Ikatatlumput-limang Tugtog
I am home
"Hmm, Clyde?"
"Yup?" Lingon niya sandali habang nag ma-maneho.
"Yung mga iniinom mong gamot? Para saan ang mga 'yon?"
Naalala ko, madalas ko na napapansin ang gamot na iniinom niya dahil halos araw-araw na kami mag kasama ngayon. Sometimes he'll pick me up from rehearsals, minsan naman pupuntahan niya lang ako sa bahay o hindi kaya tatawagan lang ako para lumabas.
We've grown comfortable with each other, at wala akong problema doon. Vocal naman siya na ayaw niya mag-isa at sa ngayon, siya lang talaga mag-isa dito sa Singapore. Naging malapit na rin siya sa mga kuya ko, tama nga ako na makakasundo niya sila. They all play basketball sometimes, o di kaya sumasama sila sa kanya sa pag work out.
Masaya ako sa kung anong meron kaming pagkakaibigan. I am at peace, hindi ko maalala ang huling beses na nag overthink ako, natuto ako maging spontaneous sa mga bagay, hinahayaan ko nalang lumipas ang mga araw ngayon.
He taught me... how to live in the moment.
To not be scared on what hides behind tomorrow.
But to be happy for today.
He laughs at the most silly things and is calm when there is a problem.
Kaya alam ko na matibay si Clyde. He grew up well. Na ma-manage niya ang emotions niya, kaya alam ko, kapag nalulungkot siya, malamang malalim ang dahilan.
Parang... mga bagay o taong mahalaga sa kanya lang naman ang kayang pa-lungkotin siya.
Pero sa mga ibang maliliit na bagay, he doesn't let it get to him, yun ang pinaka natutunan ko na rin sa kanya.
Pakiramdam ko mas naging mature ako.
"Oh... hmmm, napansin mo na pala? Did it scare you?"
Maagap akong umiling at ni-gilid ang sarili ko para mas maharap pa siya.
"Hindi, naalala ko lang, napansin ko kasi... at syempre—"
"Nag-alala ka?" Taas kilay niyang tanong.
"Oo naman," mahina pero seryoso kong tugon.
Ewan ko ba... nakaramdam ako ng kung ano sa tyan ko dahil sa tanong niya.
Parang nakarinig tuloy ako ng 'krukru... krukru...' sa paligid.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pag-tikhim niya. Binalingan ko siya ng tingin at kita ko ang pag-lobo ng pisngi niya.
Anong ginagawa niya?
Ginagawa lang 'yon ng mga bata, nakikita ko yun ginagawa ng mga pamangkin ko tuwing pinupuno nila ng tubig ang mga bibig nila.
"Ano ba 'yon, hindi mo ba pwede sabihin?" Muli kong tanong at hindi na naiwasan ang pag-aalala sa tinig ko.
I tried to hide it, pero mahirap talaga itago kapag totoo.
Nag-alala talaga ako nang mapansin ko na ang pag-inom niya ng gamot. Lalo na tuwing mag didinner na, panigurado ay iinom siya 'non. I drink vitamins and medicines especially if may lagnat ako pero siya... parang maintenance sa dalas kong napapansin 'yon.
"Hmm, 'wag ka na mag-alala, it's under control."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba kasi 'yon?" Kalmado pero mas desidido ang boses ko sa tanong na 'yon.
He slightly glanced at me and sighed before returning his eyes on the road.
"Sasabihin ko pero secret lang?" Mapagbiro niyang sabi.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Clyde." Pag banggit ko sa pangalan niya.
Nakakainis talaga siya pag ganito. I understand that there are things that we are not supposed to get serious about but... I am serious.
Bahagya siyang humalakhak at muli ako sandali binalingan ng tingin. Nang makita niyang masama pa rin ang tingin ko ay binalik niya ang mga mata niya sa daan at nanatiling nakangiti.
"Naalala mo ba noong naikwento ko sayo na na-akusahan ako na nang rape?" Kaswal niyang tanong.
Nahigit ko ng kaunti ang pag hinga ko at tumango nalamang.
Not knowing what to say...
"That time... I had sleepless nights... bumagsak ang immune system ko dahil napabayaan ko ang sarili ko. I was ashamed for my family. Hindi ko alam paano ko 'yon aayusin—"
"Clyde," pag pigil ko sa kanya.
Napalunok ako. Guilt rushed its way to me.
"Maraming salamat sa pag sagot ng tanong ko... pero... maiintindihan ko kung hindi ka komportable pag-usapan 'to. I am sorry for even forcing it out on you," sisising sisi kong pag hingi ng paumanhin.
Naramdaman ko yung konsensya ko. Bakit ko nga ba pinilit 'yon mula sa kanya. Knowing what he have been through, dapat alam kong may malalim na dahilan na marahil hindi niya kaya sabihin. I should have just casually asked, at kung ayaw sabihin, hinayaan ko nalang dapat.
Nasa huli talaga ang pag-sisisi.
Sinulyapan niya ako uli at mas nanglambot ang puso ko nang makita ang kalmado niyang ekspresyon. May kaunting ngiti pa ang naka silay sa labi niya.
"You have nothing to worry about, Z." Aniya.
He genuinely smiled at me.
Bumagsak ang puso ko dahil don. How can this man be so...
Precious.
"Kasi kung may tao man akong gustong pag sabihan nito,"
Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.
"Ikaw 'yon,"
At sa pag tigil 'non ay ang pag badyang pag bilis din ng takbo nito.
"Clyde..." tanging banggit ko sa pangalan niya.
Napansin kong nakatigil na ang sasakyan. Nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ko.
Lumagpas ang tingin niya sa akin at tinignan ang apartment ko.
"Okay lang ba kung dito muna tayo?"
Lumingon din ako sa apartment ko. "Ayaw mo tumuloy?"
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang umiling ng kaunti.
"Hindi na, hindi maganda tignan."
Napaawang ang labi ko sa tugon niya.
This man... has been through a lot. Normal lang marinig 'yon sa isang maginoong lalaki pero pag sa kanya nanggagaling... parang liliparin ako o hindi kaya makikiliti ang tyan ko.
His heart is so pure, bawat araw ata na ginawa ng Diyos, hindi ako mauubusan ng matutuklasan patungkol sa kanya at sa araw-araw na 'yon ay napapatanong ako kung totoo ba siya.
Sabi nila, if it's too good to be true, then maybe it isn't.
Pero pag dating sa kanya, hindi ata applicable 'yon.
He's too good to be true but he makes it seems like he's just showing the bare minimum.
"Okay," ngiting sagot ko.
From there, inayos niya ang upuan namin dalawa para mas maging komportable kami sa kina u-upo-an namin, nilabas niya ang chips niya sa likod na kinatawa namin dalawa dahil sa kabila ng bigat ng pag uusapan namin ay talagang nagawa niya pang mag alok ng pagkain.
Pinagbukas niya ako ng potato chips at pinauna niya rin akong kumuha don habang humihilig siya sa upuan niya.
"Noong mga panahon na 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw kong madungisan ang pangalan ng pamilya ko pero nagawa ko. Kahit alam kong inosente ako, hindi ko naman mapipilit dahil tulad ng sinabi ko, na-trauma ang biktima, I don't want to inflict pain on anybody."
Tumigil ako sa pagkain at inabot sa kanya 'yon pero umiling siya.
"Makita lang kita kumain, nabubusog na ako."
Kumunot ang noo ko at hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nawala lahat ng sinabi niya bago 'yon at nag-init ang tenga at pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Kita ko rin ang pamumula ng tenga niya kaya mas natawa ako.
I know he's just trying to lift up the mood.
"Alam mo, Clyde, ang corny-corny mo. Napaka bulok ng mga banat mo. That is so...highschool!"
"Pero natawa ka," he said as a-matter-of-fact.
I rolled my eyes and smiled. "Nakakatawa eh, nakakatawa ang ka-corny-han mo!"
Mas napangiti siya kung kaya napangiti rin ako lalo.
He looked at me comfortably again.
Nakakalilyo ang tingin niya, para bang hinehele ako nito. The night is cozy and calm, parang siya.
"Ang nasa isip ko 'non, wala naman matibay na ebidensya, hindi rin naman nila ako mapapakulong. Ang mahirap lang talaga, yung mga taong nasa paligid, yung mga taong naniniwala na kaya ko gawin 'yon. I had to shut down my social media dahil kahit hindi ako artista, public offical o icon, nakilala ako bilang rapist. Mula 'non, nahihirapan na ako matulog, nababagabag ako tuwing nakikita kong umiiyak ang mommy ko, tuwing naririnig ko na nagkaka-problema sa kompanya dahil sa bad publicity, tuwing dumadalaw ang mga pinsan ko dahil sa pag-aalala sa akin, at sa dahilan na hindi ko magawang ayusin ang sarili ko... not that quick, kaya... hindi ako lumalabas, ayaw ko may nakakasalamuha, kahit sa grocery pinag titinginan ako sa Pilipinas. Para bang takot sa akin ang mga tao,"
Tumigil siya at huminga ng malalim. Yumuko siya sandali na para bang nag-iisip kaya hinayaan ko na muna siya.
Hindi nag-tagal, nang makahuma siya, muli siya nag-angat ng tingin.
I saw glimmer in his eyes. Sinuntok ang puso ko nang makita ko iyon.
"I have a mother... and a sister, napakarami na nilang pinagdaanan. Ayaw kong madamay sila dito dahil alam naman natin mag-isip ang mga tao. Kaya ang ginawa ko 'non, nag nag kulong lang ako sa bahay, I never went out kahit sa mga parties lang ng pamilya namin, I distanced myself kasi ayaw ko makarinig ng kahit anong balita, but... it deteriorated my health. Kapag hinahayaan natin kainin tayo ng lungkot, pangamba at pag-iisa, maapektuhan nga talaga ang katawan natin— that I learned the hard way. Madalas non sumasakit ang ulo ko at kahit pakiramdam ko pagod ako hindi pa rin ako makatulog, which led me to... taking these medicines."
Hindi ko napansin na nangilid ang mga luha ko. Napansin ko lamang iyon nang abutin niya ang gilid ng kanang mata ko at marahang pinunasan ang nakatakas na isang butil ng luha.
I felt my heart got shattered into pieces.
He looks so peaceful in his grey sweatshirt and sweatpants yet... gustong gusto ko siya yakapin para matulungan siyang dalhin ang bigat na buhat-buhat niya.
Ayaw ko siya makitang malungkot, ayaw ko siya marinig na parang mag-isa siya.
"Bakit... bakit mo hinayaan na mag ka-ganito ang sarili mo?" Tanong ko na mas nag palabas pa ng mga luha ko.
Kita ko ang pagka-gulat niya. Mabilis siyang lumapit at inabot ang mukha ko. Siya ang nag punas ng mga luha ko habang ako nakatingin lang sa kanya. Sobra ang pag-aalala sa ekspresyon niya pero wala akong pakielam sa mga luha ko ngayon.
I want to know the reasons behind his actions, gusto ko maintindihan kung bakit kahit nasasaktan na siya, pinipilit niya pa rin unahin ang iba.
"Sh... sh... don't cry please," aniya habang patuloy na pinupunasan ang luha ko.
"Tell me, Clyde? Bakit? Mahal mo ba yung babae? Kilala mo ba yung nang rape?" Tuloy-tuloy kong tanong.
I felt my breathing got heavy with my questions.
Umiling siya at marahang hinaplos ang mukha ko para kumalma ako.
"No... paano mo nagagawang tanongin 'yan sa akin?" Tanong niya sa mapagsumamong boses.
Nabasag muli ang puso ko habang tinitignan siya na mas malakas pa sa akin. Ni hindi man siya nag pakita ng kahinaan o umiyak sa harapan ko. Habang ako parang mababaliw sa kakaisip sa lahat ng pinagdaanan niya.
Kasi naiintindihan ko.
Madaling sabihin na 'wag siya magpa-apekto sa sasabihin ng iba basta alam niya ang totoo pero sa mundo natin ngayon, mahirap mapigilan makapasok ang mga negatibong tingin ng mga tao sa paligid.
In a world full of judgmental people, who throw stones like they know everything and their version is the only truth...
Maraming Clyde sa mundo na pinipiling itago lahat ng sakit na nararamdaman, not to protect themselves but to prevent the people they dearly care about from seeing them broken.
"Gusto ko mas maintindihan, Clyde... gusto ko malaman... if I could only go back and see everything for myself, I would..." kapos na hangin kong sabi.
Natigilan siya sa sinabi ko. Ilang segundo kaming ga'non, nakatingin lamang sa isa't isa. Mabigat ang pag-hinga ko habang siya ay mataman lamang nakatingin sa akin.
Natatakot akong pumikit kahit sandali lang, I feel like I'll miss out something if I did.
"I decided to wait it out... dahil alam ko magiging maayos din ang lahat, eventually gagaling din ang biktima, lalabas din ang katotohanan, at pinanghahawakan ko... na ang bawat desisyon natin ay dadalhin tayo sa kung saan nga ba talaga tayo nakatadhana, at wala akong pinag sisisihan..."
Sa bawat pag bigkas niya sa mga katagang 'yon, parang hinahaplos niya ang puso ko para mapawi ang sakit, para kumalma ako, para hindi na ako umiyak...
"It led me here, Z." He whispered.
Mas lumapit pa siya at bahagya akong hinila para yakapin. Napapikit ako nang tumama ang katawan ko sa katawan niya. Pumalibot sa akin ang init niya at mas naging komportable ako, mas nabawasan ang pamimitik ng puso ko, at mas nawala ang tensyon sa akin.
I cried even more.
Mas tinago ko ang sarili ko sa kanya, siniksik ko ang katawan ko para itago ang iyak ko.
"Ayaw kita nakikita umiyak," mapanuyo niyang sabi habang hinahaplos ang likuran ko.
"Ayaw kita nakikitang nasasaktan," bulong ko.
Pinatong ko nalamang ang ulo ko sa kanyang balikat at niyakap siya pabalik.
"Susubukan ko," bulong niya. "Wag ka na umiyak ha?"
"Susubukan ko rin..."
Hinigpitan niya ang yakap niya na mas nagpakomportable sa akin.
'I am home,' hindi ako sigurado sa huling narinig ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top