Kabanata 21
Hi @presyosa14 , I just want to highlight your comment. Thank you for being able to grasp that. You were able to get what I was trying to write about this story so far. Thank you for taking your time as well!
Ulan
Ang daming nag bago simula ng gabing 'yon. Umasa ako... umasa ako na matutulungan nga nila ako. Finally, sa unang pagkakataon na napag desisyunan kong may mapagsabihan na ay siya rin gabi na nalaman kong aalis na sila.
Their grandmother passed away and they had to go back to Manila...
From all his stories, alam kong hindi niya direktang lola iyon, pero dahil napaka lapit ng pamilya nila sa isa't isa ay lumaki siyang kinikilalang lola ang lola ng mga pinsan niya.
My world came crushing down after seeing Dos' messages for me. He wanted to see me, mabilis lang daw, dahil kailangan na nila umalis.
He was honest with me from his messages that... he wasn't sure if they will come back to study here again, or kung temporary lamang ba iyon habang nakaburol ang kanyang lola.
'Yon ang dahilan kung bakit gusto niya ako makita kahit sandali.
Sobrang nanghina ako nang mabasa ang mga iyon. Iba iba na ang naramdaman kong emosyon. Sadness for him because I know their family is devastated, fear for me... kasi kahit hindi ko aminin, my heart grew dependent on him, hindi ko maisip kung paano ang mga susunod na araw na wala siya— ang lakaking mahal na mahal ko. My hopes vanished... kasi alam ko ang mapait na realidad, na mali na umasa— na makakawala pa ako rito.
Kahit nanghihina ay tumayo ako at tumakas ng gabing 'yon, tulog naman na sina mommy. Tinungo ko ang coffeeshop kung saan kami magkikita ni Dos. I sat there and waited for him, remembering all our dear memories. Hindi ko pa man siya nagawang sagutin, we weren't even official yet pero ito ako parang magpapaalam sa asawa na lilipad papunta sa ibang bansa.
Nakatingin lamang ako sa daan kung alam kong manggagaling ang sasakyan niya kung galing siya sa Montgomery Residences.
My heart waited patiently.
Pero sa bawat pag lipas ng mga segundo, minuto, hanggang umabot ng mga oras... walang dumating.
I tried calling him but his phone was out of reach.
Baka nasa airplane na sila?
Tinignan ko if may messages ba, baka wala lang akong signal, pero wala. I tried messaging him pero walang response.
I am not mad. It isn't his fault. Kailangan niya unahin ang pamilya niya. I am actually guilty... kasi naiisip ko pa ang sarili kong nararamdaman gayong dapat dinadamayan ko siya sa panahon na 'to.
Sa mga nakalipas na buwan na nakilala ko siya, I know how much he loves his family. Alam kong bigong bigo siya ngayon at malungkot. I want to hug him and be there for him, I want to make sure he is fine, I want to make sure he eats and sleep properly despite the situation but... I am locked up here.
Hindi ako papayagan kahit pa makahanap ako ng alibi. They wouldn't just grant such request to leave.
After almost three hours... nanginginig ang tuhod ay tumayo na ako para lumakad pabalik.
Ngunit bago pa ako makalayo ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan.
Marahas akong bumaling sa gawi 'non at halos mahulog ang puso ko nang makita ang lalaking mahal ko pababa ng sasakyan.
Nanikip ang dibdib ko, tinakbo ko ang distansya namin dalawa at ga'non din siya. Binato ko ang sarili ko sa kanya para mayakap siya. My heart cried so much, napahikbi ako, I can feel he is crying too...
Nabasa ang aking pantulog. We were both crying... but I know in my heart we were crying for different reasons.
"I am sorry I cannot be there for you..." I whispered. "I am sorry for what happened, Dos..."
I gathered my strength to be strong for him.
I bit my lower lip to stop it from trembling.
Bahagya niya akong binaba kung kaya't nakita ko ang mga mata niyang bigong bigo, namumugto at wasak.
My heart breaks for him too.
I don't like seeing him like this.
"Dos! We have to go, man!" Rinig kong sigaw ni Clyde mula sa loob ng sasakyan.
Bumaling ang mata ko roon pero hinanap ni Dos ang mga mata ko at tinakpan si Clyde mula sa paningin ko.
Hinubad niya ang jacket na suot niya at pinatong iyon sa likuran ko. I was only wearing my pajamas but I wasn't cold. Mainit na mainit pa nga ang nararamdaman ko dahil sa sumasabog na emosyon.
But I accepted it— I want to savor this memory because I am so scared of what's to come...
I wanted to accept even the tiniest from him, dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari. Something tells me... something bad is about to happen. Sa sitwasyon pa lang sa bahay, parang nag bibilang nalang ako ng araw ng pag sabog ni daddy.
The Montreal topic is not yet done. Sa isip ni daddy ay sarado na iyon at engaged na ako sa pamilyang 'yon. And I am so frustrated that I feel like I am waiting for an official announcement before I give up. I am heartbroken to think that I cannot do anything aside from waiting and praying na mag bago ang isip ng lahat.
Sana ayawan nalang ako noong lalaking Montreal but no. I heard... he said he's fine with it! Gusto ko sana siya makausap sa ekswelahan para pakiusapan pero nasa ibang bansa siya ngayong semester at sa susunod pa babalik.
Kaya binalak kong humingi ng tulong sa mga pinsan ni Dos ngayong gabi. I can't tell Dos yet because God knows what he will do! I know his intensity, babaliktarin niya ang mundo at babaliin ang kahit ano para sa akin. His love for me made sure I know that every single day.
I haven't seen it yet, pero alam ko... hindi magandang ideya na sa kanya ko una sabihin.
Even if I want to break away, I want to do this discreetly and silently. Dahil iniisip ko rin si mommy, she will receive the hardest blow if this blows up.
Pero... how... can I say mine... my problems... if they're in this kind of situation?
I don't have the heart to cause problems to their family.
Hindi naman nila problema ang problema ko.
"Hey... don't cry... I will come back. I'll come back for you, okay?" Malambing na malambing ang kanyang pag sabi.
Umiling ako. "'Wag mo ako isipin, Dos. Let's talk after all of these okay? Pero for now, you focus on your family." My voice broke.
Pinunasan niya ang mga luha ko at ga'non din ako sa kanya.
Oh Dos... my Dos...
"Dos..." I gathered the remaining strength I have.
I smiled painfully. "I love you..."
My voice as I dropped those three words were soft, sincere, full of love, and genuine. I made sure it will mark on him, para kahit ano man ang mangyari alam niyang mahal ko siya.
Umihip ang hangin, tumahimik ang paligid, tanging ang pag singhap niya lamang ang namutawi.
Kumabog ang dibdib ko at mapait akong napangiti.
Yes, silly! Kung hindi pa ba halata 'yon.
He's the only person I let myself get close with, I allow him to hold my hand, kiss me, and date me, walang iba, pero magugulat pa rin siya?
But maybe... this world needs both words and actions, that such assurance— together—are stronger than the greatest actions or greatest words alone.
And I am willing to offer him that.
"Mahal kita, Dos. Mahal na mahal." Pag-uulit ko.
Hindi siya nakapagsalita. Gulat at pagkamangha lamang ang nakikita ko sa kanya. His eyes were fixated on me as if he was memorizing me, as if he was saving this moment in a memory card only he can access.
"Please take care of yourself. Make sure to eat your meals, to sleep properly and as you watch out for your family... watch out for yourself too—"
Bago ko pa matapos ang habilin ko ay bumaba ang mukha niya palapit sa akin. I immediately tiptoed to accept his kisses. I welcomed him and kissed him back. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkabila niyang balikat at hinalikan siya sa kaparehong intensidad.
His arms grabbed me from my waist. I settled on his embrace while we kissed under the moonlight of this dark place.
His kisses were soft and gentle. They yearned and embraced. They light and gave hope.
Like him... my light...
Pumatak ang ilang luha pa mula sa akin.
"I love you..." he said between kisses. "... thank you for telling me." Pareho kaming napangiti habang nakalapat pa rin ang mga labi namin.
Lumalim ang kanyang halik. Napasinghap ako dahil doon, ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para ipasok ang kanyang dila. It sent ripples of sweet feelings in my stomach. I let him claim every corner of my lips as I try to do it for him too.
"Dos! Dad is calling! I am sorry, man, but we have to go!" Muling pag kuha ni Clyde ng atensyon namin.
I can sense nothing can stop him so I did it myself. Ako na ang kusang tumigil para bumaba mula sa pagkakatingkayad. His kisses felt hanging from him. Mabilis na binalot ng lamig ang puso ko sa pagbitaw ko.
Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya.
"Mag iingat kayo, okay?"
Inabot niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at nilapit iyon sa labi niya. He sweetly kissed it, masuyo na hinehele nito ang puso ko.
He looks like a mess but still handsome.
Oh, I'll miss him.
My eyes opened from the bright light from the sun peeking from my curtains. Isang butil ng luha ang nahulog doon. Napahawak ako sa puso ko... ang panaginip ko...
Niyakap ko ang aking sarili at pinakiramdaman ang pagkabog nito.
Gusto kong matunaw.
Totoo kaya lahat iyon?
Napahawak ako sa aking labi.
Totoo kaya na nangyari 'yon noon? O baka pangarap ko lang iyon dati?
Nangyari man o hindi, hindi na iyon importante dahil galit na siya sa akin at ako rin ay hindi na ayos sa kanya.
There are memories bound to be forgotten, huh?
Napabuntonghininga ako at tumayo na para mag handa. Today is the first day of me trying to live a normal life so I want to look my best.
Ang napili kong isuot ay isang beige tube para sa inner then white coordinates of a cropped blazer and skirt na hanggang sa itaas ng tuhod ko.
Nilugay ko ang mahaba kong buhok at nilagay iyon sa likuran ko. I put on light makeup which consist of blush on, highlighter and lip tint, hindi na ako nag lagay ng foundation, tanging ang tinted sunscreen ko nalamang ang naging base ko.
Lumabas na ako at pumunta sa kusina para tignan kung may makakasabay pa akong kumain dahil madalas, sa ganitong oras, ay nasa trabaho na sila.
"Hi Tita!" Bati ko nang makitang nag kakape si tita.
Napangiti siya nang makita ako at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Namula ako dahil doon at napa-upo nalamang sa harapan niya.
"You look so nice! I love it!" Puri niya.
"Tita! Ito po yung regalo niyo last christmas." Subok kong pag-iiba ng usapan.
"I know! Kaya nga binili ko iyan dahil... hmm... I don't know, you give that kind of vibe ever since I met you." Her genuine smile never left her lips.
Napailing nalang ako. Not used to praises.
"Umalis na po ba sina daddy?"
"Yes, mamaya nalang daw kayo mag kita pag nasa office ka na. And, before I forgot, we hired another driver for you. Para may mag hahatid at sundo sayo sa university. Magiging hectic ang schedule mo, juggling both work and studies so... I hope you tell us pag nahihirapan ka na."
"Tita! No need! Nakakahiya po. Pwede naman ako mag grab or taxi po if walang available sa existing drivers natin noon." Maagap kong sabi.
Marahas din siyang umiling. "Victoria, I am hurt to hear you get shy because of this. We're family, you're family, ganyan din kami kay Vernon, Vida at Vera. Para saan pa ang mga sasakyan at pera natin kung hindi natin magagamit para sa inyo?"
One of our helpers placed food in front of me. May naka handa na rin na kape roon. Nanlambot ang puso ko at natahimik nalang. I focused on my food and smiled a little habang pinagsisilbihan ako ni Tita.
"You are my child, Vic. For me... you are. So please... refrain from thinking you're different from us, hmm?"
Matagal din namin iniiwasan ang topic na ito pero siguro ga'non talaga, for every change, we became uncomfortable, and that comes into different forms such as uncomfortable conversations as well.
"Thank you, tita... for everything." Magaan kong sabi.
Tumayo siya at niyakap ako mula sa likuran ko.
My heart felt loved and happy.
"I am proud of you. You got this okay?"
Tumango ako habang siya ay binigyan ng halik ang noo ko.
Nagpatuloy ako sa aking araw. Tulad ng sinabi ay may driver nga na nilaan para sa akin. Maraming sasakyan ang pamilya ni daddy, ang karamihan doon ay paminsan-minsan lang nailalabas at nagagamit. They try to rotate their cars as much as possible pero malimit pa rin talaga nagagamit ang mga iyon.
They made me use the Mini Five Door, in color Moon Walk Green.
The privileges I have are beyond me. Napakaswerte ko sa kanilang lahat.
My class for today was smooth and easy, magaling ang mga professors sa napiling school ni daddy para sa akin. Dito rin nag aral si Kuya Vernon at si Ate Vida, lilipat din dito si Vera katapos niya mag gradeschool.
I thought I'll be overwhelmed by the amount of information that will flow today pero dahil magaling ang mga professors ay agaran ko rin naiintindihan ang mga topics. I wonder if mabuti ba akong mag-aaral before? Do I like to study? Do I get good grades?
I might be a bad one, kaya siguro ayaw sa akin ng mga magulang ko noon? From what I get from my dreams, my father there dislikes me.
May nakatabi ako sa klase na sa tingin ko, gugustuhin kong maging kaibigan. She's a year older than me, bumalik din siya sa pag-aaral dahil daw sa kompanya na namana niya. She's studying for multiple courses, irregular siya pero karamihan sa mga subjects ko ay kaklase ko siya dahil nag fofocus siya sa construction.
"Bye, Ate G! Thank you so much for the drinks." She bought me milktea, hihindi sana ako pero she was persistent!
She made a wacky face, she's really funny!
"Sabihin mo sa Kuya mo, 'wag ako taguan dahil hindi ko na siya gusto!" Aniya.
Hindi ko napigilan at bahagyang napalakas ang tawa ko dahil doon. She has also a huge crush towards my brother noong university days daw nila. But a tragedy happened to her family— which made all those things a non-priority for her.
"Ate! Please don't torture my Kuya, he's kind and a changed man." Depensa ko para sa kuya ko.
Sabi ni Kuya, noon daw ay walking red flag daw siya. He was very famous, matalino, mayaman, tagapagmana, an athlete... he plays hockey, and he took advantage of everything that he had.
So I understand Ate G's sentiments if... she still thinks Kuya is the same man he is before.
Umirap siya. "Tss. I know. Takot nga siya sa akin ngayon. Lagi akong tinataguan, alam mo ba 'yon?"
Umiling ako. "Really? Si Kuya Vernon?"
"Oo, parang babae. Nakakairita."
Napahagikgik ako. Never thought I'll hear him hiding. He is confident always— sa kahit ano pang ginagawa niya.
"But hey, I have to go, see you tomorrow?"
Tumango ako sa paalam niya at pinanood siyang makalayo. Napangiti ako nang matantong may isang kaibigan na ako. I feel something good about her. She seems genuine and nice. Plus... she's funny!
Nag simula na akong mag lakad ulit papunta sa waiting shed kung saan ako susunduin ng driver.
Nang kaunti nalang ay malapit na ako roon, biglang pumatak ang ulan, mabilis ang pagbagsak nito. Agad kong kinalkal ang bag ko pero natigilan din ako nang maalala na naiwan ko 'yon sa sasakyan!
I am not an umbrella person...
"Argh." I grunted and walked fast to the waiting shed.
"Hey..."
I stopped from my tracks when I heard that voice.
Hindi galit? That's weird?
Siya ba 'to?
Nilingon ko siya at kita ko ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin sa akin.
His eyebrows are not in a connecting line right now...
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Napalinga ako kung may kasama ba siya o ano pero wala naman ako nakita roon. May pinsan na sinusundo, perhaps? Kapatid? Girlfriend?
Kinurot ang puso ko sa huling naisip.
"Nag ma-masters ako rito."
Mabagal akong tumango at nag iwas nalang ng tingin. Baka may masabi pa ako at awayin niya ako bigla. Atleast maayos at malumanay ang boses niya ngayon.
Kaya naman pala niya, hinintay niya muna na masinghalan ko siya.
"Ikaw?" Tanong niya.
"Nag-aaral ako rito. I am taking Architecture."
Napaawang ang labi niya at parang nag isip. Kita ko ang pag daloy ng maraming tanong sa kanyang isipan. Sa pag iisip niyang 'yon ay nagkaroon ako ng tyansa na mapagmasdan siya.
He's wearing casual clothes now. Fitted dark grey cotton long sleeves and denim pants. Bagay na bagay niya talaga ang ganito. Hindi rin nakaayos ang buhok niya, parang galing lang sa shower at natuyo ng ga'non— pero... hindi nabawasan ang kagwapuhan niya roon. Mas mukha pa siyang... hmm... modelo.
You know those type of models where they'll pose with disheveled hair...
How lucky his girlfriend will be?
Or maybe he has one?
Hindi mapigilan ng munti kong puso malungkot.
I am too late.
"Saan ang punta mo ngayon?" Tanong niya.
"Sa office."
"Saan ang opisina mo? You're working already? Nag aaral ka pa?" His questions came like the rain pouring.
Kumunot ang noo ko.
What's with the curiosity now?
"Hmm... bakit mo naman gusto malaman?"
Napaiwas siya ng tingin at nanigas na naman ang panga.
Nagagalit na naman siya?
Singhalan niya ako ngayon at iiwan ko talaga siya rito. Wala akong pakielam kung mabasa pa ako ng ulan.
Kita ko ang pag lunok niya. "I-I just want to... make it up with you. For all the bad... interactions... we had..."
Tinaasan ko siya ng kilay.
Hmm... ano nakain nito? Nakainom ba siya?
"No need, Dos. It's okay. No need to pretend that you care about me. I just really want to clarify about the fiancé thing— noong nakaraan. Kasi honestly, I don't have one at naiinis ako kasi ang kulit mo tungkol doon. I don't even remember..."
Natutop ko ang bibig ko. Too much information, Vic! Hindi kami malapit para sabihin ko pa ang iyon sa kanya.
Napabuga ako ng hangin at pinilit na ngumiti. Pilit kong tinatakpan ang totoong nararamdaman ng kaibuturan ng puso ko.
"No... seriously... I want to—"
Nahagip ng mata ko ang sasakyan namin na parating. Tumigil ito sa mismong harapan namin kaya hindi ko na kailangan ng payong.
Thank you, Kuya Driver! I can't imagine asking him to walk me towards our car para lang hindi mabasa!
"No problem, Dos. Okay na. Seriously. I hope to meet you in a better circumstance in the future."
Hindi ko na siya hinintay pang mag salita at hindi ko na rin siya tinignan dahil bago pa sa ala-ala ko ang panaginip ko. Masasaktan lang ako...
That's the worse part in my situation. Sa mga taong parte ng nakaraan ko, lahat 'yon ay ala-ala na ng nakaraan. It has been years. Pero sa akin, sa bawat pag dating mga bagong ala-ala, parang nararanasan ko sila ulit... parang bago ulit...
Experiencing old memories like they were the first time is an overkill.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top