Kabanata 20

I laughed a lot writing this chapter!

Fiancé

"Arg..." I grunted as I felt him lift me up quickly.

Pinasok niya ako sa passenger seat ng itim na Raptor.

Nanatiling nakabukas ang pintuan. Nakahawak siya sa pintuan sa isang kamay habang ang isa ay sa may upuan ko.

"I can't leave..." nahihilong sabi ko.

Sumandal ako sa upuan at hinayaan ang mga matang pumikit.

"It's my sister's birthday..." dugtong ko.

"We won't." His deep voice dripped with alot of emotions answered.

Gusto kong iikot ang mga mata ko dahil ineexpect ko na 'yon.

Buti nalang, pasalamat pa ako na hindi niya ako sinisinghalan.

Naramdaman ko ang pag pasok ng ihip ng hangin sa sasakyan— which made me grunt again. Nakarinig ano ng pag bukas at sara ng pintuan.

Ang sariwa ng hangin!

Thank God...

"Here. Coffee." Still using his hard voice.

I slightly opened my eyes and saw an insulated tumbler.

"Nagdadala ka niyan?" Hindi ko mapigilan mamangha.

Kumunot ang noo niya at umirap.

Ang sungit!

"I don't drive if I am drunk. I have my ways to sober up." Mahina niyang sabi.

Napanguso ako at napatango-tango. That's good... atleast he knows how to take care of himself. Dapat lang! Bawal iyon! At... baka mapahamak pa siya!

And so? Kung mapahamak siya, ano naman pakielam ko? Eh siya nga... walang pakielam sa akin! Hindi ko rin siya papakielaman!

Tsk. I shouldn't drink anymore. The alcohol will surely kill me.

Kill me because of the embarrassment!

Tinanggap ko ito at binuksan para makasimsim. It was still at the right temperature which made me feel good. Naramdaman ko ang pag daan nito sa aking lalamunan and it made me feel comfortable and relieved.

Pumikit ako muli at hinayaan lamang ang sariling sumimsim pa-konti-konti. May isa o dalawang minuto siguro ang lumipas na hinayaan ko lang mamayani ang katahimikan sa aming dalawa.

Narinig ko ang kanyang pag tikhim.

I opened my eyes and saw his eyes clearly. Mataman itong nakatingin sa akin. Nakakunot pa rin, walang pag babago.

Sobra-sobra siguro ang galit niya sa akin.

"Gusto mo ba?" Alok ko.

Baka nagagalit siya kasi inuubos ko ang kape niya.

"I didn't drink." Mariin niyang sabi.

Nag taas ako ng kilay. "Oh okay, tinatanong ko lang naman. Bakit ang sungit mo?"

Hindi ko napigilan umirap.

Napabuga ako ng hangin. Sa tingin ko kailangan ko ubusin tong kape dahil nararamdaman ko pa rin ang alcohol sa tapang kong 'to. I am usually and normally calm pero sa buong panahon na nagising ako mula sa aksidente ay hindi pa ako nainis ng ganito.

I don't even roll my eyes, I am not snobbish, I don't curse, pero lahat iyon nagagawa ko dahil sa kanya!

Baka galit din ako sa kanya? Hindi ko lang alam? I think I need to dream about him again! Kailangan ko malaman ang mga nangyari!

"If hindi mo pala kaya, dapat hindi ka rin uminom." Napakasungit niyang sabi.

Marahas ko siyang binalingan.

My eyebrows leveled his. Nakakunot na rin ang noo ko. I showed him I am as mad as he is!

"Birthday nga ng kapatid ko diba? Kasasabi ko lang? Plus you don't know me. Hindi ako umiinom talaga, it was just..." you.

Natigilan ako nang maalala ang iniisip sa bawat lagok ko kanina ng inumin.

"Kung hindi ka umiinom, bakit nalasing ka ngayon?"

"Kasi nga uminom ako dahil birthday ng kapatid ko!" Naiinis kong sagot!

Ang kulit!

"Then you drink!"

What?!

I looked at him bewilderedly. Hindi ako makapaniwala sa isang 'to!

Siya ata ang lasing sa aming dalawa?! Alam pa ba niya ang sinasabi niya?

"Tss." Umirap siya muli.

I rolled my eyes and glared at him.

"Babalik na ako sa loob." Desisyon ko.

Tumayo siya ng maayos at binuksan ang likuran ng sasakyan. May kinuha siya roon at hinagis sa akin. Nahulog ito sa hita ko at nang i-angat ko ay isa itong itim na sweater.

"W-what..." nautal ako sa gusto kong itanong.

What is this...

"I can wear what I want." I said to despise him.

Kailangan kong tatagan kung hindi baka malungkot na naman ako dahil sa kanya.

I don't like him!

I saw his jaw hardened. Naka itim rin siyang sweatshirt at khaki shorts. His physique and features... his entire look... made him look like a model, resting before his turn to pose.

"Alam ko. And I am not saying don't. It's just..." Mahina siyang nag mura. "Aalis na ako dahil kailangan ko sunduin sina Mama sa airport. I can't..."

Mariin siyang pumikit. "...stay."

Dinig ko ang pagka bigo roon.

I felt a little punch inside my heart which I quickly shrugged.

Napaangat siya ng tingin as he grasped for air.

"So... please... wear that atleast. Or, just... put it on your..." Parang hirap na hirap siyang tapusin ang mga sinasabi niya.

Bago niya tapusin ang sasabihin ay sinuot ko na ang sweater. It was big for me. Kakaunting parte ng dress ko nalamang ang nakikita dahil doon.

Tinignan ko siya at nakitang napaawang ang labi niya pero mabilis niya rin iyon nabawi. Tumayo siya ng maayos at pinanatili ang matigas niyang ekspresyon sa akin.

Tinulungan ko ang sarili kong bumaba mula sa sasakyan niya.

I saw him fidget.

Inabot ko ang tumbler niya. "T-thank you..."

Naka-ilang thank you ba ako sa kanya ngayong araw?

"Hindi ito libre. Babayaran mo 'to."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

What? He is unbelievable! Kape lang? Ipapabayad pa?

"How much?" Pigil na pigil na inis kong tanong.

"Pag iisipan ko pa." Aniya sabay irap ulit.

Pag iisipan? Mahal ba 'yon? Saan ba gawa ang kape na 'yon?

Imported ba?

"Walk inside now. I'll leave after you."

"Ingat." Mabilis kong sabi bago tumalikod.

My feet were like a slave following his master. Sumunod ako at lumakad ng mabagal palayo mula sa kanya.

"I'll get my sweater back."

Hindi ko alam pero mas binilisan ko ang pag lakad at pag layo sa kanya. Pumasok ako sa loob ng bar at niyakap ang sarili ko. I tried to feel the warmth of his sweater and slightly smelled his car.

Ang amoy ng sasakyan niya ay parang nag halo-halong luxury scents. Matapang pero... mabango.

Ano kaya ang talagang pabango niya?

Napangiti ako sa pag amoy ng sweater niya.

"Vic?"

Napalingon ako kay Kuya na nasa likuran ko.

"I was looking for you! Where have you been?" Litong lito na tanong niya habang tinitignan ang suot ko.

"Are you uncomfortable?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at ngumiti nalamang.

"Lumabas lang ako for some fresh air, Kuya."

Tumango siya at umakbay na sa akin.

"You smell nice, huh? Bago ba yang pabango mo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya kaya umiwas ako ng tingin.

I laughed a little and shook my head.

"T-tara na... baka mag twelve na."

Hinila ko na siya paakyat ulit at sinamahan na ang iba para mag party.

I suddenly felt good. I am in a good mood now! Imbes na umupo ay sumama ako kina Ate Vida ay sumayaw na rin kahit konti lang.

I laughed and danced with them.

Oh boy... I am still drunk for sure.

"You'll go for a jog?"

Inayos ko ang baby pink jogging pants ko at bahagyang pinasada ang kamay ko sa pang gym kong pangitaas na puting longsleeves. It was fitted shaped like a corset.

Halos ganto ang mga damit ko noong una dahil pag sa therapy ay pawisan talaga ako. I had to walk like a baby, started from nothing.

Nakataas naman ang buhok ko, tied with a ponytail.

"Yes po Tita, iikot lang po ako sa village, I'll be back before dinner." Tugon ko.

"Okay, you won't bring water? Kuha kita?"

Umiling na ako. "Hindi na po, bibili nalang po ako sa convenience store sa tabi ng village kung sakali po."

Tumango siya at ngumiti. "Okay, you take care. Watch out for cars, Victoria." Malambing niyang sabi.

I smiled sweetly and nodded.

Kumaway muna ako bago tuluyan lumabas para mag simulang mag jogging. I need this to gain strength for the upcoming days. Medyo kinakabahan ako sa mga paparating na araw gayong papasok ako sa university sa umaga para mag aral ng Architecture at papasok naman sa trabaho sa hapon para matuto kina Kuya.

I decided to start with Ate Vida. Hindi ko lang masabi kay Kuya dahil baka malungkot siya pero I am leaning more on interior design specifically for homes. I want to design pero yung per client lang at bahay talaga nila. Doon kasi naka focus ang department nina Ate.

While Kuya's department designs homes too pero more for commercial purposes. Like condos, they design shops too, even malls! Mas malalaking projects ang doon. Hindi pa ako handa para doon.

Plus... sentimental ata ako. Mas gusto ko yung may kwento. Parang nasisiyahan ako maisip pa lang ang mga makikilala kong kliyente na magpapagawa ng bahay.

It's like helping people to build their dream house.

I like that.

Sa university naman... sana magkaron ako ng mga bagong kaibigan. I don't know if I have friends before but right now, I just want to embrace the new things and people that come.

I realized a lot from what my dad said. Na panahon na para umusad. Yes, walang maling makaalala ulit, I will still pursue my memories from the past pero hindi na para bumalik, kung hindi para mapunan lang yung butas na nararamdaman ko, pero magpapatuloy na ako.

Eventually that hole will shrink. I know. I am sure. I just have to move forward and create many more beautiful memories.

Napangiti ako nang maisip na...

It's both scary and exciting.

Scary because it's unknown, the future is unknown.

Exciting because I know, kahit gaano pa nakakatakot, I have a very solid strong support system.

Nang maka-isang ikot ako sa village ay napagpasyahan kong pumunta muna sa convenience store para bumili ng tubig at... onigiri.

Yup! I am craving after jogging!

Hay, Victoria!

Pagkapasok ko ay dumiretso ako agad sa kuhanan ng tubig at katabi naman nito ang lugar kung saan ang mga onigiri. Sanay na ako dito kaya mabilis ang mga naging galaw ko.

"Do you accept cards?" Rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.

Bahagya kong dinungaw kung sino ang nasa counter area bago pa ako makarating doon at napatigil ako nang makita si Dos doon.

He's wearing a button down long sleeves polo and black slacks. He looks neat and very... intimidating. Kung siya ang ka-meeting ko, baka mahimatay ako sa kaba. His aura is already intimidating kapag naka day-to-day casual outfit siya pero ngayong nakapang opisina siya, parang... kakainin niya ang kahit sinong kaharap niya ng buhay.

Just like this lady behind the cashier.

Natataranta siyang nag check ng machine at napailing. "Uh... sir... sira po kasi, hindi po kami tumatangga ng card ngayon..." hiyang hiya niyang sabi.

I am sure alam naman niya 'yon kanina pa pero dahil nga nakakatakot itong lalaking 'to na nasa harapan niya ay sinubukan niya ulit tignan.

Lumakad na ako papunta roon at mabilis na nag lahad ng isang libo para bayaran ang kanya at ang sa akin.

"Ako na..."

"No need." Aniya sa matigas na tinig.

Ang tigas na naman.

Kanina, noong kausap niya 'yong babae ay hindi naman ga'non ang boses niya. Normal naman...

Kaya naman pala niya!

Kung sanang hindi 'e! Kung sanang ga'non talaga na matigas ang boses niya at parang galit sa lahat, ay matatanggap ko pa! Kaya lang hindi! Sa akin lang siya ata ga'non!

Pinilit kong itago ang mapait kong nararamdaman.

"Ako na, tutal may utang naman ako sa'yo diba?"

Nilingon ko siya at kita ko ang matiim niyang tingin sa akin.

This man!

"No need. May cash ako. I just asked. Just in case." Paputol-putol ang kanyang salita.

He dislikes talking to me for sure. Kulang nalang ay bilangin niya ang bawat salita niyang binibitawan para sa akin.

Hindi ko alam pero parang unti-unting umaapaw ang inis at sama ng loob ko para sa kanya. I didn't see him for days, hoping not to see him again, hoping if I ever do see him... sana ay nakatulong ang huling interaksyon namin para mas bumuti ang pakikitungo niya pero hindi!

He's an asshole!

I licked my lips and calmed myself as I looked at him sternly.

"May utang nga ako sayo. Hindi ba gusto mong bayaran ko 'yon? So here it is. I hope this is enough for the coffee."

I hope it covers it. Bumili siya ng iba't ibang klase ng pagkain, may junkfoods, chocolates and candies. Sana ay bayad na ako sa kanya para naman wala na kaming koneksyon dalawa.

"But!" Huminga siya ng malalim. "Not through this!" Angil niya.

Nanlaki ang mata ko at hinarap siya ng maayos. How dare he get mad, siya na nga itong tinutulungan ko!

I felt the blood in my head boiled!

This ass freaking man!

"Eh anong gusto mo hah? How can I pay you? So that we're even!" I said with a tone I never ever used!

Kita ko saglit ang pagkamangha sa kanyang ekspresyon pero mabilis iyon nawala.

"Just... basta!"

Parang mapuputol na ang kaunting pasensya niya sa akin. Well, ako rin! Putol na nga eh! Wala na akong pasensya sa kanya!

"Mag-iisip ako!" Giit niya.

"Edi kasi 'wag!" Umirap ako at hinarap ang babae sa cashier na halatang gulat na gulat.

Nanlalaki ang mga mata niyang nadatnan kong nanunuod sa amin. Napakurap-kurap siya dahil sa pag-harap ko.

"Yung akin nalang, Miss." Mahinahon kong sabi.

Huminga ako ng malalim at tahimik na pinakalma ang sarili ko habang tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga pinamili ko.

I don't want to face him nor talk to him. I don't like myself around him. Kahit na alam at dama ko ang titig niya sa akin mula sa gilid ko.

I am having all these emotions I haven't felt before just because of him and I don't like it!

The transaction was fast. Kinuha ko na ang mga pinamili ko kaagad at halos takbuhin ang palabas.

Pero hindi pa man ako nakakalayo sa convenience store ay may humablot na sa akin para pigilan ako.

Pinihit niya ako paharap ulit sa kanya. Sino pa ba? Edi itong bastos na lalaking 'to!

"You're not with your fiancé? I saw him at the bar kung nasaan kami ng mga pinsan ko kagabi. May kasamang babae."

Fiancé?

Na naman?

I was about to ask him— kahit na labag 'to sa paraan ko ng pag diskubre ng mga bagay-bagay para matigil na rin sana siya sa mga sinasabi niya pero muli akong natigilan sa masama niyang bibig!

"You don't look mad? O baka okay lang sa'yo 'yon and you'll choose to be a martyr? You like him that much?" He said full of mockery.

What?

I can't believe this man!

That's it! I am done!

Any patience I have for him is done! I am taking back all my hopes from my dreams! Hindi na talaga siya kasama mga taong gusto ko pa makilala mula sa nakaraan!

I hope I don't dream about him anymore!

"Fiancé? Na naman? I don't know where you got that idea pero para matigil ka na, wala akong fiancé!" Halos isigaw ko 'yon sa gigil ko!

I hope it gets through his thick skull!

"Not that you should care anyway! Pero now, I hope you stop!" I spat!

Kitang kita ko ang pagkagulat niya at ang pagkalito. Nanlaki ang mga mata niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa akin pero marahas kong tinanggal iyon.

"I hope that answers all your questions because I won't entertain anything again from you." Mahina na ang aking boses pero buo pa rin ito, it's like I was saying it with finality and I won't bend— kahit ano pa ang sabihin niya.

Tumalikod ako at tumakbo na ulit.

Leaving him there, shocked.

While I exhaled so hard to let the heaviness in my heart.

Habang palayo, slow tears came...

It was like all my dreams vanished into thin air.

I won't dream for him anymore. I won't seek him anymore. I'll kill any heartbeat I have for him. I'll bury my memories about him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top