Kabanata 11

Song (official song for Lost in the Light), I proudly present to you! : Kung Makakapili Lang by Cesca! Searched and searched for this song! Play this for this chapter, it will suit the mood of the scenes.

Kamusta po kayong lahat? I hope everyone is well!

protection

victoriagallego: Hi Nics! I am sorry, nauna na ako. Sobrang masakit ang pakiramdam ko, I felt so dizzy I had to ask our driver to pick me up. Babawi nalang ako sa inyo some other time. Please look after Arlie, baka malasing siya. 'Wag kayo mag hihiwalay please. Stick together. See you tomorrow! I hope both of you understand. *heart emoji*

I sighed.

Napaupo ako sa ibabaw ng kama ko at hinayaan bumagsak ang katawan ko.

I lied.

Nagawa ko pang mag sinungaling. Argh! Could this get any worse?! I don't like lying... much worse sa mga kaibigan ko pa.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at napahawak doon. Tila naramdaman ko muli ang malambot niyang mga labi.

Naipiling ko ang ulo ko.

Narinig ko ang cellphone ko na gumawa ng tunog.

Inangat ko ito mula sa aking tabi at tinignan ang notifications ko. Isang mensahe ang nakuha ko mula kay Nica.

nicaguiao: Vic! It's okay! Mag pahinga ka, okay? Ako ng bahala kay Arlie. By the way, nakita na namin si Dos!

Oh... nakabalik na pala siya.

'Yon naman ang dapat. Doon siya. Dapat nga kanina pa siya bumalik doon.

victoriagallego: Really? That's good! Kaya naman kayo pumunta dyan para sa kanya diba? At least hindi nasayang! *smile emoji*

My friends like him...

And here I am... flushed because of him.

Hindi to maganda...

Ayoko nito...

Kailangan ko siya iwasan.

nicaguiao: Yes! Kaya lang, hindi naman siya nakikihalubilo. Nandoon lang siya sa table nila, nakikipag tawanan at kwentuhan sa mga pinsan niya. Wala ata siya balak makisayaw sa dance floor. *crying emoji*

Hindi ko alam pero mabilis akong nakaramdam ng kaginhawaan sa nabasa. Pero sa kabila 'non, mabilis din akong napabalikwas ng upo.

No! Bakit ako makakaramdam ng ginhawa? Oportunidad to para sa mga kaibigan ko.

Dapat siyang tumayo! At makisayaw! Tama!

vicgallego: Hayaan niyo na siya, may ibang pagkakataon pa naman. Atleast ngayon nakita niyo na siya diyan. Basta keep an eye on each other, 'wag kayo mag hihiwalay ni Arlie, okay? Ingat!

Binitawan ko na ang cellphone ko pero may bagong notification akong natanggap.

Hindi ko ito pinulot dahil sa nabasa kong pangalan.

dosmontgomery: Are you home now?

Hindi nag tagal ay may bagong mensahe muli.

dosmontgomery: Are you mad?

Naramdaman ko ang puso kong unti-unting bumibilis ang pag tibok. Bahagya ko itong tinapik para pakalmahin.

Vic! No! Pagod ka lang.

Nagulat ka sa nangyari!

Natakot ka sa brownout!

You're overwhelmed, Victoria!

Tama... 'yon lang iyon.

I just need to rest.

Hindi ko na ito pinansin at tinabi nalamang ang aking cellphone sa ibabaw ng bed side table. Tumayo ako at nag tungo na sa banyo para makaligo at makatulog pagkatapos.

I woke up feeling as if I didn't sleep.

Napatakip ako nang mata mula sa liwanag na nanggagaling sa sheer curtains ko.

My room's walls are painted in color champagne kaya mas maliwanag kapag nasisikatan ng araw ang gawi ng kwarto ko.

Mabuti nalang at hindi ko kailangan mag madali ngayon dahil mamayang hapon pa ang klase ko.

I pulled myself out of bed and decided to check my phone. Bahagya akong nag stretching habang tinitignan ang cellphone ko. Napakarami ng notifications mula sa tagged instagram stories ng mga nakakita sa akin sa coffeeshop kagabi.

Medyo nakaramdam ako ng kaba na baka may nakakuha ng picture nang nangyari kahapon.

Tinignan ko lahat ng photos na naka-tag sa akin pero wala naman. Mga stolen photos lamang ang mga ito, ang focus ay ang suot ko kahapon.

I sighed and felt the chill from the aircon. Kinuha ko ang remote nito at ginamit 'yon para isara ang aircon.

I-ba-baba ko na sana ang cellphone ko nang may mag notify na naman.

dosmontgomery: Papasok ka ba agad?

I bit my lower lip but I immediately stopped myself from doing so.

Kailangan mo tigilan ang labi mo, Victoria!

Gusto ko sabunutan ang sarili ko!

Umagang umaga!

Nag pasya ako na hindi ako mag rereply at pinindot nalang ang play button sa spotify para mag patugtog ng kanta, iniwan ko ang aking cellphone sa ibabaw ng kama ko at hinayaan ang speakers sa bathroom na tumugtog.

I went inside the bathroom and took a warm bath. Kailangan ko mag relax sa lahat ng nangyari kagabi.

I proceeded with my morning and took it slowly. Bumaba ako nang masigurado na wala na sina mommy. Sigurado ako mapapagalitan ako kay daddy kung malalaman na naiwan ko sina Arlie kahapon.

I don't want to risk it...

Parang manghihina ako maisip ko pa lang na malalaman ni daddy.

Nang pumasok na ako sa university, agad kong pinuntahan si Arlie at Nica. Nag tatawanan silang dalawa nang makita ko sila mula sa malayo pero nang mamataan ako ni Arlie ay mabilis siyang nag ayos at tumigil ang tawanan nila.

Dos.

I am sure it was about Dos.

I want to ask them about it...

Should I?

Hmm... asking won't hurt right?

Tuluyan na sana akong makakalapit sa kanila nang matigilan ako sa pag harang ni Clyde sa akin.

"Gallego!"

Mula kina Arlie ay nalipat ang tingin ko kay Clyde.

He looks his usual, baby blue t-shirt and denim pants. He's wearing a white baseball cap now.

"Hinahanap ka ni Dos..." lumingon-lingon siya na parang may hinahanap.

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kaba.

No! He can't see me! I can't see him!

Not now!

"Ah! Ahm. May—" I searched for words. "—M-may gagawin kasi ako!"

Humakbang na ako pero hinawakan niya ako sa braso ko na parang litong lito sa biglaang pagmamadali ko.

"I need to dance!"

Hah?! Dance? Vic?! Talaga lang?

Of all reasons, yun pa? Sa oras na to?

"Hindi ka papasok?" Pahabol niyang tanong.

Pero hindi ko na siya pinansin. I pulled my arm from him and walked faster than my usual. Iniwan ko ang mga estudyanteng papasok sa cafeteria at muling lumiko para mawala ako sa grupo ng mga estudyante nang mamataan si Dos na palapit kay Clyde.

My hair flowed effortlessly behind my back pero pakiramdam ko kahit ang mga ito ay napagod ako habulin. I'm wearing something comfortable now, fitted cropped white top and high waisted denim jeans, yet I feel uncomfortable and exposed.

I watched Dos as he roamed his eyes to search for...

Me?

Kinakausap siya ni Clyde pero nag-iikot lamang ang mga mata niya.

Tuluyan na akong tumalikod at binuo ang loob ko para iwasan ang taong 'yon.

The day went by pero parang nananadya talaga ang panahon at mundo. Kung kailan ko pa siya iniiwasan, at saka naman kami mas pinagsasalubong ng mundo ngayong araw.

Iniwasan ko siya during break hour, even comfort room break! Kapag dadaan naman sila sa room namin ng mga kaklase niya ay napapa yuko ako na parang kaya akong itago ng buhok ko.

Dos! Can't you... go faraway?

Natapos ang mga klase namin nang hindi ako masyadong lumalabas maliban nalang kung gusto ko mag comfort room break.

Arlie and Nica seem... normal around me. Kinakausap naman nila ako, but never about Dos or the Montgomerys.

Well I guess, mas okay yun?

I don't want to put myself in any situation about the Montgomerys... especially to him.

Nang mag ring ang bell na nag huhudyat na tapos na ang klase ay tumayo na ako.

"I'll go ahead, mag practice lang ako for an hour tapos uuwi na rin. Kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Uuwi na, napagod kami kahapon, babawi kami ng pahinga." Ani Nica.

"Go for it, Ms. Swanlake!" Dagdag ni Arlie.

Bahagya akong natawa at napailing. I like it this way... ganto nalang, hindi ko na muna sila tatanongin tungkol kay Dos.

Naglalad na ako palabas sa room namin at dumiretso sa ballet room.

"Hi Victoria!" Bati ni Vernice sa akin, halos kasabayan ko lang siya sa pag pasok sa ballet team.

"Patapos na kami, gusto mo samahan ka namin?" Tanong ng kaibigan niyang si Camiel.

"Hi!" Matamis kong bati.

Umiling ako. "It's okay. Isang oras lang naman ako, I'll just practice a few sets."

"We're cheering for you sa swanlake!" Ani Camiel habang umiikot nang nakataas ang kanyang kaliwang paa.

Nahihiya akong umiling.

"It's you or no one Vic. Ang tagal ka ng hinanda para dito," umupo si Vernice sa sahig at bahagyang minasahe ang mga paa niya.

"You're more than a Swanlake, Vic. You're even overqualified for this. Sana ma-realize mo 'yon even from your humbleness."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig mula kay Camiel.
Posible ba yun? Na para sa akin ang isang bagay? Kahit na malaking pagkakamali ang buhay ko?

Parang mali...

"Naka-ready na ba ang performance mo pag nag apply ka for Swanlake?"

Tumango ako kay Camiel.

Meron naman akong nahanda na, hindi ko lang sigurado kung isa-submit ko pa iyon o hindi na. Hindi pa buo ang loob ko.

I have a few rooms for mistake, I can't afford it kung magkamali ako ng desisyon dito.

"Oh my!" Both of them beamed.

Sa huli ay napangiti ako at napailing.

"Hihintayin namin yan, if you want we can submit it for you."

Napatingin nalamang ako sa salamin habang nakikitang sobrang saya nilang dalawa para sa akin.

Ilap ako sa mga tao pero masaya ako na nakakilala ako ng mga taong masaya tuwing masaya ako, at malulungkot kung malungkot ako. Hindi ko alam kung anong magiging tungo nila sa akin kung sakali man na malaman nila ang sekreto ng pamilya ko.

I just hope I have enough real ones.

Nauna silang natapos sa akin at tulad ng plano ko, I practiced for an hour and took my time to freshen up. Gumanda ang mood ko mula sa napag usapan kaya ganado akong nag-ensayo.

I moved through the rhythm and found myself smiling as I step outside the ballet room.

Pero nakaka-ilang hakbang palamang ako palabas ay natigilan na ako dahil sa taong prenteng nakasandal sa dingding ng ballet room.

He's wearing a muscle tee again and denim pants. Mukha siyang pinagpala ng Diyos habang nakatayo sa harapan ko. His skin radiates, may pagka-moreno siya ng kaunti at napakaganda ng kanyang balat.

Balita ko, his brother, Uno, is the talk of the town with his good looks and built. But for me... Dos is the most handsome. Beauty is subjective but I like his intense eyes, the way his jaw moves, his muscles are just right, not too much... but still evident.

His presence screams power— dominating the floor he's walking on.

I like how he looks like as if you could count on him but he's still dangerous. He looks like you could rely on him but he's a walking danger.

Kumibot ang kanyang labi, tinutunaw ako ng kanyang titig.

Alam niya kaya ang dulot ng mga tingin niya?

Hindi ko alam paano niya nagagawa 'yon? To stare at me and make me lose my senses. Parang mabibingi ako at mag au-auto focus ang lahat sa kanya.

Nakatayo lang naman siya sa harapan ko habang tinitigan ako ng mabuti.

"A-anong," parang mabibilaukan ako. "g-ginawa mo dito?"

"Iniiwasan mo ba ako?" Buo niyang tanong.

Umiling ako.

Isang hakbang ang ginawa niya palapit na nagpa-hakbang sa akin palayo.

I saw his eyes flickered. Kita ko ang panandaliang emosyon doon na hindi ko matukoy kung ano.

Inis?

"Iniiwasan mo ba ako?"

Kaunti akong napasinghap at hinayaang malunod ang sarili sa mga titig niya.

Tuluyang nilukob ng init ang puso ko. Like a car picking up its pace as the accelerator is pressed.

Umiling ako. "Dos..." I breathed his name.

Gusto kong tumakbo.

Hindi pwede 'to. Ano 'tong nararamdaman ko. Hindi pwede...

The mere mention of his name... feels forbidden.

Sandali siyang napapikit at kinuha ko ang oportunidad na 'yon para damhin pa ang presensya niya.

Dos...

Minulat niya ang kanyang mga mata. "Vic..." his voice was hoarse.

No... please don't say my name...

I might lose...

Hindi pwede.

Oh, God. I am sorry. Forgive me. Alam ko pong pinangako ko na hindi ako mangangarap ng higit pa sa mga ibinigay niyo. You've blessed me more than what I deserve.

I have no right to feel this...

I am sorry.

"H-hindi kita iniiwasan. Bakit mo naman nasabi 'yon?"

"I just know. You tell me, Victoria. Bakit mo ba ako iniiwasan?"

Muli siyang humakbang palapit. This time, he quickly grabbed my hand to stop me from moving backwards.

Sa munting paglapat ng kamay niya sa kamay ko, sapat na 'yon para gumuho lahat ng proteksyon ko sa sarili ko sa loob ng maraming taon.

Sa hawak na 'yon, parang pangako na siya ang proteksyon.

"Dahil ba sa kahapon? I did everything for it not to spread, may problema ka pa ba doon?"

Oh...

So it's him...

"Thank you..." I breathed.

Para akong musmos na bata sa harapan niya. Pawisan dahil sa pag-ensayo, nakatali ang buhok, naka fitted cropped top pero naka denim shorts nalang at tsinelas. Sa tingin ko ay amoy pawis din ako, at sa lapit niyang 'to ay naaamoy niya ako panigurado.

"Did I offend you perhaps?"

Kita ko ang kaguluhan sa mga mata niya. Para bang kaunti nalang ay mapapatid na ang kung ano sa kanya dahil sa mga tanong niya.

"Hindi ba ga'non kalambot ang labi ko? Nandidiri ka ba sa akin?"

Nanlaki ang mga mata ko at napailing.

Ano bang sinasabi niya?

I couldn't even sleep properly because of his lips!

"Hindi kita iniiwasan, na-busy lang ako." Subok kong pagdadahilan.

Nag dikit ang dalawa niyang kilay. Trying to read me through my eyes, he stepped closer making me smell his perfume. That intoxicating smell that could make you say yes to everything he'll say.

Bumaba ang tingin niya mula sa aking mga mata papunta sa aking labi. Like a slave, my eyes wandered too. From his eyes... down to his nose... and to his lips.

Hindi ako makapaniwala na nangyari ang kahapon.

Kumabog ang puso ko sa munting pag dapo ng tingin ko sa kanyang labi.

I saw him gulped.

I bit my lower lip as I feel my heart bursting.

"'Wag..." bulong niya.

Pinilit kong i-balik ang tingin sa kanyang mga mata.

"Victoria Cassandra, 'wag mo akong iwasan. I beg you." He asked pleadingly.

Lumapit pa siya ng kaunti at sa distansya namin, baka marinig niya na kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

"I will be down on my knees if you want to. Just... don't avoid me."

Nakakalilyo ang aming distansya.

"Talk to me about anything again. Everything. Anything. Argue with me even. Tarayan mo ako kung gusto mo... kahit ano pa 'yan, basta 'wag mo lang ako iwasan."

I felt his hand pressed my hand a little bit.

"Please, I beg of you, Gallego."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Dos." Halos hangin kong sagot.

"Mas hindi ko alam ang magagawa ko kung iiwasan mo ako. So please..."

He closed his eyes, looking so desperate.

"...please," he asked as if his life depended on it.

"I'll be good, I promise." Dagdag niya.

Oh Dos, kung alam mo lang... ako ang hindi mabuti.

Nagkamali ako.

You're the one who needs protection—

— from me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top