at sa huli ay doon nalamang mag di-dinner.
Right now, it is already four o'clock so I guess she won't be eating at home.
"I guess so," pag iisip niya, "do you want to come?"
Maagap akong umiling!
Oh no... no... no...
Parang pati ang kalooban ko ay umiiling.
"Hindi na ate, makakaabala pa ako roon, malaking kliyente 'yan at maganda kung makakapag focus ka." Pag engganyo ko sa kanya na hindi na ako isama.
Kahit hindi pa si Dos 'yon, maisip ko pa lang na pinsan, kapatid, nanay, tatay, o kung sino man na kamag-anak niya iyon, parang lalanggamin ako.
"Nonsense!" Umiling iling siya. "You'll come with me!"
Halos malaglag ang panga ko roon at mapasapo ako sa aking noo.
Akala ba niya ay gusto ko talaga sumama? Hindi niya ba nakuha na ayaw ko talaga?
"Hindi na ate—"
"Oh!" Napapalakpak siya. "This could be our project together! We'll show them how good we are!" Tuwang tuwa niyang ideya.
"Hah hehe." Pilit kong tawa habang napahawak nalang sa aking lamesa.
Narating namin ang Evergarden kung saan magaganap ang meeting. The place sounded familiar... at first... pero ngayong naririto ako, parang mas nakumbinse ako na pamilyar nga ako rito, parang napuntahan ko na ito.
"Reservation under Carl Montgomery." Ani Ate sa sumalubong sa amin.
"This way, Ma'am."
Iginiya niya kami papasok pa sa loob, dumaan kami sa mahabang pasilyo kung saan may mga pintuan sa magkabilang bahagi.
Narating namin ang pinaka-dulong pintuan, nauna sa amin ang lalaki at binuksan ang pinto bago naunang pumasok.
We were welcomed by two men.
"Hi, Vic! Small world, huh?" Ngising aso ni Clyde.
Well. Lucky it's him and not Dos, right?
Ngumiti ako at sinundan si ate na nakipag-kamay sa kanilang dalawa. Nauna muna siya kay Clyde at pagkatapos ay kay... hula ko ito si Carl Montgomery.
He looks... rugged.
Stubbles. Thick hair. Black long sleeves. Denim pants. Eyebags. Deep sorrowful eyes. Lips in thin line.
Perfect definition of... a... very... callous man.
'No judging... just an observation,' bulong ko sa aking utak.
O baka ito ang sikreto nila sa matayog nilang kayamanan at pangalan? Baka sobra ang kanilang pag ta-trabaho na hindi na nila naaalagaan ang sarili nila?
If that's the case then I don't want to be rich as them!
"Vida Madrigal." Pakilala ni Ate sa kanila.
"Clyde Matthew Montgomery." Pag tanggap ni Clyde, showing his perfect friendly smile.
Tumango si Carl Montgomery. "Carl." Tipid niyang pakilala.
Lumingon sa akin si ate kung kaya't nabaling sa akin ang atensyon.
"This is my sister."
Bahagyang napaawang ang aking labi.
I didn't expect her to say that. Napag usapan namin na hindi babanggitin ang tungkol sa akin tuwing may meeting, lalo na at wala pa naman opisyal na pagpapakilala sa akin.
"She's also studying and preparing to be part of our company so I hope it's okay if she will be part of this?" Paliwanag ni ate. "Come, Victoria, I'll introduce you."
Inabot niya ang kamay niya sa akin para lumapit pa ako sa kanila. Tinanggap ko iyon at mahigpit na hinawakan sa kaba ko. Alam ko na hindi ako kakabahan kung hindi alam ng kliyente kung sino ako pero ngayong alam na nila... hindi ko mapigilan kabahan sa mga maaari nila maisip.
"Victoria Cassandra." She didn't mention my surname.
I was relieved— na hindi niya nabanggit ang apelyido ko. Ayoko magkaroon ng pagkalito kung sakali man, lalo na at hindi pa opisyal ang lahat ng mga pagbabago.
Inabot ko ang kamay ko, nauna ako kay Clyde at tinanggap niya iyon, hindi natatanggal ang ngisi sa kanyang labi.
Mabilis ko iyon binawi nang parang wala siyang balak bitawan iyon.
Sunod ko iyon inalok kay Carl Montgomery. He only accepted it briefly, didn't say a word nor showed a smile, bumitaw din siya agad at naunang umupo.
"So... looks like wala naman problema..." ani Ate Vida.
Parang sinagot na niya ang sariling katanungan dahil nanatiling tikom si Carl Montgomery habang abala si Clyde sa pag tipa sa kanyang phone.
"So let's start."
Inabot ni Ate Vida ang portfolio na naglalaman ng mga iba't iba niyang proyekto. Naroroon ang mga na feature na sa magazine, project mula sa mga malalaking pamilya, from low cost to high cost, naroroon.
"I normally create an initial draft kapag nakikipag meeting para sana magka ideya ang mga kliyente ko kung paano ba ang atake ko sa disenyo. But... I only received your email a while ago so I apologize, hindi ako nakagawa. But here are my previous projects, you can look at it to serve as a guide, para masabi niyo kung ano ang ayaw at mga gusto niyo."
I observed them picking everything that I should know and to learn so that— kapag ako na sa susunod, hindi ako mahirapan.
Tumango si Carl Montgomery at nilahad ang kamay kay Clyde. Nakuha agad iyon ni Clyde at binigay ang isang envelope.
"Here are my demands for the design," inabot niya ang envelope kay Ate Vida at kinuha ang portfolio na binigay naman ni ate para tignan.
"Tatlong palapag ang bahay ko. Nandyan lahat ng gusto ko sana mula sa sala, kusina, mga kwarto, each room specifically and individually explained there, kung anong flooring, walls..."
Natigil siya habang nakatingin sa portfolio. Inangat niya iyon at hinarap sa amin.
"I like what you did here, sa pangalawang palapag ang swimming pool, I like the infinity pool and how you placed the plants surrounding the whole pool area, also plants... fake lang ito?"
Napaawang ang labi ko, hindi ko alam na nasama roon ang hindi ko pa tapos na disenyo! It's my first ever design! Nasimulan ko iyon last year, noong nag dedesisyon ako kung sasama ba ako sa kompanya ni daddy o ibang kurso ang kukunin ko, o hihintayin ko maalala kung ano ang natapos ko noon.
I tried designing sa tulong ni dad, parang mini project namin iyon dalawa. Matagal ang pag sisimula 'non dahil wala akong kaalam-alam sa pag didisenyo noon.
"Uh..." napatingin ako kay Ate Vida.
She looked at me calmly and nodded at me.
"Disenyo iyan ng kapatid ko at gusto ko sana siya ang sumagot ng tanong," ngiting ngiti na sabi ni Ate Vida.
She looks so proud! Habang ako habag na habag ang nararamdaman!
"Uh... no. Hindi pa kasi tapos ang disenyo na iyan, it is my first design kaya medyo... hindi pa pulido, pero totoong halaman ang naisip ko para dyan, low maintenance plants sana."
"Ito? What's with the rooftop? A lot is going on, I am interested." Sunod niyang tanong.
"Ang plano ko dyan sa may roof top area, magkaroon ng parte kung saan may open lounge area, may lilim pa rin naman, pagkatapos mapapalibutan ito ng mga iba't ibang halaman na pwedeng alagaan ng pamilya na titira sa bahay na 'yan. Like a green house. The plants will help to make the atmosphere fresh and relaxing, it could be a place where the family could eat together too lalo na sa gabi, hindi mainit." Paliwanag ko.
Mataman na nakinig sa akin si Carl Montgomery, umaliwalas ang kanyang ekspresyon na tila may naiisip.
"Hindi naman fixated lahat doon, pwede kayo magkaroon ng specific requests, tulad ng imbes na lounge area, gym equipment ang ikabit doon, o di kaya ay mini playground." Dagdag ko.
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi.
Parang hindi ako huminga sa lahat ng sinabi ko, bago ang lahat ng ito para sa akin, isa pa... unang disenyo ko iyon sa buong buhay ko! It has a special place in my heart! This means a lot to me!
It's my baby project. Mine and dad.
And also, this felt like a validation... na... kahit papaano nasa tamang landas ako.
"This is your original right?" Kompirma niya.
Tumango ako.
He is really intimidating. Parang isang maling sagot ko ay mawawala ang project na ito sa amin.
I can only imagine Dos, paano pa kung siya ang ka-meeting? Baka akalain kong nag ta-title defense ako?
Buti pa itong si Clyde ay kanina pa nangingiti, parang lahat sa kanya ay aprubado!
"I want to incorporate your design to my house. Ang basic demands ko ay naroroon na," tinuro niya ang binigay kay Ate Vida na envelope, "ikaw ng bahala sa specifics."
Napatingin ako kay ate habang napapakurap-kurap, hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari.
My sister was smiling widely, nodding as if she won the lottery!
"We got it, we'll prepare three sets of designs para may variety and will send to you... hmm... do you have a preferred date? Is this urgent?"
"I want the design at the end of the month. Can you deliver?" Pormal na tugon ni Carl Montgomery.
End of the month?! That's three weeks from now! Kaya ba 'yon? Kaya ko ba 'yon?
"Yes, of course. End of the month it is."
Tumango si Ate Vida at inalok ang kamay ulit.
Gusto ko umiling at humindi pero... alam ko gaano kalaking proyekto 'to.
Baguhan pa lang ako, nag aaral pa, ang mga kaalaman ko ay nakukuha ko lang sa observations ko kapag pinapanood ko sina daddy na nag ta-trabaho sa bahay, at sa mga paminsan-minsan na pag tuturo ni daddy, pero lahat 'yon ay hindi pormal!
Tinanggap ni Carl Montgomery ang kamay ni ate.
"Let's eat, I ordered the best here which are cooked by the owner himself," Ani Clyde, proud sa kanyang ginawa.
"Nandyan sina Adrianna kaya nag luto si Evander, hindi dahil nag order ka." Pag basag ni Carl Montgomery kay Clyde.
Napahalakhak si Clyde at napailing-iling.
"But still! Sinali nila ang order at requests ko!"
"Uhm... excuse me, powder room lang." I excused myself.
Parang kailangan ko muna huminga bago kumain, baka mamaya ay maisuka ko lahat ng nakahain dahil sa kaba ko.
Para akong nag defend ng thesis at katatapos lang ng presentation ko!
"Samahan kita?" Tanong ni Ate Vida.
"No, mabilis lang po ako."
Tumuloy na ako at tinungo ang powder na nadaanan namin kanina, nasa kabilang dulo ito, malapit sa entrance.
Napatingin ako sa salamin at napansin na maputla na ako. Naiwan ko ang bag ko sa sasakyan, naroroon ang liptint ko. Inayos ko na muna ang buhok ko, pinasadahan ko ito ng aking kamay at nag hugas ng kamay.
Lumabas ako at tinungo ang exit para kunin ang bag ko, naroroon naman nag driver ni Ate Vida kaya umupo muna ako sa back seat habang bukas ang pintuan. Inayos ko ang mukha ko at nag lagay ng kaunting lip tint.
Hindi na ako nag tagal at tinapos na ang pag aayos. Lumabas ako muli at nagpasalamat sa driver.
Papasok na sana ako sa restaurant nang matigilan dahil sa pares ng mata na nakatingin sa akin.
"H-hey..." bati niya.
Tinignan ko siya at tipid akong ngumiti.
Nakahilig siya sa sasakyan niya. Naka corporate suit pa siya pero maluwag na ang kanyang necktie. Bakas din sa mata niya ang pagod pero kumpara sa mga nakaraang araw ay mas maaliwalas pa rin ang aura niya ngayon.
Parang nangungusap ang puso ko. Nag-aalala sa mga mata niyang pagod. Nalilito at kinukumbinse ako na umiwas na. Nagmamakaawa na manatili dahil buong araw ko siya hindi nakita.
Gusto ng puso umiwas pero kakapusin ng hangin kapag hindi siya masilayan.
"You're done?" He licked his lower lip. "With your meeting?"
Malumanay ang kanyang boses.
Tumango ako.
I can only play mum. Ayokong maisip niya na ayos na ang lahat dahil lang mabait na siya sa akin.
His rudeness...
His kindness now...
Nakakalito.
"Did it go well?" Kuryoso niyang tanong.
Tumango ako ulit.
He licked his lower lip again and bit it for longer than a second.
"Disenyo mo raw ang kinuha niya?"
Tango ulit ang naging sagot ko.
"Your first design?"
Bahagyang kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? Ng ganun kabilis? Umabot na agad sa kanya ang balita?
"Is it?" Umayos siya ng tayo na para bang gusto niya talaga malaman ang sagot kahit alam naman na niya.
Tumango nalamang ako ulit.
Mariin siyang napapikit bago ulit nag mulat ng mata. Dismayadong dismayado ang kanyang ekspresyon ngayon.
May problema ba siya sa disenyo ko?
Napahilot siya sa kanyang sentido habang ang puso ko ay nanikip dahil sa naiisip na dismayado siya dahil sa disenyo ko!
Hindi ko ata 'yon kakayanin. Masasaktan ako!
Hindi ako nanghihingi ng approval sa kahit kanino lalo na ngayon, alam kong nag sisimula pa lang ako at malayo pa ako maging magaling, pero pag sa kanya, maisip ko pa lang na baka may problema siya sa akin o sa disenyo ko...
Hindi matanggap ng puso ko!
Tumalikod na lamang ako at napag desisyonan na pumasok nalamang ulit.
Hindi na baling malungkot at bigo, 'wag lang makita ang ekspresyon niya.
Ayoko!
"Wait..."
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking kamay. Hinablot niya ang kaliwang braso ko, mabilis din iyong pumadausdos papunta sa kamay hanggang sa mahawakan nito ang mga daliri ko.
Magaan ang kanyang hawak, mainit ang kamay at maingat.
Malayo ulit sa paghawak niya sa akin noong nakaraan.
Parang libo-libong boltahe ang dumaloy mula sa kamay ko hanggang sa puso ko.
"Hindi mo man lang ba ako kakausapin? Hindi mo lang ba paparinig sa akin ang boses mo?" Mabagal ang kanyang pag tanong, may kaunting lambing sa bawat dulo ng tanong.
Umiling ako. Hindi ko siya tinignan.
Lumakad siya papunta sa harapan ko at hinanap ang mga mata ko. Umiwas ako ng tingin, naka ilang beses siyang huli sa akin pero sa huli ay iiwas lang ulit ako.
"Galit ka ba sa akin?"
Muli niyang hinuli ang tingin ko pero pinilig ko lang ang ulo ko at umiwas.
"You're mad..." aniya, hindi na iyon tanong ngayon.
Napabuga siya ng hangin sa malamig na simoy ng gabi.
Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa akin.
Ang kanan niyang kamay sa aking kaliwa.
Doon ko nalamang tinuon ang tingin ko. Minememorya ang itsura ng mga kamay namin, magkahawak.
Hindi ito panaginip. Hindi na ito kasali sa lilim ng mga panaginip ko. Totoo na ito ngayon, kaharap ko siya, hawak-hawak ang kamay ko.
Ang lungkot at saya ay nag halo sa dibdib ko.
"This can't be... the baby is angry." Bulong niya, sapat lang para marinig ko.
Marahas akong nag angat ng tingin at sinamaan siya ng tingin.
Napanguso siya at napatango-tango. Isang multong ngiti ang nag tatago sa kanyang labi.
He finds this amusing?
Hah! Talaga naman!
"But I deserve this. I know. Punish me, it's okay."
I rolled my eyes.
"Papasok na ako." Hindi nakatakas sa boses ko ang pag susungit.
Nag lakad na ulit ako at nilagpasan siya pero muli lang niya akong hinila pabalik.
Hinarap niya ako sa kanya at marahan inangat ang kamay ko para lapatan ng halik sa likuran ng palad ko.
Bahagya kong nahigit ang aking pag hinga.
Small flowers bloomed in my heart. Light feathers grazed my stomach. Little tingling sensation embraced me as his lips touched the back of my palm.
Ang lambot ng labi niya.
Just like in my dreams...
"Congratulations." He breathed as his lips left my hand.
"I'm pissed that Carl got your first design, but... I can't hide the fact that I am proud." Bahagyang umangat ang kanyang labi para sa isang ngisi.
"I am proud of you, Vic."
Proud? Siya? Sa akin?
Proud siya sa akin?
Proud siya sa akin!
I... have... longed for this.
I never thought I'll wish and hope for his validation!
But I do!
Napayuko nalamang ako para maitago ang saya. Lihim akong napangiti at pinalis iyon nang kailangan ko ng mag angat ng tingin sa kanya.
"Pasok na ako." Pag ulit ko.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at tumalikod na kung saan nakawala ulit ang ngiti sa aking labi.
"Pasok na tayo." Habol niya.
Narinig ko ang mga yapak niya sa likuran ko na mas ikinangiti ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top