Kabanata 12
bigat, lalim at bilis
"H-hindi... naman kita iniiwasan..." nauutal kong tugon sa kanya.
Liar. A voice echoed inside my head.
His eyes flickered.
"Nakita kita kanina, ilang beses, pero tuwing susubukan ko lumapit, bigla ka nalang mawawala."
Nakita niya ako? Noong mga panahon na mabilis akong magtatago pag nakita ko na siya?
"It's like... I'll almost get a hold of you... but you'll slip away," he almost whispered.
Napabuntong hininga ako. "Dos."
The mere mention of his name is enough to tingle something inside me.
"Kung sasabihin kong iniiwasan talaga kita, papabayaan mo na ako?" Lakas loob kong tanong.
I tried to mask a sign of courage on my face.
Bakas ang gulat sa kanyang mga mata. "What? But... why?"
Bahagyang nakaramdam ng pagkapunit ang puso ko.
"Just a question."
Sinubukan kong humakbang patalikod pero mabilis siyang humakbang muli palapit sa akin.
"No... tell me..." napaka-gaan ng tingin niya sa akin, para bang kaya niyang gawin lahat marinig lang ang sasabihin ko.
Willing to listen...
My heart cried as I look at him.
For the first time... in my life... I felt heard.
Siguro, kung noong bata ako, may tao akong masasandalan ng ganito, hindi ako magiging ganito.
Takot. Takot na takot.
Dahil yun lang ang alam kong maramdaman.
"Please, Vic. Tell me. I want to know... kung bakit mo ako iniiwasan?"
Napayuko ako nang maramdaman ko ang nag babadyang luha sa aking mga mata.
Hindi pwede, Vic. Huwag kang iiyak.
Umiling ako. "Delikado mapalapit sa akin, Dos." Parang mag babara ang lalamunan ko nang sabihin ko ang mga katagang 'yon sa kanya.
"Hindi mo ako lubusan kakilala. Marami kang hindi alam sa akin. If you know me... you wouldn't even want to be friends with me, trust me."
My heart squeezed.
Kaya ko to. Ngayon lang 'to masakit.
Sanay na ako. Kaya ko to mag-isa. Hindi ko siya kailangan.
I felt his hand moved from my hand to my chin. He slightly raised it to make me look at him.
Dos...
Bakit ganito? I barely know him... but I feel like I'm losing a lot telling him all this.
"If you know me, Vic. Baka ikaw ang may ayaw makipag kaibigan sa akin. Wala ng mas dedelikado pa sa akin,"
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
May tinatago rin ba siya? Is he hurt too?
Parang mag aalsa ang puso ko sa naisip.
"I am merciless, Vic. When I want something, there's nothing that could stop me. I'll seize the Earth to get what I want. I'll even turn the world upside down. Kahit sinong sumubok na pigilan ako, sasagasaan ko. Kahit sino pa."
Napaawang ang labi ko.
A person that doesn't know when to stop...
I should be scared right? Pero bakit ga'non... kaysa matakot, mas napanatag ang puso ko?
"Why are you crying?"
Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mga mata ko.
"Dos, hindi ko rin alam." Subok kong pag papaliwanag.
Sa totoo lang... hindi ko naman talaga alam.
"Basta ang alam ko lang, dapat kitang iwasan. Para sayo rin. Nalilito rin ako. Pero ito lang muna ang kaya kong gawin."
Ang hirap.
"Did I do something?"
Umiling ako.
"Did I hurt you?"
Umiling muli ako.
"Do you dislike me being around?
Isang iling pa.
Tutunawin ako ng boses niyang puno ng pag-iingat.
"Then... can I ask you not to avoid me?"
Natahimik ako.
"Please?"
I bit my lower lip.
"Pagsisisihan mo..." peke akong ngumiti. "... you have no idea what you're getting into, Dos."
My lips wouldn't get tired speaking his name.
Umiling siya habang pinipigilan ngumisi. "I wouldn't..." huminga siya ng malalim at mas nilapitan pa ako- kung posible pa iyon. "...just let me... stay."
Bahagya akong tumango.
Paano ako makaka-hindi?
I have always been strong and unwavering, pero... sa kanya, I feel like I want more...
Maybe because he's new to me...
He's everything I hope... will come into my life.
His lips formed a smile. Muling nahimatay ang puso ko.
Mukhang sarili ko na ang dinala ko sa bangin.
"Don't ever pull a stunt like this again, okay? Magkaka heart-attack ako sayo, Vic."
"Ewan ko ba naman sayo, Dos. You don't have to pay so much attention to me."
Gusto ko mapailing sa pinag-uusapan namin. Sa kanya lang talaga ako ganito. I can talk to him in many ways I like. I can be serious, deep... or even fool around with him.
I can be all that with him.
"Ewan ko rin, Vic. I am bothered. That's why kahit hindi ko alam, naiinis ako na iniiwasan mo ako."
I hummed. "Basta... ingatan mo ang sarili mo at ang pangalan mo mula sa akin. 'Wag mo akong sisisihin kapag napahamak ka dahil sa akin."
Ang ngiti niya ay naging ngisi. "Iingatan ko ang sarili at pangalan ko para sayo?"
"Mula sa akin." I corrected him.
Pinanlakihan ko siya ng mata at mas sinamaan siya ng tingin nang humalakhak siya.
Silly! Why am I dealing with him? Napaka pasaway at pilyo.
"Wala ka na bang sasabihin at aasarin nalang ba ako?" Kung ga'non, goodbye!" Pag susungit ko at inirapan na siya nang bigla siyang tumawa ulit at pinigilan ako gamit ang pag harang sa akin.
"Do you have time?"
Napatingin ako sa orasan ko at nakitang seven o'clock na.
"Hmmm... hindi kasi ako nakapag paalam, I need to be home by eight. Why?"
Sandali siyang napaisip at ilang segundo lamang ay maingat niyang kinuha muli ang kamay ko para hilahin.
Maagap ko siyang pinigilan. "Wait! Saan tayo pupunta, Dos?"
Nilingon niya ako habang hinihila pa rin.
He smiled brightly and I almost lost my breath. Alam mo 'yon? Yung ang bilis niyo mag-lakad pareho pero parang ang bagal pa rin?
Just focusing on his face...
"Basta, come with me... if wala ka ng time, I'll squeeze a little bit ha?"
Napanguso ako at napailing habang nagpapatianod sa kanya. He grabbed my bag too, para hindi ako mahirapan sa pag sunod sa kanya.
Dumaan kami sa likuran kaya walang nakakita sa amin, thank God... ayoko muna problemahin ang sasabihin ng iba pag nakita nila kami magkasama.
Mahirap mag paliwanag sa lahat. Who would believe na magkaibigan lang kami? Me? Friends with an opposite gender? Close to impossible. Alam nila kung gaano kahigpit ang mga magulang ko.
Nakarating kami sa parking lot ng university, mabilis na dumaan sa isip ko ang nangyari noong isang araw kaya wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko.
Nararamdaman ko pa rin pa minsan-minsan ang higpit ng hawak ni daddy.
"Come..." aniya at inalalayan ako makapasok sa passenger seat.
"Thank you," bulong ko nang makaupo na at pinanood ko siyang lumipat sa driver's seat.
Binuksan niya ang sasakyan para mabuksan din ang aircon.
"Saan tayo pupunta?"
"Here." Tugon niya.
Kumunot ang noo ko. "Hmmm... anong gagawin natin dito?" Lito kong tanong habang iniikot ang paningin sa paligid. Halos nakalahati na ang mga sasakyan sa parking lot.
"This..."
Nakarinig ako ng pag galaw. Binaling ko ang tingin sa kanya at nakitang may kinuha siyang Starbucks paperbag sa may back seat.
Napaawang ang aking labi habang pinapanood siyang buksan iyon at ilabas ang pastry at inumin na binili niya.
"What..."
"Well I drove for Alice and Agatha a while ago, may biniling school supplies, I waited sa coffeeshop so I grabbed some for me... and naisip ko na rin na bilhan ka na."
Nanatili akong nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang inosente niyang mga mata habang nakatingin din ng mataman sa akin. His eyes showed both intensity and innocence. Only he can do that...
"Dos... you..." hinanap ko ang mga salita na dapat kong sabihin. "... you don't have to..."
Napatingin ako muli sa dala niya. "This is too much for me..."
To think na naisip niya ako kahit na hindi naman kailangan.
"Hmm, hindi ko alam kung anong gusto mo, so I got you something different. Naisip ko rin kasi na baka mag sawa ka pag paulit-ulit."
Inabot niya sa akin ang inumin na hula ko ay hibiscus tea habag binubuksan niya ang box na nag lalaman ng dalawang pastry.
Baka ikaw ang mag sawa, Dos.
"Thank you, Dos." Mahina kong sabi habang tinitignan pa rin siya.
Napatingin siya sa akin pero mabilis na binalik din ang tingin sa inaabot na pastry sa akin.
"Don't look at me like that, I won't be able to take it."
Napaiwas ako ng tingin at nilagay muna sa cup holder ng sasakyan ang inumin. Tinanggap ko ang pastry at kinain 'yon.
"Ahm..." tumingin ako sa kanya nang marinig ang pag tikhim niya. "...bukas ba pwede ka?"
"Bakit? Anong meron?"
"Well... gusto ko kasing pumunta ng Moalboal or Oslob."
I hummed. "Kasama mga pinsan mo?"
Napaiwas siya ng tingin at napasandal sa upuan niya. Pansin kong tensyonado ang balikat niya.
"Ikaw sana," mahina niyang tugon pero sapat lang para marinig ko.
Napalunok ako at napatingin sa pastry.
I shouldn't come, right?
Pero gusto ko...
"Dos... we're friends right?" Who am I fooling?
Tumango siya. "Can't friends go on a trip?"
Nanliit ang mga mata ko. Trip? Friends? Bluff.
"Nakaka-enjoy akong kasama..." bulong niya.
Hah? I bended my neck as if that could help me think kung anong ibig niyang sabihin pero wala talaga, hindi ko nakuha.
Did he just try to convince me?
"Dos, pwede ko bang pag isipan muna?"
Lumingon siya at mabilis na tumango.
"Of course! No pressure. You can just message me later kung payag ka ba. I'll prepare the things that we probably need tomorrow. After class nalang o kaya after ng practice mo if meron. I'll just wait for you. You can also message me kung ano ba dapat ang mga dalhin, ilang beses pa lang kami nakapunta ng pamilya ko roon at halos sina Adrianna ang nag hahanda kaya wala akong alam. But don't worry I will prepare everything, you just have to tell me."
Sunod-sunod ang kanyang pag salita kaya bahagya akong natawa. Really, Dos?
"So much for no pressure," ngiti kong sabi.
Natikom niya ang kanyang bibig na mas lalong nag pa-ngiti sa akin.
Natigilan siya habang nakatingin sa akin.
"I am sorry."
Umiling ako at mas ngumiti. "No problem."
Muli akong sumubo ng pagkain at nginitian siya. We talked some more, about anything he could think of. Like what kind of food I like and what kind of food he likes, what weather I like and what's his. Hobbies and all that. Mga basic na tanong na hindi ko rin masyadong naiisip tungkol sa sarili ko kasi nasanay akong kung anong meron ay 'yon na ang okay sa akin.
Napag desisyunan namin na mag laro ng number game bukas kung papayag akong sumama sa kanya. Number game is like either of us will choose a number and then the other person will ask a question.
Hindi ako makapaniwala na gusto ni Dos ng mga ganito, looking at him... he doesn't seem like it. Mukha siyang yung taong malamig pero... he's really warm inside.
"Uuwi ka na ba niyan?" Tanong niya nang pag buksan niya ako ng pintuan.
"Yes, nandyan na ang driver namin. Thank you, Dos. I really really really appreciate this." Buong puso kong sabi.
Pagkatapos ng buong pag uusap namin, parang may mabigat na bagay na naalis sa puso ko. Nakahinga akong mabuti. I still have a lot of worries pero sobrang laki ng ginhawa ko dahil sa pag uusap namin.
"Do you want me to accompany you to your car?" Nag-aalinlangan niyang tanong.
Napangiti ako at umiling. "Baka nandoon na ang kuya ko at mag iisip 'yon kung makikita ka niya. He's protective of me."
"I am not scared." Hindi ko masyado narinig ang sinabi niya.
"What?"
Umiling siya at hinawakan ang ulo ko para bahagyang guluhin ang buhok ko. I snapped my eyes on him pero natawa lamang siya.
"Ingat ka... kung hindi...ihahatid talaga kita sa susunod."
I rolled my eyes. Masyadong pa-pogi!
"Goodnight, Dos."
"Will wait for your message, Vic."
Umirap ako pero sumilay din ang ngiti sa akin nang talikuran na siya at nag simula nang humakbang palayo.
Oh... I am doomed. Really doomed.
Napahawak ako sa puso ko at pinakiramdaman ang bigat, lalim at bilis nito.
Parang may sinisigaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top