Kabanata 15

Kiss and home

The days went by so fast after that day. Hindi ko alam kung ipapagsalamat ko ba iyon o hindi. Nahahati ang puso ko sa lahat ng nangyayari. Hindi ako marunong sa ganito, confronting...

Confronting others... or confronting myself.

Ang alam ko lang... kahit papaano ngumingiti na ako. Yung bagay na hindi ko alam na kaya kong gawin sa araw-araw ay nagagawa ko. It was always hard for me to put a genuine smile but I must admit that the past few days, I was smiling alot.

Ngumingiti tuwing dumadaan siya sa classroom namin.

Ngumingiti tuwing may madadatnan akong pagkain sa lamesa ko.

Ngumingiti tuwing makakatanggap ng goodmorning at goodnight messages mula sa kanya.

Ngumingiti tuwing dadaan siya sa ballet room pagkatapos ng basketball practice niya.

Ngumingiti tuwing aayain niya akong ihatid sa bahay kahit na tinatanggihan ko siya sa lahat ng pagkakataon.

Ngumingiti tuwing nilalaliman niya ang tingin niya sa akin, para bang minememorya ako.

Napapasaya niya ako. Hindi ko iyon makakaila.

Pero sa huli, parang mali. Parang mali kasi gusto rin siya ng mga kaibigan ko. Mali kasi... kahit gusto kong sabihin sa kanila ang nararamdaman ko, pakiramdam ko mawawala sila sa akin. They are the only friends I have... that made it this close to me...

I am so selfish...

*Knock*

Napalingon ako sa pintuan ng ballet room.

Nahigit ko ang aking hininga nang masilayan ang lalaking gumugulo sa isipan ko sa ilang linggong nag daan.

Wearing a maroon cotton shirt and his jersey shorts, he made his way to me like a model walking to the end of the aisle.

"D-dos..." pigil hininga kong banggit sa pangalan niya.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

He loves smiling.

I like his smile.

Amoy ko ang kanyang pabango... like... Jo Malone I guess?

"Kumain ka na?" Bitaw niya sa mga salitang kay normal para sa kanya.

I bit my lower lip and nodded.

"Lunch. Yes."

Napalitan ng pag nguso ang kanyang ngiti at nag salubong ang kanyang kilay.

"Dinner?"

Umiling ako.

Inabot niya ang ilang takas na buhok sa aking kaliwang pisngi at inilagay 'yon sa likuran ng aking tenga.

My heart felt little tingling sensation, everything was light, parang hinehele ako ng oras at kinakantahan ng mundo.

"Sabay na tayo?" Tanong niya.

Napatingin ako sa orasan at nakitang may tatlong oras pa ako bago ako hanapin sa bahay.

"Hmm... okay." Tango ko.

Akmang kukunin ko na ang gamit ko nang pigilan niya ako.

"Uhm... Vic..."

Inabot niya ang bewang ko kung kaya't mas lalo kong nahigit ang pag hinga ko.

"D-dos..." I almost panicked!

Sanay akong nahahawakan sa bewang ko pero... hindi ganito kainit... parang matutumba ako sa hawak niya sa akin.

"Can you please dance with me? May project kami at kailangan kong mag sayaw for a good one whole song... part ng P.E namin."

Nakailang kurap ako bago ko naintindihan ang sinabi niya.

"You have sisters... Dos..." his name lingered on my lips.

Hindi ko alam kung para saan pero ngumisi siya.

"I'm shy. Aasarin lang nila ako." Tumikhim siya at nilahad ang kaliwang kamay sa akin.

"So may I have this dance, Ms. Victoria Cassandra Gallego?"

Bahagya pa siyang yumuko.

Naramdaman mo na ba iyon? Yung parang sasabog ang puso mo sa halo-halong emosyon, yung hindi man lang ito makapag pahinga at tuloy tuloy lamang ang pag pisil dito?

Gusto kong mag hanap ng magandang kanta na pwede namin gamitin pero masyado akong nahigop ng tingin niya para magawa ko pang ilihis ang mga tingin ko.

His eyes shimmered as he looks at me.

His features were deadly but his eyes were so soft as he gazes at me.

Oh... this man...

Bumaba ang tingin ko sa kamay na nakalahad sa akin.

Parang gusto kong umiyak, hindi ko mapigilan maging emosyonal.

A hand reached to me means a lot, more than anyone could even imagine.

"Of course..." napapaos kong tugon.

Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya at humakbang palapit sa kanya. Inayos niya ang kanyang tayo at inilagay ang kanang kamay sa likuran ko. Napakainit ng kamay niya roon, hindi nakakatulong ang manipis kong ballet dress sa init na dulot niya.

Halos katapat lamang ng noo ko ang kanyang baba kung kaya't nag tagal bago ako nag angat ng tingin para salubungin ang tingin niya.

Kailangan kong humugot ng napakaraming lakas kung gusto ko siyang tignan.

Kita ko ang pag lunok niya, his adam's apple moved.

"This is Agatha Joan Montgomery, signing off for the afternoon, may we all have a good day ahead and here's the last song for today,"

Dos laughed a bit.

"She's funny right?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi kaya, ang galing nga niya!"

Wag kang mahihiyang sabihin sa akin
Ang mga nilalaman ng isip mong naguguluhan
Kahit na ano pa man ang iyong nakaraan

Napahalakhak siya at gumalaw ang balikat niya dahil doon. My left hand made its way to his right shoulder which made him stop.

Hindi ito mahalaga, pipiliin kasama ka
Kahit na marami pa'ng dinadala
Nandito lang ako sa iyong tabi hanggang sa huli

"Just..." I whispered. "... follow me..." bulong ko pa.

Shy that my heart could be heard from our distance.

Pupunasan ang mga luha natin
At haharapin ano man ang mangyari sa 'tin
Kahit na, kahit pa, kahit na

Dinala ko siya at nag simula ng sumayaw. I only danced the normal left and right social dance.

Magmamahal kahit na, kahit pa, kahit na
Sigurado na ako sa ating dalawa
'Wag na 'wag kang lalayo, ano man ang dalhin sa atin ng tadhana

Nang makasunod siya sa akin at napansin kong walang kahirap-hirap niya akong nasusundan na para bang buong buhay niya ng ginagawa 'yon ay hinila ko ang aking kanang kamay.

Bago pa man ako makawala sa kanya ay mabilis na niyang nahabol ang kamay ko at muling hinawakan iyon. Ang kinaibahan lang ay ngayon magkasiklop na ang mga daliri namin.

Dinig ko ang malalim niyang pag hinga para lamang hindi ako makalayo.

Kahit pa mahirapan, kahit na masugatan
Maghihilom ang lahat basta't tapat ang pag-ibig natin (kahit pa)

"Please don't let go..." napapaos niyang pakiusap.

"Dos, uhm, mukhang—" kailan pa ako natahimik ng ganito?

Madalas sa harapan niya.

"—mukhang alam mo naman 'e," pilit kong pang aasar sa kanya.

Kahit na marami pa'ng dinadala
Nandito lang ako sa iyong tabi hanggang sa huli

"I've learned this way back I was in elementary, Vic."

Pupunasan ang mga luha natin
At haharapin ano man ang mangyari sa 'tin
Kahit na, kahit pa, kahit na

"Oh... edi alam mo na pala," wala sa sarili kong sabi at muling kinuha ang kamay ko pero mas lalo lamang niya ito hinigpitan.

"I heard from Clyde na may ganitong project din daw kayo at siya ang partner mo. Hindi ko ata kaya na mauna ka niyang maisayaw."

Kumunot ang noo ko. His eyes glared at something that he remembered.

"Huh? Sigurado ka ba?" Nag baliktanaw ako at wala akong naaalala na ganitong activity namin.

"I doubt that Dos? I think you should confirm kasi ang naaalala kong project namin sa P.E. ay badminton."

Mas lalong kumunot ang noo niya habang ako ay pilit kinakalkal ang isipan ko dahil baka may nakaligtaan ako.

"That asshole." he hissed.

"Dos!" Pag babawal ko sa kanya.

"Pinsan mo siya at hindi magandang pag salitaan mo—"

Natigilan ako sa aking sasabihin nang lumapat ang labi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi gumalaw ang kahit sino sa amin, naroroon lamang ang labi niya. Tila nabingi ako sa paligid, hindi ko maramdaman ang mga kamay ko at tanging bagsak lang ng dibdib ko ang nararamdaman ko.

Kahit na marami pa'ng dinadala
Nandito lang ako sa iyong tabi hanggang sa huli

"Is it bad that I don't like you standing up for him?"

My lips felt light when he left it.

"D-dos... you... kissed..."

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ganito ang mga nababasa ko, laging parang espesyal kung saan may fireworks o kaya candle light dinner, o hindi naman kaya nasa magandang scenery tuwing mangyayari ang first kiss.

I always imagined first kisses to be prepared for.

Pupunasan ang mga luha natin
At haharapin ano man ang mangyari sa 'tin
Kahit na, kahit pa, kahit na

But mine happened here.

"...me", halos pabulong kong sambit.

Magmamahal kahit na, kahit pa, kahit na
Kahit pa, kahit na, kahit pa
Magmamahal kahit na, kahit pa, kahit na

Mine happened unexpectedly, surprised, in my most sweaty clothes perhaps, in a room where I usually spend my day, hair quite messy, no make up, far from being prepared...

Pero ito na ata ang pinaka masaya na naramdaman ng puso ko sa buong buhay ko. Paano naging posible 'yon? I didn't even feel weird, I didn't feel it was wrong, I didn't feel like running away.

Instead, I wanted more.

I felt home.

I felt like my lips fit his.

I found my home.

A home I am tirelessly looking for my entire life.

My heart felt secured.

"I am so—"

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kung kaya't hindi na ako nag isip.

I tiptoed and pressed my lips against him. Mabilis lamang iyon at humiwalay din ako agad. Lalapat na sana ang paa ko sa sahig nang mabilis niyang habulin ang bewang ko para yakapin.

He embraced my waist which slammed me on his chest. Inanggulo niya ang mukha niya para muling sakupin ang labi ko. Namungay ang mga mata ko at kusang pumikit. This time... the kiss was different.

A kiss that didn't have to be in the grandest place. A kiss that made this situation grand as it is. A kiss that flew me to millions of beautiful places I have never been. A kiss that felt wishes coming true.

His lips were soft. Niyayapos ng labi niya ang bawat hagod sa labi ko. I only followed him like my lips were only starting to learn how to dance.

Gusto kong hawakan ang puso ko dahil sa paninikip nito pero napakapit nalamang ang sa balikat niya bilang suporta.

I gasped for air to gain strength but he only took that as an opportunity to deepen the kiss. I felt his tongue grazed my upper lip. Nag init ang pakiramdam ko at mas lalong nanghina, parang ikakatunaw ko sa bisig niya ang bawat hagod at halik na binibigay niya.

"Dos," nagawa kong tawag sa gitna ng halik namin.

Nanghihina ang boses at nahihilong paningin.

"You taste so sweet, baby."

I felt his lips smiled.

He kissed me more, parang hindi napapagod habang ako hinang hina na. I just can't let go because I was afraid this was all a dream.

Napisil ko ang kanyang balikat nang maramdaman ng dila ko ang kanya. It felt like all my personal space was taken by him. The personal space I carefully protected was marked by him.

I accidentally bit his lower lip which made me stop. Nailayo ko ang aking labi sa kanya para tignan ang labi niya. Nag aalala kong hinawakan ang parte na nakagat ko at wala sa sariling hinaplos iyon.

Namumula ito kaya mas lalo ako nag alala.

Pareho namin habol ang pag hinga. "I am sorry." Umiling ako. "Hindi ko sinasadya."

I looked for words as I move my thumb left and right on the part I bit.

"Hindi kasi ako marunong..." pahina ng pahina kong sabi.

Nakakahiya naman!

Kagat? Mangangagat ka talaga Vic? Ano ako?

Sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa?

Gusto kong itago ang mukha ko sa hiya. Siguradong pulang pula na ng mga pisngi ko. Kung pwede lang ako lamunin ng lupa, siguradong ako na ang nag dive papunta doon.

Dinig ko ang mahina niyang tawa.

Inilapit niya ang labi niya sa aking noo at humalik doon.

"As long as I am the only one you get to bite, I will be honored," his voice was hoarse.

Bahagya kong sinuntok ang kanyang dibdib na nagpadaing sa kanya. Alam ko ang pwersa na meron ako at alam kong alam niyang hindi ako mahina.

"Pinag titripan mo nalang ako!"

Sinubukan ko siya itulak para makalayo na pero tuluyan niya lamang akong niyakap. Lumapat ang ulo ko sa kanyang balikat at ang ulo niya ay bumaon sa aking leeg.

"Please don't let anyone do this to you, ako lang sana..."

Parang nag mamakakaawa ang boses niya sa bawat salitang binibitawan.

"Hindi ako ga'nong klaseng babae, Dos."

Kung alam lang niya, ni walang lalaking nakalapit ng ganito sa akin. Yes, some for dances pero wala pa ng ganito. Wala pang nakatawid sa personal space ko.

Wala. Kahit sino. Siya lang.

"No, I don't mean it that way,"

Parang hirap na hirap siyang sabihin ang mga salita.

Bumalik ang mga ala-ala ko sa kung paano nga ba siya simula noong nakilala ko siya.

The guy who can't simply say what's on his mind.

"Liligawan kita, Vic."

Humigpit ang yakap niya sa akin. "I want to be your boyfriend. I want to get to know you more. I want more time to spend with you. I want to see you everyday. I want to take care of you. I want to be looked at by you. I want... all things with you."

"I have never liked anything in this world so much I could beg,"

Oh... love.

This could hurt me.

I know this could.

"But I will beg every breath just to be yours."

And I know this is the only pain I won't be running away from.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top