Kabanata 13
Tame
"Should I? Should I not?" Tanong ko sa aking sarili habang nakahiga sa kama.
I am already in my pajamas, nasa ilalim na ng kumot ko, yakap-yakap ang malambot kong unan pero kaysa dalawin ng antok ay mukha niya ang naka-rehistro sa isip ko.
Inabot ko ang dim lighted lamp ko sa taas ng bed side table ko at binuksan 'yon. Inayos ko ang aking higa at sumandal sa head board.
Narinig ko ang yapak sa labas ng aking pintuan at bahagyang narinig si daddy at mommy na nag-uusap.
"Iniwan daw ng magaling mong anak ang mga anak ng kaibigan ko!" Galit na galit na sigaw ni daddy.
Nanlaki ang aking mga mata at naramdaman ang kaba sa aking puso, tipong sanay na ito roon at may on at off switch lang, hindi na kailangan ng warm-up, bigla nalang mabubuksan kapag narinig ang galit ni daddy.
I folded my knees and hugged them, as if they could shield me from him.
Nakatingin ako sa pintuan ko, takot na baka bumukas ito at pumasok si daddy.
"Masakit ang pakiramdam ni Victoria 'non, pakiusap... intindihin mo naman..." pilit na pag tatanggol ni mommy.
I can hear fear from her voice.
Sobra-sobra ang kabog ng aking puso. Parang ito na nga lang ang naririnig ko sa lakas nito.
"Kahit na!" My dad roared.
Nag-init ang mga mata ko at tumulo ang mga luha ko. Nai-kuyom ko ang mga palad ko at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa aking sarili.
I heard rustling from outside at ang pag galaw ng seradura ng pintuan ko.
N...no.... Please...
"Pakiusap! 'Wag!" Pigil ni mommy.
"Pinapahiya ako ng magaling mong anak sa mga kaibigan ko! Malilintikan talaga sa akin ang batang 'yan! Inggrata!" Galit na galit na sigaw ni daddy.
"Ako nalang! Ako nalang ang saktan mo! 'Wag na ang anak ko! Pakiusap! Nagmamakaawa ako sayo!" Sigaw ni mommy at halos hikbi nalang niya ang narinig ko sa huli.
I broke in tears when I heard her plead. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang iyak ko. I clutched my heart with my free hand and closed my eyes, para kung makapasok man si daddy... hindi ko na masaksihan ang galit niya.
"Sir... may bisita po kayo..." dinig kong saad ng isang kasambahay namin.
Tumigil ang pag galaw ng seradura ko. "Pag sabihan mo 'yang anak mo. Kung hindi... ako ang mag tuturo ng leksyon diyan." Ani daddy bago ako nakarinig muli ng mga yapak palayo.
Natumba ang katawan ko sa kama sa pagod mula sa pag iyak ko. Nanatili akong nakayakap sa katawan ko habang tahimik pa rin lumuluha ang mga mata ko.
"It's okay, Vic... you're safe now..." bulong ko sa aking sarili habang walang pagod tumutulo ang mga luha ko.
I drifted to dream land in that position. Nagising lamang ako nang narinig ko ang sunod-sunod na pag tunog ng cellphone ko. Kahit na parang bugbog ang katawan ko sa pag iyak kanina ay pinilit kong tumayo at abutin iyon. Bumungad ang oras sa akin, eleven o'clock pm, at isang notification mula kay Dos.
I bit my lower lip and pressed his message.
Dos:
I am sorry for being pushy, but... have you decided? Please say yes :)
Tipid akong napangiti sa mensaheng iyon.
Me:
Half day lang naman kami bukas kaya sige :)
Dos:
Yes! Okay :) Thank you!
Nanatili ang ngiti sa aking labi at akmang iba-baba na ang cellphone ko nang tumunog ito ulit.
Dos:
Nalaman ng mga pinsan ko na aalis ako bukas, kaya gustong sumama nina Adrian, Clyde at Agatha. Ayos lang ba?
Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Mas okay naman 'yon, para hindi ako maasiwa na kaming dalawa lang at hindi ako ma-conscious. Lagi nalang akong kinakabahan tuwing kaming dalawa lang.
Me:
Sure, Dos. Ako ng bahala sa inyo :)
Dos:
Great! See you tomorrow!
Me:
See you!
Dos:
Goodnight, Victoria.
Me:
Goodnight, Dos. ☪︎
Dos:
☪︎
Halatang ni-kopya niya ang moon na kasama sa message ko.
Hindi ko na siya ni-replyan at binaba na ang aking cellphone. Humiga ako at naramdaman ang pag gaan ng aking pakiramdam.
Pumikit ako at nag dasal ng taimtim. The last part of my prayer says...
Thank you, Lord... for saving me from pain today. Thank you for making me smile a lot. And... thank you, for helping me find comfort in my sleep. Wishing a better day, tomorrow. A safe day again, please.
"May lakad ka ata, Vic?" Tanong ni Nica sa akin nang makita ang pag tayo ko agad sa aking upuan nang matapos ang klase namin.
Bago ko sagutin ang tanong niya ay napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ang mensahe mula kay mommy.
Mommy:
Sorry anak, hindi ko agad nakita ang message mo at hindi kita nasabayan kumain kaninang umaga. Marami kasi akong inaasikaso para sa campaign.
Kasama mo ang mga Montgomery?
Ihahatid ka ba nila?
I'll tell your dad. Papayagan ka naman 'non lalo na at mga Montgomery ang kasama mo.
Be safe, okay? Message me when you're at Moalboal. Kakausapin ko ang mga kakilala natin doon para matulungan din kayo.
Nanlambot ang puso ko nang mabasa ang mga tuloy-tuloy na chats ni mommy. Her care always compensates. I am always grateful towards her.
Me:
Yes po, mom. Mga Montgomery po. I'll be safe and will update you always. Thank you po.
Alam ko na totoo ang sinasabi ni mommy. Papayag si daddy dahil gusto niya ang magandang pabor na ito sa mga Montgomery kaya hindi ako nangangamba sa paalam ko.
Nag-angat ako ng tingin kay Nica at tumango.
"Oo, nagpapasama ang mga Montgomery—"
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay nagulat ako nang may tumabi sa akin. Kita ko rin ang gulat sa mga mata ni Nica at Arlie kahit na mabilis nawaksi ni Arlie ang gulat mula sa kanya.
"Ready? Hinihintay na nila tayo sa labas." Ani Clyde.
I nodded slowly.
"Saan kayo pupunta?" Mabilis na tanong ni Nica.
"Moalboal." Ngiting tugon ni Clyde.
"Oh! Pwede ba kaming sumama?" Tanong niya.
"Sure!" Ani Clyde at tumayo na.
Napangiti ako at pinanood ang mga kaibigan kong sumunod kay Clyde. Nica is evidently happy while Arlie is quick as she follows them.
Tumayo na ako at nag lakad na rin para makasunod. Umabot kami sa parking at nakitang may inaayos si Dos mula sa backseat ng Hilux. He's wearing a white collared shirt and khaki shorts. Naka crocs lang din siya kaya napaka-presko niyang tignan.
The girl, who I guess is Agatha, was leaning on his car, wearing a black racerback and fitted pants. She looks very cool sporting her short hair. May isa pa silang kasamang lalaki, one of the twins I guess? Nakaupo sa passenger seat habang nakabukas ang pintuan.
Tuluyan na kaming nakalapit at mabilis na lumingon si Dos. Hinanap agad ng mga mata niya ang mata ko at maagap na ngumiti.
I smiled and waved a little.
"Ang dami mo namang babaeng kasama, Clyde." Taas kilay na puna ni Agatha.
"They are Victoria's friends, Gath."
Hindi nawala ang pag taas ng kanyang kilay.
"Hi!" Masiglang bati ni Nica sa kanila.
"Pwede ba kaming sumama?" Tanong ni Arlie.
Kita ko ang pag-iba ng kilos ng mga kaibigan ko, para bang nahihiya pero kilig na kilig? Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. I am happy for them to see them happy and giddy. Alam kong ito ang gusto nila, ang maging malapit sa mga Montgomery. Kahit hindi ko maintindihan ay susuportahan ko sila sa kasiyahan nila.
Hindi ko maintindihan ang kagustuhan nilang mapansin nila pero marahil ay dahil crush nila sila? O si Dos...
Hmm crush...
Yung gusto mong mapansin ka ng taong gusto mo?
"Pick-up ang dala namin, pwede naman kayo sumama pero kaya niyo ba umupo sa cargo area?" Ngising tanong ni Agatha.
Napahakbang ako palapit dahil medyo hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, ngunit naunahan na ako ng lalaking nakaupo sa may passenger area.
"Gath." Mariin niyang tawag sa kapatid. "Hindi ka pinalaking bastos."
Gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Thank God I was wrong about them being entitled. Atleast they have some manners.
"Tss. I know snakes." Bulong niya pero sapat na para marinig naming lahat.
Umirap siya at pumasok sa may back seat. Tumayo ang lalaki mula sa passenger area at tumingin sa akin. Matamis itong ngumiti at nag lahad ng kamay sa akin.
"Adrian." Pakilala niya.
Aabutin ko na sana ang kamay niya nang biglang may bumagsak. Napatingin kami sa kung saan nanggaling iyon at nakitang si Dos ang may gawa 'non. Binagsak niya ang pinto sa may driver's seat.
"Tara na. Adrian, Clyde, sa likod na kayo." Pag susuplado niya.
Tumango si Clyde at nauna ng tinulungan ang sarili para maka-akyat sa likuran. Bahagyang natawa si Adrian at napailing-iling habang nakatingin sa kamay na nakalahad sa akin.
Aabutin ko na sana ito nang nai-kuyom niya ito at ngumiti sa akin.
"Tame the dragon, Ms. Gallego. Please."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Adrian pero bago pa ako malinawagan ay mabilis na itong sumunod kay Clyde sa likuran.
"Tara," anyaya ko sa mga kaibigan ko at nakita ko ang pag-titinginan nila.
Mag titinginan sila at pagkatapos ay titingin sa passenger seat.
Bahagya akong napangiti at lumakad nalamang papunta sa tabi ni Agatha sa may back seat.
"Vic."
Halos mapapitlag ako sa diin ng boses ni Dos.
"Hmm?" Tanong ko bago pumasok ng sasakyan.
"Passenger seat." Aniya.
Kumunot ang noo ko. Hah? Ako? Sa passenger seat?
Kumunot din ang noo niya at bahagyang tinagilid ang ulo na para bang common sense ang kanyang sinabi pero ako ito ang hindi makakuha.
"Tutulungan mo ako hindi ba?"
Isang sipol ang narinig ko mula sa likuran na sigurado akong nanggaling kay Clyde habang mahinang halakhak naman ang lumabas mula kay Adrian.
Napaiwas ako ng tingin sa mataman niyang tingin at naabutan si Agatha na nakangisi habang nakatingin sa likuran ko.
Lumingon ako at nakitang nakayuko ang mga kaibigan ko.
Nanikip ang dibdib ko at parang gusto ko ng umalis. Parang hindi na dapat ako sumama. Ayoko ng ganto... aayusin ko pa lang ang nangyayari sa akin at sa pagitan ng mga kaibigan ko.
"Ahm... si Arlie nalang sa harap. Alam niya rin ang Moalboal. Halos kasama ko sila palagi tuwing namamasyal doon." Suhestyon ko.
Napa-angat ng tingin si Arlie at kita ko ang pag-asa sa mga mata niya. Bahagya siyang ngumiti sa akin.
"Okay..." ani Dos.
Hindi ko alam pero parang nahulog mula sa alapaap ang puso ko. Umiwas nalamang ako ng tingin sa kanilang lahat at minuwestra kay Nica ang espasyo sa tabi ni Agatha.
Si Arlie ay sunod na lumakad papunta sa passenger seat. Pinigilan ko nalamang lumingon doon.
"Clyde." Tawag ni Dos.
"Yow."
"You drive. Ako dyan."
Marahas akong napalingon kay Clyde at pagkatapos ay kay Dos. Nagkatinginan lamang sila at parang alam na nila agad ang ibig sabihin 'non.
"Gusto kong katabi ang Kuya ko, Ate Vic. I am sorry pero... pwede bang sa likuran ka nalang din umupo?"
Bago pa ako makahuma sa naging palitan ni Dos at Clyde ay nakuha naman ni Agatha ang atensyon ko sa hiling niya.
She looks like she's happy about something, very far from her attitude a while ago.
May choice ba ako? Sasakyan nila to? Ayaw niya ba sa amin? May problema kaya siya sa amin?
Hindi pa ako nakakasagot ay narinig ko ang pag galaw ng cargo area at gamit ang isang kamay lamang ay nakababa si Adrian.
"Got you, Gath." Aniya.
"Halika, tulungan muna kita umakyat." Ani Adrian sabay abot ng kamay niya sa akin.
Napatango nalamang ako at inangat ang kamay ko para tanggapin ang alok niyang tulong.
"Back off."
"Dos..." I almost choked as I felt his chest behind my back.
"Come, I'll help you."
Bago pa ako makapag salita ay humawak na siya sa magkabilang baywang ko.
I stopped breathing for a second, if that's even possible. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa bahagyang balat na nakalabas sa akin. Nanliit ako kumpara sa kanya. Sanay akong may humahawak sa baywang ko, given that I am a ballet dancer, pero iba to...
...ngayon ko lamang to naramdaman.
I was wearing a cropped sweater paired with denim pants, thankfully.
Binaba niya ang ulo niya para bumulong sa likuran ng tenga ko.
His breath sent shivers down my spine. Parang may kuryente at hindi ko gusto iyon... especially I know everybody's watching.
"Is it okay to hold you here?"
"K-kaya ko na..." lakas loob kong sabi.
Hindi ko na siya pinansin at nauna nalamang umakyat. Tinulungan ko ang sarili ko pero mabilis siyang dumalo at ni-sigurado na makaka-akyat ako ng walang problema.
"Asshole," rinig kong sabi ni Adrian sa kanya habang nakangisi bago pumasok sa back seat, katabi ni Agatha.
Tumalikod nalamang ako sa kanilang lahat dahil ayaw kong makita ang reaksyon ng mga kaibigan ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito, alam kong hindi sila matutuwa sa nangyari.
Dos helped himself without effort and smiled at me when he sat down beside me.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
Umiling ako. "Pati ang mga kaibigan ko hindi pa. Kayo?"
"They got food inside. Ito ang atin."
May kinuha siyang lunchbox mula sa isang bag at napaawang ang labi ko nang buksan niya iyon. Napakaganda ng pagkahanda nito. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
I never experienced such...
Kahit na naiinggit ako sa mga kaklase ko noon, hindi ko naman hinanap sa mga magulang ko na pag handa nila ako ng ganito. I silently wished I could experience it... but I never asked.
But here I am... in front of one.
"Inayos to ni mommy, I hope it's not childish." Bahagyang namula ang kanyang tainga.
Maagap akong umiling at ngumiti sa kanya. "It's beautiful, Dos. And... it looks very delicious. Sana okay lang sa mommy mo na maki-share kami."
"She made this for you. Sinabi ko na kasama ka namin. Ito naman ang akin." May kinuha pa siya na isa at halos kapareho ito ng lunch box na inabot niya sa akin.
"Let's eat?" Tanong niya.
Tumango ako at muling nagulat nang simulan niyang buksan ang akin at sinigurado munang maayos ang pagkain bago ibinigay sa akin ang mga kubyertos.
I watched him while he did everything. From his small movements of fixing the tumbler filled with water in front of us to giving me a roll of tissue.
"You know? You're pretty, Vic." Bigla niyang sabi nang makasubo na ako ng pagkain.
Parang gusto ko maibuga ang kinain ko.
"Hah?"
Dugdug. Kabog ng puso ko.
"You're very pretty with your hair up. Pero kung tutuusin, lagi ka naman maganda. Sobra lang ngayon."
Bolero.
Sobrang bolero. 'Wag ka maniniwala, Vic. He's very smooth for a gentleman.
His words... don't believe them. They mean nothing. Ang mga tipo niya ang kayang mag sabi ng mga ganito kahit kanino.
"'Wag mo ako masyado titigan, Gallego. Baka matunaw ako." Aniya habang nakangisi.
I broke my gaze from him. Umiwas ako ng tingin at bahagyang napabuga ng hangin.
"Yabang."
Tumingin nalamang ako sa labas habang nag pipigil ng ngiti.
Damn crazy, Vic. Nababaliw ka na talaga.
"Ako ang mababaliw sayo, Gallego."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya ngunit nahigit ko ang hininga ko nang makitang isang dangkal nalamang ang pagitan namin.
I felt his intensity, all of him... from his stare to his minty breath to his heat...
"Dos... stop." Garalgal ang boses kong sabi.
My heart can't take it. Naninikip ito at parang gustong sumabog. Nabibingi pero nilalamon ng ingay na nanggagaling sa sariling tibok. Mabagal pero nakakapanghina sa lakas.
Tame the dragon...
But looks like I should be tamed instead.
Ako dapat.
—
Comment down below what you like about the story so far, Inspirados! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top