Kabanata 22

Hi, Inspirados! Highlighting these two comments! I guess, they represent all of us who want Dos to pursue Vic the way she deserve! Dos surely has to chill, hmm? Paano kaya kokontrolin ni Dos ang pagiging impulsive niya?

Have a good read, everyone! May you all feel butterflies!

Coffee, pastries, sorrys

"Oh? Bakit nakasimangot ang kapatid ko?"

Ate Vida is wearing a white inner tank top under a black full length blazer and slacks. She looks very scary and intimidating now that I can see her in the office. Hindi pa nakakatulong na may resting bitch face siya. I also have that but... hers is very evident.

Naglalakad kami patungo sa office ni daddy. Siya ang sumundo sa akin mula sa lobby, I don't want to tell anyone I am my father's daughter. I am not yet comfortable, not because I am not proud to be his daughter but because I don't want unnecessary expectations on me.

"Hmm... wala lang, Ate. By the way, I met Ate G! She's my classmate." Pag-iiba ko ng usapan.

Napataas ang kilay ni Ate Vida. "Really? Ancheta?" Manghang tanong niya.

Tumango ako at isang ngisi naman ang nabuo sa kanyang labi.

"Looks like makakapag palibre na naman tayo kay Kuya."

Bahagya akong natawa at napailing nalamang sa masamang binabalak ni Ate. For the longest time ay sila lamang ang magkasama ni Kuya bago magkaroon ng Vera. So I understand why their bond is like this, and I think it's nice.

"Are you nervous? Don't worry, I got you."

Umiling ako kahit sa totoo lang ay kinakabahan ako. I know I told them I will be honest pero ito yung mga bagay na gusto kong sarilinin kasi gusto ko mapag tagumpayan mag isa. I might be scared pero alam kong kakayanin ko, lalo na at nandyan sila.

This is the kind of fear that I think is good to have once in a while.

If I am not feeling any kind of fear, parang hindi na ako lumalabas sa comfort zone ko. So I can say... this is a healthy kind of fear.

Inabot ni Ate Vida ang seradura ng pintuan ng office ni daddy at binuksan iyon. Sinalubong ako ng pamilyar na pabango ni daddy.

Dad and Kuya were sitting on the visitor's area. Prenteng prente ang pagkaka-upo ni Kuya habang nakangisi. Dad stood up and went closer to me for a hug.

"Bakit ang drama po ata natin?" Pang-aasar ni Ate Vida.

Umupo siya sa tabi ni Kuya, she leaned on the sofa and crossed her legs.

Humarap kami ni dad sa kanila, I was embracing dad from the side. Isang halik ang naramdaman ko sa aking noo. Nanlambot ang puso ko sa nararamdaman. Kahit na ano man ang sitwasyon ko ngayon, parang walang kulang pag kasama ko sila.

Dad's embrace, Kuya and Ate's proud smile, the idea of Tita Crissy waiting at home and Vera waiting to be fetched at school— these are what comforts me.

"I am just happy, na nandito kayo lahat, sa kompanya na pinag paguran ko. This is more than what I dreamt of. I told your mom before Vernon was born... na kahit isa lang sa inyo ang may gusto mag tuloy nito, ayos na ako. Pero... to have you three here? What did I do to deserve you all?"

"Uhh dad!" Daing ko at mas niyakap pa siya.

"I am proud of you too, we're proud of you, finally... you're starting again." Ani daddy sa akin.

I nodded and felt my eyes blurred. "Dad! Baka maiyak ako! Nag school lang naman po ako!"

"Exactly." Pag sangayon ni Kuya. "You made so much progress, Vic. We're proud of you."

Tumayo si kuya at nilahad ang kamay kay Ate Vida para tumayo rin.

"Welcome to Madrigal Construction and Development Corporation," kuya mockingly said pero bakas sa mukha niya na tuwang tuwa siya.

He could just really be cocky at times.

Tumango si Ate Vida habang nakatingin sa akin.

"We want to welcome you in a more grande way but we know you wouldn't like it, at hindi pa ito ang tamang panahon."

I bit my lip and nodded.

Nag angat ako ng tingin at tinignan si daddy. He kissed my forehead again and hugged me tight.

Oh dad...

How could I be so blessed and lucky?

Nilukob ang puso ko ng sobrang saya.

"Thank you for coming home with us. Thank you for accepting me, anak."

anak...

"No dad, thank you, for giving me another life." I whispered, enough for him to hear.

"Come, let's eat! Hindi pa man kita mapag party, I still have my ways to welcome you."

Tinanguan ni daddy si kuya, may pinindot naman siya sa intercom at ilang sandali lang ay may mga taong pumasok sa loob ng opisina ni daddy. They had all the preparations, from the long table for the buffet, to the drinks, and with someone playing violin for us too!

"Dad!" Daing ko muli pero wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang siya.

He swayed me while we're hugging habang si kuya at ate ay nag simula ng kumuha ng pagkain. He hugged me as if he was erasing my worries and welcoming me in his legacy. Nilapat ko ang aking pisngi sa kanyang balikat at hinayaan na isayaw niya ako.

"I can't wait to introduce you to everyone, anak." Bulong niya.

Matamis akong ngumiti at tinapik ang likuran ni daddy.

"Are you sure, dad?"

He made light taps on my hair. "If you want to... and if you'll allow me, gusto ko sana ipakilala ka na."

"I-I am scared po..."

"Hm? Scared of?"

"Na madungisan ko ang pangalan niyo. I know mangyayari at mangyayari pa rin na makikilala ako ng mga mga tao, pero sana kahit kapag may napatunayan na po ako. But I am only starting..."

The story of how I came to this world... will hurt his name. I know. That I know much.

"Victoria Cassandra..." dad called me with his sad and frustrated voice.

Bahagya siyang humiwalay at hinawakan ako sa balikat para mag lebel ang paningin namin.

Umiling siya. "You don't have to worry that. Ako na ang mag aalala 'non para sa atin. You just have to be my daughter. 'Yun lang. Noong nakita kita pagkatapos ng aksidente, hindi pa natin kilala ang isa't isa 'non, ni hindi ko naisip ang pangalan ko, paano pa ngayon?"

"B-but..."

"Magpapatawag ako ng presscon bago ang party kung saan ka ipapakilala, I will explain it there kahit na hindi naman kailangan talaga. Will that ease your mind? Will that be enough?"

Bahagya akong natawa at napaawang ang aking labi sa mangha. "Hindi ka pa talaga prepared niyan dad, huh?"

He smiled widely and shook his head. "Kung alam mo lang, nang makita pa lang kita, inuukit at ni-paplano na to ni daddy."

My eyes finally gave in from all the blurriness I have been holding on. I must have been a great tear stopper before. Kasi kahit noong nag hihilom lahat ng sugat sa akin, madalang akong umiyak. Kapag masakit na masakit nalang talaga.

Sa pagkakataong 'to, umiiyak ako kasi sobra-sobrang saya ko.

"Mahal ko po kayo, kayong lahat. Mahal ko ang buong pamilya mo, dad." Buong puso kong sabi.

I hope what I said is enough to express how thankful I am.

"Kasama ka sa pamilya. We are your family. You are a Madrigal."

My surname is still an issue pero hindi ko na masyadong iniisip pa ito. Ang alam ko lang ay ang apilyidong dinadala ko noon.

Gallego.

When I tried researching about it before, the results were politicians from Visayas, at suma-sangayon naman doon ang mga panaginip ko.

Gusto sana ipapalit ni daddy pero napag desisyonan namin na kapag nalang naka-alala na ako. I think, by that time, it will feel right. Ang apelyidong 'yon nalang kasi ang hawak ko kay mommy. Wherever she is... I hope she is okay.

I closed my eyes and hugged him again.

After lunch, Ate Vida directed me to her office kung saan niya nilagay din ang pwesto ko. Tsaka nalang daw ako magkakaroon ng sariling office kapag gamay ko na ang trabaho at napakilala na ako.

'Yon ang napagusapan namin para makaiwas din sa mga mag tatanong na empleyado. I will work with her, sa lahat ng current and subsequent projects niya for one year, pagkatapos ay kay kuya naman sa loob din ng isang taon. Mahaba ang panahon na gugugulin dahil gusto nilang maging involve ako sa bawat aspeto.

I will be learning the way they were taught by daddy.

Orientation muna ang ginawa ni Ate Vida ngayong araw, marami ang hawak niyang projects ngayon sa department niya pero tatlo roon ang hands on talaga siya, sariling disenyo niya ang ginagamit sa mga proyektong iyon.

May assignment din siyang binigay sa akin— na sa katapusan ng anim na buwan ay dapat makagawa ako ng portfolio ko.

Naiisip ko pa lang ang lahat ng kailangan gawin ay parang malulula na ako. Pero sa kabila ng pagod, mas kinaka-excite ko pa ata 'to.

Nauna akong sinundo ng driver pagkatapos ng trabaho. Dad, kuya and ate will stay an hour late to finish some work kaya pinauna na nila ako. Napag desisyonan ko naman na pumunta sandali sa kaharap na cafe bakery para bumili ng tinapay para kay Vera at kay Tita Crissy.

Nag park ang driver sa harap at nagpaalam akong sandali lang ako.

Agad akong kumuha ng tray kung saan nilalagay ang mga napipiling pastry. I didn't take much time, alam ko na ang gusto nila dahil lagi kami inuuwian ni daddy ng tinapay mula rito.

Pumila ako para makapag bayad. Medyo mahaba ang pila dahil uwian at naka sentro ito sa dalawang malaking opisina.

Should I buy drinks too? Iced Mocha? Tita Crissy loves Matcha! For Vera... hmm...

Nakarinig ako ng isang tikhim.

Chocolate kaya?

Ang driver kaya? Baka hindi umiinom ng kape? Baka diabetic? Americano nalang kaya ang kanya?

Isang tikhim muli ang narinig ko kaya napaiwas ako, baka may dadaan sa likuran?

Pinilig ko ang ulo ko at tinuon muli ang tingin sa menu.

Okay, I'll get Iced Mocha, Vanilla, Chocolate and Americano.

Nagpakain din naman sa bahay kaninang lunch kaya busog pa sila roon. Napailing ako nang maisip na nag celebrate din sa bahay kanina para sa akin.

Should I buy for the helpers too? Tig-iisang Iced Coffee Jelly kaya?

It doesn't matter if maubos ang allowance ko ngayon, sobrang saya ko talaga na hindi ko 'to mapapalagpas!

"Hi, Vic!"

Natigilan ako nang makarinig ng boses sa likuran ko.

Kumunot ang noo ko at nilingon ang lalaki.

He seems... familiar.

I wanted to guess who this person was, pero nakuha ng lalaki sa likuran niya ang atensyon ko.

My heart flickered for a moment pero agad ko rin iyon sinarado at pinatay.

He's not wearing the clothes he was wearing a while ago, instead he's in his corporate suit.

Looking so deviously handsome.

But I know better, behind that face is a rude man!

He's looking at me carefully now. Hindi nakakunot ang noo tulad ng muli kong inaasahan, but instead... his eyes were soft towards me.

Natabunan siya ng lalaki sa likuran ko. Ngiting ngiti ito at kumaway pa sa harapan ng mukha ko.

"Hindi mo ba ako naaalala?"

Wait.

Dapat ba ay maalala ko ang lalaking 'to? Is he a big part of my past? What should I say?

Hindi na naman ako nakapag handa!

"Uh..." napailing ako. "I am sorry." Tipid kong sagot.

Isang ngisi ang ginawad niya. "Clyde." Alok niya sa kamay niya.

"I am Clyde Montgomery." Pakilala niya.

Clyde...

Sa likuran ng isip ko ay naalala nito ang isang kaklaseng matalino, palangiti, matulungin at gwapo.

He likes to wear light colored clothes...

That. I somehow remember.

He is still the same, he's wearing a light blue button down long sleeves paired with khaki pants.

Nanlaki ang mga mata ko at tumango.

"Hi!" Lumapad ang ngiti ko, masaya para sa sarili na nakaalala.

Even if I dream, sometimes I still forget. Hindi lahat malinaw pagkagising. Kaya pag may ganitong pagkakataon ay sobra akong natutuwa!

Isang tikhim muli ang nakawala kay Dos sa likuran ni Clyde.

Oh... so he was the one making that sound.

"Buti nandito ka?"

Binaling ko kay Clyde ang tingin. "Well... things happened..." I trailed. "I am with my dad." Malinaw kong sabi sa huli.

"President of the MCDC?" Pag kokompirma niya.

Tumango ako at sasagot na sana pero...

Natigilan ako nang mapag tanto kung paano niya nalaman 'yon? No one knows! Kaya nga magpapa-presscon pa lang...

"H-how—"

"The business world is small. News like that fly very fast." Mahinang tugon ni Dos.

"Ah! Yes! Besides, our building is next to yours. Lilipad talaga ang balita sa amin." Pag segunda ni Clyde.

Hmm... really?

Napakunot ang noo ko.

If that so, dapat talaga ay magpa presscon na si dad, at baka ibang balita pa ang mabuo sa layo ng malipad nito.

"It's your turn." Ani Clyde at tinulungan ako ilabas sa tray ang mga pinamili ko.

"Thank you." Lito kong pasasalamat, hindi maalis sa isipan ang tungkol sa nalaman.

"Do you want to add some drinks, Ma'am?"

Tumango ako at kahit lumilipad ang utak ay sinabi ang order. I followed my happiness a while ago and ordered for everyone in our house.

Tinanggap ng babae sa likuran ng cashier ang order at nag simulang sulatan ang cups para sa tanda ng mga orders ko.

"Whoa... that's a lot!" Komento ng lalaki sa tabi ko.

"It's for my family and our helpers. Unang araw ko kasi sa trabaho kaya may celebration..." pahina ng pahina ang boses ko.

Realization hit that I have overshared and... medyo nahiya ako sabihin na nag sisimula pa lang ako habang sila ay...

Malayo na ang narating.

I am normally not insecure. My family built my confidence over the years and assured me that I don't have to feel that I am running out of time.

Pero ewan ko ba, ngayong kasama ko sila... at kaharap, parang nahihiya ako na ewan.

Or maybe because of Dos?

I don't want him to know.

I don't want him to realize how it is right that we seperated.

Lumubog ang puso ko sa naisip. Parang inulan at binagyo ang nararamdaman ng puso ko ngayon. I want to look okay and established in front of him! Hindi dahil para makapag mayabang pero...

No... I don't want to admit it.

Bahala siya!

Wala naman siyang pakielam kaya para saan pa na maramdaman 'to? It's pointless.

"Congratulations, Victoria!" Masayang masaya na bati ni Clyde.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at kita ko ang walang halong kahit ano roon kung hindi saya.

Genuine.

"I'll pay for this."

Naputol ang tingin ko kay Clyde nang ilapag ni Dos ang isang black card sa tabi ng cashier.

The lady behind the cashier even blushed!

Tss. Show off!

"No need. I have money."

Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng iilang cash roon.

"Please. Accept this. I want to..." he stopped and I can feel his body's heat just behind me.

"... congratulate you too."

Malumanay ang kanyang boses, malayong malayo sa laging galit na tono noong mga nakaraang araw.

My body stiffened and my heart started beating wildly.

He... wants to congratulate me?

I bit my lower lip.

"Hm, hindi, okay lang. Thank you." Pag tanggi ko.

"Tanggapin mo na," Singit ni Clyde. "He'll pay for everyone's order in here right now, don't worry." Malakas niyang deklara.

Natigilan ang lahat sa narinig. Napalingon ako kay Dos para tignan ang kanyang ekspresyon dahil ako ay gulat na gulat!

Alam kong mayaman sila, mayaman na mayaman... pero... hindi ko maintindihan?

Walang nag bago sa ekspresyon ni Dos. Kalmado lamang siya at parang balewala ang dineklara ni Clyde.

Nag hiyawan ang mga tao at nag labasan ng cellphone. Perhaps... to take a picture of this unbelievable man behind me!

Bumaba ang tingin niya sa akin at sinalubong ang mga mata ko.

Habang ako naman ay bumaba ang tingin papunta sa labi niya. Remembering my dream a while ago...

Oh no...

Vic, no...

"May gusto ka pa ba? You can add more..." may lambing niyang sabi.

Kung kaya lang tumalon ng puso, siguradong nagawa na ng akin. His voice enveloped my heart, it sent electrolytes that made me feel every cell in my body.

Gusto kong pumikit at damhin ang lambing ng boses niya kanina. It was mellow and soft, as if he was talking to his priced treasure.

Pero... bakit bigla siya bumait?

I can't put my hopes up. Hindi pwedeng isang araw ay galit na galit siya at pagkatapos biglang hindi na.

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala na, I'll pay you back... idagdag mo nalang sa utang ko sayo, pero thank you."

Si Clyde naman ang tumikhim ngayon.

"Mababaon ka sa utang sa kanya, be careful mahal maningil 'yan, " bulong niya sabay kindat.

Bago pa man ako makapag react ay hinawakan na siya sa balikat ni Dos at kita ko ang pag lukot ng mukha ni Clyde dahil doon.

Tinawag ang pangalan ko at ginamit ko ang tyansa na 'yon para makatakas sa kanila. Dali-dali kong kinuha ang mga inorder ko pero dahil hindi ko kaya ang lahat ay nagawa pa rin nilang humabol at tulungan ako.

Dos grabbed all the drinks while Clyde got the pastries.

Sa huli ay wala akong hawak.

"Hindi kayo mag o-order?" Tanong ko.

"Hinihintay pa namin ang mga pinsan namin." Tugon ni Clyde.

Tumango nalamang ako at nag lakad papunta sa sasakyan. Gusto ko man makipag talo at ipilit na kaya ko ang lahat ay tinikom ko nalamang ang bibig ko. Pakiramdam ko, pag nag salita pa ako ay may masasabi ako na ikakapamahak ko.

I might giveaway my feelings.

Agad akong pinag buksan ng pintuan ng driver at pumasok ako roon. Kinuha ng driver ang orders at siya ang naglagay sa loob 'non para maayos at masiguradong hindi matatapon.

Nakabukas pa rin ang pintuan sa gilid ko dahil hawak ito ni Dos.

Hindi ko mapigilan, tinignan ko siya.

I saw him licked his lips and slightly smiled.

"I am sorry," aniya.

"I am sorry for hurting you with my actions, Vic. Please forgive me..." kapos sa hininga niyang bitaw sa mga salitang tila matagal niyang dala-dala.

Humigpit ang hawak niya sa pintuan ng sasakyan.

"I am... Dos Montgomery. Please... let's start again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top