Ikatatlumput-isang Tugtog

Two o'clock

Makikita ko kaya siya ulit dito? Ano kayang ginagawa niya rito? Nandito ba ang mga Montgomery? Bakit kaya ang sungit niya?

Nagalit kaya siya nang malaman niya na iniwan ko sa ere ang pinsan niya? Pero sana maintindihan niya yung ginawa ko.

Hmm... o sadyang, baka iritado lang talaga siya noong araw na 'yon? O baka iritado siya sa akin? Baka matagal na siyang iritado sa akin, hindi niya lang sinasabi? Baka pinakikisamahan niya lang ako noon dahil sa pinsan niya?

Kahit ba yung mga biglaang pag uusap namin noon? Ga'non lang talaga 'yon?

Parang lulubog ang puso ko sa naisip.

Sana naman hindi...

Napakakonti nalamang ng mga malalapit sa akin... at isa siya roon, kahit naman papaano, gusto ko siya maging parte ng bagong buhay ko.

Huminga akong malalim bago pumasok sa loob ng grocery kung saan ko noon nakita si Clyde.

Biyernes ulit ngayon, weekly grocery ko para sa amin nina Kuya. Exact time, two o'clock pm.

Hindi ko alam kung gugustuhin ko ba siyang makita ngayon. Parang dadagain yung puso ko. Parang ayaw ko dahil kinakabahan ako sa posibleng pakikitungo niya sa akin. Pero... masaya naman ako makakita ng pamilyar na mukha...

Naramdaman ko ang pag salubong ng malamig na hangin mula sa aircon ng grocery store. Kasabay 'non ang pagtambol ng puso ko sa kaba. Pumunta ako sa may cart section at mabilis na napalingon sa isang lalaki dahilan ng pagka bangga ko sa mga cart na nandoon.

Clyde?

Lumingon ang lalaki at nang makita ko ang kanyang mukha, dismayado kong binaba ang tingin sa cart na nasa harapan ko.

Hindi siya si Clyde.

Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad habang tulak-tulak ang cart na hawak ko.

Natigilan ako nang may makitang lalaki sa may gilid ng vegetables section, naka hoody ito na kulay itim at nakayuko. Napaayos ako ng tayo at muling tinignan ang lalaki.

Lalapit ba ako? Parang siya 'to... hmm... base sa porma? Pareho ng tangkad, kahit ang tindig... pero medyo moreno lamang 'to, may pagka mistiso ng kaunti si Clyde.

Lapitan ko ba? Mag hi lang? Mangamusta?

Kaya lang baka sungitan ako ulit? Baka samaan na naman ako ng tingin?

Humakbang ako para mas makalapit pa, pero nang maka-ilang hakbang na ako, umayos siya ng tayo at nag-angat ng tingin.

Nahulog ang puso ko at nakaramdam ako ng pagkalungkot.

Bumaba ang tingin ko sa hawak kong cart at dismayadong tinulak ito sa ibang direksyon.

Mali na naman ako...

Ano bang ginagawa ko? Bakit ko ba siya hinahanap? Hindi ba mas maganda na hindi ko na makita pa ang kahit sino sa kanila? Baka mas mabuti na hindi na siya maging parte ng bagong buhay ko? 

Sabagay... bagong buhay... bagong tao.

Pero wala akong naging kaibigan masyado... mga Montgomerys lang. At maliban kay Angelo, kay Clyde na ata pinaka-panatag ang puso ko.

Pero kung mag momove on ako... dapat ba mag move on din ako mula sa kanilang lahat?

Sa sandaling pananatili ko rito marami ako narealize. Isa na roon ang katotohanan na wala ako masyadong kaibigan. Umikot na ang mundo ko sa mga Montgomerys simula pa noong bata ako. Oo, nakakalabas ako kasama ang mga kaklase namin ni Angelo noon pero nasasabay lang iyon tuwing may group projects. Sa pag blog ko naman noon, mas madalas na mag isa lang ako at kung may mga kasama man ako, hindi ko rin naman masyado naisip na ibukas pa ang sarili ko.

But... I suddenly want to change that. Gusto ko gamitin ang panahon na 'to para gawin lahat ng gusto ko gawin.

Gusto ko makilala ang sarili ko. Gusto ko buksan ang sarili ko sa lahat ng posibilidad. Gusto ko malaman lahat ng tungkol sa akin. Ano ba nagpapagalit sa akin? Nagpapasaya? Paano ako sa ibang tao? Paano magkaron ng mga ibang kaibigan? Ano ang kwento ng bawat isa? What kind of friend I am? Will I be a good friend? Will I be able to advise well? O... ang pakiramdam na may matakbuhan kapag ako naman ang nangailangan.

Angelo was that for me. Pero... kung siya ang tinatakbuhan ko, saan ako tatakbo?

A face flashed from my memory— na mabilis ko binura.

Hay! Ano ba 'yan, Lia? Pati ba naman dito sa ibang bansa, hahabulin ako ng mga katanungang napakahirap sagutin?

Pero napangiti ako sa mga nakakatakot na gusto ko mangyari. Kasi... oo... nakakatakot sila, isa pa late bloomer ako. I am afraid it will be too late, pero... wala naman mawawala sa akin, might as well try and do it now.

Nagpatuloy nalamang ako sa ginagawa at pumunta sa meat section, nilibot ko ang lahat ng mga shelves dahil hindi lang naman ang sarili ko ang binibilhan ko ng supplies, pati na rin sina Kuya. Bumili ako ng mga razor, shampoo, soap, at kung ano-ano pa.

Hindi ko alam pero hinayaan ko lang ang sarili kong mamili, hindi ako nagmadali at hindi rin naman mabagal, tama lang ang pag lipas ng oras.

Nang madaan ako sa women section kung saan may mga ilang underwear para sa mga babae, natigilan ako nang may mapansing lalaki na nakahawak sa isang panty.

Nag kunot ang noo ko nang mapansin na nilapit pa ng lalaki ang mukha niya roon, sino ba 'yon? Inaamoy niya ba? Kumuha pa siya ng isa pang panty at tinabon ito sa mukha niya.

Hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang katawan ng lalaking 'yon. Hmm... may pagkakahawig ng kay Clyde, mistiso rin ito, naka hoody na puti at naka cotton shorts. Naka simpleng tsinelas lamang siya at natatabunan ang ulo sa dalawang panty na hawak.

Gusto ko isipin na si Clyde 'to pero lolokohin ko lang ang sarili ko. Marahil ay hindi na siya pupunta rito lalo na kung alam niya na dito ako nag gogrocery. Kung tama ang interpresyon ko sa inakto niya noong isang araw, isama pa ang mga masasama niyang tingin, talagang hindi na siya babalik pa dito.

Muli ko ng tinuon ang mga mata ko sa ibang racks ng underwear doon. Napagdesisyunan kong bumili ng ilang extra dahil hindi ako nakapag dala ng marami.

Bumili ako ng isang red underwear at anim na itim. Ang sabi swerte raw kapag nag suot ng kulay pula. Meron ako magiging audition next week, wala naman siguro mawawala kung mag susuot ako ng pula.

Nagpatuloy ako sa pamimili at napansin na halos pareho ang mga pinupuntahan namin ng lalaking 'yon. Pumunta ako sa mga bed sheets, pillow cases, necessities sa pag liligo at kung ano-ano pa. Kung anong kinukuha ko ay kinukuha niya rin, napaka weird nga pero baka pareho lang kami ng taste? Baka pareho kami ng mga gustong scent? 

Nang mapunta ako sa mga brassiere ay ga'non rin, mabilis siyang kumuha ng dalawa at tinabon 'yon sa mukha niya. 

Hmmm, maybe... he has the same heart as me? Pero wala naman masama roon. Nahihiya ba siya? Kaya niya ba tinatago ang mukha niya habang namimili?

Oh! Baka na coconscious siyang bumili habang kasabay ako? Hindi ko sadya! Naku! Baka mas lalo siya mahiya pag napansin niyang ilang beses akong tingin ng tingin sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at kumuha ng dalawang brassiere pangdagdag sa dala ko na mula sa Pilipinas. Agad kong tinulak ang cart at nagmadaling pumunta sa may cashier para makapagbayad. Iniwan ko na roon ang lalaki para mas makapag shopping siya ng matiwasay.

Inisa-isa ko ang mga pinamili at natanto kong medyo naparami pala ang nabili ko. Pero di bale, atleast hindi na muna ako babalik dito next week. Siguro naman ay aabot na 'to ng dalawang linggo. Mas mabuti na rin siguro na hindi muna ako bumalik dito.

Nang inaayos na sa box ang mga pinamili ko ay napabuntong hininga ako habang nililibot ang mga mata sa paligid.

Hmm, no Clyde. Wala talaga siya.

"Shall we help you bring these outside?" Tanong ng lalaking nag aayos ng mga pinamili ko sa box.

Ngumiti ako at tumango. "If it's not too much. Thank you." Tugon ko.

Kinuha ko ang wallet ko at akmang mag babayad na nang makita kong inaasikaso na ng babae sa chasier ang susunod na mag babayad.

"I haven't paid yet. How much?" Nakangiti kong tanong.

Binalingan niya ako ng tingin at sinuklian ako ng ngiti. "Oh! No! It has already been paid. Thank you!"

Nanlaki ang aking mga mata at umiling-iling. "I haven't paid yet. How is that possible?" Maagap kong sabi.

"A man said he will take care of it."

Man?

"Who?"

Kumabog ang puso ko pero nanatili ang mga mata ko sa babae.

"Right there—"

Parang naramdaman ko na may mainit na titig na nakatuon sa akin kung kaya't hinanap ko agad ang tinuturo ng babae.

Halos mahigit ko ang hininga ko nang makita ang taong sinasabi niya.

Parang naramdaman ko ang pag tayo ng puso ko sa pagkakadismaya at tumalon ito.

Lumamig din ang tyan ko sa kaba.

"Clyde..." bulong ko sa pangalan niya.

Pinagmasdan ko siya.

Ga'non din siya.

Nakatingin sa akin...

Wearing a white hoody, cotton shorts and a pair of navy blue slippers. Nakapamulsa siya at nakangiwi pa rin na nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti kahit na ga'non ang tingin niya sa akin.

Siya 'yon...

Ang lalaking kasabay ko mamili kanina...

Mas lalo akong napangiti sa naalala. From the underwear to brassiere...

Oh, Clyde.

May konklusyon na ako pero ayaw ko mag assume. 

Pero... nag tatago ba siya kanina mula sa akin kaya niya tinatabunan ang mukha niya ng bra at panty?

Nilagay muli sa cart ng lalaki ang mga boxes lulan ang mga pinamili ko at naunang mag lakad sa akin.

Sumunod ako ng mabagal habang ang mga mata ay na kay Clyde pa rin. Ewan ko ba mas nangingiti ako ngayon, lalo na tuwing nakikita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanya at pag napansin niyang nangingiti ako ay mag kukunot siya ng noo at ngingiwi lalo.

Pinauna ko ang lalaki at hinayaan ang sarili na parang nakalutang habang palapit kay Clyde na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa main door ng grocery store.

Nag-ingat ako sa paglalakad at baka madapa pa ako. Mas nakakahiya 'yon!

Tumigil ako sa harapan niya at pinanuod siya na tignan ako mula ulo hanggang paa. Suminghap siya at sandali nag iwas ng tingin bago binalik ang tingin sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan mapatingin sa sarili ko. I am wearing an extra large hoody and a fitted knee length black shorts together with a pair of black slippers.

Na-conscious tuloy ako...

My toes curled a little bit.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nadatnan siyang nakangiti sa akin pero mabilis niyang pinalitan ng ngiwi ang ngiti niya nang mag tama ang mga mata namin.

"Hmm" pauna ko.

"Salamat pero... babayaran ko 'yon sayo."

Umirap siya at mas ngumiwi kung posible pa ba 'yon.

Napaka-sungit! Ano bang problema niya?

Tumikhim siya at humalukipkip.

"You're doing grocery here every week?" Tanong niya.

Nikilabutan ako sa tinig niya. Napakalalim 'non at kung titignan ay parang demanding pero nandoon pa rin ang kalmado at magaan niyang boses mula noon pa man.

May tono siya na may pag iingat pa rin... 

Tulad noon, hanggang ngayon.

Tumango ako. Nag taas ang kilay niya at bahagya akong tinignan bago umirap muli.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng kaunti.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nagkatitigan lamang kami. Hindi ko mapigilan ang mapangiti paminsan-minsan, lalo na tuwing nagbabago ang reaksyon niya. Minsan ay aaliwalas ang mga mata niya at pag napansin niya na nakita ko 'yon ay ibabalik niya ang sama ng tingin niya.

"At two o'clock?" Tanong niya muli.

"Hmm... oo," tugon ko.

Alam niya?

Kaya niya ba tinatanong para hindi siya pupunta sa ga'non na oras? Baka napipilitan siya magpaka gentleman at bayaran ang mga pinamimili ko kaya umiiwas siya maliban sa pinsan niya si Angelo?

Pero hindi ko naman hiniling 'yon! Kaya ko bayaran ang mga iyon!

Nakaramdam ako ng hiya.

Nag iwas ako ng tingin.

Here I am... happy to see him... tapos—

"Okay. I'll do grocery here too."

Natigilan ako at muling bumalik ang tingin ko sa kanya. 

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumikhim muli. "Every week. On this day."

Nakatingin siya sa kaliwa habang nakangiwi pa rin at nakakunot ang noo.

Kumalabog ang puso ko.

"At two o'clock."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top