Kabanata 18

I am so loving OPM nowadays! If you're a reader of my other stories, most of the songs are in english... but now, I am having so much fun with tagalog songs. Any suggestions? :)

Prey

Sa dami ng dumaan na emosyon sa kanyang mga mata, galit ang nanatili roon. His eyes glared at me as if I have committed a huge mistake...

Gumapang ang kaba at hiya sa akin. Kaba dahil sa takot sa mga mata niya at hiya dahil sa mga panaginip ko, my heart goes to him, I may not remember but I know...

My heart beats for him.

I can even feel it in me, remnants of whatever I feel for him flickers and fills.

"H-hi..." halos bulong kong sabi.

Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo, his jaw became more evident as he tightens it.

"What are you doing here?" Madilim niyang tanong.

Bahagyang napaawang ang labi ko.

He knows me?

He knows me!

Yes, he does!

So... that means... totoo ang mga panaginip ko.

Although I was quite sure na totoo ang mga ito, iba pa rin ang mapatunayan ito sa mismong harapan ko.

Those dreams felt so far... yet as my eyes gazes on him and as I feel his touch on my arms, they seem within reach now.

"Uhh.... dito? Nagpapacheck-up—"

"Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin." His words felt like daggers as he slowly drop every word.

I suddenly realize how hard his hold was. Sobra-sobra ang pag pipigil 'non. He was very intense, sa tingin, hawak at salita. So far from the man in my dreams.

Ang Dos doon ay napaka maingat sa akin, he's my shelter and my home. His words were mellow and kind, his touch cradles and his kisses are my salvation.

Sa kabila ng sama ng tingin na ginagawad niya sa akin ay nakuha ng kanyang labi ngumisi. "Pinagsisisihan mo na ba ang ginawa mo sa akin?" His tone dripped with sarcasm.

Nanlaki ang mga mata ko, my whole body shivered.

"H-hah? Anong ibig mo... sabihin?" Litong tanong ko.

May ginawa ako sa kanya? Ano?

By the looks of his expression, hindi maganda iyon. His looks could kill. What did I ever do to him?

Magagawa ko ba siyang gawan ng masama gayong alam kong alipin niya ang murang puso ko noon?

Bumaba ang hawak niya papunta sa aking likuran. Mas hinapit niya ako kaya't bumagsak ako lalo sa katawan niya. Our faces were only inches apart. I could feel his minty breath and his body heat enveloped me.

Ngayon ko lamang napansin ang mga pagbabago niya. The young man in my dreams was intense but calm when we were together, mas nadepina rin ang katawan niya ngayon, lalo na ang balikat. His eyes are still brooding, his muscles felt more mature now, he still looks deadly handsome but... there's no hint of calmness from him anymore.

He towered me. "And..." mapagbanta ang kanyang boses. "... you're denying it now, huh?"

Parang malililyo ako sa tingin niya.

His eyes went to my lips that made his lips pursed into a thin line.

"What is happening here?"

Narinig ko ang boses ni daddy kaya mabilis ko siyang natulak.

Mabilis na lumapit si daddy at hinarangan ako. Kita ko ang sandaling pagkagulat sa kanya pero mabilis siyang tumayo ng maayos at nagpakita ng ekspresyon na mag sasabing hindi siya apektado sa lahat.

"Care to explain why were you so close with my daughter?" Pigil galit ni daddy.

Napabuntong hininga siya at tsaka pa lamang humarap ng maayos kay daddy pero bago pa siya mag salita ay inunahan ko na siya.

"Dad, it's okay. He got the wrong person... hayaan na po natin."

Humawak ako sa kamay ni daddy pero ayaw niya patinag.

"No—"

"Dad... please... let's go home. Puntahan na natin si Ate Vida." I almost plead.

Garalgal na ang aking boses at gusto ko nalamang umalis. I can't hold my emotions any longer. Hindi ko na rin siya magawang tignan. Ayoko. I can't deny it... masakit.

Sa lahat ng taong gusto ko makita sa panaginip ko, sa lahat ng tao siya... lang ang pinaka... sabik ako makilala.

Hinarap ako ni daddy at nagpatianod nalamang sa akin. Tinungo ko ang daan na tinahak ni Ate Vida kanina. Sa tabi ko si daddy na inaalalayan ako. Sa bawat hakbang ko palayo ay ang unti-unting panlalambot ng tuhod ko.

Napabuga ako ng hangin, hindi napansin na kanina ko pa pala hirap sa pag hinga. My left hand is holding firmly on my dad's arm.

Napapikit ako ng mariin sa pagpipigil ng mga nag babadyang luha.

My eyes sting... my heart stings...

Sana ito nalamang ang panaginip.

We went to the mall after, tahimik lamang kami sa sasakyan, hinayaan nila na kumalma ako sa nangyari. Alam kong marami silang tanong pero ako mismo hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa nga maintindihan ang mga pangyayari.

Why was he there? Okay lang kaya siya? May sakit kaya siya? Nag papa check up din ba siya?

Napakapa ako sa puso ko. It hurt. I hope my heart forgot too. Edi sana, wala akong problema ngayon. Kasi kahit ano man gawin niya, hindi ako magiging apektado. Ang kaso lang ay hindi. My heart feels so clearly.

May nabasa ako noon.

A wolf howling to find its mate.

Parang ga'non ata ang nararamdaman ng puso ko.

Wala man sinasabi ang bibig ko, punong puno naman ang puso ko.

"Vic," tawag ni Ate Vida sa akin.

"Yes ate?" Hindi mapigilan ang malungkot na himig sa boses ko.

"Sasama ka ba mamaya sa birthday salubong ko? I know you're not still used with a lot of people pero... baka lang gusto mo?"

Napabaling ako sa kanya. She's seated at the passenger seat while I sat at the back.

"Sa bar ate?"

Tumango siya. "Nag pareserve ako ng exclusive spot for us don't worry! Sa dulo tayo ng second floor. We'll stay at our spot, promise. Ang invited lang naman ay tatlong kaibigan ko noong college at apat noong highschool. Lahat sila nakilala mo na. Remember those who came last year, sa birthday ko rin, sa bahay."

Nasabi niya lahat 'yon ng dire-diretso na para bang ina-advertise sa akin ang isang produkto. Sigurado rin ako na kagabi niya pa pinag handaan itong pangungumbinse niya sa akin.

"Hm..." Napaisip ako muli.

Pero down ang energy ko ngayong araw. Baka madamay ko lamang siya.

"Dad?" Tawag ko kay daddy para hingin ang kanyang opinyon.

Bahagya siyang lumingon pero binalik din ang tingin sa harapan.

Tumikhim siya at kita ko ang pag sesenyas ni Ate Vida sa kanya.

This two! O baka silang lima pa! Sigurado rin ako na napagpaalam na ako nina Kuya.

"Ayos lang naman. We know that all of you grew up responsible. Kasama rin naman ang Kuya mo roon. He'll be bringing two friends, sa ibang lamesa naman sila naka reserve kaya panatag kami ng mommy niyo. Plus, maybe it's time to live normally, anak? Sa tingin mo? One way or another, you have to go out and live your life, with or without your past memories." Ani daddy.

Napangiti ako ng kaunti. Ano sa tingin ko? Hm... live normally? Posible pa kaya iyon sa kondisyon ko? Live my life? Kaya ko kaya kahit hindi ko pa nalalaman lahat ng tungkol sa akin?

Can I move forward without my lost memories?

"When your mom and I discussed kung paano namin kayo palalakihin, napagkasunduan namin na hayaan kayo sa mga bagay-bagay. Hahayaan din namin kayo magkamali because life should really have a space for mistakes. Oo at nandito pa rin kami para mag bigay ng opinyon pero gusto namin kayo mag desisyon para sa mga sarili niyo. Lalo na..."

Kita ko ang pag ngiti ni daddy mula sa rare view mirror.

"... alam namin na kahit ano mangyari, hindi kami mabibigo sa mga desisyon niyo."

"Ayih, daddy! Ang drama mo naman! Anong nakain mo?! What's up with you, dad!" Kantyaw ni Ate Vida at sabay kaming tumawa.

It's true though! Bigla talagang naging madrama si dad. But I like it. I like having this kind of conversation. It's kind of healing.

"What? Can't I do that?" Tanong niya habang inaasar pa rin ni Ate.

"Pwede naman dad kaya lang ang cringey!"

"Get used to it, hindi ako mag sasawang sabihin na proud ako sa inyong lahat. I am not a perfect father but I guess having good children made me look I am one." Hirit pa niya.

"Uh! Dad!" Nangingiti kong sabi at inabot siya mula sa likuran ng driving seat at niyakap.

Ga'non din si Ate Vida. Mas lalo kaming nag tawanan nang umakto si dad na parang nasasakal.

"Ang OA mo daddy!" Muling hirit ni Ate.

And the laughter never died down till we reach home.

"Are you going to swim?" Tanong ni Tita Crissy.

Nasa kwarto ko ako, namimili ng isusuot.

We have a pool at home pero gusto ni Vera lumangoy sa may clubhouse dahil nandoon ang mga kalaro niya.

"Yes po, Tita. Wala pa naman po si Kuya mula sa trabaho at mamaya pa ang alis namin para sa birthday salubong ni Ate Vida, kaya kami na muna po ni Vera."

Tuluyan niyang binuksan ang pintuan at lumapit sa akin. Tinignan niya ang mga damit na nakalatag sa kama.

Two piece bikini, one piece bikini, cotton shorts na low waist and a tube top to cover me a little while going there.

"I think you go for the one piece? What do you think?" Pag bibigay niya ng opinyon.

"Hm..." Napangiti ako at tumango. "Yes tita, I think I am leaning on that too."

"The color is nice right?" Tinignan ko ang kulay baby pink na tela ng one piece bikini na iyon.

"Yes po tita, it matches my white tube top and white cotton shorts."

Kinuha ko iyon at tinabi ang one piece sa gilid.

"I hope di ako pagalitan ng daddy mo." Hagikgik niya.

Bahagya akong natawa dahil doon. "Tita, do you want to borrow my two piece po para hindi ka pagalitan ni dad?"

Nanlaki ang mga mata ni Tita at hindi napigilan matawa ng malakas. Niyakap niya ako patagilid para kumuha ng suporta sa kanyang pag tawa.

I laughed too and got shy.

"Mga natututunan mo sa kuya mo ha!"

"Tita, biro lang po iyon!"

"But..." kinuha niya ang two piece bikini na tinabi ko, it was a neon green one. "I think pahiram na rin." She naughtily said while laughing again.

I laughed with her.

We talked about random things while she helped me dressed up. Binibihisan naman daw ni Ate Vida si Vera, hindi siya sasama dahil aasikasuhin niya mga maiiwan niyang trabaho dahil naka birthday leave siya bukas.

She braided me too, french braid. Para raw mukhang serena.

Sandali naalis sa isipan ko ang nangyari kanina sa hospital na ipinagpapasalamat ko.

"Mag-ingat kayo ha," Ani Tita habang tanaw kami palabas ng gate ni Vera.

"Vera, stick to your Ate Vic, okay? No swimming to the deep part of the pool!" Pahabol ni Tita.

Ngumiti ako habang pinapanood si Vera na tumatango-tango at nag fa-flying kiss pa para lang maalis ang pangamba ni Tita.

Isang kanto lang ang layo mula sa clubhouse kaya nag lakad na kami papunta doon. We were kind of matching as she wore a baby pink rashguard.

"Nag sunblock ka na ba?"

"Yes po, Ate!" Ganado niyang sagot.

She looks super cute and excited!

Nang marating namin ang clubhouse, hawak-hawak ko siya sa aking kaliwa. Umamba na akong buksan ang hanggang bewang na gate papasok ng clubhouse.

I successfully opened it and walked with her. Tinuon ko ang atensyon sa kanya para matignan ang pag apak niya sa batong pathway papunta sa pinaka sentro ng clubhouse.

"Careful okay—"

Isang tao ang nakabangga ko, I quickly saw his shoes getting a little out of balance dahil namali siya ng apak sa pathway, mabilis kong pinigilan ang pag tumba niya.

Gamit ang aking libreng kanang kamay, I grabbed him from the back to prevent his fall. Malaki ang katawan niya kaya bahagya rin akong muntikan matumba. I firmly held on him as he firmly held me too. Nag dikit ang katawan namin.

"I am sorry." I said almost a whisper.

Hindi ito sumagot kaya nag angat ako ng tingin.

Nahigit ko ang aking hininga nang mag tama ang mga mata namin. Kumabog ang dibdib ko na para bang ito ang kanyang hinihintay. Like a lone wolf waiting for her companion. Like a long lost dream finally coming home again.

He was dripping with water. Wala siyang pang itaas na damit.

His eyes were still sending daggers and his eyebrows were still making a point.

His gaze intensified.

Huminga siya ng malalim at binuksan ang bibig para mag salita pero mabilis niya rin itong ni-sara.

"I live here." Paliwanag ko.

Baka akala niya...

"Gusto lang lumangoy at makipaglaro ng kapatid ko kasama ang mga kalaro niya." Maingat kong dugtong.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at kita ang pagtataka sa kanyang mga mata.

Anger and confusion...

Both emotions are hard to deal with at ako ang may dulot 'non sa kanya.

"Ilang taon ka ng nakatira rito?"

Hindi ko alam pero mas nanghina ako sa pag sasalita niya. Marahil dahil kahit napaka seryoso niya pa rin, hindi niya ako inaaway parang katulad noong kanina.

"Two years po," si Vera ang sumagot para sa akin.

Bumaba ang tingin niya kay Vera at kahit hindi siya makangiti, natanggal pa rin niya ang pagkakakunot ng noo niya at ang masamang tingin para makatango kay Vera.

"Thank you, little one." Aniya sa baritonong boses.

"S-sige... paalam na. Pasensya ka na ulit."

Hihiwalay na sana ako sa pagkakalapit sa kanya, tinanggal ko na ang kamay kong nasa likuran niya pero hinapit niya lang ako ulit, tila ayaw pakawalan.

My head is making me so confused and my heart is in a rollercoaster now.

Pinanood ko ang pag baba ng tingin niya sa kamay kong nakahawak kay Vera.

His stare towards our hands seems like he is looking for something.

"Mauna na kami," Mas malakas na ng kaunti ang pag tulak ko sa kanya kaysa noong una.

Pinakawalan naman niya ako pero hindi naalis ang tingin niya sa kamay ko.

Napabuga siya ng hangin.

Hindi ko na siya hinintay pa at tinungo nalamang ang malaking swimming pool kung saan nag lalaro rin sa mababaw na parte ang mga kaibigan niya.

Hindi mapigilan ng mga mata kong ilibot ang paningin sa buong lugar.

Konti lamang ang mga tao ngayon dahil lunes, halos nasa trabaho siguro?

May grupo ng mga babae at lalaki sa dulong parte ng clubhouse. Hindi ko na sila gaano makita kaya hinayaan ko nalang. Tinuon ko nalamang ang atensyon sa bunso kong kapatid.

Nang makasama na si Vera sa mga kalaro, nasa may hadgan sila malapit sa malalim na parte pero alam ko namang sa may hagdanan lang sila, ay sandali kong nilingon ang pwesto kung saan ko iniwan si Dos.

He was there still looking at me.

He looks at me as if he was studying me.

He looks so lost in his thoughts.

"Ate..." tawag ni Vera sa akin.

Bahagya niyang hinila ang kamay ko pero dahil hindi ako nakatingin, sa pangalawang hila niya sa akin ay natalisod ako at nahulog sa pool.

I know how to swim, it was part of my therapy when the accident happened pero biglang namulikat ang paa ko.

The accident had a huge impact on my lower extremities kaya kahit noong hilom na ito, maya't maya sumasakit, minsan nasa isip ko lang, minsan totoo.

I thank God na nakalakad pa ako.

"Dos!" Narinig kong sigaw ng kung sino.

I held on my legs to help it straighten up but I can't.

I keep on gasping for air.

A memory sudden flashed in my head. Me lying on the ground. Blood around me.

Thinking the same thing... 'help'.

"I got you..."

Naramdaman ko ang pag pulupot sa aking baywang. Hinapit ako nito at inahon ng kaunti para mai-angat ang ulo mula sa tubig. I sucked all the air I could and exhaled hard as I ran out of breath.

Narinig ko ang pag iyak ng kapatid ko pero bago ko pa siya malingon ay natigilan ako sa taong nasa harapan ko.

He was holding me firmly, looking so scared.

"You really want me to go nuts huh?" Puno ng poot at inis niyang sabi.

Tumutulo ang tubig sa kanyang buhok, kunot na naman ang noo at ang labi ay parang isang linya lamang sa gigil.

My heart crumbled. It crawled. It hurt.

"Gustong gusto mo akong nababaliw!" He spat!

"W-what?" Nalilito kong tanong, habol-habol pa rin ang hininga ko.

"Tss. For a ballet dancer, you have weak legs." Iritado niyang dugtong.

Napahawak ako sa balikat niya para kumapit.

Mapait akong napangiti. Ballet dancer...

Ang mapait na ala-ala nang nakaraan ay bumalik. That day I learned I cannot dance again... nobody knew how much I cried.

Kahit nakikisimpatya sina daddy sa akin, they wouldn't understand...

Kasi wala naman sila noong sumasayaw ako. They didn't know how important it was for me.

Kumirot ang puso ko sa naisip.

"Why are you looking at me like that?" Tanong niya.

Doon ko lamang napansin ang intensidad ng tingin ko sa kanya.

Parang napapaso ang kamay ko sa magkalapat naming balat.

Kumibot ang labi niya. It slightly formed a smirk.

"Regretting being engaged to someone else now, Victoria Cassandra?" Mayabang niyang tanong.

He looked at me with his dark brooding eyes as if I was his prey.

A prey willing to be offered.

Na sa gitna ng galit niyang pinapamalas sa akin, he was a light brimming at the end of the tunnel.

A light I wanted to follow.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top