Kabanata 19
I enjoyed writing this chapter!
Despise
Nakarinig ako ng pag lubog at pag ahon sa tubig. Hindi naalis ang tingin sa akin ni Dos. As I look at him, mas lalo ko lang naiintindihan na nagkamali ako.
Nagkamali akong umasa na magiging masaya akong makilala siya.
Engage? Sino? Ako? Kanino?
Gustong-gusto ko siya tanungin pero... hindi na. I won't bare myself to someone who looks at me with such eyes. I won't show my vulnerability to someone who shows anger and despises me.
Yup. Despise.
Obviously he does.
Talagang panaginip lang ang lahat ng mga nasa isipan ko. Mali ako.
Mabuti ng wala akong alam tungkol sa kanya at mabuti na rin na wala siyang alam tungkol sa akin.
"Angelo. Lumayo ka." Mariin niyang sabi.
Napalingon ako sa taong mabilis niyang tinignan ng masama.
A man was behind me, wala rin pang-itaas, he looks a little bit like him, mas... maamo lang ang mukha niya, maaliwalas at parang magaan ang aura niya.
He looks like an angel, he looks kind.
"Umiiyak na 'yong bata, Dos. Stop being a child yourself." Aniya.
Mabilis hinanap ng mata ko ang kapatid ko. She was still with the company of her playmates' and their guardians. Umiiyak siya at mapulang-mapula ang mukha sa kakaiyak. She opened her arms to me, nagpapakarga.
I slightly reached to move but I still feel weak.
Inabot ni Angelo ang kamay sa akin. Naramdaman ko ang pag higpit ng kamay ni Dos sa akin. His arms around my waist are like made of steel.
Inabot ko ang dalawang kamay ko kay Angelo sa kagustuhan na makaalis na roon agad.
Bago ako tuluyang mapunta sa gawi ni Angelo ay nilingon ko si Dos.
Kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang harapin ko siya.
I slightly smiled. "T-thank you..." mahina kong sabi.
I felt his grasp loosened. Nagpatianod na ako sa tubig at sa marahang pag-hila sa akin ni Angelo. He carefully helped me out of the pool, hindi niya ako binitawan hanggang makalapit ako sa kapatid ko dahil pa-ika-ika akong nag-lakad.
Sinalubong ako ng kapatid ko at mabilis na niyakap. Kahit hirap ay bumaba ako para mag-lebel sa kanya. Pumaikot ang braso niya sa aking leeg at niyakap ko rin siya.
"I am sorry, Ate!" Hikbi siya ng hikbi. "I am so sorry!" She was crying miserably!
Nahihirapan siyang huminga kaya tinapik-tapik ko ang likuran niya. I shushed her carefully and warmly.
"It's okay, Vera. I am okay. Nothing happened. I am safe. We are safe. See?" I assured her.
"No... I am sorry!" Pagpupumilit pa rin niya habang umiiyak.
Kinurot ang puso ko roon. I can feel her worry and love, like she's young but I know... if she could... she'll protect me.
Bahagya akong nag-angat ng tingin at nakitang nakatayo pa rin si Angelo sa tabi ko.
He smiled with courtesy.
"Thank you nga pala." Saad ko.
Tumango siya ng isa. "Kaya mo bang umuwi? I can drop you off. Paalis na rin ako."
Umiling ako. "Hindi na. Okay lang. Sa kabilang kanto lang kami."
"No, I insist. Para tumahan na rin ang..."
Sandali akong natigilan nang para bang nag-isip siya.
"Sister." Dugtong ko. "She's my little sister."
Her mouth formed an O. Lumagpas ang tingin niya sa likuran ko kaya sinundan ko iyon. Nakatingin siya sa grupo ng mga lalaki at babae na nakita ko kanina. Lahat sila ay nanonood, parang nag hihintay ng mangyayari, ang dalawang babae sa kanila ay nagpanggap na nag-uusap nang tumingin ako.
Hindi ko tuloy nakita ang mga mukha nila ng maayos.
"Tara na," pag bawi ni Angelo sa pagkatigil.
Tumango ako. Sabagay, para rin makaalis na ako rito, hindi na ako kumportable.
"Let's go home, Vera. We'll bathe together and play. Stop crying already, baby." I soothed her and waited for her till her cries lessened.
Nang bahagya na siyang kumalma ay tinulungan ko ang sarili kong tumayo na agad naman inalalayan ni Angelo.
"Thank you ulit."
Kinuha ko ang kamay ng kapatid ko at dahan-dahan ng lumakad. Bumabalik na ang lakas ng paa ko kaya naman hindi na ako nahirapan masyado.
Tatanongin ko sana kung nasaan banda ang sasakyan niya nang may bumangga sa kanyang balikat. My lips parted a bit because of that. Nilagpasan kami ni Dos habang galit na galit. I can sense his anger till here.
Nakasampay na ang damit sa balikat, matigas ang panga at masama pa rin ang tingin. Every bit of him was hard... hardened... mad.
Bahagyang natawa si Angelo nang medyo nakalayo na si Dos sa amin. Tumuloy na kami sa pag lakad at narating ang sasakyan niya. Agad kaming sumakay ni Vera, inupo ko siya sa back seat at ako naman ay sa passenger seat.
"I am sorry, I think... para sa akin 'yon." Tinutukoy ko ang pag bangga sa kanyang balikat.
Bumaling ang tingin niya sa akin at umiling. Nakuha niya pa tumawa ng mahina habang napapailing pa rin.
"Hindi. Yun pa? He won't do that to you. Hindi 'non kaya." He smirked. "Pero 'wag kang mag-alala, hindi 'yon galit sa akin. Bwisit lang siya. Ga'non lang talaga 'yon, laging bwisit."
Hah?
Hindi siya matigil sa mahihinang tawa. Parang may maiisip siya sa bawat pag galaw niya at matatawa ng kaunti. Pagkatapos buksan ang sasakyan. Tatawa. Pinaandar ito at gumalaw na kami. Tatawa ulit.
Anong nakakatawa?
May nakakatawa ba?
Nababaliw na ata ang isang 'to?
They're super weird.
Yung isa laging galit. Ito naman tawa ng tawa.
"Uhh..." kahit nawe-weirduhan ako ay nakuha pa rin mapansin na nasa malapit na kami.
"Dito nalang." Pinatigil ko siya mismo sa tapat ng bahay namin.
Hindi ko na siya hinintay pa at mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan nang marinig kong na-unlock na ito.
"Thank you, Angelo." Bumaba pa rin siya at tinulungan ako sa kapatid ko.
Hindi na siya umiiyak, mataman nalamang siyang nakatingin sa akin at sa lalaking kasama namin. Pabalik-balik ang tingin niya.
"No problem." Ngisi niya. "See you around." He playfully said as he walked back to the driver's seat.
See you around?
'Wag na sana. Ayoko na sila makasalubong pa. Lalong lalo na si Dos.
I felt a pinch on my heart.
Kirot lang 'yon. Kayang kaya.
Bumaba ang tingin ko at nginitian ang kapatid ko.
"Are you okay na ate?" She asked with so much worry.
Aw. My sister!
Bumaba ako muli at tumango. "Oo naman! Ako pa ba? I am strong remember? Like you!" Masigla kong sabi para mawala ang pag-aalala niya.
"Buti nalang may tumulong sayo po."
Mabilis dumaan sa isip ko ang imahe niya kanina na dikit na dikit sa akin.
Napalunok ako at pinilit na ngumiti. "Oo nga eh. Buti nalang."
Pinilig ko ang ulo ko. "Come, pasok na tayo. We should take a bath and rest."
Hinila ko na siya at pumasok na kami sa bahay namin kung saan lahat ng negatibong naramdaman ko kanina ay napawi.
"Are you okay?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Vida.
Nasa bar na kami ngayon, I think two hours na ang lumipas. I drank a little, kaunting-kaunti lang dahil hindi naman talaga ako umiinom. Naka concave ang sofa chair namin, nasa dulo, nakahiwalay sa mga tao, just like what Ate Vida promised me— we were comfortable.
Sa harapan namin ay ang railings na nakapaikot sa buong second floor, overseeing the first floor where a lot of people are dancing at the dance floor.
Nakatayo si Ate Vida at ang mga kaibigan niya, one of them is Ate Elle, Ate Vida's bestfriend— she's the one who saw me that night, dahil doon palagay din ang loob ko sa kanya. Parang siya ang unang tao sa bagong buhay ko.
They are dancing sa may area lang ng pwesto namin. Ako nalang ang naiwan nakaupo dahil lumilipad pa rin ang utak ko sa nangyari kanina.
I can't help but to wonder about him. Kung bakit sobrang galit siya sa akin. Sa pagkaka alala ko sa mga panaginip ko, nasisigurado ako na may nararamdaman ako noon para sa kanya kaya parang nakakapagtaka na nagawa ko siyang saktan kung sakali man?
Am I a bad person before?
That I will hurt even the person my heart yearns for?
I silently screamed inside my head.
Hindi ko mapigilan ay nilagok ko ang natitirang bacardi sa baso ko. Mabilis kong kinuha ang coke sa kabilang baso at sunod na ininom 'yon. Agad kong naramdaman ang init sa lalamunan ko kaya nipilig ko ang ulo ko para mawala ang init na 'yon.
"Hey..." tawag sa akin ni Ate Elle.
"Are you okay?"
No, I am not!
I can hear my head screaming. Shit. May tama na ata ako. This ain't good.
Pinilit kong ngumiti at tumango.
"Mag comfort room lang ako, Ate Elle. Please look out for Ate Vida." Although nandyan naman sina Kuya sa kabilang table.
"Samahan kita?"
Mabilis na tumama ang umiikot na ilaw sa kanyang gold shimmering dress kaya nasilaw ako.
May tama na nga ata ako. I can't see clearly already.
Nararamdaman ko na rin ang pagkahilo.
Ang theme namin for Ate Vida's birthday ay gold kaya lahat kami ay nakagold. Ate Vida chose for me kaya napasuot niya ako ng halter dress na above the knee, okay lang naman sana pero bukas na bukas ang likuran ko. It's a very open back, emphasis on the 'very'.
I shook my head. "No need Ate, sa dulo lang nitong floor ang comfort room right? I am familiar with it."
Tumango siya bago tinignan ang kanyang orasan.
"Okay, ako ba-baba na muna para i-make sure na ka-strike ng midnight ay magpapatugtog ng birthday song plus titignan ko if okay na ang cake."
Inayos na namin 'yon kanina pero sa dami ng tao, it's won't hurt to make sure that everything will go according to plan.
Tumango ako at pinauna na siya mag lakad para may susundan ako.
Bigla naman tumugtog ang sikat na kanta ngayon na lagi kong naririnig sa sasakyan ni Kuya Vernon.
Kahit anong gawin mo hindi na
Mag babago ganon parin to
Naghiyawan ang mga tao, a sign that they loved what the DJ played. Naka mix na ang kanta kaya mas napapaindayog ang mga tao. Pati tuloy ang mga tahimik na nasa second floor ay nagsitayuan at sayawan.
Hindi nako tinatamaan sa mga halik mo
Pwede kana lumayas bukas ang pinto
Sa galaw ng mga tao ay parang na-aalog ang utak ko. Napahawak ako sa sentido ko at humawak sa railings para tulungan ang sarili ko.
Nakita kong bumaba na si Ate Elle kaya mas nag madali ako makapunta sa comfort room. I need to splash some water on my face.
Kay laki ng pinagbago nang ikaw ay umalis mas okay na ngayon hindi
Na kailangan magtiis mas natutunan ko kung pano mahalin ang sarili
Ayaw paawat ng mga tao, they grinded and swayed. Some were even shouting. Dalang dala sa kanta. Natatamaan. O nagpapatama?
Some guys tried holding my waist along the way which I learned to politely reject. Tatanggalin ko ang kamay at kakaway ng kaunti bago ngumiti— to signify rejection with politeness.
Naka ipit ang mahaba kong buhok at nakalagay lahat sa kaliwang balikat ko, exposing my entire back. I shivered while some people touched me behind my back.
Sana pala ay nilugay ko nalang.
I pouted with my thoughts.
Nakita ko na sa hindi kalayuan ang pintuan ng comfort room.
Sobra na ang hilo ko. Napahawak ako sa ulo ko at mas kumapit sa railings para matulungan ang sarili tumayo ng maayos.
Napapapikit ako sa hilo, umiinit ang pakiramdam ko at parang pagpapawisan ako.
Pero sa kabilang banda, parang nilalamig naman ang likuran ko.
Hilo na nga ako!
Hindi ko na rin alam kung anong nararamdaman ko!
I stepped one step at a time but the railings ended. Sinubukan ko bilangin kung ilang hakbang pa para mapunta sa banyo.
I guess... five?
Sige.
One. I took one step.
Oh! I felt wobbly!
Two. Another step.
Oh? The world is spinning huh?
Three...
Bago ko pa matapos ang bilang ko ay natapilok ako na nagpangiwi sa akin dahil sa sakit.
Shit.
Here it comes. Babagsak na ako alam ko.
Bago pa man ako tuluyan matumba ay may humila sa aking bewang para mapigilan ito.
Napasinghap ako sa naramdamang pagkapaso. The hand I felt touched my bare back. Pero hindi katulad ng iba na hindi naaalis ang pagkalamig ko ay nag-init ako sa pagkakataong ito.
Bumagsak ako sa katawan ng taong 'yon. Na-ilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para matulungan ang sariling tumayo ng maayos.
His smell filled my nose and it sent lingering feelings inside me. Matapang ito pero hindi nakakainis. Parang... it's strong to give a statement but... gugustuhin mo pa rin maamoy ito, it will leave you wanting more.
Napasinghap ako at bumagsak ang noo ko sa balikat niya. I can't do this... I need some coffee or water. I need air! Ano nga ba ang magandang gawin pag nalalasing? I never got drunk because I don't drink much, habang sina kuya naman ay parang walang kalasingan.
I felt this person's body hardened.
Hardened. I smirk at my remark.
Akala ko isang tao lang ang marunong 'non. He perfected it so much.
"I-am sorry..." I muttered.
"But... do you have coffee?" Mahina kong tanong.
I chuckled a little. "Of course wala. Hehe. Nasa bar nga tayo." I answered myself.
"Perhaps water?" Nawawala ang boses ko.
Slurred?
Naramdaman ko ang pag baba ng kamay niya sa pinaka babang parte ng likuran ko. He grazed through my back at halos mapapitlag ako sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Umiling ako.
This person is a maniac?!
Oh shit.
Nilakasan ko ang loob ko at itutulak na sana siya pero bago pa kami magkahiwalay ay mas ni-pirmi niya ako.
Bumaba ang ulo niya sakto lang sa may leeg ko. Ramdam ko ang pag hinga niya roon. I twitched from our closeness. Parang mas mahihilo ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam pero kinabahan ako at nanlambot ang paa ko.
"Your fiancé allows you to drink, huh?" Mapangasar na tanong.
I stiffened after I heard his voice.
Dos.
No! Hindi pwede.
Shit. Siya na naman?
Bakit ba tuwing matutumba ako ay nandyan siya! Mas nakakahiya tuloy! Argh! This is frustrating me more!
I need calmness!
I gathered my strength and pushed him more pero mas lalo lang niya ako hinawakan, parang desperado ang hawak niya sa akin, parang inaral niya ang hawak niyang 'yon...
A touch that says there is no letting go.
"If I were him, I will never let you out of my sight." Bulong niya.
His lips accidentally touched my bare right shoulder while he was talking.
Napakapit ako sa kanya ng kaunti dahil doon.
Nobody got this close to me. Not that I remember. So to have someone like this now... nakakapanghina.
"Ipagpapalit mo nalang ako, sa walang pakielam pa. Tss." I heard him murmured.
Pero sa hilo ko ay hindi ko na nagawang maintindihan pa kung anong ibig niyang sabihin.
Nangatog ang binti ko at bago pa bumigay ng tuluyan ay hinila na niya ako para makaalis doon. He grabbed me as if he was carrying me kahit hindi naman. I helped myself by trying to walk as I lean on him.
Saan kaya kami pupunta?
Hindi ba dapat pinipigilan ko siya?
Dapat ay hindi ako sumama!
I should despise him too!
Right?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top