Ikatatlumput-apat na Tugtog
Araw-araw
"So..."
I saw him licked his lower lip and looked away.
Bahagya akong napangiti dahil doon. I smiled sheepishly, naiintindihan ko siya, sino nga ba naman ang hindi mahihiya? Ako mismo ay parang hindi mapakali ang pwet sa pagkakaupo.
Napaka-awkward ngayong oras na 'to.
"How are you doing so far?" basag niya sa katahimikan.
Nag-angat ako ng tingin mula sa Caramel Macchiato na inumin ko papunta sa Red Velvet Cake Cream flavored drink na iniinom niya hanggang sa mag tama ang aming mga paningin.
I saw genuineness in his eyes.
Bahagya akong ngumiti at napasandal sa kinauupo-an ko. Parang naging komportable ako bigla mula sa pagiging awkward namin kanina.
"I am doing... fine," huminga akong malalim, "much better now. Marami ako natututunan na hindi ko alam tungkol sa sarili ko noon. Parang re-invention?" May kahiyaan kong sagot.
Ito ang ka una-unahang pagkakataon na sumagot ako ng totoo patungkol sa kung kamusta na ba talaga ako ngayon. Kadalasan, ang sagot ko I am okay, o wala naman, ayos lang. It is such a relief to say what is really happening inside me. Kasi ga'non talaga yung nararamdaman ko, pakiramdam ko na re-invent ko ang sarili ko, marami akong bagay noon na hindi alam tungkol sa sarili ko kasi kahit ayaw ko aminin, umikot talaga ang mundo ko kay Angelo...
...but I am not blaming him, ako naman ang may kasalanan doon, hindi niya ako pinilit na mahalin siya o sundin ang mga gusto niya. It was me who wanted to enter his world... not knowing I was leaving mine.
Acceptance.
I must say, nandito na ako sa parte ng buhay ko na natanggap ko na lahat ng nangyari, na wala naman may kasalanan, sa tingin ko marami naman ang nakakaranas nito, na sa isang beses, magkakamali at magkakamali ka, pero walang dapat sisihin dahil tao lang naman tayong lahat.
Events that could break us happen to prepare us for something beautiful that will make us realize why we have to break first.
To realize that... is freeing.
"Really?" Sumandal din siya sa kanyang kina uupo-an, tinagilid niya bahagya ang kanyang ulo na bahagyang nagpangiti sa akin.
He is really paying attention.
"Anong mga nadiskubre mo?"
Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan 'yon- na may magiging interesado sa ga'non na bagay patungkol sa akin.
It is the first time someone actually wanted to know me.
Nasanay ako na ako yung nakikinig, at wala iyon sa akin dahil sabi nga... when we listen, we add something valuable to ourselves, when we share, we repeat only what we know. Pero, hindi ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng may makikinig naman sayo.
"Uhm..." now I am lost of words. "Well... marami."
Lia! Anong klaseng sagot 'yon! Ano nga daw, tapos marami?
Tumaas ang kanang sulok ng labi niya at bahagya siyang nangiti. "Yes... I know, marami, pero tulad ng ano?" He asked patiently.
I sighed and looked at my drink. Kinuha ko iyon at nilaro-laro sa pag ikot ng straw.
"Tulad ng... mas mahilig pala ako sa kape kaysa sa milktea." Napapikit ako dahil pakiramdam ko ang babaw-babaw ng binigay kong halimbawa.
Pero totoo naman kasi! I never thought I liked coffee so much, mas mahilig kasi si Angelo sa milktea kaya doon kami lagi tumatambay.
"I know about that already. What else?" Aniya sa tonong hindi ko akalain na maririnig ko.
Ang tono niya ay para bang hindi siya nabigla o hindi na bago sa kanya ang narinig niya. Tulad ng sinabi niya... parang alam na nga niya iyon.
"Hah?"
Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Alam mo na 'yon? Paano?"
His lips moved to smile again, at namula na naman ang tenga niya.
Kasabay 'non ang pag tugtog ng tugtugin na pumaibabaw sa buong coffee shop.
You say you love me
You say you care
And when you're with me
My future's there
"Napansin ko na 'yon noon pa. Tuwing kasama ka namin sa coffee o milktea shop, nauubos mo kapag kape, hindi tulad kapag milktea, halos nakakalahati mo lang."
My heart skipped a bit.
We get carried away in emotion
We get lost in each other's eyes
Oh...
Alam mo yung pakiramdam na unti-unti nilalatag ang isang malaking tela sa ibabaw ng damuhan? Malambot, payapa at masarap sa pakiramdam. Ga'non ang nararamdaman ko ngayon.
And we forget what we regret
As we cast our fears aside
Ngumiti nalamang ako at tumango-tango.
"Gusto ko kasi ang amoy ng kape, kapag naamoy ko ang kape, parang sa iba't ibang lugar ako napupunta. It gives comfort, tapos tahimik lang, mahihiya ka pa sa kape kung hindi mo nanamnamin."
He nodded. "Yup, just like you..." I heard him whisper.
Wherever you are
That's where I'll be
Wherever you are
That's where I'll be
Natigil ako sa pag-ikot ng straw pero mabilis ko rin nabawi iyon at inikot ito muli dahil pansin kong hindi niya iyon sadya na marinig ko.
Like you?
Amoy kape ako?
Is that good or bad? Brewed kaya?
"Hmm, what else?"
Bumalik ako sa realidad sa tanong niya. At mula roon, nag simula ang mahabang kwentuhan at usapin namin sa mga napansin ko, sa mga pagbabago, at sa kung ano-ano pang mga bagay.
Hindi ko na napansin na naging komportable na kaming dalawa. We ordered another drink, pero hindi na kape dahil baka mag palpitate ako, chocolate-y drink nalamang at ilang cookies at cupcakes pa.
Tawanan at kwentuhan lamang ang ginawa namin sa buong mag hapon. Naikwento ko rin sa kanya ang mga gigs na kabibilangan ko kasama ang 'Oceans Three', nag sisimulang grupo pa lang sila pero marami na ang nakakapansin lalo na at in na in sila sa mga Millenials. Higit sa looks na meron sila, oozing with talent din. Ang dami-dami kong natututunan sa kanila sa larangan ng musika.
Sa pag kwento ko, minsan nahihiya ako dahil baka nag o-overshare na ako, minsan sinisingit ko rin ang patungkol sa kanya dahil baka naiinip na siya sa pakikinig sa akin pero lagi siya nakakahanap ng pagkakataon na maibalik sa akin 'yon, at mukhang nag e-enjoy pa rin naman siya, parang natutuwa pa nga siya sa mga nadidiskubre niya at hindi ko siya nakitaan ng pagkabagot. Nakakahiya lang kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag niya, sabi niya... hindi oras ng trabaho, alam nila 'yon, sabay ngiti...
A smile that could divide mountains.
"Hahahahaha!" Literal na tawa niya habang nag ke-kwento ako tungkol sa mga kapatid ko.
"Paniguradong makakasundo mo sila kapag nakilala mo," komento ko habang natatawa rin.
Clyde is into technology based from what I know, kung kaya't sa security department siya na-assign ng pamilya niya. Para makatulong na mas pataasin pa ang seguridad ng mga transactions ng businesses nila.
While my brothers are into gadgets, new inventions and such.
Naikwento ko lahat ng kapilyuhan nila tungkol sa mga do-it-yourself inventions nila noon, lalo na tuwing ako ang napipili nilang pag diskitahan patungkol doon.
Lumipas pa ang isang oras at patuloy lamang kami sa tawanan at kwentuhan namin.
I can see the sun slowly hiding behind him. A mix of orange and pink... napaka-gandang alapaap.
Ito ang tanawin na gugustuhin mong makuhanan ng litrato at manatili sa isipan mo. A view that will make you smile and pick yourself up again.
Bahagya siyang nag niningning sa paningin ko dahil sa araw. Sa puti niyang suot... para siyang anghel.
"Really? Anong ginawa mo noong nadapa ka during university days? Nakita kita 'non, gusto kita tulungan pero tumayo ka mag-isa at pinunasan ang putik sa mukha mo bago tumakbo ulit!" Masayang pag bababalik tanaw niya habang tumatawa.
Mas napapangiti ako habang pinapanood siya. May nabasa ako noon tungkol dito, 'healthy laugh'? 'Yon ang meron siya, parang nakakabusog na tawa. Pansin ko rin na napapahawak siya sa noo niya tuwing natatawa siya, at pinipilig ang kanyang ulo paminsan minsan para mapigilan ang pag tawa niya.
Kaya tuloy natatawa rin ako.
Especially when he laughs heartedly.
Minsan nga parang nabibingi ako at tanging tawa niya lang ang maririnig ko. He's so light, kahit na napakabigat ng dinadala niya. He is just full of hope, dahil doon na e-engganyo tuloy akong mabuhay din ng ga'non.
"Akala ko nga madadapa ka ulit,"
Natawa ako at sinamaan siya ng tingin sa huli na mas lalong nagpatawa sa kanya.
"Pumunta ako ng banyo at mabilis na nag linis! 'E kasi naman, hindi ko alam pero may pagka-lampa ata talaga ako," busangot ko.
Natigilan siya na para bang nag-iisip. Hindi kalunan siya muli ay natawa at napatango-tango.
"Base on the countless times you tripped during grocery time, yes, sa tingin ko oo," aniya habang nag pipigil ng tawa pero nang makita niya ang ekspresyon ko na nanlalaki ang mata ay humagalpak na rin siya sa tawa.
Perfect teeth.
Kainis. Ang unfair naman.
"Ewan ko sayo, Clyde! Hindi ka man lang nag kunyari na hindi ka nag a-agree na lampa ako!" Kunyari ay inis kong bawal sa kanya.
Sa loob-loob ko ay natatawa nalang din ako.
"Atleast may sumasalo sayo," bawi niya.
Napabuga ako ng hangin. "Hah!" Naikot ko ang mga mata ko at muling natawa.
"Thank you sa pag salo ha!"
Tumango siya at nagkibit balikat. "Lagi kita sa-salo-hin," aniya at muling natawa nang makita ang sama ng tingin ko sa kanya.
It went like that... seamless...
Pakiramdam ko, paningip lang ang lahat. Hindi ko kasi inakala na makakatawa ako ulit ng ganto. Sa sobrang basag ko dati, akala ko magiging maayos ako, oo, pero hindi na magiging ganto kasaya, pero itong 'ngayon', pruweba na pwedeng pwede pa.
It is a proof that I can feel skyrocket happiness again.
Kasi ngayon, masayang masaya ako. Magaan, bagay na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit ano.
"So... you're gradually discovering yourself?"
Tumango ako at napabuntong hininga bago binaba ang kalahating cookie na kinagat ko.
"Oo, nag-eenjoy ako sa totoo lang, hindi ko inakalang ganito yung magiging pakiramdam. Parang... slowly I am gaining something I didn't know I lose? Nalalaman ko lahat ng mga bagay na tungkol sa akin na dapat alam ko naman noon pa. Even the way I dress... yung mga ga'non kaliit na detalye, natutuklasan ko pa lang. Even scents, mahilig pala ako sa floral scents..." napangiti ako habang inaalala lahat ng mga natuklasan ko noong mga nakaraang linggo.
"... sometimes, hindi kasi natin napapansin na nakakaligtaan natin ang sarili natin, especially if we're looking towards someone else. Sabi, hindi natin nakikita ang iba kapag sa iisang tao lang tayo nakatingin, pero mas masama ata ang hindi mo na rin nakikita ang sarili mo dahin doon." Dagdag ko.
"Which is hindi dapat," panimula niya.
He stared right back at me with soft eyes. Suddenly, the sweets I ate felt like crawling into my heart. Siguro kasi, nasisiyahan ako sa usapan namin. Nanglalambot ang puso ko dahil doon.
"Love should be inspiring, it should aid us in our growth, it should make us want to be a better version of ourselves, it should support our self discovery, and it should remind us for ourselves... not forget."
Bahagyang napaawang ang labi ko pero sa huli ay napatango ako. Alam kong hindi namin napapag-usapan ang tungkol kay Angelo o ano mang nangyari noon pero alam ko rin na kung may tao man nakakaalam ng kahit konti lang sa mga pinanggagalingan ko ay isa siya roon.
"Thank you, Clyde." Nagawa kong sabihin sa gitna ng pag-alon ng puso ko. "And sorry..." bulong nalamang.
"For what?"
"Puro ako nalang kasi ang pinag-uusapan natin. Hindi man natin nagawang pag-usapan ang patungkol sayo. I know you're going through something too, at isa pa alam kong abala ka rin sa mga gawain mo, pero tignan mo, ilang oras na tayo nag ke-kwentuhan, malala pa ay tungkol sa akin lang," tumingin ako sandali sa likuran niya. "Nakuha na nga mag tago ng araw."
Umiling siya ng kaunti.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Sa totoo lang, this talk is much more helpful, hindi mo alam gaano kagaan ang nararamdaman ko ngayon. Too light I wish it won't end."
Lumawak ang ngiti ko. "Kailangan pala palagi mo 'to gawin, yung makipag kwentuhan. Ang ganda nga talaga, ang ganda ng panahon, ng ambiance nitong lugar, masarap na meryenda, hindi masyado maraming tao at... magandang usapan." Saad ko habang lumilinga pa sa paligid para mas makita pa any tinutukoy ko.
Small wins we forget.
"Gusto ko..." bulong niya.
"Hah?"
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at kita ang mataman niyang tingin sa akin.
Suddenly, I felt intimidated by the way he looks at me.
The Montgomery in him is speaking...
"Gusto ko to araw-araw,"
"Hmmm... you should." Pagsang-ayon ko.
"Gusto ko to gawin araw-araw... kasama ka."
Should I?
Bakit parang... gusto ko tignan ang hinaharap na ginagawa nga 'to araw-araw?
"Pwede ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top